Beauty and the Demon

By supladdict

3M 123K 28.5K

(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every g... More

Simula
Author's Note
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Huling Kabanata
Epilogue

Kabanata 45

48.1K 2.4K 729
By supladdict

Goodbye

Ganoon pa rin ang nangyayari sa mga sumunod na araw. Nakatanaw si Dmitri sa akin habang may ginagawa ako, and if he had a chance, he'll try to help me. At nararamdaman ko ang panonood sa amin ni Siana. Nadadatnan ko siyang nakatitig sa akin saka tipid na ngingiti at babalik sa ginagawa. I know she wants to say something. And I want to know her thoughts, dahil baka may maayos siyang naiisip sa sitwasyon ngayon.

Gulong-gulo na kasi ako. Hindi ko na maintindihan ang dapat maramdaman. Kung ano ang nangyayari. Ang nakatatak sa isipan ko ay papatayin ako ni Dmitri sa panahon na nais niya. Ngunit hindi ko na makita sa kaniya ang bakas noon ngayon. Nagkakaroon ako ng pag-asa. Ngunit ayoko rin naman umasa dahil ayoko mabigo sa huli.

And I need someone's guidance and advice. Kaya nga humahanap ako ng tyansa na makausap si Siana ngunit tila nakikisama sa akin ang pagkakataon dahil si Siana na mismo ang lumapit sa akin.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari noon, Azriella. Ngunit ngayon, hindi ko maintindihan ang sinabi mo noong nakaraan na malabo na maayos at mabuo ang pamilya mo. Lalo na't nakikita ko kung paano ka tignan ni Master," aniya. Tumungo siya sa kwarto ko.

"Siana, nahihirapan kasi ako isipin na posible pa 'yon. Ayoko ng umasa. Malabo ng mangyari dahil iba na ngayon," sagot ko at umiling. Kamatayan na ang sasapitin ko sa kamay ni Dmitri.

"Malabo mangyari dahil iba na ngayon? Baka naman isip mo lang ang gumagawa ng ganiyang rason, Patrisha?"

Sandali akong natigilan at napatitig sa kaniya. Napailing siya at hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw mo na ba? Pakiramdaman mo dito," tinuro niya ang banda kung nasaan ang puso ko. I sighed. Alam ko ang sagot kahit hindi na pag-isipan nang sobra at pakiramdaman.

"Masyado na kaming nagkasakitan," I whispered.

"At 'yon ang kailangan niyong pag-isipan ni Master. Kung mas matimbang na ba ang sakit kesa sa pag-ibig. Kung hahayaan niyo na mawala ang pagmamahal dahil nangingibabaw na ang sakit, o ayusin at gamutin ang sakit ng isa't-isa dahil mas kailangan niyo ang pagmamahal ng isa't isa. Alalahanin mo ito, hindi puro kasiyahan ang nilalaman ng pag-ibig, Patrisha. Halo-halo ito ng ibang emosyon. At nakadepende ito sa pagpili. Kung mas pipiliin niyo ang isa't isa sa kahit ano mang pagkakataon," mabait siyang ngumiti sa akin at hinaplos ang aking buhok. Sandali akong napapikit,"daraan sa inyo ang napakabigat na problema, at susubukin kayo nito. At pakiramdam ko ito na 'yon. Alam mo ba kapag nalagpasan niyo 'to, mas titibay kayo. Mas hihigit pa ang pagmamahal niyo. At papasalamatan ang sarili na nanatili kayo. Basta't kapwa niyo piliin ang isa't-isa. Palagi. Iyon ang sekretong rekado ng habambuhay na pag-ibig."

Hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Siana. Tumatak iyon sa isipan ko. At gusto ko siyang paniwalaan, at pinapaniwalaan na siya ng puso't isipan ko. Ngunit may masakit na tanong sa isipan ko. Nais rin ba ni Dmitri iyon?

"Isipin mo rin ang anak mo—anak niyo. Tiyak sabik siya sa pagmamahal ng isang ama."

Sabik rin ba siya na makasama ang anak namin?

Maraming tanong at halos baliwin ako ng mga ito. And it will be remained unanswered kung hindi ko 'to tanungin sa kaniya. Kaya nagplano ako na tanungin siya. But then I remembered, it is now Dmitri, not Makheus. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay mas nararamdaman ko sa kaniya si Makheus.

