Legend of Divine God [Vol 4:...

By GinoongOso

702K 48.8K 7.2K

June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY -- More

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XXIV

9.8K 764 81
By GinoongOso

Chapter XXIV: Dark Crow

Seryosong pinagmamasdan ni Finn Doria ang misteryosong adventurer na nakaupo sa sahig. Nasa tarangkahan ng Azure Wood Family si Finn Doria at mahigit limang metro ang layo ng dalawa sa isa't isa.

Sa likuran naman ni Finn Doria ay sina Augustus, Creed at ilang mga Elders ng Azure Wood Family at Golden Lion Family. Nagbubulong-bulungan ang ilan sa mga Elders habang ang mga kagaya naman nina Creed at Augustus ay nanatiling nakikiramdam sa paligid.

Sa mga pwesto nilang ito, agad na mapapansin kung sino ang mayroong pinaka malaking impluwensya sa buong pamunuan ng Azure Wood Family. Bawat Elder, maging malalakas na Guest Elder gaya nina Gregory ay nananatiling nasa likuran lang ni Finn Doria, malinaw na ang binatilyong ito ang may pinaka malaking impluwensya sa lahat ng kabilang sa Azure Wood Family.

Sa 'di kalayuan naman, mayroong mga sibilyan ang nagmamasid sa paligid. Namamangha sila habang pinagmamasdan ang pagtitipon ng mga matataas na pigura ng Azure Wood Family. Malinaw nilang nararamdaman na hindi na nila kapantay ang mga adventurer na nagmula lamang sa dating ordinaryong angkan. Bukod pa rito, nag-uusap din sila tungkol sa ginagawa ng misteryosong lalaki sa harap ng tarangkahan ng Azure Wood Family.

"Anong ginagawa ng taong iyan sa lugar na 'yon? Kakaiba ang kaniyang kasuotan at nagbibigay siya ng misteryosong pakiramdam. Bakit pakiramdam ko ay mayroon na namang malaking mangyayari?" ani ng isa sa mga sibilyan.

"Ilang Elder mula sa Azure Wood Family ang sumubok na paalisin ang taong 'yan pero kahit na anong gawin nila, hindi sila magtagumpay. Kanina ko pa naririnig na gustong makita ng taong iyon si Finn Doria... Magkakilala kaya sila o isa lang ang taong iyan sa bisita ni Finn Doria?" komento naman ng isa.

"Kung bisita ni Finn Doria ang taong 'yan, bakit hindi nila ito inaanyayahan sa loob ng kanilang teritoryo? Isa pa... bakit itinataboy ito ng mga Elder mula sa Azure Wood Family?"

Ilan sa mga manonood ay may kaniya-kaniyang opinyon habang ang ilan naman ay nagkakasundo sa iisang opinyon. Naguguluhan sila sa nangyayari, at dahil interesado sila sa lahat ng tungkol sa Azure Wood Family, napagdesisyunan nila na manood at magmasid sa mga mangyayari.

Umihip ang malakas na hangin sa pagitan ni Finn Doria at ng misteryosong adventurer. Taimtim lang na pinagmamasdan ni Finn Doria ang taong nakaupo sa sahig habang buong pagsisikap niyang pinakikiramdaman ang lakas nito. Hindi niya mapigilang hindi magkasalubong ang kaniyang kilay dahil kahit na buong pagsisikap niya nang pinakikiramdaman ang misteryosong adventurer, hindi niya pa rin mapakiramdaman ang aura at presensya nito.

Kung hindi ito titingnan gamit ang mga mata, hindi malalaman ng kahit na sino man na may taong nakaupo sa sahig sa harap ng tarangkahan.

Na-alarma si Finn Doria sa natuklasan niyang ito. Mayroon lamang dalawang maaaring rason kung bakit hindi maramdaman ng binatilyo ang aura ng kaharap niya, maaaring mayroon itong suot na concealing armament o kaya naman ay mas malakas ang taong ito sa kaniya ng sobra.

