Somewhere In My past(GAY ROMA...

Par Tekki1492

29.9K 175 57

E.E Cummings once wrote “We do not believe in ourselves until someone reveals that deep inside us something i... Plus

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
THE END

CHAPTER 9

1.3K 8 4
Par Tekki1492

CHAPTER 9

GERRY'S P.O.V

Minsan may mga bagay sa buhay na babagabag sa atin at dito pumapasok ang salitang katotohanan.Bilyon-bilyong buhay,iba't ibang anyo,iba't ibang kulay pero sa ilang bilyong iyon,Ilan dito ang katulad mong namumuhay sa kasinungalingan?

Hanggang kailan ka magiging matapang sa pagtago ng kasinungalingan?

Hanggang kailan ka magiging duwag sa paglalahad ng katotohanan?

Gerry-Hello,Oh bakit ka napatawag Tekki.

Tekki-Okay ka ba sa saturday sa Sagada?Kasama ko mga kaibigan ko.

Gerry-ah,eh...

Tekki-Wag ka na mag-isip!basta sasama ka.Ayaw m ba noon malay mo isa kina Chizzy at Jona ang maging kapalit ni Liza sa buhay mo.hahaha

Gerry-Oh sige na nga.

Tekki-Okay.Wala ng bawian iyan ah.

Gerry-Opo.Tekki.

Dalawang araw bago ang pagpunta namin ng Sagada.Mga bandang alas dose ng tanghali ay may narinig akong kumakatok sa aming pinto.Pamilyar ang boses nito kaya naman ay agad kong tinungo ang pintuan para buksan.

Laking gulat ko nang makita ko Si Rick sa mismong harap ko.Napahiyaw ako ng bahagya,siguro sa sobrang kagalakan at agad ko naman itong binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Gerry-Pare pucha! Ginulat mo ko.Bakit di ka nagpasabing uuwi ka na pala ng Pinas.

Rick-Ayaw mo ba noon?Surprise!

Gerry-Eh sana nagpasabi ka para hindi na ko nag oo kay Tekki.Niyaya niya kasi akong magpunta ng Sagada sa saturday eh.

Napansin kong biglang naging seryoso ang mukha ni Rick nang mabanggit ko ang pangalan ni Tekki at agad naman niyang kinumusta ito.

Rick-Kamusta naman si Tekki.Salamat pala pare sinunod mo iyong bilin ko sa iyo.

Gerry-Ano pa't naging magkaibigan tayo diba?Okay naman si Tekki,nakikita ko naman sa kanya na masaya siya sa buhay.

Rick-Mabuti naman kung ganoon.

Gerry-Pare siguro it's about time na magexplain ka kay Tekki.

Biglang natahimik si Rick siguro ay nag-iisip siya kung ano ang gagawin niya pero hindi nagtagal ay muli itong nagsalita.

Rick-Dadating din tayo diyan Gerry.

Dahil medyo naging seryoso na si Rick at alam kong mabigat ang usapang tungkol kay Tekki para sakanya ay agad kong iniba ang usapan bago pa ito tuluyang malungkot.

Gerry-Siya nga pala kailan ka pa dumating?

Rick-Medyo may katagalan na rin.Siguro magdadalawang buwan na.

Gerry-Pucha naman pare!Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?

Rick-May mga inaayos kasi ako dito at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para sa sarili.

Gerry-Eh sana man lang sinabi mo sa akin na nandito ka na noon pa.

Rick-Eh kasi nga gusto kitang gulatin ahahaha.Oh diba nagulat ka naman.

Gerry-Loko ka talaga,so hanggang kailan ka dito?

Rick-Hindi ko pa alam pare...

Gerry-Maiba uli ako bakit parang nabawasan ka ng timbang?

Mistulang hindi narinig ni Rick ang tanong kong iyon.Wala ni isang tugon akong nakuha mula sakanya siguro ay iniisip niya pa rin si Tekki sa puntong ito kaya naman ay binigyan ko muna siya ng oras mag-isa at ikinuha ko muna ito ng maiinom.

Gerry-Pare uminom ka muna.