I want to shout, out of frustration. I have a lot of doubts, and it's not helping.

Kaya napagpasyahan ko na pakiramdaman muna ulit siya upang masiguro na nasa tamang lugar ako kung sakaling tanungin ko siya.

Paano kung humindi siya? Ibig sabihin noon, wala ng pangalawang pagkakataon sa amin at malaki ang tyansa na patayin na nga niya ako. At kung gustuhin naman niya ang panibagong pagkakataon sa amin, ibig sabihin ba ay napatawad ko na siya sa mga kasalanan niya sa akin? Sa pamilya ko?

Malalim akong nag-isip at pinakiramdaman ang puso. And I felt my answer on that question.

Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na ako sa paghahanda ng hapagkainan para sa umagahan. Inunahan ko talaga si Siana. Nakahihiya naman dahil siya na lang lagi and I really want to cook their breakfast. Hinanda ko na ang mga mangkok at kubyertos dahil malapit na rin maluto ang sopas. Binuksan ko ang malaking oven upang kunin ang cookies na tapos ng mabake. Napangiti ako nang umalingasaw ang mabangong amoy nito. I was about to get the tray of cookies when I felt someone beside me.

"Let me," his deep voice uttered.

Sandali ko siyang sinulyapan bago gumilid at hinayaan siya. Pinagmasdan ko siya at napagtanto na bagong ligo dahil na rin sa bahagya pang basa ang kaniyang buhok. I can also smell his manly perfume. I sighed.

Maingat niya iyon na inilabas at inilapag. Nagkatitigan kami. Bahagya ko siyang nginitian.

"Salamat," saad ko.

Kitang-kita ko ang pagkabigla niya sa pag-imik ko. Ngunit agad ko ng ibinaling ang atensyon sa mga cookies at napangiti muli. I will let it cool first. Kumuha na lamang muna ako ng malaking mangko upang paglagyan ng sopas ngunit inagaw iyon sa akin ni Dmitri.

"Ako na muli. Baka mapaso ka pa," aniya. And I let him again. Tumikhim siya at sumulyap sa akin bago nagsalin sa lagayan. I can sense his slight shock, maybe because of the way I treat him now. Noong mga nakaraan kasi ay ipinapakita ko talaga na hindi ako komportable kapag nasa paligid siya.

Nang matapos siya ay inilagay niyo iyon sa gitna ng mesa. Pagkatapos ay nanatili siya roon na nakatayo at tila nag-iisip pa ng susunod na gagawin. I can sense his stare at me.

"Uh, g-good morning," bati niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang nag-aalangan niyang titig. I smiled again.

"Good morning," bati ko pabalik. Natulala siya sa akin kapagkuwan ay napayuko habang kagat ang pang-ibabang labi.

"Magandang umaga!"

Dumating na si Siana. Nabigla siya nang malaman na maaga akong nagising at nakapagluto na. She thanked me kahit hindi naman na dapat dahil para sa amin naman 'tong lahat. Napasulyap din siya kay Master pabalik sa akin at tila napaisip ngunit sinarili na lamang iyon. Hindi rin nagtagal ay nagising na si Simon at Morphy. We started our day with breakfast, happily.

Matapos noon ay nagpresinta na si Simon na magligpit at si Siana naman ang naghugas. Tumulong ako sa pagligpit at nang matapos ay sumama kila Simon at Morphy. Pinanood ko silang maglaro. And I can't help but to smile while watching them. Sigurado, masayang-masaya si Gabril kung maging kalaro niya ang dalawang ito. Maybe he'll hesitate at first. Hindi kasi siya sanay.

Naaalala ko ang sinabi niya sa akin noon na hindi niya kayang makipaglaro sa mga kaklase. Maybe he felt the big difference between them. His instinct told it. At sa tingin ko kung si Simon naman at Morphy ang kalaro niya ay magiging magaan ang pakiramdam nila. Because they are both special among human being.

"Master!"

Napatayo ako at agad napatingin sa loob ng palasyo nang narinig ang boses ni Siana. Sila Simon ay napatigil din sa paglalaro. Agad kaming pumasok sa loob at hinanap sila. At natagpuan namin sila sa sala. Punong-puno ng pag-aalala si Siana habang nakatitig kay Dmitri na nakaupo sa sofa habang pikit ang mata.

