Somewhere In My past(GAY ROMA...

By Tekki1492

29.9K 175 57

E.E Cummings once wrote “We do not believe in ourselves until someone reveals that deep inside us something i... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
THE END

CHAPTER 7

1.3K 7 0
By Tekki1492

CHAPTER 7

Ayon sa isang artikulo ukol sa Bisexuality sa Pilipinas na mula sa Unibersidad ng Santo Tomas Ang Bisexuality o pagiging "silahis" ay isang kasarian kung saan ang isang tao ay nakadaranas ng sexual at emotional na pagkaakit sa parehas na kasarian.

Naging madalas ang pagkikita namin ni Gerry,madalas ay kumakain kami sa labas,karaoke at panunuod ng movie ang lubos naming pinagkasunduuan.

Marami akong nakitang ugali ni Gerry na maganda at may mga katangian din siyang nagpapaalala sa akin kay Rick isa dito ay ang pagkahilig din nito sa photography.Siguro si Gerry ang kapalit ni Rick sa buhay ko.

Minsan sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Gerry bigla niya akong natanong.

"Tekki?remember what you've told me a year ago?"

Biglang nag init ang muka ko at mula sa salamin nakita ko ang repleksyon kong pulang pula ,mag mula sa aking tainga at halos buong paligid ng aking mukha,bumilis ang tibok ng puso ko,nataranta ako at aksidenteng nahulog ko ang tinidor sa lapag.

Is there something wrong?tanong ni Gerry

Wala ang sabi ko kay Gerry at nagmadali akong iniba ang topic.

Oo nga pala masarap ba yung food?tanong ko kay Gerry para maiba iyong usapan ngunit katahimikan lang ang tanging isinagot niya sa akin.

Katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa ni Gerry na halos tumagal ng 10 minuto.Hanggang sa nagyaya na lang akong umuwi.

Gerry tara na inaantok na ko.

Nagmadali naman si Gerry para ihatid ako pauwi.Nang nakarating ako sa bahay agad akong nagpalit.Biglang lubos akong nagtaka kung bakit kailangan i-open ni Gerry ang mga sinabi ko sakanya noon.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay tumawag sakin si Gerry.

Tekki-hello?

Gerry-tek..Ki?I have something to tell you...

Hindi ako naimik nang marinig ko iyon kay Gerry sa sobrang kaba,Sa loob-loob ko ano kayang sasabihin niya,marahil ang sasabihin nito ay may koneksyon sa nabanggit niya kanina.

Gerry- I just thought that you should know.... that...

Napahinto si gerry sa bandang iyon,halatang-halata ko sa kanyang boses ang panginginig na para bang sobra-sobrang kaba ang nadarama nito.

Lalo akong kinabahan,mas mabilis na ang pintig ng puso ko.Ano iyon Gerry?tanong ko sakanya?

Gerry- Natatakot ako na....

Tekki-Saan?

Biglang na disconnect ang linya,Naupo ako sa may gilid ng kama at napa buntong hininga na lang sa mga sinabe ni Gerry.Nanatiling palaisipan sa akin ang mga sinabe niya nang gabing iyon.

Rise and shine pretty girl! Bangon na baka maubusan ka ng lalandiin today! ang nakakairitang sigaw ni Will sa akin.

Sira-ulo ka talaga! Ang iritableng sagot ko kay Will.

Pagkatayo ko ng higaan una kong chineck ang phone ko at may mga nakita akong messages ,chineck kong isa-isa at nakita kong nagtxt na naman iyong unknown number at ang sabi ay I LOVE YOU.

Hinayaan ko nalang dahil ang alam ko si Gerry at ang unknown number na iyon ay iisa.

Hanggang sa bigla akong napaisip,marahil siguro kaya siya gumagamit ng ibang number ay hindi nya masabi sakin ng diretsahan na mahal niya ako.

Sa kabaling banda napaisip ako kung ano talaga ang tunay na katauhan ni Gerry.Posible kayang magkagusto ito sa akin sa kabila ng pagkakaroon nito dati ng nobyang babae.

