A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Thirteen

19.8K 559 209
By littlemissselle

"Don't ask if you know that you will not agree with my answer." Ito nanaman si Kuya, nagsu-sungit. Sila Mama at Papa kasi pumunta na pala sa Ilocos to check the site kaya hindi ko na sila naabutan pagbalik ko galing Baguio.

"Kuya, Gavin is a nice guy and we're just... in love." I said dreamily.

He gave me a look. "Pwede ba Gia, busy akong tao kaya please 'wag ako ang guluhin mo."

I groaned. "Eh kanino ako magsasabi eh wala naman dito sina Papa! Malamang sa'yo 'di ba kasi ikaw ang Kuya!"

Binagsak niya ang lapis niya sa lamesa at sinigawan ako. "Kanina pa ako sumagot 'di ba, at ikaw na ang nagsabi, ako ang Kuya eh bakit ngayon kino-kontra mo ang sagot ko?"

Napayuko na lang ako sa pagsigaw ni Kuya. Hindi ko naman gustong magalit siya eh, mapilit lang talaga ako.

I stood up, "Sorry Kuya," and went out of their room.

Paglabas ko, naabutan ko si Ate Alex na binibigyan ako ng tingin na parang naaawa siya sa akin.

"'Lika sa garden." Hinila niya ako pababa para pumunta sa garden.

Tumingala siya sa madilim na langit at ilang beses na humingang malalim. I don't know why pero ginaya ko na rin siya. It somehow calmed me, para bang kahit papaano ay nawala 'yung bigat sa loob ko.

Ilang araw ko na kasi pinipilit si Kuya na payagan na niya si Gavin na ligawan ako pero lagi siyang busy tapos ngayon nga nasigawan na ako.

"Better?" she asked. Tumango ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Naupo kaming dalawa sa may damuhan at pakiramdam ko may karamay ako. "'Wag ka sana magtatampo kung nasigawan ka ng Kuya mo ha? Mainit lang talaga ang ulo niya nitong mga nakaraang araw, tambak ng trabaho eh."

"Ang akin lang naman kasi payag akong ligawan ako ni Gavin, Ate alam mong payag na payag ako ro'n pero siyempre gusto kong payag din sila pero hindi eh at ayaw nilang sabihin kung bakit." I frowned.

She chuckled. "Ang mga kapatid na lalaki kasi possessive 'yang mga 'yan, hindi lang halata pero hangga't kaya ka nilang ilayo sa kapwa nila lalaki ilalayo ka nila."

Yeah, nasasabi niya 'yan kasi may kapatid din siyang lalaki, si Kuya Axel. Kamusta na kaya 'yon? Matagal ko na siyang hindi nakikita eh.

"Pero Ate alam naman nilang si Gavin 'yung kaligayahan ko eh, ayaw ba nilang sumaya ako?"

Inakbayan niya ako. "Gia, tulad ng sabi ko possessive sila at wala tayong magagawa sa bagay na 'yon just let them calm down and hintayin nating pumayag sila."

Tatango na sana ako nang bigla akong may naisip. "Eh paano kung magbago bigla ang isip ni Gavin dahil sa tagal ng pagpayag nila? Ate! Hindi pwede 'yon!"

"He wouldn't be if what he feels for you is strong enough."

Nag-kwento siya tungkol sa love story nilang dalawa ni Kuya, ang ups and downs, kung paano naging makulit na boyfriend si Kuya, ang paghihintay niya kay Kuya and all. Natigil na lang ang pagke-kwentuhan namin nang may maliliit na braso ang biglang yumakap sa leeg ni Ate mula sa likod.

"Mommy, I wanna sleep already."

"Why don't you go to your room, big boy ka na eh dapat you can sleep alone na."

Umikot si Ace at kumandong kay Ate Alex. "Papasama sana ako kay Daddy kaso mukhang galit siya eh."