"Anong problema, Siana?" kinakabahan na tanong ko.

"Ang putla ng labi ni Master, Azriella!" saad niya at umambang hahawakan ito ngunit tila naiilang.

Tinitigan ko ito at totoo nga ang sinasabi niya. Mabilis din ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya na tila hirap sa paghinga. Lunapit ako kay Dmitri at hinawakan siya. Halos mapaatras ako nang maramdaman ang sobra niyang init.

"Nilalagnat siya, Siana. Masyadong mataas!"

"Masama 'to, Azriella. Hindi nagkakaroon ng lagnat si Master," nag-aalala niyang saad.

Nais ko magprotesta dahil naaalala ko noon na nilagnat siya ngunit hindi iyon ang mahalaga sa ngayon. I brought him to his room through teleportation. Sila Simon at Siana naman ay nagluto at nag-asikaso ng maaaring lunas para sa kanilang master.

Pinahiga ko siya sa kama at pinagmasdan. Tulog na tulog siya ngunit kitang-kita ang paghihirap sa mukha. Bahagyang awang ang labi at rinig na rinig ko ang mabilis niyang paghinga. Hinaplos ko ang noo niya at sinuklay ang buhok.

"You look so vulnerable right now, Dmitri.." I whispered.

Bumaba ang kamay ko sa kaniyang pisngi at malambing na hinaplos siya roon. I traced his jaw and sighed.

Hindi rin nagtagal at dumating na ang mag-ina. Simon is carrying a basin with a lukewarm water and clean towel. Si Siana naman ay isang tray na mayroong sopas at isang baso ng tubig. Bahagya itong kulay berde, mukhang hinaluan ni Siana ng herbal.

"Ipakain mo sa kaniya ito kapag nagising siya, Azriella. Makabubuti ang mainit na sabaw sa kaniya. Pagkatapos ay ipainom ang tubig na pinigaan ko ng herbal. 'Yan ang pinaiinom ko kay Simon kapag nilalagnat siya, at sana ay epektibo kay Master. Sa ngayon ay dampian mo siya ng maligamgam na tubig na ito gamit ang tuwalya upang gumaan ang pakiramdam niya at makasingaw nang maayos ang init," she instructed me. Bahagya akong napanguso, akala ko kasi ay siya ang gagawa. Sabagay, baka naiilang siya kay Dmitri.

"Sige, susundin ko Siana. Salamat," saad ko. Nagpaalam na sila at lumabas ng kwarto.

I sighed. Kinuha ko ang towel at nilublob sa tubig saka iyon pinigaan. Dinampi-dampi ko iyon sa kaniyang mukha. Kumunot ang noo niya habang nakapikit. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at ibinaba ang pagpupunas sa kaniyang leeg.

Natigilan ako muli nang pumaling ang ulo niya. He looks like he's in pain. He groaned. Lumala ang pagkunot ng noo niya. He gritted his teeth and shook his head like he's in trouble. Nataranta ako at hinaplos ang mukha niya.

"Dmitri..." I whispered.

Ngunit nagpatuloy iyon. Mukha siyang hirap na hirap. My heart swelled upon seeing him in pain. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at nagpatuloy sa paghaplos ng mukha.

"Wake up. Wake up and come back, Makheus..." I whispered.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ilang segundo ang lumipas ay unti-unti siyang nagmulat ng mata. His eyes were black. Nagkatitigan kami at unti-unti iyon na bumalik sa pagiging kulay pilak.

We are staring on each other. Kumalma ang paghinga niya. Napakurap ako at dahan-dahang inalis ang kamay sa kaniyang mukha, pati na rin ang nakahawak sa kaniyang kamay. Tumikhim ako. I can still feel his stare on me.

Kinuha ko ang towel at itinabi iyon saka kinuha ang sopas.

"Humigop ka ng sabaw. It will make you feel better," I uttered.

Dahan-dahan siyang umupo at sumandal sa ulunan ng kama. Sinulyapan ko siya at natagpuan na nakatitig pa rin sa akin. I dipped the spoon on the soup and brought it to him. Agad niyang binuksan ang bibig at tinanggap iyon.

