A Love To Last A Lifetime | P...

By iamJonquil

423K 10K 464

Php 150.00 lang po. Available na rin po ito sa National Book Store nationwide. Ganoon din po sa SHOPEE at LAZ... More

A Love To Last A Lifetime
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Soon To Be Published Under Lifebooks
ALTLAL is now PUBLISHED!

Chapter 05

11.3K 495 23
By iamJonquil

KATATAPOS lang magpa-enrol ni Marquine sa Mori High University. At nakakuha na rin siya ng magiging schedule niya para sa buong semester.

Napabuntong-hininga siya. Hindi fit ang nakuha niyang schedule para makapagpatuloy siya sa HFV Robotic Company dahil hanggang alas tres y media ng hapon ang klase niya.

Saan naman siya ngayon magpa-part time job?

"Kapag sa fast food chain naman ay nakakapagod masyado. Baka hindi ko kayanin physically."

Itinabi niya sa kanyang bag ang papel na hawak. Pagkuwan ay hinaplos ang cover ng handbook galing Mori High.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nire-reply-an ng kanyang ina. Unti-unti niyang naramdaman iyong wala siyang ibang maaasahan talaga dito sa Pilipinas kundi ang sarili lamang niya.

Tumingala siya sa asul na asul na kalangitan. Bigla ay sumagi sa isip niya ang totoong ama. Ang kuwento sa kanya ng kanyang Mommy Rica ay namatay ang ama niya sa isang car accident noong nasa sinapupunan pa lamang siya. Hindi na naipaalam pa ng mommy niya na ipinagbubuntis siya nito sa kanyang ama. Surprise sana iyon sa muling pagkikita ng mga ito. Ngunit hindi na iyon nangyari pa.

Nang isilang siya ng kanyang ina ay isinunod pa rin nito ang kanyang apelyido sa kanyang amang si Alfonso Del Fierro. Kahit nang magpakasal ito sa Daddy Andrew niya ay hindi pa rin ipinabago ng kanyang ina ang apelyido niya dahil karapatan daw niyang gamitin ang apelyido ng yumaong ama.

Malungkot siyang ngumiti. Minsan nahiling niya na sana ay hindi na lang namatay ang tunay niyang ama. Nagkaisip siya na mommy lang niya ang kasama niya.

Pagkagaling sa Mori High ay ipinasya naman niyang dumiretso sa Narras Park. May malawak na fountain doon kung saan puwedeng maghagis ng coin at humiling. Wala namang masama kung susubukan din niya.

Kumuha siya ng piso at naghagis. Pagkuwan ay pumikit at humiling sa isip.

Sana po kausapin na ako ni Mommy...

Mayamaya ay iminulat na rin niya ang kanyang mga mata. Malungkot siyang napangiti. Na-mi-miss na niya ang mommy niya. Pati na rin ang mga kapatid niya.

Pagpihit niya sa likuran niya ay ganoon na lang ang gulat na lumarawan sa maganda niyang mukha nang makita si Markian na nakatayo roon. Isang dipa ang layo mula sa kanya. Bakit ito naroon? Nagkataon lang ba?

"A-ano'ng ginagawa mo rito?" hindi niya napigilang itanong. Hayon na naman siya at hindi mapigilan ang sarili na pagmasdan ang guwapo nitong mukha. Imposible naman na siya ang pakay nito. "Napadaan ka lang siguro," sabi na lang niya bago naglakad. Lalampasan sana niya si Markian nang magsalita ito.

"Nagkakatotoo ba kapag humiling diyan?"

Napahinto siya sa akmang paghakbang. Nilingon niya ang fountain pagkuwan ay sinulyapan ito. "Libre naman ang sumubok.'

Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. "Pahinging coin."

Hindi ba talaga marunong ngumiti ang lalaking ito? ungot niya sa isip bago kumuha ng piso at inilagay sa nakalahad nitong palad.

"Bayad na ako sa utang ko sa iyo," aniya bago ito tuluyang nilampasan.

Pinigilan niya ang sarili na lingunin si Markian. Dumiretso siya sa isang bench at naupo roon. Natanawan pa niya si Markian na naglalakad na palayo nang muli niyang tanawin ang kinaroroonan nito.

Napabuntong-hininga si Marquine. Alam naman sa company na aasikasuhin niya ang pag-e-enrol sa Mori High kaya wala siyang gagawing iba sa araw na iyon.

Dahil masyado ng malayo ang nararating ng isip niya habang nakatitig sa malayo kaya hindi napansin ni Marquine ang pag-upo ni Markian sa tabi niya. Kung hindi pa nito ididikit sa pisngi niya ang malamig na bottled water ay hindi pa niya mararamdaman ang presensiya nito.

Nahampas pa niya ito sa braso nito dahil sa gulat. "Kanina ka pang nanggugulat diyan, ah! Para kang kabute na bigla na lamang sumusulpot."

Inilapag nito sa pagitan nila ang bote ng mineral water na para daw sa kanya. "Mukhang nasusobrahan ka na sa kaiinom mo ng kape. Bawas-bawasan mo," ani Markian na uminom ng tubig sa hawak nitong plastic bottle. Napaka-kaswal nito.

Sumandal pa ito at tumingin din sa malayo.