Oo na, kasalanan ko na nga kung bakit siya galit. Err. I was just seeking for his permission pero in the end napagalitan pa ako. Bakit gano'n, 'pag hindi ka nagpaalam napapagalitan ka, 'pag nagpaalam ka papagalitan ka pa rin? Bakit ang labo?

Tumayo na si Ate at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Sige ha akyat na 'ko papatulugin ko pa 'to. Don't worry, I'll try to convince your brother." She gave me an assuring smile. Oh God, what would I do kung wala si Ate Alex!

I hugged her. "Thanks Ate! Goodnight!"

"Goodnight Tita!" Ace was reaching for me kaya hinila ko na siya palapit sa akin. He kissed my cheek and I kissed him too.

"Goodnight Ace."

Ang bunsong si Art naman ay kanina pa tulog. Gano'n ba talaga 'pag bata, antukin? O sadyang nalahian lang talaga namin? Though, hindi naman ako gaanong antukin pero si Papa, Kuya, at Phillip, antukin ang mga 'yon!

Sinubukan ko na ring makatulog pero hindi talaga eh. Naka-ilang ikot na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog.

I tried to text him kahit na alam kong may shooting siya ng ganitong oras. Grabe nga eh, madaling araw na pero nagta-trabaho pa rin siya.

To: Babe <3
Can't sleep. How's the shooting?

After a while nakakuha ako agad ng reply sa kaniya.

From: Babe <3
Avoid thinking of me too much so you can sleep ;) Anw, ayos naman medyo late kami nagstart kasi napahaba ang tulog naming lahat kanina

To: Babe <3
Wow ha, pano mo nalamang iniisip kita? :)) Ganun ba, pahinga ka agad after. What time kayo matatapos?

At sabi nga niya baka mga 3 or 4AM magpapahinga sila then pagsikat ng araw, taping na ulit. Hinayaan ko na siya magtrabaho ng maayos alam ko namang pumupuslit-puslit lang siya kasi medyo matagal ang mga reply niya.

Dahil hindi pa rin ako makatulog, bumaba ako para kumuha ng maiinom na gatas. Nang makaakyat ako, napansin ko ang pinto ni Phillip, wala lang napansin ko lang so naisip kong kumatok at buksan ang pinto. Aba ang loko, tutok na tutok sa desktop habang naglalaro ng kung ano mang hindi ko maintindihan. Panay pa ang mura niya, natatalo ba siya o nananalo? Ewan.

"Hoy Phillip."

Hindi niya ako nilingon pero sumagot siya. "'Wag mo 'kong istorbohin."

I gasped. Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. "OA ka ha, matulog ka na nga, anong oras na!"

"Mind your own business, Gia."

"Ano bang nakukuha mo sa kakalaro diyan ha? Tigilan mo na nga 'yang kalokohan na 'yan!"

Tinignan niya ako ng masama. "Hindi kalokohan 'to, ang tawag dito enjoyment." I rolled my eyes. "And this is something you wouldn't understand."

Pinamaywangan ko siya. "What could possibly be it that I wouldn't understand?" Lahat ng bagay natututunan.

Tumayo siya at iminuwestra ang upuan niya. "If that's the case, then sit and play." He crossed his arms.

At dahil ayaw kong magpatalo, umupo nga ako sa tapat ng desktop at hinarap ang nilalaro niya. Hinawakan ko ang mouse at kung ano-ano na lang ang pinindot ko na hindi ko rin naman alam ang kinakalabasan.

Padabog kong binitawan ang mouse dahil sa inis. "This is worthless!"

He smirked. "What's worthless to you is my idea of fun so dalhin mo na 'yang gatas at bumalik ka na sa kwarto mo." Hinila niya ang upuan at muling humarap sa desktop niya.

Nakakainis naman ang isang 'to. Pero dahil alam kong hindi rin ako makakatulog sa kwarto ko, pabagsak akong nahiga sa kama niya. Mas malamig dito sa kwarto ni Phillip, kung makapag-todo naman kasi ng aircon ang isang 'to akala mo naman laging babad sa araw at sabik sa lamig.

