Kabanata 10

168 7 0
                                    


Tumutugtog ang isang hindi pamilyar na kanta sa speaker nang makarating kami sa garden, naabutan naming nagkakasiyahan sina Kuya Rio at si Marcel. Sumasayaw sila at nagchicheer sa kanila ang iba naming pinsan. 


"Oh dios mio!" Tumakbo agad si Jako para sumabay sa sayaw ng dalawa. Natawa ako dahil ang tigas ng katawan niya. 


Tinabihan ko si Eon na nanonood din sa mga pinsan. Halata sa mata niya ang saya kahit na nanonood lang siya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakitang hawak niya.


"Eon! Kailan ka pa natutong uminom?" Pilit kong kinuha sa kanya ang bote ng alak pero hindi ko abot dahil mahaba ang galamay niya.

"Ate naman, ngayon lang 'to." Umiling ako.

"Bata ka pa, Elonzo! Pwede ba ibigay mo sa akin iyan!" Tumayo siya at lumipat ng upuan, tumabi siya kay Loqui. 

Nag-fist bump pa ang dalawa!

"Ate Rence, let him drink." Sabi ni Ivanka.

Tumayo ako para puntahan si Eon at kunin muli ang alak. "Wala pa siyang eighteen."

"Let him loose. He's not a kid anymore. Huwag kang killjoy." Hindi na ako nakapalag pa dahil si Loqui na ang nagsalita. Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin. Kumuha pa siya ng isang bote ng alak at ibinigay  sa akin. "Drink. Enjoy, Rence." 


Naghiyawan kami dahil dumating na si Isobelle kasama ang ibang kasambahay na may dala-dalang tray at iba pang pagkain. 

Sa pagkakataong iyon ay nakilala ko na ang iba kong pinsan. Pinilit kong kabisaduhin ang mga pangalan nila kahit minsan ay nakakalito. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong garden. Marami akong nalaman tungkol sa kanila na mas nagpakomportable sa akin. 

Naupo kami sa carpet na inilatag sa damuhan, sa gitna namin ay mahabang lamesa na katamtaman lang ang height. Lahat ng nalutong pagkain ay naroon. 


"Madi, go to your room. It's past ten in the evening." Si Loqui sa kapatid niyang bunso, nakikisaya din kasi ito sa amin. 

"Ayoko nga Kuya, dito lang ako." 

"Madi, you're too young to be here." Si Kuya Rio, "See? Lahat kami dito adults na. If you want barbecue, you can take some." 

"Talaga Kuya?" Nangiti ako dahil sa ganda ng ngiti niya, "Alright. I'll bring some to my room. Don't tell Mommy that I sneak in some food ha?" 


Kumuha ng tatlong sticks si Madi at tumakbo papasok sa loob ng Mansyon. Ang Mommy pala nina Loqui, Marcel at Madi ay iyong huling umalis, iyong maganda ngunit halatang masungit. That's Tita Isah. Ang unica hija ng pamilya. 


"Sino pala iyong tatlong babaeng umalis? Iyong mas nauna pa kay Tita Isah," Isobelle looked at me and then Kuya Rio.

"The first one is Hermi, the second one is Hell and their Mom, Tita Hellen." Sagot ni Marcel sa akin. 

"We're sorry about that, Rence and Eon. May temper lang talaga sila." Si Isobelle, piniga niya ang kamay ko.

Ngumiti ako at umiling, "Wala iyon. Ayos lang." 


Hindi ko na alam kung nakakailan na ako ng bote ng alak. Hindi naman ako tinatamaan. Ang galing nga eh. Ngayon lang ako hindi nalasing agad, kadalasan kasi kapag sinasama ako nina Saiya at Gary sa mga inuman ay ako agad ang unang nalalasing. 

TilaWhere stories live. Discover now