Legend of Divine God [Vol 4:...

By GinoongOso

705K 49K 7.2K

June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY -- More

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXVII

10.4K 754 101
By GinoongOso

Chapter XXVII: Kiden's Hatred

Dumating na si Finn Doria sa Heavenly Sky City. Masyado siyang mabilis para sa isang ordinaryong 2nd Level Sky Rank. Gayunpaman, hindi siya ordinaryong 2nd Level Sky Rank lamang dahil kaya niyang makipagsabayan sa mga karaniwang 6th Level Sky Rank Adventurer, mayroon pang posibilidad na mahigitan niya ang mga ito dahil sa suot niyang pares ng sapatos.

Syempre ang sapatos na ito ay hindi ordinaryo, isa itong Low-tier Epic Armament.

[Leather Haste Boots
Effect: Increase the bearer's speed by injecting soulforce
Armament Grade: Epic
Quality: Low-tier
Upgrade: 50 soulforce]

Ang pares ng balat na sapatos na suot ni Finn Doria ay hindi nakaaapekto sa kaniyang depensa at opensa. Pero, malaki naman ang epekto nito sa kaniyang bilis.

Maihahalintulad ang sapatos na ito sa Concealing Ring na datinh suot-suot ni Finn Doria. May kakayahan ang Concealing Ring na itago at palitan ang kaniyang aura habang ang Leather Haste Boots naman ay kaya siyang pabilisin.

Sa tulong ng pares ng sapatos na ito, ang kaniyang bilis ay maikukumpara na sa isang 7th Level Sky Rank.

Dahil sa ganitong epekto ng mga Armaments, malaki ang pagpapahalaga ng mga Adventurers dito. Kayang gawing malakas ng mga armament na ito ang isang ordinaryong adventurer.

Syempre, hindi lang ito ang suot na armament ni Finn Doria. Bukod sa uniporme ng Azure Wood Family, lahat ng kaniyang kasuotan ay Low-tier Epic Armament. Mula pang-ilalim na damit na kayang bumuo ng harang, pantalon na kayang dumepensa sa mga malalakas na atake, pares ng guwantes na kayang palakasin ang kaniyang mga suntok at atake at higit sa lahat, ang kwintas na kaya siyang bigyan ng soulforce sa oras na siya ay maubusan.

Tinatawag na Soul Necklace ang kwintas na ito. Sa bundok ng kaniyang kayamanan, nag-iisa lamang ang ganitong klase ng Armament. Sa totoo nga niyan, noong nakita niya ito noong isang araw sa kaniyang Myriad World Mirror, at noong malaman niya ang kakayahan nito, agad niya itong itinago sa kaniyang interspatial ring dahil sa takot na baka agawin sa kaniya ito ni Munting Black.

Kung wala ang Soul Necklace na ito, hindi siya magsusuot ng maraming Epic Armament. Matakaw sa enerhiya ang mga armament, at kung gagamitin niya ito ng sabay-sabay, siguradong maiiga ang kaniyang enerhiya na maaaring maging dahilan ng kaniyang kamatayan. Gayunpaman, dahil kaya siyang supplyan ng Soul Necklace ng maraming enerhiya, hindi niya na kailangang mag-alala pa.

Dahil sa mga suot niyang armaments, hindi na natatakot si Finn Doria sa isang 7th Level Sky Rank Adventurer. Kaya niyang labanan ang isang 7th Level Sky Rank ng sabayan dahil ang kabuuang lakas niya ay maikukumpara na sa antas na ito.

Gusto pa sana ni Finn Doria na suriin ang bawat kayamanan sa kaniyang Myriad World Mirror pero dahil sa sobrang dami nito at dahil wala siyang oras, ipinagpaliban niya muna ito sa ngayon. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagprotekta at pagpapanatili ng kaligtasan ng teritoryo ng Azure Wood Family. Abala rin siya sa pagsasanay at pag-eensayo ng kaniyang mga abilidad, gusto niyang ma-perpekto ang lahat ng abilidad na kaya niyang gamitin sa ngayon.

Kahit na makatutulong sa kaniya kung sakaling makakita siya ng totoong kayamanan sa Myriad World Mirror, maaari niya lang itong ipagpaliban dahil hindi niya pwedeng sayangin ang kahit isang oras niya.

Pagkatapos ng lahat ng kalamidad at banta sa Azure Wood Family, ipinangako ni Finn Doria na lilibutin at susuriin niya ang mga kagamitan at kayamanan na makatutulong sa kaniya at sa kaniyang angkan. Mayroon ng kagamitan ang nasa kaniyang isipan, pero sa sandali niyang paghahanap, hindi niya pa rin ito nakikita.