Nagpaikot-ikot ako sa kama niya at dinaldal na lang siya kahit hindi naman niya ako sinasagot.

"Bakit ayaw mo kay Gavin?" Isa sa mga tanong ko sa kaniya na hindi naman niya sinagot, actually, hindi niya ako sinagot dahil gamit niya ang headphones niya. Taeng 'to, naramdaman niya atang guguluhin ko siya kaya gumamit na no'n.

"Matagal ko ng gusto si Gavin eh... sana pumayag na kayo. Your decision matters to me, you're my brother."

Tumagilid ako at nakatulog na. I woke up at my room. Paano ako nakabalik dito? Hmm. Anyway, sweet naman talaga 'yang kambal ko minsan eh pero hindi niya lang ata mapakita ng maayos ewan basta gano'n.

Chineck ko ang cellphone ko at napangiti na lang ako nang mabasa ang mga message niya.

From: Babe <3
Good morning beautiful! :)

From: Babe <3
Still at work. Hmm, hindi ka pa rin ba gising? Gumising ka na, ganda mo pa naman! Miss na kita :((

Hindi pa rin siya nakakauwi. Haay. Ilang araw ko na rin siya hindi nakikita, busy kasi siya masiyado sa trabaho at ako naman naging busy sa finals and other requirements last week. Katatapos lang ng sem at masaya akong bakasyon na ulit namin. Ang saya-saya!

To: Babe <3
Just woke up. Wag ka ngang puri nang puri sakin baka sagutin na kita nyan eh charot! Nakatulog ka pa ba niyan? Ang laki na ng eyebags mo for sure haha I miss you more! ;)

Inayos ko ang kama ko pati na ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako at naabutan kong kumakain na sila. 'Di man lang ako hinintay, sabagay late na rin naman ako nagising.

Bumati ako ng good morning sa kanila pero nang mapatingin ako kay Kuya, ang awkward eh.

Umupo na ako at kumain pero 'di niya pa rin ako pinapansin. Galit pa rin ba siya sa'kin? Buti na lang madaldal 'tong si Ace eh kaya hindi naman naging boring o tahimik ang oras namin ng pagkain.

"Tita, I saw Kuya Gavin sa tv he has a new show pala?"

"Yup," I beamed, "may shooting nga sila ngayon eh."

"The girl is pretty. Siya din yung dati eh hindi ba talaga siya girlfriend ni Kuya?"

My eyes widened. Bwisit talaga 'yang si Macey. Hindi naman siya pretty eh!

"Of course not!" Sumubo ako ng pagkain at uminom ng juice. "Sino mas pretty, ako o 'yon?"

Umarte siya na parang nag-iisip. Aba, hindi ba pwedeng instant niyang ako ang i-sagot?

"Hmm, you." He smiled.

Sasagot pa sana ako pero nagsalita na si Kuya. "Bilisan mo kumain Ace or else you'll be late." Swimming class kasi ngayon ni Ace.

Napasimangot na lang ako. Mainit pa rin ang ulo ni Kuya. Sinunod ng bata ang ama niya. Ako na nga lang at si Phillip ang naiwan sa lamesa dahil kailangan pa asikasuhin nila Ate at Kuya ang mga anak nila nang may mag-doorbell, ‘di nagtagal ay lumapit ang kasambahay namin at sinabing may bisita ako.

“Ma’am Gia, si Sir Gavin ho.”

At nakita ko na nga si Gavin sa likod niya. Agad naman akong napatayo dahil do’n.

“Hey, akala ko ba may shooting ka?” Nakipag-beso ako sa kaniya.

“Eh sabi mo kasi you miss me more.” He playfully smiled. Ay pucha, nababaliw na siya at kinilig naman ako!

