QUEEN OF THE COURT (COMPLETED)

Galing kay AGirlWhoCussALot

123K 4.1K 773

QUEEN SERIES #1 Campus Clash 1 : QUEEN OF THE COURT by: agirlwhocussalot Kwento ng isang babae na magaling, m... Higit pa

Kaalaman
CHARACTERS
PROLOGUE
Chapter 1 : Signing Off
Chapter 2 : New School, New Life
Chapter 3 : Save By The Bell
Chapter 4 : Jump Serve
Chapter 5 : New Player??
Chapter 6 : Unfair
Chapter 7 : First Time
Chapter 8 : Ball
Chapter 9 : Eren Tadashi
Chapter 10 : Sign
Chapter 12 : The Guardian Angel
Chapter 13 : Strange
Chapter 14 : Last Slot
Chapter 15 : Beat Me
Chapter 16 : Speechless
Chapter 17 : Lock Screen
Chapter 18 : Stuck Room
Chapter 19 : Proud
Chapter 20 : Distraction
Chapter 21 : Practice Game (part 1)
Chapter 22 : Practice Game (part 2)
Chapter 23 : Jersey Number
Chapter 24 : Shocked
Chapter 25 : Ready
Chapter 26 : Jealous / Ice Cream
Chapter 27 : First Won
Chapter 28 : Game On
Chapter 29 : Communication
Chapter 30 : Good Girl
Chapter 31 : Impossible
Chapter 32 : Pout
Chapter 33 : Smash
Chapter 34 : Jealous
Chapter 35 : Queen
Chapter 36 : Wink
Chapter 37 : Mad
Chapter 38 : Replay
Chapter 39 : Serious
Chapter 40 : Nervous
Chapter 41 : Fishball
Chapter 42 : Little
Chapter 43 : Him
Chapter 44 : Copy
Chapter 45 : Score
Chapter 46 : Mine
Chapter 47 : Family
Chapter 48 : Team
Chapter 49 : Dirty
Chapter 50 : Yellow Card
Chapter 51 : Weakness
Chapter 52 : Queen Beast
Chapter 53 : BEAST IN FRONT
Chapter 54 : METEOR JAM
Chapter 55 : Screaming
Chapter 56 : Secret
Chapter 57 : Her
Chapter 58 : Reasons
Chapter 59 : Afraid
Chapter 60 : Eyes
Special Chapter

Chapter 11 : Coach

2K 76 3
Galing kay AGirlWhoCussALot

Chapter 11 : Coach

Monday.

Kakapasok ko lang sa School wearing my new uniform. Not bad. Maganda ang school uniform ng Campbell, simple lang at komportable naman ako.

Campbell High Uniform



Sutoku High Uniform

Habang naglalakad marami akong napapansin na naka-PE uniform o kaya civilian. Try-out nga pala ng ibat-ibang sports, malamang kaya ganun ang suot nila ngayon. Malapit na ako sa room at papasok na sana ng biglang labas naman ni Hanna at nagkasalubong kami.

"Gwen." gulat na sambit ni Hanna. Nakapam-PE syang suot.

"Naks. Ang ganda bagay sayo ang uniform ng Campbell."

"Thanks." nakangiting sagot ko.

"Wala si Ms. Salvador ngayon, vacant ang first class. Kaya sumama ka sakin." ani Hanna.

"Ha? saan?" nagtatakang tanong ko.

"Sa gym magta-try-out ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Bakit isasama pa nya ako. Ayoko nga pag-usapan ang may kinalaman sa volleyball tapos isasama nya ako, para ano??

"Bakit... isasama mo pa ako?? hindi naman ako sasali eh."

"Hahaha ano kaba, manonood lang naman tutal wala namang klase, manuod ka nalang ng try-out sa gym." aniya sakin.

Ayoko ng makakita ng bola ng volleyball. Last na yung kagabi, yung binigay ko kay Jigger. At shit!!! ayokong makita si Jigger, malamang nagtataka na yun kung paanong nagka-pirma ni Queen ang bolang binigay ko sa kanya.

Damn it Gwen!! bakit kasi pinirmahan ko pa.

"Please... i-cheer up mo naman ako. Pampalakas lang ng loob... please..." nagpuppy eyes pa sa harap ko.