Sa dalawang rason na ito, mas lalong na-alarma si Finn Doria. Kung mayroon nga siyang Concealing Armament, malaki ang posibilidad na hindi ito nagmula sa Sacred Dragon Kingdom, kung 'di, nagmula ito sa isang malakas na pwersa.

"Sa wakas ay napagdesisyunan mo na ring harapin ako, Finn Doria." Nagsalita ang misteryosong tao na nakakuha ng atensyon ng lahat.

"Sino ka? Nalaman ko na hinahanap mo ako... Mayroon ka bang kailangan sa akin?" mahinahong tanong ni Finn Doria. Kailangan niyang maging maingat sa kaniyang bawat salita. Hindi niya kilala ang taong ito, at malaki ang posibilidad na malakas ang misteryosong adventurer na ito.

Hindi agad tumugon ang misteryosong adventurer, sa halip, dahan-dahan itong tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at dahan-dahang inabot ang sombrerong nagtataklob sa kaniyang mukha. Tinanggal niya ang sombrero sa kaniyang ulo, at isang kakaibang tanawin ang gumulat hindi lamang kay Gregory, gayundin kay Finn Doria.

"Paanong nangyari 'yon? Ito ba ang totoo niyang anyo...? Bakit pakiramdam ko ay hindi pa matanda ang taong ito.." sunod-sunod na bulong ni Gregory sa kaniyang sarili.

Naibulalas ito ni Gregory nang makita niya ang hitsura ng misteryosong adventurer. Nagulat siya dahil ang taong sinubukan niyang paalisin kanina lamang ay isang binatilyo na hindi nalalayo ang edad kay Finn Doria kung hitsura ang pagbabasehan.

Ang binatilyong ito ay kasingtaas ni Finn Doria. Mayroong kayumangging buhok, kayumangging kulay ng balat, pares ng kulay kayumangging mga mata at isang itim na marka na maihahalintulad sa isang uwak. Sa markang ito, mayroong "12" na numerong mapapansin.

Unti-unting naglakad ang binatilyo papalit kay Finn Doria. Hawak pa rin nito ang kaniyang malaking sombrero habang mapapansin ang bahagya nitong ngiti sa kaniyang labi.

"Finn Doria, mag-ingat ka! Ang taong iyan ay hindi ordinaryo!" sambit ni Gregory at agad itong pumunta sa tabi ni Finn Doria.

Agad ring nagtungo ang mga Elders kasama si Creed at Augustus sa tabi ni Finn Doria. Lahat sila ay pinagmamasdan ang binatilyong unti-unting lumalapit kay Finn Doria.

Nang sobrang lapit na ng binatilyo kay Finn Doria, huminto ito at malapad na ngumiti sa kapwa niya binatilyo. Inilahad nito ang kaniyang kamay at marahang nagsalita, "Ako si Zed Revere ng Dark Crows, dalawampung taong gulang at ikinagagalak kang makilala, Finn Doria."

Napatulala naman si Gregory nang marinig niya ang sinabi ng binatilyo.

"Dark Crow? Pakiramdam ko ay narinig ko na ang pangalan na ito kung saan..." kunot-noong sabi ni Gregory habang naghihinalang nakatingin kay Zed.

Kahit na nagtataka, inabot pa rin ni Finn Doria ang kamay ng binatilyo. Nang mahawakan ni Finn Doria ang kamay ni Zed, nakaramdam siya nang matinding panlalamig sa buong katawan. Pakiramdam niya ay napakaraming nagdudusang kaluluwa ang nasa likod ni Zed, pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng giyera habang nakatingin sa binatilyo.

"Ako naman si Finn Doria ng Azure Wood Family." Pakilala ni Finn Doria. Pilit na ngumiti si Finn Doria at agad na binawi ang kaniyang kamay. Mayroong kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman mula kay Zed, tungkol naman sa kung ano ito, hindi niya direktang masabi.

Ngumiti si Zed at binawi na rin ang kaniyang kamay.

