Tila

By anabananayeah

7K 294 7

[Belmonte Series #1] More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas

Kabanata 25

139 6 0
By anabananayeah







Dahil nakainom hindi na ako nahiya pa na sumabay sa mga pinsan kong nagsasayawan. Pumikit ako para mas lalong damhin ang sayang nadarama sa likod ng mga nangyari dati. I isolated myself from them, thinking that I shouldn't talk and hang out with them 'cause I know I don't belong. I crashed my high hopes of getting along with them when I found out the truth. I stepped aside the thought of having a new family because of being an illegitimate child.

I am glad I'm with them tonight, partying and enjoying each companies. I didn't think this would happen. Parang hinawakan ng mainit na kamay ang puso ko dahil sa pangalawang pagkakataon, natanggap nila ako.

Nakakaindak ang music na tumutugtog kaya naman patuloy pa rin ako sa pagsayaw. Naramdaman ko na may sumasayaw na rin sa likuran ko pero hindi ako huminto. Bagkus ay sinabayan ko siya sa kan'yang bawat galaw.





"I didn't know you can dance well..." Bulong sa akin ng nasa aking likuran. Nakadikit sa aking tainga nag kanyang bibig dahil ramdam ko ang kaniyang hininga.

I chuckled, "I'm a performer, it sucks if I don't know how to."





Napalitan ang music at tumugtog ang trending ngayon na music na mapapasayaw talaga ang kahit sino kapag ito'y napakinggan. Unti-unti kong naramdaman ang mga kamay niya sa aking baywang, para bang iginigiya niya ako sa isang sayaw na natutunan ko na noon pa.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Iginiling ko ang kanang baywang ko papunta sa kaliwa, ramdam ko ang pagsabay niya sa aking galaw. I smiled. Nagpatuloy kami sa ginagawa, mas lalo ko nga lang ibinaba ang pagkembot. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumayaw sa isang bar, marahil ay marami na nga akong nainom.





"Whooo!" Sigawan ng lahat.





Inilagay ko ang kamay ko sa batok ng lalaking nasa aking likuran at pababa akong gumiling. Naaalala ko noon, isa sa mga magandang alaala ko sa La Cresta, tinuruan ako ni Seis na sumayaw ng salsa. First time kong sumayaw noon at iyon ang ginagawa ko ngayon. Ginawa ko ang itinuro niya sa akin. Ang bawat sway ng baywang.





"Mas magaling ka na ngayon kaysa noon." Nang marinig ko iyon ay saktong humarap ako sa kaniya at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang leeg.

I stopped dancing when I saw his face. "S-Seis..."

"I missed you." Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at kung hindi lang nakapulupot ang mga kamay niya sa aking baywang ay natumba na ako sa dance floor. Hindi ako makapagsalita at para akong naputulan nang dila.





Hindi ako makagalaw, hindi ko din maialis sa kaniya ang aking mga titig. Ngayon ko lang siya natingnan ng malapitan. Mapupungay ang mga mata niya na may mahabang pilik-mata, ang kilay niya ay mas makapal pa sa akin. Ang ilong niyang matangos at ang kutis niya na aking nagustuhan sa lahat. Kayumanggi. Nawala ang tingin ko at naituon ito sa kanyang labi.





"You left me. Twice." May diin niyang sabi. Napaangat ako ng tingin sa kaniyang mga mata. "You left me twice, Rence."

Nangapa ako ng mga sasabihin ko, "W-What are you t-talking about?"

"Oh you know what I'm talking about." Hinigpitan niya ang pag-akap sa aking mga baywang kaya mas napalapit ako sa kaniya. Ang dalawang kamay ko ngayon ay nasa kaniyang dibdib.

"Hindi k-ko alam, S-Seis." Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya, "Makikita tayo ng g-girlfriend m-mo."

"What?" Naalala ko ang usapan noong dalawang babae sa restroom kanina. Naiisip na nilang magpakasal. I can't be the reason why they're gonna break up! Pilit kong inaalis ang kamay niya ngunit mas lalo niya lang akong kinukulong sa kanyang mga bisig.

"S-Seis, this is not right! This is your g-girlfriend's party! H-Hindi dapat ganito!" Nang marealized kong hindi niya ako papakawalan ay tumigil na ako. "Ayokong maging third party, Seis."

Kumunot ang noo niya, nagtataka sa sinabi ko. Bakit siya magtataka? "What are you talking about, Rence? What do you mean third party?"