Sa kasalukuyan, si Finn Doria ay nasa harap ng tarangkahan ng Sacred Dragon Institute. Mayroong dalawang gwardya ang nagbabantay sa tarangkahan, at ang lakas ng dalawang ito ay hindi kaagaw-agaw pansin.

"Bakit hindi ko maramdaman ang presensya ni Institution Master Kiden? Ang pinaka malakas lang sa buong Sacred Dragon Institute ay ang dating 3rd Level Profound Rank..." mahinang sambit ni Finn Doria habang nakatingin sa tarangkahan.

Nang makita ng dalawang gwardya na mayroong binatilyo ang biglang lumitaw sa harap ng tarangkahan, agad silang naging handa at alerto. Tatanungin na sana nila si Finn Doria pero nang mapansin nilang pamilyar ito, agad silang natigilan at napaisip.

Ang imahe ng mukha ni Finn Doria ay nagkalat na sa buong Sacred Dragon Kingdom. Napakarami ng balita at magagandang kwento ang kumakalat tungkol kay Finn Doria kaya naman halos lahat ay kilala na kung sino si Finn Doria, at ang dalawang gwardya na ito ay dalawa lamang sa milyon-milyong nakakikilala sa binatilyo.

Si Finn Doria ang pinaka batang Adventurer, sa buong kasaysayan ng Sacred Dragon Kingdom na nakatapak sa ranggo na Sky Rank. Sa edad niyang labing walo, kaya na niyang makipagsabayan sa isa sa pitong Faction Master.

Ilang sandali pa, nakaramdam ng mahinang hangin ang dalawang gwardya. Dahil mahina, hindi nila ga'nong binigyang pansin ng dalawang gwardya ito. Nanatili silang tahimik habang iniisip kung sino ang binatilyong lumitaw sa kanilang harapan.

Nang maalala na nila kung sino ang binatilyo, nagkatinginan sila. Magbibigay pugay at sasaludo sana sila kay Finn Doria bilang tanda ng respeto. Gayunpaman, napagtanto ng dalawa na wala na si Finn Doria sa kanina nitong kinatatayuan. Nakaramdam nang matinding pagsisisi ang dalawang gwardya dahil hindi man lamang nila nagawang makausap ang isa sa kanilang pinaka iniidolo.

Hindi nila alam kung saan nagpunta si Finn Doria. Ang hindi nila napansin, kanina pa nakapasok si Finn Doria sa loob ng Sacred Dragon Institute. Hindi ito napansin ng dalawa dahil hindi naman nila nararamdaman ang aura at presensya ni Finn Doria.

Nang makapasok na si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, agad niyang hinanap ang Adventurer na nagmamay-ari ng aurang 3rd Level Profound Rank. Dahil malakas at matalas ang pandama ni Finn Doria, agad niya itong natagpuan. Ang adventurer na kaniyang hinahanap ay nasa loob ng Contribution Hall, ang gusali kung saan nalaman ni Finn Doria na isang malakas na Adventurer si Kiden Sylveria.

Sa loob ng gusali, taimtim na nakatayo si Grand Elder Isaac sa harap ng bintana. Pinagmamasdan niya ang maitim na ulap sa kalangitan. Paulit-ulit siyang umiiling at bumubuntong-hininga na para bang mayroon siyang naalala.

"Institution Master Kiden... Maaaring naging malupit sa'yo ang tadhana... Gayunpaman, kailangan mo ba talagang gawin ito?" buntong-hiningang sambit ni Grand Elder Isaac.

Tok! Tok! Tok!

Nanatili namang walang kibo si Grand Elder Isaac. Nakatingin pa rin siya sa kalangitan at tila ba wala pa rin siya sa kaniyang sarili. Hindi niya pinansin ang pagkatok sa pinto, wala siyang oras para tumanggap ng bisita kaya naman wala siyang balak na makipagkita sa kahit na sinong Elder o Guro ng Sacred Dragon Institute sa ngayon.

Creaaaak!

Nang marinig ni Grand Elder Isaac ang pagbubukas ng pinto, nakaramdam siya ng galit. Sa ngayon, dahil umalis si Kiden Sylveria at walang kasiguraduhan kung babalik pa ito, siya muna ang may pinaka mataas na posisyon sa buong Sacred Dragon Institute.

Hindi niya binigyan nang pahintulot ang kumakatok na pumasok, alam naman ng bawat Elder at Guro na hindi sila maaaring basta-basta na lang pumasok sa bawat gusali nang walang pahintulot nang nagbabantay rito. Ang pagpasok sa Contribution Hall nang walang pahintulot ni Grand Elder Isaac ay isang kawalan ng respeto.

Pagagalitan at parurusahan na sana ni Grand Elder Isaac ang pumasok sa Contribution Hall pero nang makita niya ang pigura ng binatilyo na nakatayo sa kaniyang harapan, napaatras at nagulat siya ng sobra.