"Mataas ang lagnat mo. Sabi nila Siana ay hindi ka naman daw nilalagnat..." saad ko at nagpatuloy sa pagpapakain sa kaniya ng sopas. Bahagya ko siyang sinulyapan at naroon pa rin ang titig niya,"pero naaalala ko noon ay minsan kitang inalagaan kasi nilagnat ka. So, I'm a little bit confuse."

Nanatili siyang tahimik. I sighed again.

"Ngunit hindi mo na rin siguro maalala since you're not Makheus any—"

"I just made myself hot that day so you'll take care of me," mahinahon niyang saad.

Napaawang ang labi ko at natulala sa kaniya. Kapagkuwan ay napailing at nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi ko alam, imbes na mainis dahil niloko niya lang pala ako noon ay isang ngiti ang nais gumuhit sa aking labi. But I suppressed it.

Wala ng umimik sa amin pagkatapos. There's a defeaning silence but a comfortable one. Nang matapos ay pinainom ko sa kaniya ang tubig na may herbal.

"Si Siana ang naghanda ng mga ito, katulong si Simon."

"I'll thank her later," namamaos niyang saad. Napangiti ako at napatango.

Wala na akong gagawin doon kaya tumayo na ako at iniligpit ang mga gamit, handa na para sa pag-alis. Sinulyapan ko siya at naabutan na nakatitig pa rin sa akin habang nakasandal sa ulunan ng kama. Napansin ko ang bahagya ng pamumula ng kaniyang labi. Lumapit ako at hinawakan siya sa noo. Napapikit siya na tila dinadama ang aking haplos. Napahinga ako nang maluwag nang kaunti na lamang ang init.

"Mawawala na iyan maya-maya. You just need to rest. Sigurado naman ako na lulutuan ka na naman ni Siana para mas gumanda pa ang pakiramdam mo," saad ko. He nodded while staring at my eyes.

I smiled a bit,"It's true this time, right?" I asked. He nodded seriously.

"Pero paano? Kung hindi naman pala posible na lagnatin ka," saad ko.

"It's the consequence of my failure to do my task," simple niyang saad.

"Ang pagpatay sa akin?" tanong ko. His jaw clenched and looked away. "Kailan mo ba gagawin, Dmitri?"

"I won't do it," saad niya.

"Bakit? Nagkakasakit ka na pala—"

"Kahit ikamatay ko pa!" mariin niyang saad at tumitig sa akin. He sighed and look away. "Wala akong pakialam. I won't do it."

"Bakit?" I whispered. He just stared at me with his gentle eyes. Halos manlambot ako, ngunit tinatagan ko ang sarili.

Matagal na katahimikan na naman ang pumainlang. And I'm the one who broke it.

"G-gusto mo ba makita ang anak natin?" I asked.

Natulala siya sa akin. Maya-maya ay mariin na napapikit. Mariin siyang pumikit habang nag-iisip at tila nahihirapan. Ngunit hindi nagtagal ay nagkaroon siya ng sagot.

"Hindi," sagot niya. And I felt my heart broke. Napaatras ako at tumalikod. Kinuha ko ang tray.

"S-sige," I whispered and walked out.

I went to the sink with a heavy heart. Agad kong hinugasan ang mga ginamit. Paalis na ako nang dumating si Siana. She smiled at me.

"Kumusta na si Master?" tanong niya.

Pilit akong ngumiti sa kaniya,"Maayos na siya, Siana. Mababa na ang lagnat," saad ko. She stared at me and it seems like she feel that there's something wrong.

"Ayos ka lang ba?" she gently asked. I immediately nodded.

"Medyo pagod lang," saad ko. Tumango siya.

"Sige magpahinga ka na, Azriella."

Tumango ako at nagpaalam na. Dire-diretso akong naglakad patungo sa paboritong hardin ni Makheus. Sinara ko ang pinto at pinagmasdan ang mga rosas. It is already dark red. Hindi tulad noong nakaraan na kulay itim. But there's still a hint of black. Just a gentle touch of black.

I sighed and sat on the small couch at the corner. Pinagmasdan ko ang lugar na nagmumukha na namang buhay. May iilan ng malalaking paru-paro. Nagbabalik na sila.

