Kabanata 1

427 11 0
                                    


Sabay kaming pumasok na tatlo. Saiya is busy thinking about her lovelife, while Gary and I are busy talking about the booths. Magkaiba kami ng organization na sinalihan ni Gary, siya sa Math Club at ako sa ABComm Org. Mabuti sila at maraming members gawa ng maraming Engineering students who excels in Mathematics. Samantalang  sa amin ay kakaunti. 

"Baka naman kasi hindi magaling ang President ng organization niyo kaya ganyan? Hindi marunong manghikayat," umiling ako. 

"Magaling naman sila, wala lang talagang gustong sumali dahil maliit lang ang community namin." 

Sa sampung graduate o gagraduate kasi ng senior high school, dalawa lang ang gustong kumuha ng kursong AB Communication. Kadalasan kaya ito ang kinukuha ay dahil sa kagustuhang maging Broadcaster o 'di kaya'y maging Dj sa radio. Sa panahon ngayon, kakaunti na lang ang gustong maging Broadcaster kaya maliit lang ang community namin, unlike sa ibang courses na sobrang dami ng kumukha.

"Oo nga pala 'no," aniya. 

"Ay alam ko na!" Sigaw ni Gary, malaki ang ngiti niya na para bang may naiisip na kung ano sa utak niya. 

Binulong niya sa akin ang plano niya. Iyon na lang daw ang huli kong pag-asa para magkaroon kami ng members ngayon Students Social Week at hindi maalis ang organization namin sa University. 

"Hindi magandang ideya, Gary!" Singhal ko.

Tumawa siya at pumameywang, "That is a brilliant idea, Rence. Kapag ginawa niyo iyon, for sure maraming sasali sa inyo. Anyway, choice mo naman iyan kung gagawin mo o hindi. Ikaw din.."

Hinding-hindi talaga sumagi sa isip ko iyong suhestiyon ni Gary. Ang baklang iyon talaga. 

Nagkahiwalay kaming dalawa nang malapit na  kami sa quadrangle, sa left side lang kasi nito ang building nila samantalang sa amin ay sa dulo pa. I need to pass the quadrangle, gymnasium and field first. Sana man lang ay nilagyan nila ng mini-jeep dito sa campus dahil nakakapagod kung lalakarin mo mula gate hanggang dulo. 

"Watch out!" Sigaw ng isang player na nagpapractice sa field. Akala ko ay matatamaan na ako ng bola pero hindi pala. 

"Ahh!" Sigawan noong mga babaeng nakatambay sa benches dahil nanonood sa mga gwapong varsity players. Hindi naman sila natamaan pero kung makasigaw. "Sorry girls," sabi pa noong lalaki. 

Limang araw na ang nakakalipas simula noong pasukan, ang iba sa Professors namin ay wala pa. Napakasipag nga naman. Naupo ako sa usual seat ko sa room, sa unahan. I checked my phone if there are some messages from my brother but there's none. Sure naman akong nabasa niya iyong message ko. Wala lang sigurong time para mag-reply. 

"Good afternoon," dire-diretsong sabi ng Professor na pumasok. 

"Good afternoon." Bati namin pabalik.

Nakinig lang ako the whole time sa mga dinidiscuss niya. Matapos ang mahaba-habang usapin ay nagtawag siya para sa attendance. 

"Belmonte, Maria Emirenciana." 

"Present, Sir." 

"Oh, Belmonte. Are you related with Inario Belmonte?" 

Kumunot ang noo ko. "Hindi po." 

Sa unang taon ko sa university na ito, lagi akong tinatanong kung ano ko ang mga Belmonte. Oo, apelyido ko iyon pero hindi ko sila kilala. Hindi naman ako anak mayaman katulad ng mga tinatanong nila sa akin kung pinsan ko ba o kapatid. 

Saktong pagtapos ng klase ay tumunog ang cellphone ko, it was Tita Ruby.

"Oh Tita?" Sagot ko sa tawag.

TilaWhere stories live. Discover now