My Secret K-Pop Agent (...

By red_lover18

32.6K 870 551

Kapag sinabi bang K-Pop Star maarte at mayabang agad? Hindi ba pwedeng cover lang yan? Kapag sinabi bang baba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 Part 1
Chapter 7 Part 2
Chapter 7 Part 3
Chapter 8~~~Teaser ^___^
Chapter 8
Chapter 9 Part 1
Chapter 9 Part 2: Meet the Girls ^_^
Chapter 9 Part 3: Stage Names and the CALL???
Chapter 10: Moving Into Their House...
Chapter 11: The Show
Chapter 12: Their Moment
Chapter 14: Overprotective
Chapter 15: Kuya and Little Sissy
Chapter 16: The Deal
Chapter 17: Team Up Mission
Chapter 18: Triple Threat's First Encounter
Chapter 19: Preparation and Promises
Chapter 20: MAMA
Chapter 21: Big Fuss
Chapter 22: Kissing Monster
Chapter 23: New Mission

Chapter 13: Free Hugs

737 28 30
By red_lover18

"From now on...

...

...

sa kin ka na sasabay."

Muntik nang mabitawan ng kasama niya ang hawak nitong cellphone. Halatang-halata sa mukha nito ang pagkagulat.

"Seriously?" Yun lang ang nasabi nito.

"Uh-huh. Now get in the car before we'll get late sa practice niyo." Sabi niya dito.

Pumasok na siya sa loob ngunit makaraan ay lumabas rin agad.

"What are you still doing there? Get in the car NOW!" Sigaw niya sa kasama niya nang di man lang ito gumalaw.

"Tsk. This is ridiculous." Narinig pa niyang bulong nito bago ito tuluyang pumasok ng sasakyan.

Yes. This is really quite ridiculous I might say. Nasabi na lang niya sa sarili.

***

"Yes Sir. I already have all the files you needed Sir." Sabi ni Drake sa kausap niya sa telepono. Nasa loob siya ng opisina ng Chairman ngayon dahil may pinapaasikaso itong mahalagang papeles para sa susunod nilang misyon. Kakatapos niya lang mangalap ng impormasyon tungkol sa bago nilang subject at ngayon nga ay andito siya sa opisina nito para maibigay sana ito sa Chairman ngunit kanina lang niya nalaman na nagbakasyon pala ito kasama ang may bahay nito.

"Thank you Agent Zero." Sabi ng Chairman. "Just place it on the table. I'll read it as soon as we got home."

"Acknowledge." Sabi niya.

Paalis na sana siya nang may maalala siya.

"Sir?" Tanong niya.

"Yes? Any problem?"

"About the last time..." Pag-uumpisa niya.

Narinig niyang napabuntung-hininga ito sa kabilang linya bago magsalita.

"I know what you're thinking Agent Zero...but it's better if wag na tayong mangialam. Sigurado akong may mahalagang dahilan kung bakit niya ito nagawa. For now, let's just wait and see."

Now it's his turn para magbuntung-hininga.

"I understand Sir."

"Good. And by the way, please do me a favor. Pakicheck si Agent Sky. Alam mo naman yun, matigas ang ulo. And please do check na rin kay Jade. Baka kasi hindi binabantayan ni Saich ng maayos. May maisipan pang gawing kakaiba." Utos sa kanya ng Chairman.

"Copy. Don't worry Sir. I'll take good care of them both. Enjoy your vacation and pakibati na rin po kay Tita Lien." Masaya niyang sagot. Hindi niya alam kung bakit masaya siya nang mabanggit ang pangalan ni Jade. Ang alam lang niya ay talagang magaan ang loob niya dito noon pa mang una silang magkakilala kahit na muntik na siya nitong mabangga. There is something in this girl na gugustuhin mo siyang protektahan. Though she look like skilled enough to protect herself, still he wanted to protect her from any sort of harm. Ang alam lang niya ay poprotektahan niya ito kahit hindi siya sinabihan ng Chairman. Ewan niya kung bakit yun ang pakiramdam niya. Simula kasi nang makita niya kung gaano kalungkot ang mga mata nito nung umalis ito nung isang araw galing sa office ng Chairman, naging concern na siya dito. Not to mention na narinig pa niya ang usapan ng mga ito noon. Hindi man niya sinasadya pero yun nga ang nangyari.

*flashback*

Papasok na sana siya sa office ng Chairman gamit ang secret passage na matatagpuan sa bookshelf ng office nito nang marinig niya ang usapan ng mga ito. Galing siya sa underground lab ng mga agents at may i-sa-submit sanang report sa Chairman nang mangyari yun.

Dala na rin siguro ng kuryusidad at pagtataka ay di na siya nakatiis at pinagana na niya ang transparent code ng shelf na siyang tanging hadlang sa kanyang kinaroroonan at ng office ng Chairman. Gusto niyang makita ang pag-uusap ng mga ito at hindi ang pakikinig lang. Why? Hindi rin siya sigurado. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa yun. Alam naman niyang mali pero dahil siguro sa napansin niyang kalungkutan sa boses ni Jade nang mabanggit ng Chairman ang tungkol sa ama nito ay pinagpatuloy na lang niya ang kanyang nasimulan.