I sighed once again. Hindi mawala ang lungkot sa puso ko. It's clear that he won't kill me anymore. Kahit nasasaktan siya at nahihirapan dahil iyon ang kapalit ng hindi niya pagpatay sa akin. Pero bakit ayaw pa rin niya makita ang anak namin? Ayaw pa rin ba niya kay Gabril tulad ng sinabi niya noon, noong unang beses kong pinaalam sa kaniya na buntis ako? But looking back, when he asked our son's name and answered it, he seems emotional about. Ramdam ko ang magkahalong saya at lungkot niya noon. Pati ang pagkasabik. But why did he decline it? Bakit ayaw niyang makita si Gabril?

And I can't stop myself from being sad about it. I can't stop feeling sad for my son. Because I know how excited he's to meet his father. 

I sighed and leaned my back on the wall. At hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang nag-iisip.

I woke up with the feeling of being watched. Paggising ko ay sumalubong sa akin ang kulay pilak na mga mata. Nakaluhod siya sa harap ko habang pinagmamasdan ako. And his palm is on my cheeks.

"Dmitri," I acknowledged him. Akala ko ay aalisin na niya ang kaniyang kamay dahil nahuli ko siya ngunit nanatili iyon doon.

"Bakit ka natulog dito?" tanong niya.

"Hindi ko plano, ngunit nakatulog ako dahil sa pag-iisip," I simply answered. He sighed.

"Iniisip mo ba ang pagsagot ko ng hindi?" tanong niya.

Hindi ako umimik. Muli siyang bumuntong-hininga.

"I still don't know and can not predict my emotions. Paano kung traydorin ako ng sarili ko? What if my monster side will show itself kung kailan nasa harap niya ako? Natatakot akong masaktan ko siya," he whispered. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit nakaramdam muli ng lungkot nang makita ang kawalan ng pag-asa sa mukha niya. "Maybe because of the things that happened from the past, iniisip mo na ayaw ko sa kaniya. Nagkakamali ka. I badly want to meet him. Pero baka..." napailing-iling siya. Yumuko siya at nagtagis ang bagang.

Malungkot akong napatango.

"Naiintindihan ko na," sagot ko.

Matagal siya sa ganoong pwesto. Ilang minuto ang lumipas nang sa wakas ay nag-angat siya ng tingin. His eyes are so gentle. And now full of hope.

"Let's wait 'til the full moon," he whispered.

"B-bakit?" tanong ko. He slightly smiled.

"Puntahan natin ang anak natin. Gusto ko na rin makita ang anak ko, even just a glimpse of him, Patrisha."

Kahit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang hintayin ang gabing iyon ay nakaramdam ako ng labis na saya. Tatlong gabi pa ang kailangan hintayin, una ang ngayon, and I can't stop myself from being excited. Nag-aalala ako sa sinabi niyang ayaw niyang masaktan si Gabril dahil may posibilidad iyon kapag hindi niya nakontrol ang sarili. But since he marked a night and seems confident about it, I'll trust him. Dahil ramdam kong hindi siya magtatakda noon kung alam niyang magkakaroon ng gulo.

And I'm really happy. Because he claimed Gabril as our son. His son.

Gabril, I will make this possible. I will make things right. I will do my best to give you a whole family.

Iyan ang nasa isip ko na lamang. Na kahit nagkasakitan na kami, na dumating sa punto na halos nasira na ako ni Makheus, para sa anak ko ay mas pipiliin ko na hayaan siya sa piling namin.

Dahil kasiyahan ni Gabril ang pinakamahalaga sa akin. His happines is the cure on my broken soul. At kasiyahan ko rin na mabuo kami.

At tama si Siana. Walang perpektong pag-iibigan. Kailangan lamang namin laging piliin ang isa't isa. Iyon ang mahalaga.

He stared at me for a long time. He slowly laid his head sideway on my lap like a kid. I sighed and ran my fingers through his hair. Pumikit ako at ninamnam ang pagkakataon na 'to.

On the following days, I can't help but to anticipate for that moment. And it's really frustrating because when you're waiting for something, time seems slowing down five times.

Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Tinanaw ko ang buwan na bilog na bilog. It's illuminating the surrounding.

"Bakit nasa labas ka, Azriella?" tanong ni Siana.