Napabuntong hininga nalang ako ng wala sa oras.

"Hays sige sige."

Masayang hinila ako ni Hanna at naglakad kami papunta sa Gym. Hindi ko pa nalilibot ang buong Campbell pero sa mga nadadaanan ko talagang malawak din ang School na to. Although mas malawak parin ang Sutoku High dahil maraming nag-aaral doon.

Nakarating kami sa gym saka pumasok sa loob. Marami ng tao sa loob nun na nagva-volleyball at may dalawang net doon sa court.

Net A na nasa kanang bahagi ng gym, ang mga lalaking magtatry-out.

Net B naman sa kaliwang bahagi ng gym ang mga babae kaya doon kami pumunta ni Hanna.

May mangilan-ngilan na nanonood at nakaupo sa bench sa taas. Ako naman ay umupo sa bench na nasa baba lang. Nakapila na si Hanna kasama ang ilang mga babaeng susubok o magta-try-out para maging player ng volleyball.

Nakita ko din sila Lorraine, Liza at ang isa pa nilang kaibigan na sa pagkakatanda ko ay Anne ang pangalan.

Bumaling ang paningin ko sa kabilang parte ng gym kung saan naroon ang mga lalaking magtatry-out din. Marami ding nakapila doon at may pamilyar ang mukha sakin. Kumunot ang noo ko ng makita ang dalawang lalaking dahilan ng pagkaka-guidance ko.

Ibang klase din!!!
Magtatry-out din ang mga yon??

Nakita ko si Daniel na naroon at sya ang naga-aasist ng mga nakapila. Mukang player na sya ah dahil mukang hindi na sya magtatry-out. Lumibot ang mata ko at may hinanap.

Teka!!! bakit hinahanap ko sya. Sana wala sya dito ngayon. At pagsinuswerte ka nga naman, hindi ko sya nakita.

Bumalik na ang paningin ko sa mga babae. At napansin ko si Tamina ang naga-aasist sa mga babaeng nakapila.
Maya-maya lang ay may pumasok sa gym na isang babae at lalaki. Mukang sila na ang mga Coach.

Naglakad ang lalaking Coach papunta sa side ng mga lalaki. At ang babaeng Coach naman ay dito sa side ng mga babae. At habang papalapit ito, unti-unti kong namukhaan kung sino ang Coach ng Womens Volleyball Team.

Medyo nanlaki ang mata ko dahil ang Coach pala nila walang iba kundi yung kapatid ni Jigger. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad at lumapit kay Tamina.

"Goodmorning Coach Amber." dinig kong bati ni Tamina, tumango lang ang Coach sa kanya.

So sya ang Coach.

Interesting.

Sumandal ako sa inuupuan ko habang seryoso ang tingin sa kanila. I don't know pero bigla akong na-curious. Well... tingnan nga natin kung paano sya magpatry-out at humanap ng magiging player ng volleyball.

Dahil sa pagka-curious ko, nawala sa isip ko ang salitang 'ayoko na sa larong Volleyball' dahil dito.

May part din sakin na gustong suportahan si Hanna, tutal malapit at magaan narin ang loob ko sa kanya. Pangarap nyang maging player ng volleyball, this is her fifth time to try-out.

May potential at skills si Hanna,
pero bakit walang nakakakita nun??

BAKA TALAGANG YUNG MALI ANG PINAPANSIN NG COACH AT HINDI YUNG SKILLS KAYA HINDI NAPIPILI SI HANNA.

Sayang naman ang nakita kong potential ni Hanna. Sa totoo lang, kayang kaya nyang i-improve yun kung magta-training sya. She's very fast. Pero hindi pa nya kayang i-control ang bola once na ma-Dig o ma-Received nya ito.

Yun ang kailangan nyang i-ensayo ng sobra-sobra, na hindi naman nakikita ng Coach nila.

'Improvement requires patience, never let your mistakes take you down, Learn from it instead.'

Maya-maya lang nagsimula na ang try-out ng lalaki at babae. Pero nakatuon ang atensyon ko syempre sa babae.

Nagwarm-up muna sila at strech kanina hanggang sa nagsimula na nga.

'Receiving the Ball.'
Kung gusto mong maging mahusay na player, number one na dapat mong matutunan sa mundo ng volleyball ay ang pag-received sa bola.

