Legend of Divine God [Vol 4:...

By GinoongOso

705K 48.9K 7.2K

June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY -- More

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter XII

11.4K 856 107
By GinoongOso

Chapter XII: Arrival

Sa kagustuhan ni Finn Doria, ginabayan ni Creed sina Elder Marcus at Sect Master Noah na maglibot sa buong teritoryo ng Azure Wood Family.

Habang tumatagal and dalawa sa Azure Wood Family, mas lalong hindi makapaniwala si Sect Master Noah at Elder Marcus sa kanilang natutuklasan. Nilibot nila ang iba't ibang gusali sa loob ng Azure Wood Family at isa sa pinakatumatak sa kanilang dalawa ay ang Treasury Hall ng angkan na kinabibilangan ni Finn Doria.

Ang Treasury Hall ang pinakamalaki at pinakamalawak na gusali sa buong Azure Wood Family. Nakalagay rito ang karamihan sa mga kayamanang ibinigay ni Finn Doria sa kaniyang angkan, at lahat ng ito ay nakalabas o kaya naman ay nakasabit sa haligi.

Mayroong tatlong palapag ang Treasury Hall at sa ngayon, si Creed kasama sina Elder Marcus at Sect Master Noah ay nasa ikalawang palapag.

"Paanong nangyari ito... Nananaginip ba ako...?" bulong ni Sect Master Noah.

Nakatulala rin si Elder Marcus sa haligi na punong-puno ng mga armas, kalasag at iba't ibang mga kagamitan. Sa unang palapag, nabigla na sila nang makita nila ang napakaraming Armaments na nakalabas at nakasabit. Bawat isa roon ay nasa Common Armament hanggang Rare Armament. Pero nang makaakyat sila sa ikalawang palapag, hindi na nila mapigilang dalawa ang kanilang matinding pagkabigla.

Hindi sila maaaring magkamali, ang lahat ng nakasabit na Armament sa haligi ay Excellent Armaments! Higit pa roon, ang daan-daan dito ay Top-tiet Excellent Armaments!

Ang panga nina Elder Marcus ay halos umabot na sa sahig dahil sa kanilang gulat. Hindi sila makapaniwala na makakakita sila nang ganito karaming Top-tier Excellent Armaments. Kailan man sa buong buhay nila ay hindi pa sila nakakakita ng daan-daang Top-tier Excellent Armaments. Pero ang Azure Wood Family...

Hindi nila maintindihan kung paanong nagkaroon ng ganito karaming armaments ang Azure Wood Family pero isa lang ang naiintindihan nilang dalawa, ang kasalukuyang Azure Wood Family ay ibang-iba na sa nakaraang ordinaryong angkan.

Kulang-kulang na isang libong Profound Rank ang miyembro ng Azure Wood Family habang ang mga Elders naman nito ay malalakas na 7th Level hanggang 9th Level Profound Rank.

Kahit aling Faction ay hindi maikukumpara sa kasalukuyang Azure Wood Family. Ang angkan na 'to ay may napakaraming Armaments at Profound Rank, at higit pa roon, ang Azure Wood Family ay mayroong protektor na Sky Rank Adventurer, at hindi ito basta ordinaryong Sky Rank Adventurer, ito si Finn Doria, ang batang adventurer na nasa edad labing walo pa lamang.

Nanabik ng sobra sina Elder Marcus nang makita nila ang bawat Armaments sa ikalawang palalag. Gayunman, ang Treasury Hall ay mayroong tatlong na palapag, nasa ikalawang palapag pa lamang sila pero napakaraming Excellent Armaments na ang kanilang nakikita. Kung magtutungo sila sa ikatlong palapag, marahil makakita sila ng Epic Armaments!

Epic Armaments! Kahit ang Royal Clan ay mayroon lang isa nito. Mayroon ding Epic Armament si Sect Master Noah pero nakuha niya ito matapos itong balewalang ibigay sa kaniya ni Finn Doria.

Kung balewala lamang kung mamigay si Finn Doria ng Epic Armament, marahil mayroon ding nakalabas na Epic Armament sa ikatlong palapag!

Agad na tumingin si Sect Master Noah kay Creed at nananabik na nagtanong, "Elder Creed... ang iyong Azure Wood Family ay talagang kahanga-hanga. Para magkaroon ng ganito karaming kayamanan, kahit ang Royal Clan ay hindi maikukumpara sa inyo."

Bahagyang gumiti si Creed at tumugon, "Lahat ng ito ay nagmula sa aking anak... Ibinigay niya itong lahat sa Azure Wood Family bilang kayamanan ng aming angkan."