Napatingin siya sa bote ng tubig sa tabi niya. Para daw iyon sa kanya. Napalunok siya. lalo siyang nakaramdam ng uhaw. "Salamat dito sa tubig,' aniya bago kinuha iyon at walang pag-aatubiling binuksan. Pagkuwan ay walang kyemeng uminom. Halos napangalahatian niya iyon dahil sa pagkauhaw.

"Hindi 'yan libre. Kaya may utang ka uli sa akin."

Napatingin siya kay Markian na bahagyang nakangisi sa kanya. What the! Ngisi pa lang iyon ngunit halos mapigil niya ang paghinga. Pati pagtibok ng kanyang puso ay kakaiba rin. Lihim siyang napalunok.

Bakit iyong mga madalas mangyari at maramdaman ng mga heroine sa mga nababasa niyang novela ay hayon at nararanasan niya. At sa harap pa ng isang Markian Vega. Ipinilig niya ang ulo bago sumandal din at muling tumingin sa malayo. Kung ano-ano na ang nararamdaman niya kapag kaharap ang binata.

"Ano'ng schedule mo sa Mori High?" anito mayamaya.

Napatingin siya kay Markian. "Bakit mo tinatanong?" lihim na naman niyang napigil ang paghinga nang bumaling ito sa kanya. Those stares!

"May dala kang handbook galing sa Mori High. At siguradong nag-enrol ka ngayon."

Napadako ang tingin niya sa handbook na nakapatong sa kandungan niya. "'Yong schedule ko, hindi fit para sa HFV," sabi na lang niya.

"Ano'ng oras ang labas mo?"

"3:30 ng hapon." Bakit kung makapag-usisa ito ay daig pa ang tatay niya?

"Hindi nga fit."

"Kaya hanggang katapusan na lang ako sa company ninyo." Huminga siya ng malalim bago ito nginitian. "Salamat nga pala sa pag-hire mo sa akin sa company ninyo. Hindi ko alam kung bakit h-in-ire mo ako ng ganoon kabilis kahit ang totoo naman ay hindi ikaw ang HR na dapat mag-i-interview sa akin. Salamat pa rin." Dahil kasi sa ginawa nito ay nakaipon pa rin siya. Bahala na sa mga susunod na buwan kung paano siya makakaraos.

"Bakit kailangan mong magtrabaho?" sa halip ay tanong nito.

"Para masustentuhan ang sarili ko," amin na rin niya rito. Nagbawi siya ng tingin ng tingnan siya ni Markian.

"Nasaan ang mga magulang mo?"

Nang muli niya itong tingnan ay nginitian niya ito. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya. "Kailangan ko pa bang ikuwento?"

Iyong tingin ni Markian ay animo naghihintay ng kuwento niya. Ewan niya pero magaan ang loob niya sa binata. Kaya sa huli ay ipinasya na rin niyang magkuwento rito. Muli siyang tumingin sa malayo.

"Kung natatandaan mo 'yong sa airport," simula niya. "Tinakasan ko sina mommy. Magma-migrate na kasi ang buong pamilya sa Italy at wala ng planong bumalik pa rito sa Pilipinas. Hindi pa ako emotionally, mentally at physically ready na umalis. Kaya noong nagkita tayo, tumatakbo ako noon." Malungkot siyang napangiti. "Kaya heto ako ngayon, hindi puwedeng maging peteks katulad ng nakasanayan ko. Kaya naghanap ako ng trabaho habang nakabakasyon pa. Hindi pala ganoon kadali na maging independent."

"Kung wala dito ang mga magulang mo, paano ka nakapag-enrol sa Mori High? Hindi basta-basta ang tuition fee doon."

"Sa savings ko. Inilaan ko para sa buong school year kaya hindi ko problema ang pang-enrol."

"Ano'ng sabi ng mga magulang mo sa ginawa mo?"

Umiling siya. "Hindi pa rin nila ako kinakausap. Lalo na ni mommy. Siguradong titiisin niya ako hanggang sa ako na ang sumuko para sumunod sa kanila." May mainit na likidong sumungaw sa mga mata niya dahil sa pagpipigil sa emosyon.

Ngayon lang siya nakapag-open up at gustong-gusto na niyang umiyak ngunit pinipigil lang niya. Sa lampas isang buwan niya na hindi kasama ang magulang niya ay sobrang hirap sa pakiramdam. Akala niya ay okay lang pero hindi pala. Animo pinipiga ang puso niya nang mga sandaling iyon.

Nagyuko siya at bahagyang ibinaling sa kaliwa ang mukha para hindi makita ni Markian ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya. Of all people, si Markian pa ang makakasaksi ng kameserablihan niya.

Pero kahit anong iwas niya ay napansin pa rin ni Markian ang bahagyang pagyugyog ng balikat niya.

Walang salita na umisod ito palapit kay Marquine at kinabig ang dalaga pasandig sa dibdib nito.

"Take your time," tanging anas ni Markian sapat lamang para marinig ni Marquine.

Lalo tuloy siyang napaiyak.


Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 686 50
[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes h...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
11K 1.2K 58
Completed yet still under revision. Happiness isn't in the choosing, maybe it's in the pretending; that wherever we have ended up is where we intende...
1.5K 238 2
Chinn, a pity/poor girl with a pure heart, used to consider everyone around her as a family, but that's not a mutual thing for those of them. Madalas...