Tahimik lang siyang nanonood sa mga ito. Pansin niyang naawa talaga ang Chairman sa sitwasyon ni Jade pero tulad niya, wala rin itong magawa. At naiinis siya dun. Gusto niyang may magawa man lang para dito. Gusto niya itong matulungan pero pano? Wala man lang siyang kaalam-alam ni katiting na impormasyon.

Nang umalis si Jade ay nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago siya pumasok pero laking gulat niya nang hindi pa man niya nabubuksan ang shelf ay tuluyan na itong bumukas ng kusa. Napalunok siya. Alam ng Chairman na andun siya at nakikinig kanina pa!

Patay... He thought.

Hindi pa siya pumapasok. Tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Kanina pa pala siya nahuli ng Chairman at ang masaklap pa dun, sa ganun pang sitwasyon. Nahuli siyang nakikinig sa usapan ng iba for God's sake!

"Pumasok ka na Agent Zero. Alam kong ikaw yan." Sabi nito sa maowtoridad na boses. Napalunok na naman siya. Mabait ang Chairman sa kanya alam niya yun. Sa lahat naman ay mabait ito pero sa kanila ni Saich ito mas mabait. Pero kahit ganun, natatakot pa rin siya dito lalo na kapag ginamitan na sila ng ganung tono ng Chairman. May awtoridad at conviction. Pumasok na siya sa office nito.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung maaamuse pero first time mo tong ginawa sa kin." Sabi nito nang nakatungo pa rin at nagbabasa ng mga papeles. Napatungo na rin siya. Nahihiya siya sa ginawa niya.

"Pero ganun pa man, hindi ako galit." Sabi nito at tsaka nagtaas ng tingin. Nakangiti na ito ngayon.

"Akin na yang report mo at gawin mo na ang dapat mong gawin." Sabi nito. Medyo nalito siya sa tono nito nang sinabi nito ang huling mga kataga pero hindi na niya yun pinansin. Nagpaalam na siya at agad pumasok sa secret passage kung saan siya galing. Hindi na niya ginamit ang front door ng office nito dahil baka magtaka pa ang sekretary nito dahil hindi naman siya dun dumaan kanina. Hindi niya tinungo ang daan papunta sa underground lab instead, he took the first door kung saan sila madalas pumasok kapag gusto nilang pumunta sa practice room. Pintuan iyon na kapag nilakad mo ay lalabas ka sa stock room area. May daan sa floor ng stock room area at tanging agents lamang ang pwedeng makadaan doon dahil kailangan pa ng access card para mabuksan yun. Hindi rin sila natatakot na baka may makahuli dahil tanging high class agents lang o yung mga authorized person ang pinapayagang makapasok sa mga rooms na ganito. And besides, palaging nakalock ang pinto mula sa labas at mabubuksan lang ito kung may taong magbubukas mula sa loob.

Nang makarating sa stock area ay agad-agad siyang lumabas ng room. Nakita pa niya si Jade na naglalakad sa hallway. Alam niya ang daan na tinutungo nito. Ang daan papunta sa rooftop. Hindi naman niya ito pwedeng sundan dahil alam niyang malakas rin ang mga senses nito dahil tulad niya, high class agent rin ito kaya minabuti niyang sumakay ng elevator para masundan ito. Three floors lang naman ang pagitan ng floor nila ngayon at nang rooftop. Mayroon kasing 12 floors ang building na to at andito sila ngayon sa 9'th floor kung nasaan ang office ng Chairman. Akala niya mapapabilis siya pero may humabol pa sa kanya. Si Dylan.

"Hyung! Nakita mo ba si hyungnim?" Tanong nito nang makapasok sa elevator.

"No." Tipid niyang sagot dito.

"Aish! Saan na naman nagsusuot yun? Teka, si Jade nakita mo?" Tanong na naman nito.

"Bakit mo hinahanap?" Pabalik niyang tanong.

"Eh kasi kailangan na siya dun sa practice room eh. 5 minutes na lang resume na practice nila at tsaka balita ko binigay na raw sa kanya ng Chairman ang mga positions nila sa group." Balita nito na parang tuwang-tuwa.

"Bakit parang ang saya mo? At tsaka pano mo yun nalaman lahat?" Pagtataka niya.

"Secret!" Sabi lang nito at binelatan siya.

Napapailing na lang siya.

Huminto ito sa 11'th floor at nagpaalam na. Pasara na sana ulit ang pinto nang may pumigil na naman. This time, si Brent.

"Yhow! Sorry ha. Ito lang ang available eh. Pwede sa 9'th floor muna? Kapos na ko sa oras eh." Sabi ni Brent at ginamit pa ang priority code.

Anak ng! Kaya nga nag-elevator para mas mapadali ang pag-akyat eh!