Rick-Salamat pare,siya nga pala hindi rin ako magtatagal at may aasikasuhin pa ko mamaya.

Gerry-Grabe naman ito ngayon na nga lang tayo nagkita eh.

Rick-Babawi na lang ako pare,oh siya maiwan na muna kita.Ai oo nga pala ibigay mo iyong number mo sa akin.

Agad ko naman itong ibinigay kay Rick at nang matapos iyon ay nagkapaalamanan na kami.

Kinabukasan ay niyaya ako ni Tekki para kumain sa labas dahil wala daw itong makasama at nahihiyang lumabas mag isa na agad ko namang sinang ayunan.

Mayamaya lang ay nagbihis na ako para kitain si Tekki at nang marating ko ang lugar na kakainan namin ay napansin kong nasa isang sulok siya na para bang may pinagdadaanan.

Gerry-Oh Tekki bakit mukang malungkot ka.Hindi ka pumasok?

Tekki-Kanina kasi nakasalubong ko iyong classmate ko noong highschool na si Jeff.May mga bagay lang akong naalala.

Gerry-Tulad ng ano?

Tekki-Basta.Naguguluhan lang ako kung bakit niya ako iniiwasan maski noong namatay ang papa.Nag hi kasi ako sa kanya kanina pero hindi niya ako pinansin.

Gerry-Hayaan mo na iyon,siguro wala lang siya sa mood o baka naman may pinagdadaanan lang iyong tao.Mabalik lang tayo sa tanong ko,wala ka bang pasok?

Tekki-Meron pero nakaleave ako ngayon.

Pinilit kong pasayahin si Tekki nang puntong iyon para malimutan niya ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban niya.Kaya naman ay pagkatapos naming kumain niyaya ko itong maglaro muna sa timezone.Noong mga oras na iyon ay nakita kong nanumbalik ang sigla ni Tekki na bagay na ikinatuwa ko naman bilang kaibigan niya.

Umuwi kami nang maaga ni Tekki sa kadahilanang bukas ay maaga pa ang biyahe namin papuntang Sagada.

Nang gabing iyon nag impake ako ng mga babaunin kong gamit at sa kalagitnaan ng aking pag iimpake napaisip ako sa isyu ni Tekki at Gerry.

Marahil siguro ay sobrang malala ang bagay na nagawa ni Rick kay Tekki pero kung ano man iyon ay labas na ako doon.Ang mahalaga ay tinutupad ko ang bilin ni Rick sa akin na pasayahin si Tekki.

Mag aalas kwatro ng daanan ako nila Tekki kasama ang mga kaibigan niya.Ipinakilala niya ako sa mga ito,Si Jona ay ngayon ko pa lang nakita habang si Will naman ay dati ko ng nakita nang minsang nagimik sila at si Chizzy naman ay minsan ko ng nakasama sa isang coffeeshop.

Habang nasa biyahe,nagpasya ang lahat na matulog maliban sa amin ni Tekki kaya naman ay nagkwentuhan na lang kami.Siguro dala ng oras napasenti tuloy ang usapan namin.Napagusapan namin ang pagibig at dito matapang na inilahad ni Tekki ang mga saloobin niya tungkol sa bagay na ito na hinangaan ko naman.

Gerry-Ikaw Tekki Ilang beses ka ng nagmahal?

Tekki-Ako?minsan lang...ang nakakalungkot lang doon hindi ko pa nasabi na mahal ko siya.

Napansin kung may mga luhang namuo sa gilid ng mata ni Tekki,kaya naman ay agad kong tinanong kung okay lang siya at "OO" ang naging maikling tugon nito dagdag pa niya ay may naalala lang siyang tao na mula sa kanyang nakaraan.Nang sabihin niya iyon ako'y napaisip na posible kayang si Rick ang naalala niya?

Hindi nagtagal nang matapos ang usapan namin ni Tekki ay nagpasya na kaming magpahinga sapagkat may kalayuan din kasi ang pupuntahan namin.

11:OO AM

Will-Wow this is paradise! Ang ganda dito sa sagada.I'm gonna take a selfie first!