"Bukod sa pagiging miyembro ng Azure Wood Family, saang pwersa o angkan ka pa kabilang?" makahulugang tanong ni Zed.

Napasimangot si Finn Doria. Hindi niya alam ang iniisip ng Zed na ito, "Azure Wood Family lamang ang aking angkan na kinabibilangan. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo."

Hindi pa rin napapawi ang ngiti ni Zed sa kaniyang labi. Binigyan niya ng makahulugang tingin si Finn Doria at muling nagpatuloy, "Narinig kong hindi ka totoong miyembro ng Azure Wood Family... Nagtataka lang ako, anong pwersa kaya ang mayroong kakayahan na magsilang ng isang Adventurer na may maalamat na Blue-green Alchemy Flame?"

Nagsalubong ang kilay ni Finn Doria. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Zed. Gayunpaman, malinaw na gusto nitong malaman kung saan siya nagmula. Pero, gayundin naman siya. Maging si Finn Doria ay nais ding malaman kung saan siya nagmula at kung sino ang kaniyang totoong mga magulang.

"Maaari bang linawin mo ang iyong sinasabi, Ginoong Zed?" taimtim na tanong ni Finn Doria.

Hindi pa rin napapawi ang ngiti ni Zed. Nanatili pa rin siyang nakatingin ng direkta kay Finn Doria, "Nagmula ka ba talaga sa Ancestral Continent? O baka naman isa kang banyaga mula sa kabilang kontinente?"

Kumunot ang noo ni Finn Doria at pinanliitan niya ng tingin si Zed. Totoong hindi siya nagmula sa Ancestral Continent at mayroon na siyang hinala na nagmula siya sa mas mataas na mundo, ito na rin ay ayon sa Fire Phoenix na si Sierra.

Sinabi sa kaniya ni Sierra na pamilyar ang kapangyarihang natutulog sa loob ng katawan ng binatilyo, binigyan siya nito ng pahiwatig na nagmula siya alin man sa Divine Realm o Upper Realm. Dahil dito, malinaw na hindi nagmula si Finn Doria sa kahit anong kontinente sa mundong ito. Hindi sa Ancestral Continent, at hindi sa kahit saang kontinente.

Gayunpaman, kahit na hindi siya ipinanganak sa Ancestral Continent, dito pa rin siya lumaki at natuto. Dito na siya namulat kaya naman itinuturing niya na rin ang Ancestral Continent, lalong lalo na ang Sacred Dragon Kingdom at Azure Wood Family bilang kaniyang tahanan.

Sa likuran naman ni Finn Doria, tahimik si Creed habang nakayuko. Ngayong binanggit na naman ng isang tao ang pinaka sensitibong bagay sa kaniya at sa kaniyang pamilya, hindi niya mapigilang hindi matahimik. Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ni Creed. Isa na sa tanong na ito ay kung paano na lamang kung sakaling makilala ng kaniyang anak na si Finn Doria ang tunay nitong mga magulang, iiwan ba sila ng binatilyong kanilang inalagaan at pinalaki?

"Hindi ko na uulitin pa." taimtim na sambit ni Finn Doria. "Sa mundong ito, ang aking angkan ay ang Azure Wood Family, at ang aking mga magulang ay sina Creed Doria at Olivia Doria, wala ng iba pa."

Napatingala si Creed at napatitig sa likod ni Finn Doria. Mayroong kung ano sa kaniyang kalooban ang nagkukumawala at natutuwa. Mayroong namuong luha sa gilid ng kaniyang mata, palihim niya itong pinunasan at tanging si Augustus lamang ang nakapansin nito dahil ang lahat ay nakatuon ang atensyon kay Zed at Finn Doria.

Medyo natigilan si Zed sa sinabing ito ni Finn Doria. Gayunpaman, agad rin siyang nakabawi at pinanliitan niya ng tingin ang binatilyo.

