Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

545K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 5

14.4K 493 3
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Alas dos na ng madaling araw ngunit nananatili pa rin akong gising. Hindi pa rin nagbabago ang panahon sa labas at duda ako kung titigil ba ang napakalakas na ulan na ito bukas ng umaga.

Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko saka ako bumaligtad ng pwesto sa pagkakahiga ko sa kama.

Nakatanaw na ako ngayon sa labas ng bintana at wala akong ibang nakikita kundi malalakas na bagsak ng ulan at hamog sa buong paligid.

Muli ay nagsimula na namang bumalik ang realidad sa akin. Ang dahilan kung bakit ako uuwi ngayon sa lugar na ito.

Kung saan ako lumaki. Kung saan ako nagkaisip at kung saan ko pinangarap noon na buoin ang pamilya ko na winasak ni Rafael.

Nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Banayad akong suminghot at sinikap ko na pigilan ang mga luha na gustong dumaloy sa mga mata ko.

Pero pinanlalabo ng mga iyon ang paningin ko kaya kumurap ako at hinayaan ko nang tumulo ang mga iyon.

Mag-isa lamang ako sa loob ng silid na ito at malaya kong mailalabas ang lahat ng bigat na nadarama ko sa dibdib ko.

"You're so unfair, Papa." anas ko sa nagsisikip na kalooban saka na ako tuluyang napahagulhol.

Nakikipagsabayan ang mga luha ko sa malakas na ulan sa labas ng hotel.

Hinayaan kong lumabas ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko sa dibdib ko sa nakalipas na limang taon.

Mga emosyong sinarili ko sa kagustuhan ko na ipakita sa lahat na hindi ako ang talunan.

Nagsilabasan ang mga luha na pinipigilan ko mula pa kahapon nang malaman ko ang nangyari sa sarili kong ama.

Napapikit ako dala na rin ng pagod sa biyahe ay nagsisimula na akong makadama ng pamimigat ng mga mata ngunit nagawa pa ring sumingit ng isang maliit na alaala sa utak ko.

"Are you alright, Jasper?" banayad na sabi ni Lola Corazon sa nag-aalalang tinig.

Tanging si Lola lamang ang tumatawag sa akin sa pangalan na Jasper dahil ang lahat ay nasanay na sa tawag sa akin ng mga magulang ko na Ivan.

Pinagulong niya ang wheelchair niya saka niya ako nilapitan habang nakatanga ako sa loob ng silid ko at hindi ko malaman kung nag-eempake ba talaga ako o nakatanga lang.

"I'm f-fine, Lola." sagot ko sa gumagaralgal na tinig.

Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya at nagpatuloy na ako sa paglalagay ng mga damit ko sa loob ng maleta.

"It's just t-that..." tumingala ako upang pigilan ang mga luha ko. "...hanggang sa huling sandali ay... hindi ako naging mahalaga sa kanya." dagdag ko pa sa nababasag na tinig.

Kinabig ako ni Lola saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Jasper, hijo. Nagkakamali ka sa iniisip mo. Mahal ka ng papa mo. Mahal na mahal." aniya sa naghihirap na loob.

Hindi ako sumagot. Masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng pag-iyak ko. Hinayaan ko na lamang si Lola na yakapain at ikonsola ako.

"Sana ay kaya ko pang magbiyahe." sambit niya. "Kaya lang ay laging umaatake ang arthritis ko at malamig sa asyenda." dagdag pa niya.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya saka ko hinawakan ang mga kamay niya bago ako nag-angat ng tingin at sinalubong ang nag-aalalang mga titig niya.

Sa mga nakalipas na panahon ay ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin ang anyo ni Lola Corazon.

Hindi na siya kagaya ng Lola ko years ago na masigla at napakaliksi.

Mas lalo pa siyang tumanda sa paningin ko ngayon lalo na at nababanaag ko ang labis na pag-aalala niya sa akin.

Hindi ko gustong maging dahilan ng pag-aalala niya kaya mula pa kanina ay sinisikap ko nang magpakatatag sa harapan niya kahit deep inside ay durog na durog na ako.

Pinisil ko ang mga palad niya saka ko siya payak na nginitian na ginantihan din naman niya ng masuyong ngiti.

"Hindi ninyo ako kailangang samahan, Lola. Makakasama sa inyo ang klima sa hacienda bukod pa sa hindi na ninyo kakayanin pa ang napakahabang biyahe patungong norte." sabi ko.

"Naroon naman po si... si Ralf." dagdag ko kahit na labag sa loob ko na banggitin ang pangalan ng lalaking iyon.

Then I thought I hated him. Bakit ba nanulas pa sa bibig ko ang mga salitang iyon na para bang pati ako ngayon ay umaasa na rin sa lalaking iyon.