Hindi nagtagal ay kinuha ni Will ang kanyang cellphone at sinimulan ang pagkuha ng litrato.

Duck face,pouty lips,wacky,name it lahat ginawa niya.Habang busy itong kumukuha ng litrato ay dahan-dahang nilapitan ito ni Chizzy.

Will-Gosh!Kahit saang anggulo man ako tignan ay...

Napahinto si Will nang biglang batukan ito ni Chizzy.

Chizzy-Anggulo-gulo pa rin!

Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Chizzy na iyon sapagkat hindi naman silang lubos na magkakilala at inisip namin ang posibilidad na baka magkapikunan ang dalawa.

Tekki-Halla! Patay ka Chizzy (ang mahinang bulong ni Tekki sa akin)

Gerry-Oh bakit?

Tekki-Alam mo Gerry iyang pinsan kong iyan yurakan mo na ang pagkatao niya,wag na wag mo lang yuyurakan ang kagandahan niya.

Napatawa na lang kami ni Tekki habang nakikinig at pinagmamasdan ang dalawa na medyo may kalayuan mula sa aming kinaroroonan.

Will-Aba!May kumekwesyon ng aking kagandahan!sandali nga...

Nag ayos si Will na akala mo makikipag suntukan kay Chizzy.Itinaas nito ang manggas ng kanyang damit at ganoon din naman ang ginawa ni Chizzy.

Mukhang nagkakatuwaan naman ang dalawa kaya hindi na namin pa ito inawat bagkus ay pinagpatuloy namin ang panunuod sa mga ito.

Will- Oi baklang uling!

Chizzy-Babae ako no!

Will-Ai sorry hindi halata.Oh sige ibahin natin,Hoy babaeng mukhang bakla anong karapatan mong bastusin ang isang nilalang na mas nakakaganda saiyo?Hindi ba dapat ay lumuluhod ka at nagbibigay pugay sa kagandahan ko?

Chizzy- Hindi ba dapat ikaw ang magbigay pugay sapagkat ako'y nakalalamang.May sinapupunan ako.

Will-eh yun lang.Wait ka parating na iyong pinagawa ko!

Halos mamatay kami sa katatawa habang pinapanuod ang dalawa. Ang kaganapang iyon ay ang naging simula ng pagkakaibigang Will at Chizzy na bagay na ikinatuwa naman ng pinsan niyang si Tekki.

Sinimulan namin ang pamamasyal sa sagada una naming ginawa ang pag tetrekking sa Echo Valley na pag sumigaw ka daw dito ay maririnig mo ang echo mo.Nang marating namin ang Echo Valley,sinubukan ni Will ang pagsigaw.

Will-Ang ganda koOOOOOO-KO-KO-KO-KO

Sinundan naman ito ni Chizzy.

Chizzy-Mas maganda akoOOOO-KO-KO-KO-KO-KO. Oh kita mo nga Will mas makatotohanan iyong akin.Napakinggan mo naman diba ang daming echo.ahahahah

Will-Oh siya na.Iyang kagandahan mo talaga eh kailangang ipaglaban eh ano?Iyong akin kasi hindi na kasi obvious naman,ahahha

Nabalot ng mga halakhak ang oras na iyon dahil sa pagbabatuhan ni Will at Chizzy ng mga punchlines.

Sumunod naman si Jona.

Jona-I'm the queen of the worLLLLLDDDDD -LD-LD-LD

Nang matapos si Jona ay agad naman akong sumunod.

Gerry-Gusto ko ng maging toto-OOOOO-O-O

Nang puntong iyon tumingin sa mga mata ko si Tekki na tila napaisip at tinanong ako kung bakit iyon ang sinigaw ko dagdag pa dito ay ang pagsabi niya na "marami ka sigurong itinatago no."

Nakadagdag sa kaba na nararamdaman ko ang pagtitig ni Tekki sa akin na tila ba seryoso ito.Pakiramdam ko tuloy ay alam niya na ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Rick.

Nang mapatingin ako kay Chizzy napansin kong nakatingin rin ito sa akin na agad din naman niyang inalis ng lumingon ako sa kanya.