"Sigurado ka ba? Wala namang masama kung babanggitin mo kung saang pwersa ka kabilang." Taimtim na sabi ni Zed. Ang kaniyang ngiti ay tuluyan ng naglaho at malinaw namang hindi na siya nasisiyahan sa daloy ng kanilang usapan.

Hindi naman ito sinagot ni Finn Doria, huminahon lamang siya at muling nagsalita, "Nabanggit mo ang tungkol sa kabilang kontinente, maaari ko bang malaman ang tungkol dito mula sa'yo?"

Suminghal si Zed at sumimangot, "Gaano ba kawalang kwenta at kamangmang ang mga adventurer na narito sa maliit na kahariang ito? Kahit ang Dark Continent ay hindi kilala rito. Walang rason para ipaliwanag at ipaalam ko sa'yo ang tungkol sa Dark Continent, ikaw na ang bahalang dumiskubre sa bagay na ito. Pero..."

"... isipin mo na lang na ang Azure Wood Family ang Ancestral Continent habang ang Sacred Dragon Kingdom ang Dark Continent. Ang sinasabi kong kontinente ay hindi hamak na mas malawak at mas maunlad kaysa sa inyong kontinente." Nagmamalaking sabi ni Zed.

Hindi pinansin ni Finn Doria ang mga panghahamak ni Zed. Sa huli, totoo namang kulang na kulang siya sa impormasyong ito. Hindi siya nagtanong at wala rin namang nakabanggit sa kaniya tungkol sa isa pang kontinente.

Tungkol naman sa iba, tanging ang mga Guest Elder na dating Rogue Adventurers lamang ang nakakaalam sa pag-iral ng Dark Continent. Trabaho nila ang paglalakbay kaya karaniwan na alam nila na may iba pang kontinente sa mundong ito. Gayunpaman, limitadong-limitado lang ang alam nila sa Dark Continent.

"Kung gayon, ano naman ang Dark Crow na pinagmulan mo? Isa ba 'yong pamilya o pwersa?" sunod-sunod na tanong ni Finn Doria.

Mas lalo namang hinamak ni Zed si Finn Doria. Mayroon ding kaunting inis ang makikita sa kaniyang mga mata habang malinaw na mababakas ang simangot sa kaniyang labi.

"Maikokonsidera mo bilang pwersa ang aming pangkat na Dark Crow. Gayunpaman, hindi kami malaking pwersa gaya ng Ancestral Family at Adventurers Guild. Binubuo lang kami ng labindalawang miyembro, at ako ang panlabing dalawa roon. Kahit na hindi kami malaking pwersa gaya ng dalawa kong nabanggit, hindi kami natatakot sa kahit na alin man sa kanila. Hindi lang kami nakikialam sa kanilang mga gawain dahil wala kaming pakialam sa kanilang mga hangarin." Nagmamalaking paliwanag ni Zed.

Labindalawa at hindi natatakot sa malalaking pwersa na tulad ng Ancestral Family at Adventurers Guild, lahat nang nakarinig nito ay natahimik at natigilan, kabilang na roon si Finn Doria at ang kabuuan ng pamunuan ng Azure Wood Family.

Ang mga sinabing ito ni Zed na miyembro ng Dark Crow ay talaga namang nagbukas sa kanilang mga mata at nagbigay sa kanila ng kaalaman na napakalawak nga talaga ng mundo.

"Sabi mo ay panglabindalawa ka...? Ibig sabihin... ikaw ang pinaka mahina, tama?" biglang tanong ni Finn Doria.

"Tama ka-" napahinto si Zed sa pagsasalita at biglang nagdilim ang kaniyang ekspresyon. "Minamaliit mo ba ako?"

Tumingin siya kay Finn Doria at masasabing nakakatakot talaga ang kaniyang mga tingin. Kahit si Finn Doria ay nakaramdam nang panlalamig sa mga tinging iyon.