Nakahanay ang mga babae at isa-isa magre-receive ng bola mula sa gagawing mga serve ni Tamina.

Oh the captain.

At habang tumatagal, marami na ang natatanggal agad. At kanina parin kunot ang noo ko habang tahimik na nanonood.

Maraming sumasablay pagdating sa pag-receive ng bola. Receiving ang importanteng skills sa Volleyball. Kahit hindi ka magaling mag-spike basta marunong at magaling ka sa receive at iangat ang bola sa ere, pede kang maging Libero or Defensive Specialist.

'Digging the ball'
Sa malakas at mabilis na spike, kailangan mong ma-dig ng maayos at mapanatiling nasa ere ang bola ng hindi nage-error.

Turn na ni Hanna at tumayo ako para mas makita ang galaw at kilos nya. Si Tamina ang magi-spike sa bola at kailangan mahabol at ma-dig ni Hanna ng hindi nage-error.

Hinagis ng Coach ang bola pataas at mabilis namang tumalon si Tamina at malakas na in-spike ang bola.

Agad na tumingin ang mata ko kay Hanna na mabilis ang kilos kung saan babagsak ang bola na nahabol nya sa isang iglap lang.

Nice. She's very fast.
Nalaman nya agad kung saan direksyon papunta ang bola at nahabol nya in just a blink.

Pero nang tumama na yun sa mga braso nya. Kita kong malakas na pwersang pinatama nya yun sa braso nya dahilan ng malakas na pagbounce ng bola pabalik kay Tamina, pero um-outside yun dahil sa lakas ng tira at dig ni Hanna.

Atleast naibalik nya sa side ni Tamina, napalakas nga lang at um-outside ang bola, kailangan nya pang i-ensayo ang lakas at hina sa pagkontrol ng pag-dig sa bola. At pag natutunan nya na iyon, napakalaking bagay at tulong nya sa team pag nagkataon.

.
.
.

"Ms. Magsino out."

Nagulat ako sa boses na yun ng Coach.

"Coach??" si Hanna.

"You're out." medyo ma-awtoridad na ulit ng Coach pero nakatingin parin naman kay Hanna.

Ilang segundo pang nakatayo si Hanna at parang sini-sink in pa nya ang sinabi ng Coach sa kanya. Bumaling muli ako sa Coach na nakatingin din kay Hanna na parang may hinihintay sabihin si Hanna.

Ilang segundo lang ay napatungo si Hanna at naglakad na, napansin ko ang pagbagsak ng magkabilang balikat nung Coach.

Ano yun??

Anong meron??

Naglakad si Hanna paalis ng main court at lumapit sakin.

"Tara na, Gwen."

"Hindi ka pa tapos." sabi ko.

"Tanggal na daw ako."

"At suko kana agad??"

Deretso syang napatitig sakin.
Akala ko ba gustong-gusto nyang maging player eh bakit nasuko na sya agad.

"Pang limang subok mo na to. Dahil nung nakaraang apat na taon, sabi mo hindi ka napili diba."

Tumango sya sakin.

"Then try again."

"But I'm out."

"Talk to her." tukoy ko sa Coach.

"I can't. Saka nakakatakot yung Coach."

Kumunot ang noo ko. Nasaan na yung fighting spirit mo Hanna. Nasaan na??
Naduduwag ka ngayon dahil nakakatakot yung Coach.

"Pwes! mas matakot ka sakin." seryoso kong sagot kay Hanna na ikinalaki ng mga mata nya.
.
.
.
Is that it??
Ganito nga talaga magpa try-out ang Coach ng Volleyball.

Nag-init naman ang ulo ko.

"Is that the way how you chose??

just like that??

One mistake and then out??" medyo napalakas na boses na sabi ko habang nakatingin kay Hanna, pero hindi sya ang tinutukoy ko.

Nahinto ang lahat at nakuha ko ang atensyon ng mga babae lang dahil busy ang mga boys sa kabilang side.

Bumaling na ako sa Coach at tumingin din yung Coach sa akin.

"Excuse me??" -Coach Amber.

Uulitin ko pa ba ang tanong ko!!!
Kumunot na lalo ang noo ko sa inis.