Muli ay itinuon ko uli ang aking atensyon sa unknown number at sa mga sinabi ni Gerry noong nakaraang araw na hindi niya naman naituloy.Siguro iyan rin ang sasabihin niya sa akin kagabi bago naputol ang linya pero kung mahal niya ako bakit dineadma nya ako noon?Posible ba talagang magkagusto si Gerry sa akin?

Ang daming tanong,kelan kaya matatapos ang mga katanungan na ito?Hindi nagtagal habang ako'y nagmumuni-muni simingit na naman si Will sa eksena.

Ai naku,insan malalim na naman yang iniisip m baka naman malunod ka niyan?-ang mapang-asar na sabi ni Will.

Hindi na lang ako kumibo at dumiretso na lang ako sa banyo para maligo nang matapos ako ay tinawagan ko si jona para yayain sanang mag lunch kaso ay may commitments siya sa araw na iyon,kaya naman ay nagpasya na lang ako na magpuntang mag-isa.

Pagkarating ko sa restaurant na kakainan ko ay nakita ko si Gerry na saktong umuoorder naman ng kanyang kakainin, nakaputi ito ng t-shirt na medyo hapit sa kanyang katawan kaya naman ay kitang kita ang hulma ng kanyang magandang pangangatawan.Isang maaliwalas na naman na ngiti ang ibinungad niya sa akin nang makita niya ako.

Who's with you ang tanong sakin ni Gerry.

Sinagot ko siya ng wala at ako lang mag isa.

Niyaya ako ni Gerry na kung maari mag isang table na lang kame since wala rin naman siyang kasama at agad naman akong pumayag.

Nag open si Gerry ng topic na pareho naming pinag usapan,Napansin niya ding maalawalis ang aura ko ngayon at tinanong kung meron na daw bang nag papasaya sa akin.

Sinagot ko siya ng wala at dinugtungan ko pa ng"alam m to be honest ang daming gumugulo sa isip ko ngayon,tulad ng pamilya,si Jeff na dati kong kaklase at ikaw...

Biglang nanlamig ang pangangatawan ko nang mga oras na iyon,ramdam na ramdam ko ang malamig na pawis na lumalabas sa aking balat.

Kinakabahan ako at nahihiya sa kanya...

Tumingin ako kay Gerry, at mas lalong nadagdagan ang hiya ko nang makita kong nakatitig siya sa mga mata ko habang binibigyan ako ng mapang -asar na ngiti,Grabe ang pula pula ng mga labi niya at ang ganda din ng mga ngipin nito,nakakapanghina.

Bigla niya akong tinanong kung bakit kasali siya sa mga gumugulo sa isip ko at bigla tuloy na parang may lumabas na pop-out sa utak ko na nagsasabing"jusko tekki,why don't you just evaporate!nakakahiya"

Saktong habang nakatitig ako sa mga labi ni Gerry,nakita kong muling bumuka ang mga ito na tila bang may sasabihin uli.Nang mga puntong iyon parang bumalik uli ang mga nararamdaman ko kay Gerry.

At dahil hindi ako tumugon sa tanong niya,hindi nagtagal ay muli niya akong tinanong habang naka ngisi na parang aso na tila binubwisit ako lalo pero sa mga oras na ito unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nanatili akong walang kibo.Sa oras na ito ay may kilig akong naramdaman .Hindi nagtagal ay parang nawala ang mga tao sa paligid bigla akong napapikit,napakapit ang mga kamay ko sa tagiliran ko at medyo ininguso ko ang mga labi ko.

Sumilip ako ng bahagya at nakita kong mga kalahating dangkal na lang ang layo ng mukha niya mula aking mukha.

Hayan na siya tekki hahalikan ka na,kontrolin m ang sarili mo.Saktong ididilat ko na ang mga mata ko at itutulak ko sana siya ng palayo nang bigla kong narinig

Na...........

"AKALA KO KANIN,MUTA PALA"ang sabi ni Gerry na sinabayan pa ng papigil na tawa.

Lalo na naman akong nanghina nang marinig ko ang mga sinabe ni Gerry.Ang pakiramdam ko ay kumukulo ang aking tiyan na para bang napaka raming paro-paro ang nagliliparan dito at sa sobrang pagkahiya ko ay yumuko na lang ako.

Hanggang sa....

Tekki tingin ka nga sa akin!