Inaasahan na ito nila Sect Master Noah pero hindi niya pa rin mapigilang hindi magulat. Napapaisip tuloy siya kung gaano karaming kayamanan mayroon si Finn Doria... Pero syempre, sa isip niya lang ito. Hindi siya nangangahas na maging ganid lalong-lalo na't alam niya kung gaano kalakas si Finn Doria noong 1st Level Sky Rank pa lang siya, ano pa kaya ngayong 2nd Level Sky Rank na siya.

Para ipakita niya ito sa kanila, isa lang ang ibig sabihin noon, tiwala si Finn Doria na hindi mangangahas ang iba na mag-isip ng masamang balak laban sa kaniyang angkan.

Nagdadalawang isip si Sect Master Noah kung magtatanong siya pero sa huli, nagtanong pa rin siya.

"Elder Creed... gusto ko lang malaman. Napakaraming Excellent Armament sa ikalawang palapag pero hindi pa ito ang hangganan ng gusaling ito kaya gusto ko lang malaman, anong nasa ikatlong palapag?" maingat na tanong ni Sect Master Noah.

Kahit na isa siyang Sky Rank Adventurer, hindi siya nagiging hambog at mapagmalaki sa harap ni Creed na isang 9th Level Profound Rank lamang. Ito ay dahil malaki ang respeto at pasasalamat ni Sect Master Noah kay Finn Doria kaya lahat ng malalapit sa binatilyo, lalong-lalo na si Creed, ay tinratato niya bilang kapantay.

Nang marinig ni Creed ang tanong ni Sect Master Noah, sandali siyang natigilan bago bahagyang ngumiti, "Sect Master Noah, ipagpaumanhin niyo pero sa ngayon, hindi ko muna masasagot ang inyong katanungan tungkol sa mga bagay na nasa ikatlong palapag. Nais ng aking anak na si Finn Doria na ipakita muna ang ikalawang palapag sa aming mga panauhin, at tungkol naman sa ikatlong palapag, sigurado akong malaki ang magiging bahagi ng lugar na 'yon sa mangyayaring pagtitipon."

Agad namang tumango si Sect Master Noah bilang tugon. Dahil plano ito ni Finn Doria, syempre hindi na siya nagtanong pa ukol dito. Inilibot niya lang ang kaniyang paningin sa mga Armaments na nasa haligi bago tuluyang napabuntong hininga.

"Isang karangalan ang makakita ng ganito karaming kayamanan. Tungkol naman sa ikatlong palapag, kaya namin na maghintay kahit taon pa ang abutin dahil para sa kagaya nating mga adventurers, ang ilang paghihintay para sa mahalagang bagay ay balewala lamang." Nakangiting sambit ni Sect Master Noah. "Isa pa, sigurado naman ako na darating din ang iba rito isa o dalawang buwan hanggang ngayon. Pag dumating na sila, malalaman ko rin ang mga bagay na nasa ikatlong palapag."

Nagsimula ring tumawa si Creed nang marinig niya ito. Inaya niya na sina Sect Master Noah at Elder Marcus patungo sa kanilang matutuluyan habang naghihintay sa iba pa. Nagkaroon din ng kaunting kasiyahan sa pagitan ng mga Elders at nina Sect Master Noah kinagabihan, at lahat sila ay natikman ang alak na nagmula kay Finn Doria.

"Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na alak! Higit pa roon, ramdam na ramdam ko ang kaunting enerhiya sa bawat kopita ng alak na aking iniinom." Sambit ng namumulang si Elder Marcus. "Nakalulungkot lang na wala na itong gaanong epekto sa kagaya kong 9th Level Profound Rank... Pero masarap naman ito kaya sulit! Haha!"

Bawat isang adventurer sa silid ay makikitaan ng kasiyahan at pananabik sa kanilang mga mukha. Malinaw na masaya ang mga ito habang kumakain at umiinom ng alak na nagmula kay Finn Doria.

--

Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigit isang buwan na simula noong ipabatid ng Adventurers Guild ang misyon ni Finn Doria sa mga maiimpluwnsyang Adventurers sa Sacred Dragon Kingdom.

Sa loob ng mahigit isang buwan na ito, muling nagbalik ang pinuno ng Black Chain Organization na si Chain Levor. Sinalubong ito nina Creed Doria at ng iba pang mga Elders ng Azure Wood Family. Hindi pa rin nagpapakita si Finn Doria sa madla kaya naman naisip nila na marahil nagsasanay ito o nagninilay-nilay.