Sinulyapan ko siya na nakatingin sa akin mula sa pintuan. I sighed and looked up on the moon again.

"Wala pa rin ba si Dmitri?" tanong ko.

"Hindi pa bumabalik simula kahapon. May usapan ba kayo?" nag-aalangan niyang tanong.

"Meron," bulong ko.

"Darating siya, Azriella. H'wag kang mag-alala," aniya. Tumango na lamang ako at nanatiling nakatitig sa buwan.

Lumipas pa ang mga oras. Labis na akong kinakain ng lungkot habang naghihintay. Sabi ni Siana ito lamang ang natatanging gabi na bilog ang buwan. Kaya hindi ako nagkakamali na ngayon ang itinakdang gabi ni Dmitri. At kapag lumipas ito, matagal pa ang susunod na pagkakataon.

Hanggang sa sumapit na ang hating-gabi. Ngunit wala pa rin siya. Nawalan na talaga ako ng pag-asa. Hindi na siya sisipot sa itinakdang gabi niya.

My tears build up and began to cloud my vision. Sayang ang pagkakataon na makita ko muli ang anak ko. At ang pagkakataon na makita ni Dmitri ang anak namin. Pumikit ako nang mariin at hinayaan na umalpas ang mga luha. Sa aking pagmulat ay muli itong namuo at nag-uunahan na lumaya sa aking mga mata.

"Pinaasa mo ako," I whispered in the air, wishing that he'll hear it.

"Of course not. Lagi kong tutuparin ang mga sasabihin ko sa'yo. Masyado ka lang mainipin," and it was followed with a low chuckle.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at halos magwala ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Kung posible lang na mahulog ang panga sa pagkabigla ay nangyari nga ito. My eyes were clouded more with tears. Naghalo-halo ang emosyon ko at halos hindi ko na maintindihan. Napailing-iling ako habang nakatitig sa kaniya. He smile in a way that shows that he's happy and sad at the same time.

"Makheus..." I whispered.

"Tara na?" saad niya at inilahad ang kamay.

Dahan-dahan ko 'yon na tinanggap at nang maglapat ang aming kamay ay mabilis niya akong kinabig sa mahigpit na yakap. I burst out in crying. He hugged me tighter.

"I'm sorry for making you wait. I'm sorry," he whispered.

I cried harder. Binaon ko ang mukha sa kaniyang dibdib. Ang lalake na yakap ko ngayon ay si Makheus. Hindi na si Dmitri. Tumingala ako at tinitigan siya. His facial features that let you feel how merciless and rough he can be. And his silver eyes that can be gentle when staring at me. Siyang-siya. Si Makheus. My Makheus is back.

"H-how? Paanong nagbalik? I mean I can feel you on Dmitri pero iba pa rin 'yon. Paanong—"

"Hindi 'yon ganoon kahalaga. Unahin natin ang anak natin. I want to meet him now," he whispered.

Pinunasan niya ang aking mga luha. He stared at me lovingly before kissing me on my forehead. Napapikit ako at pinakiramdaman ang puso na tila unti-unting gumagaling. Lalo akong napaluha. Hindi ko akalain na ang makita lamang siya ay ang gamot at siyang magpapagaling sa aking puso.

"Let's go?" he asked. I nodded and hugged him tighter.

Humalo kami sa hangin. Hindi ko na magawang magmulat pa dahil ninamnam ko na lamang ang pakiramdam na ito. Napamulat na lamang ako ng mag-iba ang atmospera ng paligid. And as I opened my eyes, I know that we are on one of the rooms in the Bloodstone Palace. Bahagya akong lumayo kay Makheus.

Nilibot ko ang tingin at napatigil sa malaking kama sa gitna ng kwarto. Sa ulunan nito ay bintana na gawa sa salamin kaya naman malaya na nakapapasok ang liwanag ng buwan. At ang liwanag nito ay nakatutok sa anak kong mahimbing ang tulog.

Napangiti ako habang tinititigan siya. Kunot ang noo nito at nakanguso ang labi. Ganiyan lagi ang hitsura niya kapag nakatutulog. Dahan-dahan ko itong nilapitan at umupo sa kaniyang kama. I gently touched his chubby cheeks. Bumuhos ang pangungulila na matagal kong tiniis.