Huh??? Ang pabulong kong sabi.

Tekki ano ka ba binibiro lang kita.Wala namang muta talaga.

Unti-unti kong itinuon ang mga mata ko kay Gerry at nakita kong naniningkit ang mga mata nito sa sobrang pag ngiti habang nakakagat ang kanyang mga ngipin sa kanyang labi.

Aba at talagang pinagtitripan ako ng kumag na ito hindi porket sinabi kong gusto ko siya noon ay may karapatan na siyang ganituhin ako.

"Ai ano ka ba? Ba't ganyan m ko tignan,parang nang iinsulto ka naman eh"Ang sabi ko kay Gerry.

Ano ka ba natutuwa lang ako,kasi you look tensed.Bakit nacoconscious ka ba? Ang tanong ni Gerry.

Hindi no!bakit naman sana!

Eh kasi... baka kasi gusto m ako.ahahahaha.-Ang sabi ni Gerry

Napatahimik ako ng ilang segundo ng mga oras na iyon pero agad din naman akong tumugon sa mga sinabi ni Gerry.

Ano ka ba wag kang assuming.Gusto kita dati pero dati iyon. DATI...DATI o gusto m ulitin ko uli?

Hindi maalis sa mukha ni Gerry ang ngiti nito na sinabayan pa ng biglaan niyang pagkanta ng "Dati"

Dati rati sabay pa nating pingarap ang lahat

Umaawit sa pa sa hangin amoy araw ang balat

Bigla kong pinutol ang pag kanta ni Gerry at sabay sabi sa naiiritang tono na MAYROONG NGAYON,MAYROONG BUKAS PERO WALANG DATI .

Nabanayad ko naman sa mukha ni Gerry na nahalata nitong medyo napipikon na ako sakanya kaya naman ay inihinto niya na ang pang aalaska sa akin at bigla naman nitong iniba ang usapan at sa mga oras na ito ay naging seryoso ang tono niya.

Gerry-Tekki,I've known you for quite a long time now pero other than your basic infos wala na kong alam tungkol sayo.Didn't you notice na lage na lang tayong ganito ?Magkasama pero wala namang na bubuild na intimacy?

Tekki-Wow intimacy strong word!!!!????

Na sinabayan ko pa ng pagtawa ng mahina.

Gerry-Don't laugh I'm serious.Would it be nice kung mag shashare ka sakin para mas makilala natin ang isa't-isa.Hindi ba?

Tekki-Alam m you're starting to scare me bakit all of a sudden bigla na lang nag bago iyang timpla mo?Wag m sanang masamain pero natatakot ako the way you make me feel right now.

Gerry-Oh bakit naman?

Tekki-Naalala ko saiyo iyong bestfrind ko dati si Rick.

Isang "huh" lamang ang itninugon ni Gerry sa mga sinabi ko,Napansin ko din sa kanya ang pagiging balisa kaya naman agad ko siyang tinanong.

Tekki-Gerry is there something wrong?

Gerry-huh?!(na may halong gulat)w-A-La..

Ah...eh.. kasi... I'm trying to figure out where you're coming from.Bakit kailangan mong matakot?

Tekki-Kasi niloko ako noong tao,Pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan nagawa niya pa akong gawan ng masama.

Gerry-Kaya naman pala takot ka magdisclose ng sarilii m sa tao.

Tekki-Hindi sa takot ako.Siguro mas pinipili ko na lang iyong mga taong pinagkakatiwalaan ko. (Napahinto ako ng ilang minuto)Na pupuzzle lang kasi aka dati hindi m ako pinapansin at nagawa m pa akong iwasan nang sabihin ko saiyo na gusto kita 1 year ago tapos all of a sudden biglang nag-iba.Pinapansin m na ako ngayon.Don't get me wrong.

Tumingin si Gerry sa akin mata sa mata at nagpaliwanag.

Gerry-Nagulat ako dati.I don't know how to react,kaya naman mas pinili kong hindi na lang magparamdam saiyo kasi baka may masabi rin akong hindi m magustuhan.

Ayokong makasakit.I'm sorry kung natakot kita bigla sa mga actions ko.

