Beloved Bastard (Completed)

By Nickolai214

543K 19.9K 3.2K

Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan ni... More

Major Characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4 (Special Chapter)
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (Season Finale)
Rafael Certeza
Chapter 16 (Special Chapter)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 (Special Chapter)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Season Finale)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43 (Special Chapter)
Chapter 44 (Special Chapter)
Chapter 45 (Final Chapter)
I'm Dead! Saraleo
En of Love

Chapter 3

16.2K 513 49
By Nickolai214

Beloved Bastard

Ivan Gutierrez

San Isidro Hotel

Matapos ang nagbabagang mga tingin na ipinukol niya kay Jako ay lumipat ang mga tingin ni Ralf sa akin.

"Bakit ka nandito sa baba? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?" galit na tanong niya sa akin.

Nagkibit ako ng balikat saka ko ipinagpatuloy ang pagkagat ko sa sandwich na hawak ko.

Habang ngumunguya ako ay nag-angat ako ng tingin kay Ralf.

"Nagutom ako kaya bumaba ako. Nagkataon naman na nandito rin pala si Jako. May problema na dun?" sabi ko.

"Wala akong problema sa pagbili mo ng pagkain pero ang uminom ka ng alak sa mga sandaling ito ay hindi ko mapapayagan. Mahiya ka naman sa papa mo. Para kang nagcecelebrate imbes na nagluluksa ka." sabi niya.

Gusto ko siyang sigawan dahil sa accusation niya nang wala namang basehan pero nasa public place kami at ayoko nang gumawa pa ng eskandalo sa lugar na ito.

"Magpapahinga na ako. Wala akong balak na inumin ang beer na inaalok sa akin ni Jako." mahinahon na sabi ko sa pagsisikap na pigilan ang pagkainis ko kay Ralf.

Mabilis kong inubos ang sandwich ko saka ako bumaling kay Jako. "Magpapahinga na ako. Aasahan kita bukas sa hacienda." sabi ko na ikinalukot ng mukha ni Ralf.

Nagsimula na akong tumayo para bumili ng bottled water sa counter. Nabangga pa ako ng lalaking may kausap sa cellphone niya na mabilis din namang humingi ng paumanhin.

Mabilis din siyang naglakad palabas ng canteen at hindi ko naiwasang sundan siya ng tingin.

Matangkad, moreno, gwapo and he's sexy sa suot niyang damit na halos kita na rin ang matipuno niyang dibdib dahil sa pagkakabukas ng ilang butones nito.

"Hindi mo na dapat pinag-uukulan ng pansin ang makisig na lalaking iyon dahil masaya na siya sa piling ng asawa at pamilya niya." narinig kong sambit ni Ralf habang nakatitig sa akin.

Bumaling naman ako sa kanya at out of curiousity ay tinanong ko siya. "Kilala mo ba siya?" sabi ko.

Patamad na ngumiti si Ralf saka siya namulsa at nagpatiuna nang nagkakad patungo sa counter.

"Siya si Harvin Buenavista. Nagmamay-ari ng malawak na lupain ng mga Buenavista sa Cervantes. Nagpakasal siya sa stepbrother niya sa amerika at ngayon ay tahimik na silang namumuhay sa hacienda nila kasama ng mga kapatid nila na mga haciendero na rin."

"Stepbrother?" nakataas ang kilay na sambit ko.

"Hindi ko alam kung ano ang kwento sa pagitan nilang dalawa pero ikinasal sila sa California. Hindi makwento si Harvin bukod pa sa hindi naman kami malapit sa isa't-isa kaya hindi ko na alam ang iba pang detalye sa buhay nila."

Interesting.

He's my type, a typical farm hunk na papangarapin ng lahat ng babae at mga katulad ko. Ngunit hindi siya ang ipinunta ko sa lugar na ito at wala akong balak na pasukin ang tahimik na mundo nila ng asawa niya.

Hindi ko na sinagot pa si Ralf at kinuha ko na ang binili kong tubig saka na ako naglakad pabalik sa may hagdanan.

Sumunod naman sa akin si Ralf.

Nauna akong nakaakyat sa itaas at dumiretso ako sa silid na inookupa ko hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng pintuan at matalim ang mga tingin ko nang balingan ko si Ralf.

Sa halip na mabahala siya ay isang amused na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi niya saka nito hinugot mula sa bulsa ang susi at binuksan nito ang pintuan.

Mabilis akong pumasok saka ko sana kukunin sa kanya ang susi ngunit nangibabaw sa isipan ko ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin kanina sa harapan ni Jako at ng iba pang tao sa ibaba.

"How dare you, Bastard!" galit na baling ko sa kanya saka ako nagpatuloy sa mga sinasabi ko. "Wala kang karapatan na ipahiya ako nang ganoon lalo na sa harapan ni Jako. Hindi mo alam ang lahat ng detalye Ralf kaya dapat ay itikom mo na lang yang makasalanan mong bibig."