"Saan ba ang punta mo?" Tanong na lang niya.

"Sa may practice room. Biglaang nagpatawag ng meeting si Manager eh. Di ka ba pupunta?" Tanong nito.

"Susunod na ko. May kailangan lang akong puntahan." Sagot lang niya.

"K. Sige bro salamat." Sabi nito at umalis na.

Pinindot na lang niya ulit ang numero papunta sa rooftop.

Kapag may pumasok pa dito, sisipain ko na talaga... Sabi niya sa kanyang isip.

Lalo siyang nainis nang may narinig siyang sigaw.

"Wait wait wait!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Hindi na niya ito pinansin at hahayaan na sanang sumara ng kusa ang pinto and at the same time, praying na sana hindi maabutan ng babae ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag nang nagsara na ang pinto pero bago yun, narinig pa niya ang malutong na mura ng babae na nasarhan ng pinto.

After a long break, nakarating rin siya sa rooftop and there he saw her. Nakatalikod ito sa kanya. Dahan-dahan niya itong nilapitan and the rest is history.

*end of flashback*

Napangiti siya sa ala-alang iyon. Lumabas na siya sa office ng Chairman and to his surprise, nasa hallway ang babaeng kani-kanina lang ay laman ng kanyang isipan. What amused him the most ay ang mga actions nito habang nakasunod kay Saich. Nagme-make face ito at sinusuntok-suntok si Saich na hindi naman alam ang pinaggagagawa ng kasama nito sa may likuran o hindi nga ba? Marahil alam na ito ni Saich pero hindi na lang ito pinapatulan. Patuloy lang si Jade sa ginagawa nito nang tawagin niya.

"Jade?"

Agad-agad itong lumingon sa kanya at ngumiti.

"Uie! Kaw pala! Hehe...muztah?" Tanong nito na mukhang nahiya sa pagkahuli niya sa ginagawa nito.

Napakunot naman ang noo niya. Alien language again? He can't understand a single word.

Mukhang nagets naman agad ni Jade ang pagkunot ng noo niya kaya napatawa ito bigla.

"Hahaha...oo nga pala! I almost forgot. You don't understand me...hahaha..." Sabi nito na tatawa-tawa pa.

"Hey! Don't laugh at me. I look stupid here." Reklamo niya.

"Hahaha...yeah you look like one. Definitely like one." At tumawa na naman ito.

Sumimangot na lang siya.

Tumigil naman ito sa kakatawa pero halatang pinipigilan lang nito ang mapatawa sa harapan niya.

"Oh! Wag kang sumimangot! Hindi bagay! Kala mo cute ka? Hahaha..." Sabi na naman nito na tumawa na naman.

"That language again!!! I could only understand the word 'cute'." Reklamo niya pero natigilan din nang may naisip.

"...Perhaps...are you saying that I'm cute? Huh?" Tanong niya dito with matching taas-taas kilay pa.

Halata namang napatigil ang kausap niya at agad-agad na sumagot.

"Hindi ah!" Depensa ni Jade.

"Even though I can't understand the last sentence that you answered me, I still have a hint that it sounds so like being defensive. Am I right?" Pang-iinis niya dito.

"H-Hindi ah...I mean no!" Sagot agad nito.

"Hahaha! Why are you stammering all of a sudden?" Tanong niya pa.

"Eeehhhh! Hindi nga kasi! Kulit naman eh!" Sagot naman nito.

Tumigil muna siya sandali at tumayo nang maayos habang nagpose ng parang nag-iisip.

"Hmmmm...I guess I should do something." Saad pa niya.

"Do something what? For what?" Taka namang tanong ng kasama niya.

"For you. You always speak alien language even though we have a deal already. So I propose, if you speak that language again in front of me, there must be a free hug!" Sabi niya na nag pose pa ng pa-open arms.

"Eh? Gusto mo lang ata makachansing eh!" Sabi naman ni Jade.

"Bingo! Free hugs come on! Hahaha!" Ngiting-ngiti pa siya habang inaaktong yayakapin si Jade. Malapit na niya itong mayakap nang biglang may tumikhim.

"E-ehem ehem!" Medyo malakas ang ginawa nitong pagtikhim dahilan upang biglaan silang napalayo sa isa't-isa.

Nang tingnan niya kung sino ay laking gulat niya nang makitang andun pa pala si Saich. Nakatayo at napakasama ng tingin sa kanila lalong-lalo na kay Jade.

Unti-unti itong lumapit sa kanila na madilim pa rin ang anyo.

Uh uh...I smell trouble... Nasabi na lang ng isip niya.

to be continued...

_____________________________________________________________________________

Red's: Hanggang dito na lang po muna. Maraming salamat sa mga naghintay sa update na ito. Medyo mahaba pa sana ito kaso bibitinin ko na muna kayo ngayon kasi po nabura po ang natype ko kasi nangialam ang aking butihing tyahin...pagtyagaan niyo na lang po ^_^ Salamat ^__^


Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
350K 18.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.