Hindi ako kumibo nabalot ng katahimikan ang pwesto namin ni Gerry.I looked at Gerry's eyes mukha siyang sinsero sa mga sinasabi niya pero nanatili akong hindi tahimik.

Hanggang sa bigla na lang akong may narinig na boses ng isang babae.

Whoa!look who's here,Mr Gerry Madrigal the acoustic hearthrob.

Kinausap ni Gerry ang bumati sa kanyang babae at ipinakilala niya ito sakin.

Gerry-Tekki si Liza pala,kaibigan ko.

Tekki-Hi there Liza.

Liza-Hi tekki.

Binigyan ko ng pagkakataong makapagusap ang dalawa,mukhang close friend niya ito at napansin ko rin na iba ang trato nila sa isa't-isa.Marahil siguro ay may pagkakaunawaan ang dalawang ito.Nagpaalam ako kina liza at Gerry na uuwi na ako,ayaw ko rin naman kasing makaistorbo sa dalawa dagdag pa doon aaminin kong may konting selos akong naramdaman.

Tekki-Gerry,Liza mauna na muna ako at hinahanap na daw ako sa bahay.It was nice meeting you Liza.

Tumango si Liza na senyales na pinapayagan niya ako na umalis.Sinubukan akong pigilan ni Gerry pero ipinaliwanag ko na kailangan ko ng umalis kaya naman ay pinayagan na rin niya ako.

Mayamaya lang habang naglalakad ako palabas ng shop nakita kong humahabol sa akin si Gerry na tila tinatawag ako.

Gerry-Tekki!Tekki nakalimutan m itong organizer mo.

Oo sa kabila ng makabagong panahon ako na lang yata ang gumagamit ng organizer.

Tekki- Ai!oo nga pala,salamat...

Ibinigay sa akin ni Gerry ang organizer ko at bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay,Naramdaman ko ang higpit ng paghawak niya sa mga kamay ko na tila pinipisil-pisil pa ito.

Tekki-Gerry? Bakit?

Tinitigan ko siya sa mata.Tahimik siya habang dinadama ang mga kamay ko na tila nag-aalala.

Gerry-Tekki kahit hindi m aminin alam kong may takot pa rin diyan sa puso m.Tandaan m ang buhay parang libro iyan hindi m malalaman ang susunod na mangyayari hangga't hindi m binubuksan ang susunod na pahina.Take a chance kung patuloy kang matatakot you will never know what your capable of.Tekki know that I care bilang kaibigan mo.I want the best for you.

Ingat ka sa paguwi huh!

Inialis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak ni Gerry at niyakap ito ng mahigpit.Napansin ko din na may mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Gerry kaya naman napaluha rin ako at siguro dahil na rin sa mga sinabi niya.Hindi ko kasi akalain na may isang tao palang mag-aalala sa akin ng ganito.

Tekki-Salamat Gerry.

Tumalikod na ako kay Gerry at unti-unting naglakad papalayo.Hindi nagtagal narinig kong sumigaw si Gerry.

Gerry-T-EEEEKKKKIIII!!!! You can't live in fear!Tandaan m iyan.

Nilingon ko ito,tumango ako at itinaas ang aking mga kamay habang iwinawagayway ang mga ito senyales ng pamamaalam.

Nang marating ko ang bahay,una kong pinuntahan si Will para magtanong alam ko kasing malawak ang kaalaman niya tungkol sa pagiging homosexual.

Tekki-Will nagtataka lang ako na kung posible bang ang isang lalaking na dating may nobyang babae ay mainlove sa isang katulad ko.

Will-Ou naman! Ano ka ba ang tawag doon bisexual pwede sa lalaki pwede sa babae.

Tekki-Ah may ganoon pala.

Will-Oo alam m minsan ang hirap isipin na naging writer ka ang tanga tanga m eh.

Napaisip ako sa sinabi ni Will na posible daw ang mga bagay na iyon.Hindi kaya isang pamamaraan lang ang pagiging bisexual para pagtakpan ang tunay nilang kasarian sapagkat maaring hindi pa nila sigurado sa sarili nila na kung ano sila o kung sino sila.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 114 28
Reminder: THIS IS A KPOP VERSION. For non-kpop readers, a non-kpop version of this story is also available on my profile. Oct. 3, 2022: This is still...
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
114K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.