"Gwen..." pigil ni Hanna sakin.

Seryoso ang mukha ng Coach na kapatid ni Jigger... at unti-unting humakbang palapit sa akin habang matalim ang mga tingin sakin.

I don't care.

I'm pissed.

"Yes, this is how I choose a player in my team." sagot nya.

"Then this is the first time I've seen an unfair Coach."

"Gwen..." hinawakan ako ni Hanna sa braso na parang sinasabing tumigil ako.

Ilang segundo akong tinitigan ng Coach, mukang namukhaan nya na ako. Malamang ako yung babae sa Restaurant kagabi na ginulo ng kapatid nyang si Jigger.

"Unfair?? sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo??" seryoso pero kalma lang tanong ng Coach na nasa harapan ko. Pero ramdam ko sa kanya ang galit.

"Yes. Kasi yun ang nakikita ko.
At mali ang pamamaraan mo."

Shit Gwen!!
Panindigan mo tong pangingialam mo.

"Tama na Gwen..." ani Hanna at humarap sa Coach.

"Sorry po Coach Amber, lalabas na po kami." sabi ni Hanna at balak na sana nya akong hilahin pero hindi ko hinayaan yun.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng Coach ng Womens Volleyball Team ng Campbell High.

"Ano bang mali sa pamamaraan ko??" walang emosyong tanong nya.

Hindi man nya pinapakitang galit sya, nararamdaman ko naman ang galit at inis nya. Wala naman akong pakialam dahil hangga't nasa tama ako sasagot at sasagot ako.

"Kaya mo ba tinatanong dahil hindi mo alam at hindi mo nakikita??" -ako

Okay medyo nabastos ko ata sya sa sagot ko na patanong.

"Well..." ngumisi sya. "I don't need some coward in my team." sabi nya.

Biglang nagpantig ang dalawang tenga ko.

"What do you mean??" tanong ko. Dahil hindi ko nagustuhan ang sinagot nya.

"Think about it. If you don't get what I'm saying, I'll take you to the guidance office right now. But if you answer what I mean..."  huminto sya at ngumiti ng nakakaloko bago tinuloy ang sasabihin.

"... you're different and smart."

Bwisit naman. Guidance??
Pag na-guidance ako... strike 2 ko na.

Pansin kong nakatingin na lahat ng tao na nasa loob nitong Gymnasium dahil nakuha namin ang atensyon ng mga lalaki sa kabilang side at hinihintay ang isasagot ko.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang bagong dating na walang iba kundi ang kapatid ng Coach. Si Jigger... na napatingin sa side namin.

Don't mind him, Gwen! wag kang lilingon sa kanya.

Nag-focus ang isip ko sa sinabi ng Coach ng mga Babae.

Yung sinabi nya kanina... 'Well... I don't need some coward in my team.' nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.

Ayaw nya ng duwag!!! Ibig sabihin gusto nya ng malakas ang loob.

MALAKAS ANG LOOB.

MALAKAS ANG LOOB NA???

.
.
.

WAIT A SECOND...

NA KAYA SYANG HARAPIN??

Kung ganito ang pamamaraan nya ng pagta-try out sa gustong maging player at tinatanggal nya agad kapag nagkamali, napansin ko kasi kanina na parang hinihintay nya si Hanna na may sabihin. Pero hindi nagsalita si Hanna at naglakad na ito palapit sakin.

Duwag??

Napatingin ako kay Hanna. At medyo nakukuha ko naman ang gustong iparating nung Coach.

Napalingong muli ako sa Coach. At naalala ang pagbasak ng dalawang balikat nya kanina nung hindi na nagsalita si Hanna pagkatanggal nya dito.

Ibig sabihin hinihintay lang ng Coach na may sabihin si Hanna at may ipaglaban.

Sabi pa ni Hanna... natatakot sya sa Coach ibig sabihin duwag nga sya at ayaw ng Coach ng duwag.

Kung natatakot ka palang dito sa try-out at sa Coach... hindi ka talaga nabibilang maging tunay na player dahil duwag ka at mahina ang loob.

SO GINAGAWA NYA ITO DAHIL MAY DAHILAN SYA.

'Of course, Lahat naman may dahilan... bakit hindi ko naisip yun.'