Pero… wrong timing eh. Bad mood si Kuya ngayon shit, baka sungitan niya lang si Gavin. “Ah ano… kasi eh.”

Narinig ko ang tunog ng upuan ni Phillip. Lumapit siya sa amin. “Kuya’s not in the mood,” he told him.

Gavin nodded then smiled. ‘Yung totoo, sinabi na ngang wala sa mood si Kuya eh pero parang wala lang sa kaniya. Hala, siraulo.

Sakto namang pababa na ng hagdan si Kuya at ang pamilya niya, bigla naman akong kinabahan. Gosh, what should I do? Uhm, uunahan ko na ba si Kuya bago niya pa kami sigawan or hayaan ko na lang siya mapagod na magalit or hihilahin ko na lang si Gavin? Bago pa ako maka-decide kung anong gagawin ay nagsalita na siya.

“Good morning Kuya Casimir, Ate Alex.” He smiled then looked at my nephew. “Hi Ace.”

“Hi Kuya!” Ace waved at him. “Sayang may swimming lesson kasi ako ngayon eh.” Hindi sila makakapag-bonding.

“We can hang out some other time.”

Isa pang kinakatuwa ko sa kaniya, mahilig siya sa bata. ‘Pag may magpapa-picture sa kaniyang bata, kundi niya bubuhatin, kakandungin niya, basta ang sweet niya sa mga bata. I smiled upon seeing him close to my nephew.

Nagpaalam na sila sa amin, hindi man lang talaga siya pinansin ni Kuya, buti pa nga si Ate Alex eh sinabihan pa si Gavin na kumain.

Palabas na sana sila ng pinto nang tawagin niya ang kapatid ko.

“Kuya Casimir,” huminto si Kuya sa paglalakad pero hindi nagsalita. “I came here to personally ask your permission to court your sister.”

“Gavin,” I warned.

Hinarap siya ni Kuya na may inis na mukha. Hinawakan ko sa braso si Gavin dahil sa kalokohang sinasabi niya, I mean, pwede bang next time na lang ‘pag hindi na badtrip ang kapatid ko?

Tumingin sa akin si Kuya at napansin kong dumapo ang tingin niya sa mga kamay kong nakahawak sa braso ni Gavin kaya naman agad ko iyong inalis.

Ngumisi si Kuya at sinabing, “Bukas, sumama ka sa amin sa Ilocos at kausapin mo magulang namin. Wala akong pake kung busy ka sa trabaho mo. It’s your choice.”

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Gavin at tumalikod na pero dahil matigas din ang mukha ng isang ‘to. “Expect me to be there.”

Kuya Casimir just waved his hand as a sign of goodbye. Oh good Lord, thank you so much for this things and people around me.

Hinarap ako ni Gavin at binigyan ako ng isang pilyong ngiti. “Loko ka ah.” Pero sa totoo lang talaga kinikilig ako at sobrang na-touch sa ginawa niya.

He bit his lower lip. “Sorry can’t help it. I am in love with you.”

Humakbang pa siya palapit sa akin pero hinila ni Phillip ang tshirt nito mula sa likod. Hay bwisit naman eh! Bakit niya kailangan sirain moment namin? Bwisit.

“Ikaw ah,” he pointed his finger at him, “ayus-ayusin mo buhay mo.”

“O’naman.” Then they had a fist bump. Like, what the hell? Kung magtinginan at mag-usap sila akala mo magsasapakan na nag-aangasan na ewan tapos magpi-fist bump like they’re okay. I really don’t get them, sometimes.

At nangyari nga ang gusto ni Kuya. Gavin went to Ilocos with us. Nung una nga nag-hesitate pa ako kasi baka makita ko pa si Dada do’n pero bayaan na besides wala lang naman ‘yung nangyari dati eh, mga bata pa kami no’n at nadala lang ng moment siguro ewan.

