Adore (Falling Flower Series...

De jaijairey

24K 1.6K 954

We all want to receive an anonymous letter that contains a warm message that could make us feel safe and love... Mais

00
Note 01
Note 02
Note 03
Note 04
Note 05
Note 06
Note 07
Note 08
Note 09
Note 10
Note 11
Note 12
Note 13
Note 14
Note 15
Note 16
Note 17
Note 18
Note 19
Note 20
Note 21
Note 22
Note 23
Note 24
Note 25
Note 26
Note 27
Note 28
Note 29
Note 30
Note 31
Note 32
Note 33
Note 34
Note 35
Note 36
Note 37
Note 38
Note 39
Note 40
Note 41
Note 42
Note 43
Note 44
Note 45
Note 46
Note 47
Note 48
Note 49
Note 50
Note 51
Note 52
Note 53
Note 54
Note 55
Note 56
Note 57
Note 58
Note 59
Note 60
Note 61
Note 62
Note 63
Note 64
Note 65
Note 66
Note 67
Note 68
Note 69
Note 71
Note 72
Note 73
Note 74
Note 75
Note 76
Note 77
Note 78
Note 79
Note 80
Note 81
Note 82
Note 83
Note 84
Note 85
Note 86
Note 87
Note 88
Note 89
Note 90
Note 91
Note 92
Note 93
Note 94
Note 95
Note 96
Note 97
Note 98
Note 99
Note 100
Note 101
Note 102
Note 103
Note 104
Note 105
Note 106
Note 107
Note 108
Note 109
Note 110
Note 111
Note 112
Note 113
Note 114
Note 115
Note 116
Note 117
Note 118
Note 119
Note 120
Note 121
Note 122
Note 123
Note 124
Note 125
Note 126
Note 127
Note 128
Note 129
Note 130
Note 131
Note 132
Note 133
Note 134
Note 135
Note 136
Note 137
Note 138
Note 139
Note 140
Note 141
Note 142
Note 143
Note 144
Note 145
Note 146
Note 147
Note 148
Note 149
Note 150
Note 151
Note 152
Note 153
Note 154
Note 155
Note 156
Note 157
Note 158
Note 159
Note 160
Note 161
Note 162
Note 163
Note 164
Note 165
Note 166
Note 167
Note 168
Note 169
Note 170
Note 171
Note 172
Note 173
Note 174
Note 175
Note 176
Note 177
Note 178
Note 179
Note 180
Note 181
Note 182
Note 183
Note 184
Note 185
Note 186
Note 187
Note 188
Note 189
Note 190
Note 191
Note 192
ANNOUNCEMENT!

Note 70

156 13 0
De jaijairey

Byernes na at mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang gymnasium. May program kasing gaganapin doon. Iwe-welcome kasi namin ang mga bisitang galing sa ibang school.

Pinaghandaan ito ng husto ng Aelin University. Kasi grabi ang naging preperasyon nila nitong mga nakalipas na araw. Tahimik lang akong naglalakad patungo doon. Wala na kasi akong kasabay na kaklase kasi noong nakarating na ako sa room namin wala ng tao doon. Kaya minabuti ko nalang magtungo sa gymnasium ng mag-isa.

Malapit na ako sa entrance ng gymnasium ng bigla nalang may umakbay sakin. Natigil ako sa paghakbang at tinignan ko ang umakbay sakin. Nanglaki ang mata ko nang makita ko kung gaano ka lapit ang mukha ni Asher sakin.

"Hi!" Malawak itong nakangiti sakin.

Napatitig ako sa kanya. Di nga kataka-taka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Ang pogi niya kasi at napaka ideal ng height niya. Kung baga full package na. Lito itong napatitig sakin.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"H-hello. A-ano wala naman." Awkward akong napa-ubo at napaiwas ng tingin.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa nangyaring iyon. Narinig ko din siyang tumawa ng mahina. Kaya mas namula ako kasi nahiya ako sa pagkatulala ko sa mukha niya.