"Ikaw... Ikaw ang dating estudyante ng institusyong ito! Ang estudyanteng nagtago sa totoo niyang antas ng lakas, ang kasalukuyang pinakasikat na binatilyo sa buong Sacred Dragon Kingdom!"

Ngumiti si Finn Doria. Ito ang unang beses na nakita niya ang matandang ito. Hindi niya ito kailan man nakita noong nasa Sacred Dragon Institute pa siya dahil kailan man ay hindi niya naman ito hinanap.

Ngayong nakita niya na ang matandang ito, nasisiguro niya na mataas ang katayuan nito sa buong Sacred Dragon Institute.

"Masyadong mataas ang tingin niyo sa akin. Isa lang akong miyembro ng Azure Wood Family, ako si Finn Doria." Sabi ni Finn Doria. "Paumanhin kung pumasok ako nang walang pahintulot, nagmamadali ako ngayon kaya naman hindi ko na nahintay ang pahintulot niyo..."

Ang paghingi ng paumanhin ni Finn Doria ay mababakasan ng sinsiredad. Medyo nahiya naman si Grand Elder Isaac, agad niya itong nilapitan at bahagyang yumuko.

Nabigla si Finn Doria, agad niyang iwinagay-way ang kaniyang dalawang kamay.

"Tanggapin mo ang pagsaludo kong ito, Finn Doria." Sabi ni Finn Doria nang makatayo siya ng tuwid. "Ako nga pala si Isaac, ang kasalukuyang Grand Elder ng Sacred Dragon Institute. Kumpara sa katayuan mo sa buong Sacred Dragon Kingdom, ang aking posisyon ay wala lang."

"Grand Elder Isaac, hindi niyo na kailangan pang sumaludo sa akin. Wala akong pakialam sa estado ng isang Adventurer. Hangga't hindi nila pinakikialaman ang mga taong malalapit sa akin, ituturing ko sila bilang kaibigan at kakampi." Magalang na tugon ni Finn Doria.

Hindi na nakipagtalo pa si Grand Elder Isaac ukol dito. Narinig niya na kung gaano katindi ang pakikipag kapwa-tao ni Finn Doria. Ilang beses na nitong inilagay sa panganib ang kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan at angkan, at lahat ng ito ay alam ng karamihan Sacred Dragon Kingdom.

Sa loob ng Mystic Treasure Realm kung saan muntik nang mamatay ang karamihan dahil sa pag-atake ng mga kakaibang nilalang, at ang paghihiganti ni Finn Doria sa mga Adventurer na nagkasala sa kaniyang angkan. Dito pa lang, mapapagtanto nang matindi ang importansyang inilalaan ni Finn Doria sa mga taong malalapit sa kaniya.

Napansin na ito noon pa man nina Grand Elder Isaac at Kiden Sylveria. Iyon ang rason kung bakit hinahangaan ni Kiden ang binatilyo at kung bakit niya ito tinulungan na makapasok sa Cloud Soaring Sect.

"Tama, anong dahilan ng iyong pagparito? Mayroon ka bang kailangan? O kaya naman may gusto kang bisitahin?" mausisang tanong ni Grand Elder Isaac. Sa buong Sacred Dragon Institute, wala namang bagay na makakakuha ng atensyon ni Finn Doria kaya nagtataka si Grand Elder Isaac sa pagbisita ni Finn Doria.

"Naparito ako para magpasalamat sana kay Institution Master Kiden... Pero napagtanto kong wala siya kaya naman nais ko sanang malaman mula sa inyo kung nasaan siya." Seryosong tugon ni Finn Doria.

Sa lahat-lahat ng Adventurer na kilala niya, isa si Kiden sa pinaka pinasasalamatan niya ng buong puso. Kung wala ang tulong ni Kiden, marahil siya at ang kaniyang angkan ay wala na ngayon.

Mahinang 5th Level Profound Rank lamang siya noong ipasa sa kaniya ni Kurt ang natitira niyang kapangyarihan, hindi pa sapat para kalabanin ang isang buong Noble Clan. Gayunpaman, dahil sa tulong ni Kiden Sylveria, nakapasok siya sa Cloud Soaring Sect at nakakuha siya nang panandaliang proteksyon mula sa faction na 'to.

Nang marinig ni Grand Elder Isaac ang pangalan ni Kiden, agad siyang natahimik at napayuko. Bumuntong-hininga siya at napailing.

"Umalis na siya sa Sacred Dragon Institute ilang araw lang ang nakararaan. Tungkol naman kung kailan ang balik niya o kung babalik pa siya, hindi ko alam. Sana lang ay hindi na siya pagkaitan ng kaniyang tadhana sa pagkakataong ito." Buntong-hiningang sambit ni Grand Elder Isaac.