"Can't you see? I cannot be the reason why you two will break up! Ian's a good woman. She deserves everything in this world. She doesn't deserve a boyfriend like you!" Hindi ko na napigilan. Sa likod ng maingay ng musika ay tila wala akong narinig. Tanging mabilis lang na tibok ng aking puso.

"Rence, hindi kami." Ako naman ang napakunot ang noo. Mali ba ang rinig ko o masyado na akong maraming nainom? "Hindi ko girlfriend si Ian. She's just a friend."

"Hindi mo ako maloloko."

"It's true. Ask your cousins about it. She's just a friend. Whatever you saw is not true. I can't believe you ended up thinking that we have a relationship!" Patawa na sana siya nang hampasin ko ang dibdib niya kaya hindi natuloy.

"Let go of me." Mabilis akong nakawala sa kaniya at lumabas ng bar. "S-hit!" Kung minamalas ka nga naman, naiwan ko sa table namin ang purse ko.

"Rence! Wait!" Habol sa akin ni Seis. Nakuha niya ang pulsuhan ko at iniharap ako sa kaniya. There's a ghost of smile in his lips. "Ian's not my girl, okay? She's got a boyfriend and he will be proposing later."

"Huh?" Puzzled.

"Ang sabi ko may boyfriend si Ian at magpo-propose ang boyfriend niya mamaya." I can't believe this! "Kung ayaw mong maniwala, bumalik tayo doon sa loob at makikita mo. Halika na."





Marahan niya akong iginiya pabalik at papasok ng bar. Kami lang dalawa ang nasa table. Wala pa ang mga pinsan ko. Hindi kami nag-uusap. Ano namang sasabihin ko diba? Saka may kasalanan ako sa kaniya. Inakusahan ko siya na niloloko niya si Ian eh hindi naman niya pala girlfriend iyon. Eh anong ibig sabihin nung nakita ko kanina? Iyong pagyakap niya kay Ian sa bar counter?





"You look gorgeous tonight." Rinig kong sabi niya, hindi ako gumalaw o lumingon sa kaniya. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin at kung tingnan ko man siya baka kainin lang ako ng lupa dahil sa hiya.

Itinuon ko na lang ang atensyon sa paginom ng natira kong inumin. Nagtaas ako ng kamay at may lumapit naman agad na waiter, "One dos aquis please?"

"Yes Ma'am." Sabi ng lalaking waiter.

"You drink too much, Rence." Kumento niya, hindi ko ulit pinansin. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa pwesto saka naupo sa tabi ko. "Please talk to me."

"W-Wala naman akong sasabihin sa'yo..." It's true. Wala akong sasabihin sa kaniya dahil wala akong masabi! Nahihiya ako!

"You don't miss me..." hindi iyon tanong. Napatingin ako sa mga daliri kong pinaglalaruan ang lock ng purse ko. "If the thought of Ian and I having a relationship still bugs you, then you should stop thinking about it. She's not my girlfriend and I don't have a girlfriend. We can ask her if you want."

"Hindi na k-kailangan." He sighed. Nasandal siya at hindi na nagsalita hanggang sa dumating ang order ko. Ininom ko iyon at agad naman akong nagsisi.





Hindi ko alam kung dahil ba sa alak na in-order ko kaya ako nahilo o dahil masyado na akong maraming nainom. Lahat ay naghiyawan dahil nagsalita ang Dj sa harap. Tumigil na rin pala ang tugtog na nakakaindak at napalitan iyon ng birthday song.

Hindi na ako makatayo kaya naman nakaupo akong sumasabay sa kanta. Tanaw ko si Ian na nasa harap ng isang cake na may kandila. Nag-wish muna siya bago ihipan ang kandila saka muling naghiyawan. Lahat ay natigil muli nang tumugtog ang isang sweet na kanta.





"Oh my God!"

"Calton! Pare!"

"Bakit ngayon ka lang?"





Ibinigay ng Dj ang mic sa isang lalaking may hawak ng bouquet. I saw him earlier! Siya iyong kasama nila Aura at Cza nang bumalik sila sa table namin. Laman noon ang mga puting rosas. Napangiti ako dahil sa galak. Nakakatuwa kapag may nakikita kang ganito, pinapakita lang nila na masarap magmahal. Hindi lang ata para sa akin ang ganoon.





"Hi princess, happy birthday to you." Natawa ang lalaki na para bang kinakabahan, "I just wanted to say how grateful I am to be your boyfriend. Thank you for being there when I had no one beside me, for taking care of me, for understanding my bad attitudes and for loving me wholeheartedly."