Never!

Dahil sa inis ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang binabalikan sa isipan ko ang mga eksena sa pagitan namin ni Lola kahapon bago ako bumiyahe patungong norte.

Nagising ako na medyo maliwanag na ang paligid. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata.

Sandaling hindi marehistro sa isip ko kung nasaang lugar ba ako. Hindi pamilyar ang kisameng namulatan ko.  Hindi rin pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.

Kasalukuyan akong nakahiga sa maliit na kama at nakatanga sa bintana. Makulimlim pa rin sa labas at kasalukuyang pumapatak tubig sa labas ng bintana.

Mahihinang ambon din ang nakikita ko na nagmumula sa makulimlim na langit. Nagkakaroon na ako ng ideya kung nasaan ako.

Napakurap ako at naagaw ng isang mahinang pagtikhim ang atensyon ko.  Natataranta ako na napaangat ng katawan mula sa pagkakahiga ko sa kama.

Nasa tabi ng kama si Ralf. Nakaupo siya sa maliit na silya na nasa loob ng silid. Bakit ba ang cute niya sa paningin ko ngayong umaga na ito?

Mabilis kong pinalis sa isipan ko ang kalokohang naiisip ko. Nasa tabi ko lang siya at tahimik na nakatitig sa mukha ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Habang natutulog ako? Papaano siya nakapasok sa silid ko?

Doon ko narealize na hindi ko nga pala silid ito. Silid ito ng hotel na tinuluyan ko.

"A-ano ang... ginagawa mo dito?" Lumipad ang mga mata ko sa nakasarang pinto. "P-papaano kang nakapasok?" puno ng malisyang tanong ko sa kanya saka ko ibinalot ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko.

Sumulyap ako sa bintana. Naalala ko na sinabi niyang aalis kami ng madaling araw pero maliwanag na ay narito pa rin kami.

Hindi ko na rin namalayan na napahaba na pala ang tulog ko. Muli ay ibinalik ko ang tingin ko sa lalaking kasama ko ngayon.

"A-anong oras na?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng  labi niya na tila nangangako ng isang matamis na ngiti pero sinalungat ng isip ko iyon. Hindi si Ralf ang tipo ng tao na madaling ngumiti.

"Good morning," sabi niya sa halip na sagutin ang mga tanong ko sa kanya.

Gusto ko pang magpigil ng paghinga nang masuyo siyang ngumiti sa akin matapos akong batiin ng magandang umaga.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba sa wari ko ay napakagwapo ni Ralf sa paningin ko. Hindi iyon ang dapat na naiisip ko lalo na sa mga sandaling ito.

"It's already nine thirty in the morning. I had the key, remember?" nakangiting sabi niya sa akin na sinabayan ng sarkasmo sa tinig niya.

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko saka ako napabangon bigla mula sa kama.

"Hindi mo kinuha sa akin kagabi ang susi at narito ako ngayon para hintayin kang magising. Gigisingin na sana kita kanina pa pero napakahimbing ng tulog mo at ayaw kitang istorbohin." sabi niya at bahagyang lumalim ang ngiti sa mga labi niya ngunit agad ring nawala at napalitan ng pagsasalubong ng mga kilay nang mapuna niya ang suot ko.

Hindi na ako nagpalit pa ng damit kagabi matapos kong magtungo sa canteen dahil ang sabi niya ay madaling araw kami aalis kahit pa magdelubyo.

Pero ngayon ay sasabihin niya sa akin na mahimbing ang tulog ko at ayaw niya akong maistorbo? My foot!

Naiinis akong tumingin sa kanya ngunit ayokong umpisahan ang araw na ito ng masama ang timpla ko kaya sinikap ko na pigilan ang inis ko.

Sa pagtitig ko sa kanya ay hindi ko namamalayan na nasa mga labi na pala niya ang tingin ko.

Mapupulang labi na animo'y nang-aakit na halikan. Mga ekspertong labi na kung humalik ay para bang wala nang bukas.

Mga labing masuyo at marahas na humalik sa mga labi ko kagabi at nagdulot ng kakaibang kilabot sa buong katawan ko.

Muli ay nanariwa sa isipan ko ang napakainit na halik na pinagsaluhan naming dalawa kagabi sa loob ng silid na ito.

Shit!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka ako tumalikod sa kanya. Naglakad ako patungo sa bintana saka ako kunwari na sumulyap sa labas.

May pakiramdam kasi ako na namumula ang mga pisngi ko dahil sa napaka-awkward na bagay na naiisip ko.

Ilang mga labi na kaya ang nahalikan ng lalaking ito?