Gerry-ah eh ah kaaSS-II,Kas-S-SII kasi minsan sinungaling ako.Diba nag "oo"nga ako nang minsang tanungin mo ako kung maganda si Will.

Napangiti naman ito sa sagot ko ganoon din sila Will at Jona.Buti na lang nairaos ko ang sarili ko sa oras na iyon ngunit napansin kong tila hindi kumbinsido si Chizzy.

Mayamaya lang ay si Tekki naman ang sumunod na sumigaw.

Tekki-Bye RIck-ICK-CK-CK-CKKKK...

Napantingin ako kay Tekki habang isinisigaw niya ang pangalang Rick.Biglang lumapit si Jona sakanya at kinausap ito.

Jona-Wow Tekki!Mukhang finally naka let go ka na.I'm happy for you dude!

Tekki-5 years na rin ang lumipas,wala nang rason para humawak pa sa nakaraan diba?

Jona-Yeah right.

Hinagkan ni Jona si Tekki at nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya.Noong mga oras na iyon napakaganda ng ngiti nito at hindi ito mapukaw sakanya na para bang wala ng bukas para ngumiti.

Sumunod naming pinuntahan ang taniman ng ponkan para mamitas ng mga bunga nito.Ang ganda sa lugar nakaka tanggal ng mga problema samahan pa ng medyo malamig na klima kahit tanghaling tapat na.Napakaganda ng lugar malayo sa sukal ng siyudad.

Jona-Ang ganda dito no?

Gerry-Oo nga parang ang sarap mamuhay dito relax lang,mabagal ang oras.

Tekki-Oi tignan niyo ang laki ng bunga.Nakakatuwa.

Lumapit kami sa oras na iyon kay Tekki.Nakita ko ang batang parte nito na kumawala sa kanyang pagkatao.Manghang-mangha ito habang pinagmamasdan ang bunga ng ponkan.

Mayamaya lang ay kinausap ko ito.

Gerry-Ang babaw naman ng kaligayahan mo.

Tekki-Hindi naman siguro marunong lang akong mag appreciate.Ai Gerry may signal ka ba?

Gerry-Oo bakit?

Tekki-Tatawagan ko lang iyong boss ko hindi niya ata alam na naka vacation leave ako.

Inabot ko ang phone ko kay Tekki at mayamaya lang ay.

Tekki-Oi may txt ka.

Gerry-Kanino galing?

Tekki-Unknown number eh.

Gerry-Sige basahin mo na lang,ano ba ang sabi?

Tekki-Pare kamusta Sagada trip?Rick nga pala ,number ko.

Nang oras na iyon bigla akong nataranta at hinablot ang cellphone kay Tekki.Hindi nagtagal ay nagtanong sa akin si Tekki.

Tekki-May kaibigan ka pa lang Rick?Sino iyon?

Mas lalong tumindi ang aking kaba nang marinig ko ang mga tanong ni Tekki at sa hindi kalayuan napatingin ako sa bandang kanan at nakita ko si Chizzy na pinagmamasdan ako at parang bang inaabangan ang mga sasabihin ko.

Napalunok na lang ako ng makita ko na ganoon ang tingin ni Chizzy sa akin.Hindi nag tagal nang makaisip ako ng isasagot ko kay Tekki muli akong nagsalita.

Gerry-Ah ou .Si Rick Santos,Bago kong katrabaho sa banda.Ayon kinuha niya nga pala iyong number ko bago ako umalis.Ah wag ka mag alala hindi iyan iyong Rick mo at tsaka...

Sa kalagitnaan ng aking pagsasalita ay biglang pinutol ito ni Tekki.Tinapik niya ako sa aking balikat,tumingin sa aking mga mata at sinabihan akong "relax lang!Masyado kang natataranta hindi mo kailangang mag explain okay"Na bagay na mas nagpakaba na naman sa akin kaya naman ay isang pilit na ngiti na lang ang itinugon ko dito.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

438 80 36
"Ikaw ang paborito kong tinig, aking musika." Clubs, parties, alcohol, bars, smoke, and what stood out the most that night was the band "Sinagtala" w...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
354K 5.4K 23
Dice and Madisson
2M 80.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.