Ibinigay niya ang bouquet kay Ian na malugod naman nitong tinanggap, "You've been there when I had nothing. You're there with me while I'm dreaming, now my dreams came true and it is because of you. I have anything in this world except this one gem. And that gem is you. You are my precious gem and I want you to be mine... forever. Please be my wife, Ian."





Maingay ang buong bar nang lumuhod ito sa harap ni Ian. Hawak-hawak niya ang isang maliit na box na may lamang singsing na kumikinang. Umiiyak si Ian habang nakatakip sa mukha at nang tanggalin niya ito ay sunod-sunod ang tango niya bilang sagot.

Nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat dahil sa proposal na naganap. Everyone is happy for Ian. It was a double celebration. Mas lalong naging wild ang mga tao. Bumabaha ng mga inumin sa kani-kanilang tables. Bumalik na din sina Isobelle, Aura, Cza, Nap at Raz.





"Kailan ka magpapakasal, Cza?" Tanong ni Aura nang makaupo sa tabi ni Isobelle.

"Nako, I don't think I can marry someone!" Tumatawang sabi ni Cza, sinamaan siya ng tingin ng boyfriend niyang si Raz.

"Oh, Seis! You're here!" Bati ni Nap sa katabi kong si Seis, ngayon ay pansin na din siya ng iba kong pinsan.

"When did you get here? I thought you'd ditch Ian's party?" Si Aura na ngayon ay umiinom na.

"Bakit ko naman gagawin iyon? It's her birthday besides hindi ko pwedeng iwan si Calton." Sagot naman ng katabi ko.

"Akala ko talaga ay ikaw ang boyfriend ni Ian! Hindi ko alam na may namamagitan pala sa kanila ni Calton dati pa." Kumento naman ni Isobelle.

"Oo nga eh! Akala ko siya ang magpopropose kay Ian gawa nagpatulong sa atin humanap ng singsing!" Si Cza naman.

"Magpo-propose ako pero hindi kay Ian." My cousins shouted with what he said.

"Kanino? Wala ka namang girlfriend," ani Raz.

"Hindi kasi ako pinapansin eh." Hindi ko alam kung nagpaparinig ba si Seis sa akin o ano. Inubos ko ang inumin ko at hindi na lang pinansin ang sinabi niya.

"Oh my God!" Sigaw ng mga babae na galing sa entrance ng bar.





Agad na may lumapit sa amin at sinabing si Loqui ang nakikipag-away sa labas. Nagmamadali kaming lumabas ng bar at naabutang nakapaibabaw ang isang lalaki kay Loqui. Dinaluhan agad ni Raz, Nap at Seis si Loqui at inialis ang lalaking nasa ibabaw nito.





"T-angina mo, Farmoso! Hindi ka na mahal ni Lili! Kaya pwede ba? Tumigil ka na!" Sigaw nang lalaki. Inalalayan namin si Loqui tumayo, masama ang tingin na ipinukol niya sa lalaking nagsalita. Nilapitan ni Cza ang Kuya niya.

"Do you really think she loves you? She's just toying you just like what she did to me." Mariing sagot ni Loqui. Duguan ang dulo ng kilay at labi niya.

"Tumigil na kayo. Hindi na kayo nahiya kay Ian." Seis exclaimed.





Natapos ang komusyon at pinasok muli namin si Loqui sa loob ng bar. Binigyan naman kami ng first aid kit ng waiter, kasalukuyang ginagamot ni Cza ang kapatid. Tahimik lang si Loqui at pilit na iniinda ang sakit na dulot ng alcohol.

Napasandal ako sa couch dahil nararamdaman ko na ang sobrang pagkahilo. Humikab rin ako dahil sa antok. I need to go home.


"Rence? Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?" Rinig kong tanong ni Seis. Mariin akong pumikit.

"Y-Yeah, I think I'm d-drunk.." pilit kong sabi.

"I'll drive you. Let's go." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

Dumilat ako at inalis ang pagkakahawak niya, "I-I can manage myself. Thanks."


Mas lalo akong nahilo dahil biglaan ang pagtayo ko. Pagtapos noon ay naging itim na ang paligid ko.

-
A/N: Hi guys, sorry kung ang tagal kong i-post 'tong update. Wala kasi akong laptop na magamit at busy din ako sa school. Bear with me guys!

Thanks for reading my stories!❤️

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
39.1K 1K 35
Eto ang story na Tongkol sa isang GAY. Na. Gusto ng Magulang na magka-APO, Sa kakaisa nilang anak na Lalake. Yon nga lang isang bakla ang anak nila? ...
5.6K 306 38
Mikko is a teacher who is really passionate to his work. He is very close to his students and a very cheerful teacher. Then he met Faith who wants to...