"Kumusta ang baby ko?" I whispered.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Nang may maalala ay tinignan ko ang pwesto ni Makheus. I saw him staring at us with hundred of emotions on his eyes. I smiled at him and signaled him to come. Napalunok siya at dahan-dahang naglakad palapit. At tila nanghina siya nang nakatayo na sa kabilang gilid ng kama habang titig na titig kay Gabril.

"Meet Matheus Gabril," I whispered.

Nang muli ko siyang tignan ay mas emosyonal na siya. Kumislap ang sulok ng kaniyang mata. Nahulog ang tila butil ng kristal, at malayang dumausdos sa kaniyang pisngi. He look at me like asking for permission and I immediately nodded.

Maingat siyang umupo sa kama. Umangat ang kamay niya at umambang hahaplusin ang mukha ng aming anak ngunit tila takot siya sa paniniwalang masaktan ito. Inabot ko ang kaniyang kamay at hinaplos iyon. At ako na ang nagdala noon sa mukha ni Gabril. Pinanood ko ang kaniyang ekspresyon at tila batang-paslit na iiyak na nang tuluyan sa anumang saglit. He touched our son's face like he's a fragile thing.

My heart swelled while watching them. This is a very familiar scene. Tagpo na nakikita ko lamang sa aking panaginip.

But now, it's already real.

"I—I..." nabasag ang boses niya. Huminga siya nang malalim at tumitig sa akin, "I want to become deserving to have you and our son. I want to become worthy for you and for our Matheus Gabril," he whispered. And he cried silently.

Magkahalong sakit, lungkot at saya habang pinapanood ko siyang umiyak. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak ng ganito.

Hinawakan niya ang aking kamay habang ang isa naman ay humawak sa kamay ng aming anak. Pumikit siya nang mariin at nang magmulat ay ngumiti sa akin. And that is the gentlest and most genuine smile I've ever seen.

Matagal niyang pinagmasdan ang aming anak. I asked him if he want me to wake Gabril up but he said that it's not yet the right time. Sinunod ko na lamang siya at hinayaan na tahimik na pagmasdan ang bata.

Maya-maya ay huminga siya nang malalim at sumulyap sa akin. I stared back at him. He licked his lips and sighed again.

"Can you come with me? Please?" he asked.

"Aalis tayo?" I asked. Sumulyap siya sa aming anak at dahan-dahang tumango.

"At pagkatapos noon, pwede mo na siya makasama muli," he whispered.

"Pero...ikaw? A-ayaw mo ba makasama k-kami?"

"Sumama ka muna sa akin. I will tell you everything. Please?" he asked.

Sumulyap ako sa aming anak at tumayo. Inayos ko ang kumot nito at yumuko upang halikan si Gabril sa pisngi at noo.

"Momma will be back, okay? I miss you and I love you.." I whispered. Bahagya itong gumalaw. Nanigas naman si Makheus habang nakatitig dito.

Napangiti ako nang bahagya itong napanganga at mahinang humilik. Makheus smiled too.

Pinagmasdan ko si Makheus na lumapit dito at yumuko. He stared at our son's face and kissed him on his forehead for too long. Matapos noon ay hinaplos niya ang pisngi nito at madamdaming tumitig dito muli. Tumalikod ako dahil hindi ko na nakayanan na panoorin sila. Mas masaya siguro kung gising si Gabril.

"Mahal kita, anak," he whispered. "We will meet soon," he added.

And there is something on the way he speak. It's like a goodbye for now. Ngunit tinanggal ko 'yon sa aking isip dahil bakit pa siya aalis gayong maayos na ang lahat? Makheus is back. He's back.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. He smiled before we vanished on the thin air.

He brought me to the paradise that makes me remember thousand of memories. The place where we made love. And the place where I left him.

Katulad ng dati ay sa dulo kami ng talampas umupo. Our feet are hanging and under us is the pristine sea. Kumikislap ito at tila binudburan ng mga kristal dahil na rin sa liwanag ng buwan. Pumikit ako at huminga nang malalim. This place is very peaceful and refreshing.

"This place is just nothing to me," binasag ni Makheus ang katahimikan. I immediately stared at him. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagbalik siya, at narito na sa tabi ko,"even if it seems special because no one can go here except me. Actually, this place is hidden. Walang nakaaalam. Maybe it is impossible since it seems like this place is easy to be found, but magic happens. Kaya ginawa ko na lang na lugar na pinupuntahan ko kapag gusto magpahinga."