Nakita ko ang galit at pagkainis sa mga mata niya. Marahil ay dahil sa pagtawag ko ng bastardo sa kanya.

"Oo bastardo ako pero hindi mo kailangan na ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit. Naturingan kang nakapag-aral sa napakagandang eskwelahan pero kung umasta ka ay daig mo pa ang hindi nakapag-aral."

Muli ay hindi ko na naman napigilan ang kamay ko at muli ko iyong napadapo sa gwapong mukha niya.

Galit na galit siya nang muli niya akong harapin saka niya ako marahas na pinitseran at ilang sandali pa ay narinig ko na ang malakas na pagbangga ng likod ko sa matigas na pader habang hawak pa rin ako ni Ralf sa kwelyo.

"Sumusobra ka nang gago ka. I've already warned you! Hindi ka na nadala." galit na sabi niya saka niya mabilis na sinakop ng malambot na mga labi niya ang nakaawang ko na mga labi.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ako kaagad na nakanawi. Sinamantala naman iyon ni Ralf at mas lumalim pa ang mga halik niya hanggang sa maramdaman ko na ang sensual na paglikot ng dila niya sa loob ng bibig ko.

Nagsisimula na akong makadama ng kakaibang sarap mula sa marahas at mapangahas na paghalik niya. Ngunit isang eksena mula sa nakaraan ang mabilis na dumaan sa isip ko na nagpabalik sa akin sa tamang katinuan.

Mabilis ko siyang naitulak sa maskuladong dibdib niya kasabay ng pagkalas ng mga labi namin ay ang sunud-sunod na paghampas ko ng mga kamay ko sa matigas niyang dibdib habang sinasambit ang hindi mabilang na mga mura ko sa kanya.

"I hate you Rafael Certeza. Ikaw na ang pinakamapagsamantalang tao na nakilala ko. Lumabas ka sa silid na ito bago pa kita magawan ng mga bagay na hindi mo magugustuhan." galit na sigaw ko sa kanya saka ko siya marahas na ipinagtulakan palabas ng silid na iyon.

Malakas kong ibinagsak ang pintuan nang sa wakas ay maitulak ko na siya sa labas. Marahas ko ring pinindot ang doorlock saka ako napasipa doon dahil sa sobrang inis.

Napapahilot na lamang ako sa sentido ko habang naglalakad ako patungo sa kama at marahas kong ibinagsak ang katawan ko doon.

Napahiyaw pa ako nang mauntog ang ulo ko sa bakal na headrest saka ako naiinis na bumangon. Dinampot ko ang unan at ang headrest na kinauntugan ko ang pinagtuunan ko ng galit ko.

Hindi nagtagal ay napagod din ako sa ginagawa kong pagpalo ng unan sa kama at napahiga na lang ako doon habang iniisip pa rin ang ginawang kapangahasan ni Ralf sa akin.

Noon na nagbalik sa akin ang dahilan kung bakit ako uuwi ng hacienda ngayon.

Alas-kuwatro na ng hapon nang makabalik ako kahapon sa showroom namin sa Makati mula sa bahay ng isang kliyente sa Forbes Park.

Hindi pa ako halos nakakaupo sa swivel chair ko nang makatanggap ako ng tawag sa telepono na kaagad ko rin namang sinagot.

"Hello!"

"So you're in at last." sabi ng pamilyar na tinig sa kabilang linya ng telepono dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko. Nasa tinig nito ang iritasyon at ang kawalan ng pasensya.

"I've been trying to reach you since this morning pero hindi kita mahagilap. Ang cellphone mo ay iisa lang ang sinasabi. The usual shit ng computerized voice na nagpapatindi lalo ng inis ko." litanya niya.

"To whom do I owe this call, Rafael?" kalmadong sagot ko sa kanya. Hindi ko gustong salubungin ang init ng ulo niya dahil alam ko na magtatalo lamang kami.

Sinikap ko na huwag ipahalata ang garalgal sa tinig ko nang makilala ko kung sino ang kausap ko.

Malalim at buong-buo. Rafael would have make money as a DJ. Bukod sa magandang tinig ay alam ko na ang personalidad ng lalaking ito ay sapat na upang kabaliwan siya ng kahit na sinong babae.

Sa nakalipas na limang taon ay ngayon ko lang muling narinig ang boses ng lalaking ito. Ang kanang kamay at tanging pinagkakatiwalaan ni papa. Ang manager at one-man army ng Hacienda Aurelia.

"Your father died in his sleep, Ivan," narinig kong sambit niya. Sa pagkakataong ito ay banayad na ang paraan ng pagsasalita niya. Taliwas sa ginamit niyang tono kanina nang una kong iangat mula sa cradle ang telepono.