Lihim akong napailing dahil sa mga naiisip ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ako makapag-isip ng maayos mula pa kaninang magising ako.

Muli ay naglaro na naman sa maruming bahagi ng kaisipan ko ang mapangahas na paghalik sa akin ni Ralf nang nangdaang gabi.

Marahas na may halong lambing. Masuyo na mapaghangad. Malalambot na labi na kumikiskis sa mga labi ko sa kabila ng tikas at kisig ng pangangatawan niya.

Paano siya nagkaroon ng ganoon kalambot na mga labi na kung humalik ay daig pa ang eksperto?

Nagpatuloy pa ang maharot na mga eksena sa isip ko hanggang sa bigla ay naghubad siya ng pang-itaas niya at tumambad sa akin ang perperktong hugis ng kanyang katawan.

Basang basa ito at dumadaloy sa bawat cuts na tila nililok ng isang dalubhasang iskulptor ang mahaharot na daloy ng tubig ulan kasabay ng malamlam na mga titig niya sa akin at ang paghawak niya sa kamay ko.

Tila naman ako sunud-sunuran na nakatitig lang sa mga mata niya habang dinadala niya ang palad ko patungo sa matipunong dibdib niya hanggang sa tuluyan na iyong lumapat sa katigasan ng katawan niya.

"Fuck!" sigaw ko kasabay ng pagdapo ng kamao ko sa katabi kong pader sa gilid ng bintana.

Marahas akong sumulyap kay Ralf na ngayon ay kasalukuyan pa rin na nananatili sa kinauupuan niya.

Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingala siya sa akin. Marahil ay dahil sa ikinilos ko ngayon lang.

"Bakit hindi mo ako ginising? Pinagmamasdan mo ba ang pagtulog ko?" masungit na tanong ko sa kanya.

Isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mga labi niya saka siya tumayo at nakapamulsang naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Sumilip pa siya sa bintana at hindi ako mapakali dahil hinihintay ko ang paglapat ng katawan niya sa likuran ko na ngayon ay halos ilang sentimetro na lang ang layo.

Sa sandaling madidikit siya sa akin ay itutulak ko siya palayo dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit kami ng lalaking ito.

"May masama ba kung pagmamasdan kita?" bigla ay sabi niya habang nakasilip pa rin sa labas ng bintana. "Ikaw lang ba ang may karapatan na pagmasdan ako?" dagdag pa niya.

"Dream on!" sabi ko sa kanya saka ko siya tinulak at bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama.

"Nakita kita kagabi. Pinagmamasdan mo ako. Dito mismo sa bintanang ito. Naeenjoy mo pa rin ba ang panonood sa bawat kilos ko? Papasa na ba ang katawan ko sa napakataas na standards mo?" sabi niya saka niya ako sinulyapan.

Naningkit naman ang mga mata ko saka ako tumayo. Sinalubong ko ang nanghahamong mga tingin niya.

Hindi ko gustong simulan ang umaga na ito nang mainit ang ulo. Mahilig maglaro ang lalaking ito. Puwes, sasabayan ko siya.

"Paanon kung sabihin ko sayo ngayon na oo. Matutuwa ka na ba?" hamon ko sa kanya.

Muli ay tumaas na naman ang sulok ng mga labi niya ngunit sa pagkakataong ito ay nakikita ko na pati ang mga mata niya ay nakangiti.

"Syempre matutuwa ako. Napakalaking karangalan na makapasa sa standards mo." sagot niya saka siya lumapit sa akin at hinawakan ng mga daliri niya ang baba ko.

Marahas ko iyong iniiwas sa kanya saka ko siya tinitigan ng masama.

"Don't touch me!" I coldly said.

"Don't worry, sweetheart. You can always touch me wherever you want. I'm yours!" he whisper.

"Hindi ako interesado sayo. Tandaan mo iyan. And one more thing, I'm not your sweetheart." sagot ko na tinawanan lang niya.

Tinitigan ko siya ng masama. Nakangiti pa rin ang gago saka na siya naglakad patungo sa may pintuan.

Pinihit niya ang doorknob saka siya muling bumaling sa akin.

"Hindi pa tayo makakatawid sa tulay sa mga sandaling ito. Dito na tayo magpalipas ng oras hanggang sa tanghalian. Magbihis ka na. Hihintayin kita sa canteen." sabi niya saka na siya tuluyang lumabas.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
684 68 7
Kinasusuklaman niya ito, and that's the only thing that he remembered. Kaya naman labis pa niyang kinasuklaman ang lalaki when he knew that they have...
310K 16.8K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
165K 8.8K 46
Note: This story was inspired from a Chinese Webseries titled Addicted Heroin. That's why some scenes are similar to that series. Manuscript: He's no...