I GET IT.

Bumuntong hininga ako.

"Ayaw mo ng duwag dahil sa tingin mo mahina sila at mabilis matakot. Mabilis silang sumuko agad kapag sinabi mong tanggal na sila kahit isang beses palang nagkakamali.

Ginagamit mo ang sarili mo at tinetest sila para malaman at makita kung kaya nilang ipaglaban ang sarili nila.

Pero dahil sumuko sila agad, ibig sabihin duwag nga sila at mahina ang loob. At hindi mo kailangan ng mga katulad nila sa team mo."

"And??" nakangiting tanong nya pa.

"Ang mga taong duwag, mabilis sumuko at mahina ang loob na harapin ang mga kinakatakutan nila ay hindi nabibilang para maging tunay na manlalaro."

"Exactly." malakas na sambit ng Coach. Halata sa boses nya ang pagkamangha sa sinabi ko at kita ko ang mangha sa itsura nya.

Yeah I get it. I fucking get it.
Medyo na-judge ko sya kanina.
Pero may dahilan naman pala sya.

Tama naman.

Hindi nabibilang ang mga taong duwag, mahina ang loob at mabilis sumuko para maging tunay na manlalaro.

Tinalikuran ako nung Coach at humarap sya sa mga nagta-try out, sa mga girls.

"Just like what she said... sana narinig at naintindihan nyo lahat kung bakit ganito ako magpa-try out." -C.Amber.

"Kung dito palang sa try out, o kahit sakin ay wala kayong lakas ng loob harapin ang kinakatakutan nyo... paano nalang kapag nasa tunay na laro na kayo??"

Walang sumagot.

"See... dito palang tinetest ko na ang kakayahan ng loob nyo kung gaano nyo ka-gustong maging player."

"Pero ilang taon ang lumipas... walang naglakas loob ipaglaban ang sarili nila kahit tinanggal ko sila. Marami akong naririnig na natatakot kayo sa akin kasi isang mali nyo lang tatanggalin ko na kayo agad."

"Ginagawa ko yun para i-test kayo. Kung may ipaglalaban kayo.
Pero sa nakikita ko sa mga nagtatry-out... mabilis kayong sumuko agad. Kung gusto nyong maging tunay na player... ipaglaban nyo ang sarili nyo." paliwanag nya.

"Face your fears." mahinang sambit ko. Pero narinig yun ni Coach Amber kaya napalingon sya sakin.

"Yes. Face your fears." anito at humarap ulit sa mga nagta-try-out.

"Dahil kung hindi nyo kayang harapin ang kinatatakutan nyo at hindi nyo kayang ipaglaban ang mga sarili nyo... Mas lalong hindi nyo kayang ipanalo ang kahit na anong GAME na haharapin nyo."

Katahimikan ang namutawi sa buong gym. Bumaling ang tingin ko kay Hanna na nakangiti sa akin at pansin kong namamasa ang mata nya.

"You really inspired me of your words." mahinang sambit ni Hanna sakin.

Dumako ang paningin ko sa lalaking nakatayo, ilang dipa lang ang layo sa kinatatayuan ko. Si Jigger... I can see the amusement of his face while looking at me.

Naalis lang ang tingin ko sa kanya ng bumalik sa harapan ko ang Coach kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"So... Ms??"

Bakit kailangan pang itanong ang pangalan ko.

"Gomez." I answered. As if I have a choice not to tell her.

Tss.

"Why are you here??"

Napalunok ako sa tanong nya.

"Ahm... watching??"

Shit, bat yung tono ko parang hindi pa sure sa sagot ko. Nandito naman talaga ako para manood. Panoodin si Hanna. Yun lang.

"Let me change your reason."

Tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka habang nakatingin sa Coach na nasa harapan ko. Muka parin syang masungit at strikto. Pero hindi naman ako natatakot.

"What do you mean??" I asked.

Sumilay ang kalahating ngiti nya sa labi bago ako sagutin.

"I like you... to be part of my team."
*****

-agirlwhocussalot

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

710K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.3M 60.1K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
301K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.9K 224 127
Tears Meyreal Santiago, a girl who is hiding her true self. Ang babaeng masyadong maraming sekreto. Ang babaeng parang isang malaking misteryo. Isan...