"Sabay na tayo." Pag-aya nito sakin. Tumango naman ako bilang sagot sa pag-aya niya.

Sinalubong agad kami ng ingay ng mga tao na nandoon sa gymnasium. Naka set na ang stage at ang hinihintay nalang ang bisita. Nagtungo kami sa pwesto kung nasaan ang mga kaklase ko. Pero habang papunta kami doon pinagtitinginan na kami ng mga nadadaanan namin. Nakakailang kasi parang binabantayan nila ang bawat galaw namin.

Kaya yumuko nalang ako habang naglalakad. Naramdaman kung may pumisil sa balikat ko. At doon ko lang napagtanto kung bakit pinagtitinginan kami ng mga tao kasi naka-akbay parin si Asher sakin. Dahan-dahan ko itong tinanggal sa balikat ko at ngitian ko siya ng alinlangan.

"Baka may gumawa na naman ng issue" Bulong ko sa kanya.

Pero sa halip na pakinggan ako. Inakbayan ako nito ulit at mas inilapit sa kanya. Nanglaki ang mata ko kaya naman tumawa naman ito sa naging reaksyon ko.

"I don't care." Natatawa nitong saad at pinatong niya din ang palad niya sa ulohan ko kaya nagmukha tuloy akong stand niya.

Napairap nalang ako sa ginawa niya. Pagkarating namin sa bleachers nakita ko na magkatabi lang pala ng assign seat ang section namin. Pinauna ako nitong umakyat sa taas. Ramdam ko din ang mga tingin na binibigay ng mga kaklase namin sa amin. Umupo agad ito sa tabi ko ng makaupo na ako.

"Gagers magkasabay sila dalawa."
"Sana all inakbayan ni Asher."

Rinig kung bulong ng dalawa namin kaklaseng babae.

"Pst." Pagtawag pansin ni Asher sakin. Kaya nilingon ko ito.

"Ano?"

"May lakad ka after class?" Tanong nito sakin

"Wala. Bakit?" Sagot ko sa kanya.

"May pupuntahan sana tayo."

Pwede naman siguro akong sumama sa kanya mamaya. Wala din naman sila Mama sa bahay kasi pumunta sila sa bahay nila Lola. At sa linggo pa sila uuwi. Kaya sasama muna ako sa kanya para hindi ako mabagot sa bahay.

Simula kasi noong nasagot ko sila. Hindi na ako sumasabay sa kanila kumain. At kung nasa malapit sila lumalayo agad ako kasi ayaw ko ng gulo. Pansin ko din na nag-iba na ang pakikitungo nila sakin. Katulad nalang ni Mama.

Dati kasi kung tumingin siya sakin parang malaki ang galit niya sakin kasi nakakunot palagi ang noo. Pero ngayon kalmado na ito at naging maamo ang mukha. Pati narin si Papa, kasi kapag dadating ako galing sa school titignan agad ako nito. Tas alinlangan akong tatanongin kung kumain na ba ako. At bilang pag galang sasagutin ko naman ng maayos.

"Sige. Saan ba?" Nakangiti kung tugon.

Napangiti din siya sa naging sagot ko.

"Secret. Basta pupunta tayo sa lugar na masaya."

"Siguraduhin mo yan ha. Baka niloloko mo ako." Pagbabanta ko sa kanya.

"Haha. Mukha ba akong mangloloko."

"Di ka mukhang mangloloko. Ang surname mo lang tunog mangloloko." Bagot na sagot ko sa kanya.

"Grabi ka sakin ha." Umakto siyang nasaktan sa sinabi ko. Kaya naman napatawa ako ng mahina at tinoon na sa harapan ang pansin.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang program at natahimik na din ang mga studyante.

Sana mag enjoy ako mamaya sa lakad namin ni Asher.




Continue lendo

Você também vai gostar

26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
154K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...