We had our dinner at nagpaalam na nga si Gavin sa parents ko para ligawan ako. Mom’s fine with it though sinabi niyang ayaw niya pa sana ako mag-boyfriend pero since ligaw pa lang naman daw okay lang tsaka kilala niya ang mga magulang ni Gavin kaya ayos lang sa kaniya pero kay Papa talaga kasi siya nahirapan eh.

“Sino ka para manligaw sa anak ko?”

Muntik ko pa matapunan ang sarili ko ng tubig dahil sa tanong niyang ‘yon. Grabe naman. “Papa, don’t be too harsh.”

Hindi niya pinansin ang sentimyento ko at nakatuon lang ang tingin niya kay Gavin. “Sir, I am her friend. Alam ko kung paano siya protektahan at kung paano niya gustong mahalin. Alam ko kung ano ang magpapasaya sa kaniya.”

Para akong natutunaw sa bawat sagot ni Gavin. Pakiramdam ko tuloy ang ganda-ganda ko kasi ginagawa niya ang lahat para sa akin, para mapapayag ang pamilya ko na maligawan niya ako. Oh gavin, I love you!

Papa crossed his arms. “Eh bakit hindi na lang kayo maging magkaibigan? ‘Wag mo na ligawan.”

Oh my gosh! Hindi seryoso si Papa diyan. He must not! Alam naman ni Papa na dito ako masaya eh, kay Gavin ako masaya.

“The past years, I’ve seen how Gia pursued me. She became not just a fan but a very special person to me and I admire her a lot. Gusto kong ako naman ang gumawa sa kaniya no’n, I want her to feel special. Gusto kong ako naman ang magpakita sa kaniya ng pagmamahal na deserve niya.”

Tinaasan lang siya ng kilay ni Papa at nagpatuloy na sa pagkain. Tinignan ko siya at nginitian. I mouthed, “Thank you.”

But what flattered my heart the most is when he held my hand resting on my lap and mouthed, “I love you.”

Ang sarap magmura sa sobrang kilig! Hay, punyeta kinikilig talaga ako. Geez, I am cussing a lot these days.

Napahiwalay na lang ang mga kamay namin nang magsalita si Ace. “Tita and Kuya Gavin are holding each other’s hands. Is Tita allowed, dude?”

Napairap na lang ako sa kadaldalan ng batang ‘to. Kung ano siyang ka-ikli ng salita ng tatay niya, siya namang daldal niya! Badtrip!

Sinamaan kami ng tingin ni Papa kaya napayuko na lang ako. “Ligaw pa lang Gia, Gavin, ‘wag masiyadong advanced.”

Tumango si Gavin at tila nagpipigil ng tawa. Tignan mo ‘tong isnag ‘to, nagawa pang matuwa sa nangyayaring ‘to.

“Look at our little princess, nagba-blush oh.” Nakangiting sabi ni Mama at natawa naman si Ate Alex.

“Ang cute niyong dalawa.” She giggled.

“Anong cute? Walang cute.” Matigas na sabi ng tatay ko at ng mga kapatid ko. Ate Alex threw her hands up as if surrendering.

Yeah, the perks of being the only girl. Pero okay lang at least masaya akong nag-level up na rin kami ni Gavin. I feel so loved tonight.

***


Hi guys! Kamusta kayo? Huhu sorry di na ako ganon ka-active sa fb group or pala-online sa watty, ito kasi yung mga panahon na maraming ginagawa sa school eh pero wag kayo mag-alala, cute pa rin po ako guys.

Dedicated sa kaniya! Hello :))

Dadating din si Dada, maghintay lang kayo. Patience is a virtue, ok?

Continue Reading

You'll Also Like

217K 14.1K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
115K 8.6K 76
And so? An epistolary.
40K 715 17
Book 2 po ito ng TNMTCP .. HahahaXD sa mga nag rerequest po ng BOOK 2 eto na po siya .. Enjoy reading :)
39.1K 1K 21
It just a short story pero alam kong magugustuhan niyo 'to. 💜