Huminahon lang si Zed makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Finn Doria at muling nagsalita, "Tama ka, ako nga ang pinakamahina sa Dark Crow pero hindi dahil mangmang ako o walang talento. Masyado pa lang akong bata at kulang sa karanasan kaya panghuli pa rin ako sa posisyon sa aming pangkat. Pero h'wag mo akong maliitin, Finn Doria. Kayang-kaya kong wasakin ang buong Sacred Dragon Kingdom kung gugustuhin ko, at walang makapipigil sa akin, kahit pa ikaw o ang Adventurers Guild rito."

Tumahimik ang buong paligid nang bitawan ni Zed ang mga salitang ito. Gumuhit sa karamihan ang takot at balisang ekspresyon. Kahit na hindi pa sila sigurado kung kaya nga ni Zed na wasakin ang buong Sacred Dragon Kingdom, hindi pa rin sila mapanatag.

"Alam kong hindi mo gagawin ang bagay na 'yon dahil kung talagang layunin mo ang sirain ang Sacred Dragon Family, siguradong wala na ito noon pa man." Nakangiting tugon naman ni Finn Doria.

Sa isip ni Finn Doria, kung totoo ang sinasabi ni Zed, ang lakas ng bawat miyembro ng Dark Crow ay siguradong hindi basta-basta. Sinabi niyang kaya niyang wasakin ang Sacred Dragon Kingdom kung gugustuhin niya, dalawa lang ito. Maaaring isa siyang Legend Rank o kaya naman mayroon siyang kayamanan na kayang magwasak sa isang buong kaharian.

Legend Rank at nasa dalawampung taong gulang pa lamang? Ang kaniyang talento at kakayahan ay siguradong pambihira! Kahit si Finn Doria ay humahanga kay Zed Revere at s Dark Crow. Siya ang pang labindalawa pero isa na siyang Legend Rank, paano na lang ang kanilang pinuno?

Malapad na ngumiti si Zed, "Tumpak. Ang mga nakakawalang ganang bagay na iyon ay hindi ko kailan man gagawin. Isa pa, sinabi ko na kanina lang na hindi nakikialam ang Dark Crow sa mga kaganapan sa Ancestral Continent."

"Kung gayon, bakit ka narito at bakit gusto mo akong makausap at makita? Mayroon ka bang kailangan sa akin?" agad na tanong ni Finn Doria.

"Tama ulit." Tugon ni Zed. "Nais kong makita ang iyong maalamat na Blue Green Alchemy Flame at higit sa lahat, nais kitang makalaban."

Napatitig at natigilan ang mga manonood. Nakaramdam nang panganib sina Creed habang matikas na nakatayo sa tabi ni Finn Doria.

Natigilan at napatitig si Finn Doria, "Nais mo akong labanan? Hindi ba ako nagkakamali ng dinig? Marahil nararamdaman mo naman na isa lang akong 2nd Level Sky Rank..."

Isa lang siyang Sky Rank adventurer habang si Zed naman ay maaaring isang Legend Rank Adventurer. Ang kanilang lakas ay para bang langit at lupa. Kung 5th Level Sky Rank si Zed, marahil may pag-asa pang manalo si Finn Doria. Gayunpaman, ang Legend Rank ay iba nang usapan.

"Ang iyong antas at ranggo ay hindi na mahalaga. Nais ko lang naman na makalaban ka, wala ng iba pa." nakangiting sagot ni Zed.

"Paano kung tumanggi ako?" nag-aalinlangang tanong ni Finn Doria.

"Pipilitin at puwersahin kita." Makahulugang sagot ni Zed.

Tuluyan nang natahimik si Finn Doria. Naguguluhan at nalilito siya kung bakit siya gustong labanan ng binatilyong ito. Hindi naman sila nagkakatagpo noon pero parang mayroon itong inis sa kaniya?

--

Continue Reading

You'll Also Like

932K 91.8K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...
109K 11.4K 102
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
703K 45.6K 62
Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamag...
4.1K 465 6
NOTE: 'On Hold' does not mean I would stop updating this. I mean i will, for the mean time, but not forever. Just give me more time guys, I'll be bac...