Hindi lang si Chain ang dumating sa Azure Wood Family noong mga panahon na nakalipas. Dumating din ang mga Family Head ng Earth Sieve Family, Wind Lightning Family, Vermillion Bird Family at higit sa lagat, ang bagong pinuno ng Nine Ice Family na si Cleo Frois.

Gaya ng mga nauna, tanging sila Creed at mga Elders lang ang sumalubong at mainit na tumanggap sa mga ito. Wala pa ring bakas ni Finn Doria ang nagpapakita.

Kahit na hindi natutuwa ang ilang maiimpluwensyang Adventurers sa ganitong pagtanggap, wala naman silang magagawa dahil ang protektor ng Azure Wood Family ay isang Sky Rank Adventurer, isa pa mas malakas sa kanila ng hindi hamak.

At gaya ng mga nauna, lahat sila ay nagugulat dahil sa lakas ng pamunuan ng Azure Wood Family. Dose-dosenang 9th Level Profound Rank na ang kanilang nakakasalamuha at higit pa roon, kahit ang mga kabataan na nagkalat sa buong teritoryo ng Azure Wood Family ay nasa Profound Rank din!

Pakiramdam nila ay pinagtataksilan sila ng kanilang mga mata at pakiramdam habang nililibot ang Azure Wood Family. At noong dumating sila sa una at ikalawang palapag ng Treasury Hall, lahat sila ay nagulat, maging si Cleo Frois na isang 6th Level Sky Rank ay nagulat.

Karamihan sa mga panauhin ay nagtanong kung ano ang mga kayamanang nasa ikatlong palapag pero tanging nanghihinging paumanhin na ngiti lamang ang naisagot sa kanila ni Creed Doria.

Kung ibang adventurer ang tatanggi sa kanilang katanungan, siguradong maiinis sila sa loob-loob nila pero dahil nila kung gaano kalakas at kayaman ang Azure Wood Family, mas lalo lang silang nanabik at naging interesado sa magiging kapalit ng mga Magic Crystal na kanilang dala-dala.

Bawat isa sa kanila ay dinala ang pag-aari nilang mga Sixth Grade Magic Crystal. Noong ilang araw lang ay hindi sila umaasa na mayroon kayamanang maipapalit sa kanila ang Azure Wood Family pero ngayon sa rami ng Top-tier Excellent Armaments na ito, hindi malabong sumang-ayon sila kung bibigyan sila ng tatlong top-tier Excellent Armaments ng Azure Wood Family.

Habang binibigyan nila ng huling sulyap ang mga Excellent Armaments, hindi nila mapigilang mapabuntong hininga. Kailan man sa kanilang imahinasyon ay hindi nila aakalaing magkakaroon ng ganito karaming kayamanan ang Azure Wood Family.

Tanging sa isipan lang nila maiisip ang masamang balak dahil alam nila na isang Sky Rank Adventurer ang protektor ng Azure Wood Family. Tungkol naman sa pagkalahatang lakas ni Finn Doria, hindi pa sila sigurado at hindi rin nila balak alamin pa dahil sa kanilang masamang hangarin. Walang gustong mamatay sa kanila, bawat isa sa kanila ay gusto pang mabuhay at maingat kaya naman hanggang ngayon ay buhay pa sila.

Panghuli na si Cleo Frois na inihatid ni Creed sa kaniyang pansamantalang tutuluyan, at noong magbabalak na sanang umalis si Creed, agad siyang pinigilan ni Cleo.

"Mayroon ka pa bang kailangan, Cleo?" kunot-noong tanong ni Creed.

Nagkaayos na ang dalawa ngunit gaya ng dalawang kaibigan na dumaan sa matinding problema, hindi na sila gayon kalapit sa isa't isa. Alam ni Cleo ito at napapansin niya iyon sa pakikitungo sa kaniya ni Creed. Maaaring ngumingiti sa kaniya si Creed pero ang ngiting ito ay hindi na katulad ng dati.

Bumuntong hininga si Cleo at direktang tumitig sa mata ni Creed. Hinugot niya ang singsing sa kaniyang palasingsingan at marahang nagsalita, "Creed... Ang totoong rason kung bakit ako nagtungo rito ay upang iabot ito sa inyong angkan. Masyadong malaki ang utang ko sa iyong Azure Wood Family kaya naman ngayong alam kong nangangailangan kayo ng Sixth Grade Magic Crystal, agad akong nagpunta rito upang ibigay sa inyo ang nakolekta kong apat na Magic Crystal sa loob ng sampung taon kong paglalakbay. Hindi ako humihingi ng kapalit na kayamanan at hindi ko rin kayo pinipilit na patawarin agad ako sa aking mga sala.."