Marahil ay iniisip ng lalaking ito na sa ganoong paraan ay magagawa niyang pagaanin ang sakit na maidudulot sa akin ng nakabibiglang balita na sinasabi niya.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at iisipin ko. I probably have stopped breathing for a while.

"Ivan," masuyong sambit ni Ralf sa pangalan ko mula sa kabilang linya. Ang gentleness sa tinig niya ay sapat na upang tuluyan na akong maiyak. Ngunit nanatiling tuyo ang mga mata ko.

"Ivan, are you still there?" tanong niya at sa pagkakataong ito ay may halong pag-aalala na ang nahihimigan ko sa tinig niya.

"A-alam na ba ni...ng lola?" sambit ko.

"Tinawagan ko siya kaninang umaga. Sinabi ko sa kanya na ako na ang tatawag at magsasabi sayo." nasa tinig niya ang simpatya.

"Are you alright?" dagdag pa niya.

"I... I will be," sabi ko. Sinikap kong lumunok dahil may pakiramdam ako na nagbabara ang lalamunan ko.

"Thank you, Ralf," dagdag ko saka ko na banayad na ibinalik sa cradle ang telepono.

May ilang sandali akong nakatitig kamang sa kawalan. Gusto kong humagulhol ng iyak dahil sa labis na sama ng loob at pait sa dibdib ko.

Namatay si Papa at ang huling pag-uusap namin ay dalawang buwan nang mahigit.

Hindi ko alam kung kanino ko ibubunton ang sisi dahil hindi ko man lang siya naalagaan. Kay Papa ko ba dapat isisi iyon o kay Rafael? O higit sa sarili ko dahil hindi man lang ako umuwi ng San Isidro kahit minsan sa nakalipas na limang taon.

Nagsimulang manghina ang katawan ni Papa mula nang mamatay si Mama. Dinamdam niya nang husto ang pagkamatay ng asawa niya.

Kahit ako ay nagdamdam rin sa pagkawala ni Mama ngunit sinikap kong sikilin ang damdamin ko dahil naroon pa rin ang lihim na galit ko aa kanya. At ang hinanakot ko kay Papa sa ibang kadahilanan naman.

Madalas akong dalawin ni Papa dito sa maynila. Sa tuwing nagpapatingin siya sa Heart Center.

Lumala ang sakit sa puso ni Papa. Kapag nagkaka-usap kami ay gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siyang alagaan pero kahit minsan ay hindi man lang niya ako hinimok na bumalik sa hacienda.

"You're doing fine here, Ivan. At huwag mo akong alalahanin sa atin, naroon si Rafael. Hindi niya ako pababayaan."

Damn that bastard! sigaw ko sa isip ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig mismo ng sarili kong ama.

Nagsisikip ang dibdib ko. Wala na si Papa. Hindi man lang kami nagkausap. Si Rafael ang naging kasa-kasama niya sa mga huling araw niya sa mundo. Hindi ako samantalang ako ang anak niya.

"Something's wrong?"

Nag-angat ako ng tingin patungo sa may pintuan at nakita ko doon si Rita na nakatayo. Assistant at kaibigan ko. Nagsasalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan niya ako.

Tumingala ako at isinandal ko ang ulo ko sa headrest. Napapikit ako bago ako muling nagmulat ng mga mata. Sinulyapan ko si Rita.

"W-wala na si Papa, Rita." I said brokenly.

Bumakas ang pagkabigla sa magandang mukha niya, pagkatapos ay ang simpatya.

"I'm sorry, Ivan," sinserong sabi niya.

Matalik na kaibigan ko si Rita mula pa noong nagpasya ako na manirahan sa maynila. Hindi ko itinago sa kanya na may sakit si Papa at lalong hindi ko itinago sa kanya na may matinding hinanakit ako sa mga magulang ko.

Si Rita ang tanging matiyaga na nakikinig sa akin. Sa mga kadramahan ko. Bukod kay lola na minsan ay hindi ko alam kung sa akin ba kampi o kay Ralf na inalagaan din niya ng matagal na panahon.

Ganunpaman ay naiintindihan ko siya. Hindi lamang basta ampon ang turing niya kay Ralf kundi parang tunay na rin niyang apo at anak.

Isang banayad na tango ang isinagot ko kay Rita pagkatapos ay suminghot ako. "Ikaw na muna ang bahala dito. Uuwi ako ng San Isidro. " sabi ko.

"Sure!" mabilis na sagot niya. "Take your time, Ivan, at nakikiramay ako." sabi niya.

Mabilis na akong tumayo saka ako nagmamadaling umuwi ng bahay para makapaghanda ako ng mga gamit na dadalhin ko pauwi sa San Isidro.

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 864 48
ABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well...
84.5K 4.9K 50
[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters) SO THIS STORY ISN'T FOR YOU TO READ IF Y...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...