He sighed and look around.

"But then I began to see this as special place when I brought you here. Biglang naging may halaga ang bawat parte nito. I began to give importance on this place. Lalo na dahil nagustuhan mo rin dito. You made this special when you stepped on its ground. And I want you to know that you make everything special, Azriella. You make everything worthy. And you made me want to become worthy. Nang dahil sayo nagkaroon ng dahilan ang buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat sa'yo. Sa inyo ng anak natin," he added.

"Makheus.."

"And maybe you're curious how my physical features came back," saad niya. Agad naman akong tumango. Napangiti siya na tila may naalala at napailing-iling. "I had this crazy bargain with a very powerful creature. And I never thought that I would talk to her. But because of you, nothing is impossible, Azriella."

"And I'm glad that you're back," I whispered. Naging seryoso muli ang kaniyang mukha. He sighed again.

"But this is just temporary. Patay na ang pisikal na anyong ito, Azriella. There is just a time every year that I can claim this back. Ngunit kinabukasan ay ibang anyo na naman," saad niya.

"Then you'll back on being Dmitiri tomorrow?" I asked again.

"No one knows."

"P-pati rin ba ang alaala mo at ugali ay ngayon lang? Tuwing itinakdang gabi lamang?" malungkot kong tanong.

He smiled.

"I claimed it back fully. Thanks to her. But I need to work for it."

Napangiti ako nang malaki at napayakap sa kaniya. He hugged me back, tighter.

"Then we should really thank her, Makheus. Hindi mahalaga ang pisikal para sa akin. Mas mahalaga ang presensya mo. Ang tunay na ikaw. Physical body is just a container. What is important is your soul, memories and feelings, Makheus. Iyon ang mahalaga," saad ko.

Katahimikan muli ngunit kontento na ako roon. Humilig ako sa dibdib niya at sabay naming pinagmasdan ang buwan sa langit pati na rin ang mga bituin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako nang mahimbing.

And when I woke up, I began to cry when I realized that he left me. He's gone. I am left alone with his letter.

Azriella,

    Thank you for everything. Salamat sa binigay mong pagkakataon na naranasan ko muli ang purong saya at katahimikan. I really thank and appreciate it. Lalo na ang hindi mo panunumbat sa akin at pagbuntong ng galit sa kabila ng mga kasalanan ko sayo. Higit sa lahat ay ang pagpayag mo na makita ko ang ating anak. Iyon ang kailangan na kailangan ko ngayon upang mas madagdagan ako ng dahilan na makabalik pa. Gagamitin ko ito bilang lakas at inspirasyon. Alam kong marami kang tanong at sana ay masagot ko pa iyon at magkaroon ng pagkakataon na makabawi sayo. I made that bargain with the goddess. Your grandmother. And I can't say it to you personally that I might not be able to come back. Maliit lamang ang tsansa ko. Ngunit pahahalagahan ko 'yon lalo na't alam kong hihintayin mo 'ko pati ng anak natin. You're really kind and pure, and I really want to be deserving for that. I will work for that even it seems impossible. Please go on with your life, with our son. Maybe time will come that you'll love another man. And I will not tell you to avoid it, especially that the chance of me to come back is just small. I just want you to never forget me, and please, forgive me for everything. Please be happy. And maybe it is forbidden, but this demon will love you, forever. Ikaw noon, ikaw ngayon, at sa habang panahon. Paalam.
                                                          Makheus

I hugged his letter and closed my eyes. I smiled sweetly and stared at the moon.

"Hihintayin kita, Makheus. Hihintayin kita, kahit gaano katagal"

****

Can you feel the aura of ending already? Hahahaha. Thank you and enjoyyy!

Supladdict<3

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 98.3K 41
A Stand Alone Vampire Novel "You're my obsession. You're my dark love, you're mine. Only mine." Sweet Aphrodite Villegaz is a girl who has a simple l...
23.3M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
15.6K 1.5K 53
Teach Me How to Alpha follows the life of Caelen San Rafael, an office girl who mysteriously became a Werewolf. Her life turns upside down when she f...
1.4M 72.4K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...