Malinaw na narinig itong lahat ni Creed kaya natahimik siya ng mga ilang minuto. Totoong mayroon din siyang kakarampot na galit kay Cleo pero hindi ibig sabihin noon ay sinisisi niya ito nang sobra. Nagkamali rin siya at ang kaniyang pagkakamali ang pinakapinagsisisihan niya.

Huminga nang malalim si Creed at hinawi ang kamay ni Cleo. Direkta itong ngumiti sa lalaking mayroong asul na buhok at bahagyang ngumiti.

"Tapos na ang alitan sa pagitan ng ating angkan at nagkapatawaran na ang bawat isa sa atin. Walang tama at mali sa atin kaya hindi namin maaaring tanggapin ang iyong regalo. Malinaw na sinabi ng aking anak na si Finn na hindi kami tatanggap ng kahit anong regalo kanino man kaya naman sana ay maintindihan mo ang ibig naming sabihin. Kalimutan na natin ang lahat ng nangyari noon at paghandaan na lang natin ang maaaring mangyari sa hinaharap."

Natahimik si Cleo pero nakatingin pa rin siya sa mata ni Creed. Nakita niya ang sinsiredad sa mata nito kaya naman hindi niya mapigilang lalong magsisisi.

"Tama, kamusta na nga pala ang iyong anak na si Tiffanya? Nasaksihan at napagalaman ko kung paano siya naghirap sa kamay ni Sect Mistress Sheeha kaya sana ay hindi ka naging malupit sa kaniya." Nakangiting sambit ni Creed.

Nang marinig ni Cleo ang tungkol sa kaniyang anak, nalungkot siya bigla at napatulala. Napatitig siya sa kawalan at napuno ng emosyon ang kaniyang mga mata.

"Si Tiffanya... kasalanan ko ang lahat kung bakit nagkakaganito siya ngayon. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino at madalas siyang tulala at malungkot. Hindi rin siya lumalabas ng kaniyang silid kaya labis akong nag-aalala sa para kaniya. Wala na ang kaniyang ina at hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala pa sa akin..." mahinang bigkas ni Cleo.

Tinapik-tapik ni Creed ang balikat ni Cleo at ngumiti, "Ilapit mo muli ang loob mo sa iyong anak, darating ang araw na magiging ayos din ang lahat. Hindi man ngayon, maaaring bukas o makalawa."

Nagpapasalamat na ngumiti si Cleo kay Creed.

"Tama. Para ipakita sa'yo na magkaayos na ang ating dalawang angkan, inaanyayahan kita na uminom kasama ako ngayong gabi." Tumatawang sabi ni Creed.

"Talaga?"

"Syempre! Kung noon ikaw ang laging nagpapatikim sa akin ng masasarap na alak, ngayon naman ay ipatitikim ko sa'yo ang alak na hindi mo matitikman sa buong kontinenteng ito!" masayang sabi ni Creed.

Nagkunwaring suminghal naman si Cleo at tumugon, "Hmph. Nakalimutan mo ata na naglibot ako ng sampung taon sa iba't ibang bahagi ng Ancestral Continent. Nakatikim na ako ng alak at masasabi kong lahat ng iyon ay hindi maikukumpara sa alak na mayroon ang Sacred Dragon Kingdom. Gusto kong malaman kung ano ang ipinagmamalaki mo. Haha."

Nagtawanan at nagbiruan naman ang dalawang kaibigan hanggang sa makapasok na sila sa silid.

--

Muling lumipas ang isang linggo at maliban kay Sect Mistress Sheeha, kompleto na ang Six Faction Master at apat na Family Head ng Noble Clans. Maging ang Justice Minister at si Lord Helbram ay dumating na rin sa teritoryo ng Azure Wood Family.

Sa maliit na kubo ni Finn Doria, bigla na lamang ibinukas ng binata ang kaniyang nakapikit na pares ng mata. Makahulugan siyang ngumiti at naglakad palabas ng kaniyang maliit na kubo.

Umaga noon at maganda ang panahon kaya naman napatingin si Finn Doria sa kalangitan. Unti-unti siyang umangat sa himpapawid at mabilis na lumipad.

"Oras na."

--

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 405 18
This is the fourth volume of my story entitled War Of Ranks online series. Kaya kung una mong nakita to bago yung tatlong volume please, read those f...
84.6K 6.5K 88
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilik...
935K 92K 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng...
378K 82.1K 102
Synopsis Dahil sa kagustuhang makasama ang kanyang tiyuhin at kapatid, tinanggap ni Finn ang misyon ni Auberon para sa pitong pangunahing miyembro ng...