Napakunot ang noo ni Finn Doria. Hindi niya maintindihan ang sinasabing tadhana ni Kiden, naguguluhan siya kaya naman tinanong niya ang matanda, "Paumanhin pero hindi ko maintindihan ang inyong sinasabi... Maaari niyo bang linawin upang maintindihan ko?"

Diretsong tumingin si Grand Elder Isaac sa mata ni Finn Doria at marahang nagsalita, "Wala ako sa posisyon upang sabihin sa'yo ito pero... kung gusto mo pang makita si Institution Master Kiden Sylveria, magmadali ka. Magtungo ka sa Vermillion Bird Family, at baka mapigilan mo siya sa kaniyang binabalak."

Huminto si Grand Elder Isaac ngunit muli rin itong nagpatuloy, "Sa napansin ko noon, hinahangaan ka ni Institution Master Kiden dahil sa iyong pagta-tyaga at kagustuhang maprotektahan ang iyong pamilya, personal ka pa niyang tinulungan na makapasok bilang Core Member ng Cloud Soaring Sect. Dito pa lang, makikita na ang lubos na paghanga at pananalig niya sa'yo."

"Nakikita niya ang sarili niya sa'yo dahil hindi nagkakalayo ang inyong sitwasyon, Finn Doria. Minsan na rin siyang tinapakan ng isang Noble Family, minsan na rin siyang minaliit at binasura ng Vermillion Bird Family."

--

Sa kasalukuyan, mabilis na lumilipad si Finn Doria sa himpapawid. Nagbabadya ang malakas na bagyo pero walang pakialam ang binatilyo, ginagamit niya ang lahat ng kaniyang enerhiya sa paglipad ng mabilis, hindi siya maaaring mahuli dahil hindi niya makakayanan ang maaaring mangyari kung sakaling mahuli siya ng kahit kaunting sandali.

Umaalingawngaw pa rin sa kaniyang utak ang mga sinabi ni Grand Elder Isaac.

Nais ni Kiden na maghiganti sa Vermillion Bird Family!

Sangkot dito si Kiden na pinagkakautangan niya at ang Vermillion Bird Family na angkan ni Ashe Vermillion. Hindi siya maaaring mahuli dahil hindi niya gugustuhing makita na mayroong mawala alin man sa dalawang ito.

Nabanggit ni Sect Master Noah na nasa pagsasanay si Ashe kasama sina Lore, gayunpaman, siguradong pababalikin ito ni Sect Master Noah dahil sa natanggap niyang mga pills mula sa Azure Wood Family.

Sa oras na bumalik si Ashe Vermillion, at sa oras na malaman niya na nais maghiganti ni Kiden sa kaniyang angkan, siguradong magkakaroon ng galit ang dalawa sa isa't isa. Hindi gustong mangyari ito ni Finn Doria dahil parehong mahalaga sa kaniya sina Kiden at Ashe Vermillion.

"Institution Master Kiden... Binibining Ashe... sana lang ay umabot ako." Bulong ni Finn Doria sa kaniyang sarili

--

Bumuhos na ang malakas na ulan sa malaking bahagi ng Sacred Dragon Kingdom. Umalingaw-ngaw rin ang malalakas na kulog at nakakatakot na kidlat sa kalangitan.

Nagsisimula na ang malakas na bagyo pero ang isa pang delubyo ay magsisimula na rin.

Sa teritoryo ng Vermillion Bird Family, nakarating na si Kiden Sylveria sa harap ng tarangkahan.

Unti-unti siyang lumapit sa limang gwardyang nagbabantay, at nang makita siya ng mga gwardya, inalis nila ang kanilang mga espada sa lalagyan at agad na itinutok ito sa papalapit na si Kiden.

"Sino ka?! Ito ang teritoryo ng Vermillion Bird Family! Umalis ka na dahil hindi kami tumatanggap ng panauhin ngayon!" sigaw ng isa sa limang gwardya.

Huminto si Kiden Sylveria at marahas na tumingin sa limang gwardya. Inilabas niya ang kaniyang nakapangingilabot na aura. Mayroong matinding galit at muhi na nakapaloob sa aura niyang ito.

"Sabihin niyo sa inyong Family Head na lumabas at harapin ang taong pinagkaitan niyo ng kaligayan, sabihin niyo sa kaniya na kung ayaw niyang wasakin ko ang inyong buong angkan, lumabas siya at harapin niya ako...

"...Sabihin niyo sa kaniya na si Kiden Sylveria ay nagbalik na para maningil!!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

84.6K 6.5K 88
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilik...
467K 33.7K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
472K 92.3K 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakik...