Legend of Divine God [Vol 4:...

By GinoongOso

705K 48.9K 7.2K

June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY -- More

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXV

10.2K 820 107
By GinoongOso

Chapter XXV: Zed Revere

Dahil sa kaniyang talento, likas na kay Zed ang pagiging mayabang. Bata pa lamang siya ay tinagurian na siya ng iba bilang isang henyo. Dahil sa sobrang atensyon at respetong natatanggap niya mula sa mga tao, maging sa matatanda, mas lalong tumaas ang kumpyansa niya sa sarili.

Minamaliit at hinahamak niya ang mga taong mahihina. Iba siya sa mga batang kasing edad niya dahil noong magsimula siyang magsanay noong labindalawang taong gulang pa lamang siya, agad niyang naabot ang antas na Gold Rank dahil sa tulong ng mga kayamanan at kaniyang pambihirang talento.

Gold Rank sa edad na labindalawa, Scarlet Gold Rank sa edad na labintatlo, Profound Rank sa edad na labing lima, Sky Rank sa edad na labing pito at Legend Rank sa edad na dalawampu. Sa ngayon, isa na siyang 3rd Level Legend Rank at ang kaniyang antas ay patuloy pa ring tumataas, at wala itong senyales nang paghinto.

Mahilig siyang maglibot-libot sa iba't ibang bahagi ng kontinente kaya naman iba't ibang pamana at kayamanan na ang kaniyang nakuha. Dahil sa mga kayamanang natagpuan niya dahil sa kaniyang swerte, umakyat kaagad ang kaniyang antas sa 3rd Level Legend Rank.

Kung sa ibang tao ito, siguradong hindi sila aabot sa ganitong antas, bawat adventurer naman ay mayroong kaniya-kaniyang talento at ang isang henyong katulad ni Zed Revere ay hindi maihahalintulad sa mga ordinaryong adventurer lamang.

Hindi lumaki si Zed sa isang angkan o pamilya. Kinupkop siya ng mga misteryosong Adventurer noong mawasak ang kaniyang angkang kinabibilangan. At ang mga misteryosong adventurer na ito ay walang iba kung hindi ang pangkat na 'Dark Crow'. Ang pinaka misteryoso at tagong pwersa na naninirahan ngayon sa Ancestral Continent.

Sa katunayan, si Zed Revere ay hindi gaanong umaalis sa kanilang teritoryo dahil nababagot siya sa labas. Nakatuon lamang ang kaniyang buong atensyon sa pagsasanay, at pag-eensayo ng iba't ibang uri ng pakikipaglaban. Isa siyang henyo, ayon sa pinuno ng Dark Crow. Walang sino man sa nakababatang henerasyon ang maihahalintulad sa kaniya sa Ancestral Continent, kahit pa ang mga nakababatang henerasyon na nagmula sa Ancestral Family at Adventurers Guild.

Kahit na mayabang at mapagmalaki si Zed, mayroon pa rin naman siyang katangian na tanging ilan lamang sa labing isang miyembro ng Dark Crow ang nakaaalam. Isa siyang Adventurer na gustong-gusto ang pagtuklas sa mga pambihirang bagay, isa siyang Adventurer na humahanga sa mga kakaibang kakayahan at pambihirang talento.

Totoong minamaliit niya ang mga mahihina at mga duwag, gayunpaman, gustong-gusto niyang makipag-kaibigan sa mga Adventurer na gaya niya, henyo at talentado.

Noong narinig niya ang tungkol kay Finn Doria at sa maalamat nitong Alchemy Flame, agad siyang umalis sa kanilang teritoryo nang walang pasabi sa iba pang mga miyembro. Pinahahalagahan ng buong Dark Crow, lalong-lalo na ng pinuno nila si Zed kaya naman sa tuwing aalis ito ay lagi itong may kasama. Pero dahil tumakas ito, wala itong kasama ngayon.

Tumakas si Zed dahil nais niyang makita at makilala si Finn Doria. At sa paghahanap niya kay Finn Doria, mayroon siyang nais na malaman.

Sa kasalukuyan, tahimik pa rin sa tarangkahan ng Azure Wood Family. Hindi pa rin lubusang pumapayag si Finn Doria sa hamon ni Zed Revere. Nagdadalawang-isip pa siya dahil naghihinala siya na Legend Rank ang binatilyong humahamon sa kaniya.

"Finn Doria, anak... Hindi mo kailangang tanggapin ang hamon niya. Walang rason para labanan mo siya dahil hindi mo naman siya kaaway." Seryoso ngunit nag-aalalang sambit ni Creed.

Napataas ang kilay ni Zed. Tiningnan niya si Creed mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat at sinusuri niya ito.

"Sino ka?" kunot noong tanong ni Zed.

"Siya ang ama ko kaya h'wag mo siyang tingnan ng ganiyan." Taimtim na sagot ni Finn Doria.

Bahagyang ngumiti naman si Zed at nagsalita, "Pasensya. Pero Finn Doria, ang pagtanggi sa aking hamon ay hindi magandang hakbang. Pipilitin kita na tanggapin ang aking plano dahil kung hindi, sigurado akong pagsisihan mo."

Sumipol-sipol si Zed habang pinagmamasdan sina Creed, Augustus at mga Elders na nasa likod ni Finn Doria.

Nagdilim naman ang ekspresyon ni Finn Doria. Sa tingin na iyon ni Zed, malinaw sa kaniya na mayroon itong masamang binabalak.

"Ano ba talaga ang binabalak mo, Zed Revere?" naiinis na tanong ni Finn Doria. Hindi niya maintindihan at naguguluhan na ang binatilyo sa paglitaw ng baliw na si Zed. Kung talagang maglalaban sila, sa pagitan pa lang ng kanilang lakas, siguradong matatalo siya kay Zed.

"Gaya nga ng sabi ko, gusto kong makita ang Blue-Green Alchemy Flame mo at nais kitang hamunin sa isang laban." Tugon ni Zed. "Oo nga pala, h'wag mong isipin na mapipigilan ako ng formation na itinayo mo. Sa tingin ko, sa aurang inilabas noon, kayang pahintuin ng formation na 'yon ang isang 1st Level Legend Rank. Pero hindi ako 1st Level Legend Rank."

"Isa pa pala, kung sa tingin mo ay lalabanan kita gamit ang totoo kong lakas at kakayahan, h'wag kang mag-alala. Ipapantay ko ang lakas ko sa'yo at hindi ako gagamit ng kahit anong skill, techniques at sandata." Nakangiting dugtong pa ni Zed Revere.

"Anak.. H'wag kang papaya-"

"Tinatanggap ko ang hamon mo." Putol ni Finn Doria kay Creed.

Napatingin ang lahat kay Finn Doria. Tinanggap nito ang hamon ni Zed kaya naman lahat sila ay nabigla at nagulat. Kahit na hindi gagamitin ni Zed ang kaniyang kabuuang lakas, hindi pa rin maikakailang isa siyang Legend Rank Adventurer, hindi na ito mawawala sa kaniya kaya naman sa tingin ng mga may karanasan na naroroon, ang paglalabang ito ay walang kahulugan.

"Finn Doria/Anak!!" sigaw nina Creed, Augustus at mga Elders.

Hinarap ni Finn ang mga ito at sinabing, "H'wag kayong mag-alala. Hindi ako mamamatay, pangako 'yan."

Pilit pang pinipigilan ng iba si Finn Doria ngunit hindi na nito pinapansin anv mga ito. Hinarap niya si Zed at muling nagsalita, "Mayroon akong kahilingan sa hamon mo."

"Magsalita ka. Dahil pumayag ka na sa hamon ko, gagawin ko ang kahilingan mo hangga't kaya ko itong gawin." Malapad na ngiting tugon ni Zed.

"Ayokong madamay ang aming teritoryo kaya naman gusto kitang labanan sa bukas at malawak na espasyo. Mayroong kagubatan hindi kalayuan sa bayan ng Aurora, mas makabubuti kung doon tayo maglalaban." Hayag ni Finn Doria.

"Kung gayon, hihintayin na lang kita roon." Umangat si Zed Revere at lumipad sa ere. "Huwag mo akong paghihintayin ng matagal, Finn Doria!"

Pagkatapos niyang sabihin ang huli niyang salita, ang kaniyang pigura ay naglaho na sa himpapawid. Ang kaniyang bilis ay talaga namang kahanga-hanga, maging si Finn Doria ay napatango dahil sa bilis ni Zed Revere.

"Kailangan mo ba talagang tanggapin ang hamon niya?! Hindi natin masisiguro kung gusto ka niyang patayin!" galit at naiinis a sabi ni Creed.

Mapait na ngumiti si Finn Doria at ikinuyom ang kaniyang kamao, "Patawarin niyo ako ama. Pero... mayroong nagsasabi sa akin na hindi delikado ang Zed na 'yon. Isa pa, kung gusto niya talaga akong patayin, hindi niya na ako kailangang hamunin pa. Kayang-kaya niyang wasakin ang buong kaharian at kahit na imposible, naniniwala ako sa kaniyang sinasabi."

"Kailangan ko ng umalis. Kung matatalo ako, matatalo ako. Gayunpaman, nasisiguro ko na hindi ako mamamatay sa kamay niya." Dugtong ni Finn Doria habang malapad na nakangiti.

Umangat din siya sa ere at agad na sumunod kay Zed. Sumunod naman sina Creed at ang iba pa. Ang mga Profound Rank pababa ay tumalon at naglakad habang ang mga Sky Rank naman ay lumipad.

Tungkol naman sa mamamayan ng bayan ng Aurora, sumunod rin sila kahit na alam nilang mapanganib ang pupuntahan nila. Pupwesto na lang sila sa ligtas at malayong lugar habang nanonood sa magaganap na paglalaban.

Marahil isa ito sa pinaka matunog na pangyayari sa buong Ancestral Continent sa oras na malaman ito ng iba kaya naman hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito. Minsan lang sila makasaksi ng ganitong paghaharap, maaaring maisali ito sa kasaysayan at siguradong maipagmamalaki nila ito kung masasaksihan nila ito ng personal.

Dumating si Finn Doria sa himpapawid kung saan naroroon si Zed Revere. Isandaang metro ang layo ng dalawa sa isa't isa, malakas ang ihip ng hangin sa himpapawid kaya naman mas lalong lumamig ang paligid.

"Gaya ng ipinangako ko, ipapantay ko lang sa lakas mo ang aking lakas. Hindi ako gagamit ng skill at sandata pero maaari ka namang makipaglaban sa akin sa kahit anong paraan mong gusto." Nakangiting paliwanag muli ni Zed.

"Kung gayon, ako na ang magsisimula." Inilabas ni Finn Doria ang kaniyang 2nd Level Sky Rank na aura. Mabigat ito at makapal pero wala itong epekto kay Zed.

Gayunpaman, kahit na hindi apektado si Zed, hindi pa rin mabigilan ng binatilyo na mabigla at magulat. Bumalik ulit ang ngiti niya sa kaniyang labi at nagsalita, "Hindi lang pala sabi-sabi ang tungkol sa iyong lakas."

Hindi pinansin ni Finn Doria ang sinabi ni Zed Revere. Naipon ang enerhiya sa kaniyang dalawang kamay at ang enerhiyang ito ay mabilis na naging apoy. Nagliliyab ang mga ito at nagngangalit, naghugis na mahahabang kuko ang apoy. Agad na sumugod si Finn Doria kay Zed Revere. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na nababalutan ng apoy na hugis mahahabang kuko at marahas na ikinalmot sa direksyon ng binatilyo.

[Unrivalled Flame Art, First Skill: Flaming Claw!]

Bumakas ang pagkabigla sa mata ni Zed, gayunpaman, agad rin itong nawala. Unti-unti nang lumalapit sa kaniya ang nagliliyab na apoy na hugis mahahabang kuko ngunit hindi pa rin siya umiilag. Dahan-dahang itinaas ni Zed ang kaniyang kaliwang kamay at malumanay na tinapik ang dalawang kamay ni Finn Doria.

Mabilis na naglaho ang dalawang apoy sa mga kamay ni Finn Doria. Nagulat ang binatilyo dahil dito pero hindi ito naging dahilan para matigilan siya ng matagal. Umatras siya muli at hinayaang magkaroon ng isandaang metrong layo sa pagitan nilang dalawa.

"Talagang malakas ka. Kaya mong sirain ang aking skill gamit ang simpleng tapik lamang." Nakangiting sambit ni Finn Doria.

"Hmph. Napahanga mo rin ako. Kailan man ay hindi pa ako nakakakita ng ganoong skill. Mayroong gano'ng uri na akong nakita pero hindi gaya ng sa'yo. Masyado ka lang mahina para gamitin ang skill na pagmamay-ari mo." Komento naman ni Zed Revere.

Tumango naman si Finn Doria. Sa ngayon, naiintindihan niya nang hindi niya malalabanan si Zed kung hindi siya gagamit ng sandata, alam niyang hindi siya mananalo pero gusto niya pa ring subukan.

[Crimson Black Heavy Sword
Armament Grade: Epic
Quality: Low-tier
Damage: 38231
Upgrade: 50 soulforce]

Lumitaw muli ang sandata na malaking espada ni Finn Doria. Naglalabas ito ng aura ng isang Low-tier Epic Armament kaya naman hindi ito nakatakas sa mata at pandama ni Zed Revere.

"Totoo nga. Ang maliit na kahariang ito ay mayroong Epic Armament. At hindi ang Royal Clan ang nagmamay-ari rito. Talagang napakarami mong surpresa, Finn Doria." Komento ni Zed. "Pero kahit na Epic Armament pa 'yan, wala rin 'yang kwenta. Hindi mo ako matatalo kaya naman sugod na!"

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Finn Doria. Sumugod siya muli kay Zed Revere at walang tigil na iwinasiwas ang kaniyang Crimson Black Heavy Sword.

Habang patuloy na umaatake si Finn Doria, at dumedepensa naman si Zed, sa wakas ay dumating na rin sina Creed at iba pa. Huminto sila sa tuktok ng pinaka malapit na burol at tahimik na pinanood ang pagsasabayan nina Finn Doria at Zed.

"Tinatapik-tapik lang ng mayabang na binatilyo ang mga atake ni Finn Doria... Paanong nangyayari ito? Isang Armament ang gamit ni Finn Doria!" hindi mapigilang maibulalas ni Gregory habang pinapanood kung paano salagin ni Zed ang mga atake ni Finn Doria.

Para kay Gregory, ang mga Epic Armament ang pinaka nakakatakot na bagay sa buong mundo. At para sa kaniya, ang bagay na ito ang magdedesisyon sa buhay at kamatayan ng isang adventurer.

Habang patuloy namang umaatake si Finn Doria, binigyan pa ng kaunting pwersa ni Zed ang kaniyang tapik. Masyado itong malakas para sa simpleng atake ni Finn Doria kaya naman nang tumama ito sa kaniyang espada, nagkaroon ng malakas na pwersa na naging dahilan nang pagtilapon at pagtama niya patungo sa mga puno.

Dahil sa kaniyang pagtilapon, ilang mga puno ang bumagsak at naputol. Suminghal si Zed Revere at marahang nagsalita, "Iyan lang ba ang kaya mo?! Bukod sa pagkakaroon ng maalamat na Alchemy Flame, ano pa ang katangi-tangi sa'yo?"

[Heavenly Dragon Roar!]

Isang nakakabingi at napakalakas na atungal ang umalingawngaw sa buong paligid. Nagmula ito sa pinaghintuan ni Finn Doria at dahil sa nakakabingi ito, kinailangan pa ng mga manonood na gumamit ng enerhiya para takpan ang kanilang mga tainga.

Nagulat naman si Zed Revere kaya hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Direktang tumama sa kaniya ang malakas na pwersa pero mapapansing wala man lang pinsalang nagawa ito sa kaniya.

Pagkatapos ng nakabibinging atungal, muling lumitaw si Finn Doria sa harapan ni Zed bitbit-bitbit ang kaniyang malaking espada. Marahas at buong lakas na inihampas ni Finn Doria ang kaniyang espada patungo sa ulo ni Zed.

[Seven Heavy Sword Art, Second Skill: Heavy Splitting Blade!!]

Gayunpaman, bago pa man tuluyang tumama ang espada ni Finn Doria, napigilan ni ito Zed gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

Pinigilan niya ang espada ni Finn Doria gamit ang kaniyang kamay, gayunpaman, malinaw na mababakas ang pagkabigla at matinding gulat sa kaniyang mga mata.

"Ang atungal na yun... at ang iyong skill gamit ang espadang ito... ay talaga namang nakamamangha!" nananabik na biglang sabi ni Zed.

"Ang atungal na yun ay mas malupit pa kaysa sa atungal ng mayayabang na miyembro ng Red Dragon Family! At ang iyong skill sa espada..." dugtong pa ni Zed habang nagniningning ang mata.

Maingat niyang binitawan ang espada ni Finn Doria. Tumingin siya sa kaharap niya at mababakas ang paghanga niya kay Finn Doria.

"Wala na akong gana na makipaglaban pa! Nakuha ko na ang gusto ko at sapat na sa akin 'yon. Ngayon, nais kong makita ang iyong Blue-Green Alchemy Flame, maaari ko bang makita, kaibigang Finn?" nananabik at hindi makapaghintay na sabi ni Zed Revere.

Natigilan at napatulala naman si Finn Doria. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig at para bang pinagtaksilan siya ng kaniyang tainga. Ito ba talaga ang mayabang na Zed na nangungutya sa kanila kanina? Maging ang mga manonood ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

"Teka, kailan pa kita naging kaibigan?!" naiinis na tanong ni Finn Doria.

Kalmado siyang tao pero sa harap nang pabago-bagong ugali ni Zed Revere, nauubusan siya ng pasensya.

"Ito ang gusto ko kaya ako nakipagkilala sa'yo, ang maging kaibigan ka. Isa pa, hindi mo ba nahahalata, nakatadhana nang maging magkaibigan tayo! Pareho tayong henyo at walang sino man sa nakababatang henerasyon ang makahihigit sa atin!" mayabang at nagmamalaking tugon ni Zed Revere.

Tama, bukod sa gustong makilala ni Zed si Finn Doria, ang rason pa kung bakit nagtungo siya sa Sacred Dragon Kingdom ay para makipag-kaibigan kay Finn Doria. Gusto niyang maging kaibigan ang gaya niya na isa ring henyo sa isang larangan. Dahil para sa kaniya, ang kagaya niyang henyo ay maaari lang magkaroon ng kaibigan na isa ring henyo.

"Tadhana?! Pwe! Pinagbantaan mo ako at ang aking angkan kanina!" galit na sabi ni Finn Doria.

Napakunot noo naman si Zed, "Huh? Wala akong natatandaan na pinagbantaan ko kayo. Sinabi ko lang na pipilitin at pupwersahin kita na tanggapin ang hamon ko...

...Isa pa, pag hindi kita pinilit, hindi mo ako lalabanan. Ngayon, gusto kong makita ang maalamat mong Alchemy Flame! Bilis, ipakita mo sa akin ang nag-iisang Blue Alchemy Flame sa buong mundo!"

May sasabihin pa sana si Finn Doria pero isang malakas na boses ang nagpahinto hindi lang sa kaniya, maging kay Zed.

"Sa wakas, nakita rin kita! Harapin mo ang kapalit ng iyong pagtakas mula sa ating teritoryo!!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
138K 9.4K 48
COMPLETED [Volume 1] Mythical Hero: Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng p...
2.6K 405 18
This is the fourth volume of my story entitled War Of Ranks online series. Kaya kung una mong nakita to bago yung tatlong volume please, read those f...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...