Aliyah’s Pov
Wala na namang katapusang discussion to! Blah! Blah! Blah! Grabe nakakainis gusto ko ng umuwi bakit ba palagi na lang ako tinatamad natutulog naman ako ng maayos ah!
Matapos yung nangyari sa amin ni Harvey. Hindi ko na siya pinansin. Naiinis ako at nagagalit sa kanya. Tama lang! na lumayo ako sa kanya. Matapos niya akong saktan? Manigas siya
Flashback
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Inis na tanong niya sa akin. At the same time sinigawan niya ako.
"Wag mo na lang alamin. Hindi mo rin maiintindihan."
"Ang alin? Hindi ko maintindihan dahil ayaw mong ipaliwanag." Teary eyed akong tumingin sa kanya.
"Because I love you but still matigas yang puso. Bakit ayaw mo akong papasukin? Dalawang beses ko ng naibigay ang sarilo ko sayo pero hindi mo pa rin ako mahal? I hate you. Siguro may iba kang mahal. Ano meron ba?" Sinuntok ko yung dibdib niya at hinayaan niya lang ako na gawin yun kaya umalis na ako sa harap niya ng mapagod ako.
At maslalong kinasama ng loob ko. Hindi niya man lang ako hinabol to comfort me na it will be okay. Soon. After.
End of flashback
“Aray! Ko sino yun ha?” nakatingin kasi ako sa may bintana at may pumalo pa sa ulo ko langhiya child abuse yun! Aa.
“Bakit Ms. Aliyah may angal ka? At hindi ka pa nakikinig sa lesson ko! Ha!” sabi ni Mrs. Draco kainis siguro bampira to! Kaya ganyan kasungit o kaya na menopose na.
“Eh! Ma’am meron po ba kayo ngayong mens kaya kayo masungit?” hahaha! Nagtawanan yug mga classmate ko pero si Ma’am? Nako wag nyo na lang alamin alam ko nagpipigil lang yan.
BLLLAAAAG! O__O hola! Lagot naman si ako patay! Ang lakas ni ma’am infairness naputol yung pat-pat na hawak nya Tsk.
“Ms. Aliyah? Hindi ko na talaga alam gagawin ko sayo “ saka umiling-iling pa sya akala ko aalis na hindi pa pala.
“Kung ayaw mo makinig sa mga lesson ko Fine pero bilang parusa mo simula ngayon ikaw na ang mag-aayos ng mga activities natin” sabi nya at lumapit sa akin.
“Magmula umaga hanggang hapon naiintindihan mo?” at saka ngumiti sya at pumunta na ulit sa harapan.
Whattt?? Ako? No way! Ayoko nga maghapong trabaho kaya yun! At saka estudyante ako noh! Hindi utusan >.<
“By the way! Ms. Aliyah you may go na marami ka pang gagawin”
“Pero Ma’am-----“
“Bilisan mo! Pumunta ka sa pag-aayos nila sa camping kung gusto mo pa pumasa” wala na talaga ko magagawa kainis ng palabas na ako ng pinto narinig ko sa rhoanne
“Ah! Ma’am pwede po ba ako sumama kay Aliyah! Tinatamad din po kasi ako sa lesson nyo ee! Dakdak lang kayo ng dakdak ee!” napangiti ako best friend ko talaga sya haha!
“Ok! Sumama ka na at wag na kayo babalik pa”
“Ok! Po ma’am thank you mwah! Tsup! Tsup haha” baliw talaga to! Si rhonne minsan haha!
“Halika! Na Aliyah dali. Gusto ko ng makita si Gabriel !” sus! Ang gaga talaga akala ko gusto niya akong makasama yun naman pala yung boylet niya.
"Anyare sa mukha mo? Para kang nalugi ng maraming beses?"
"Punta tayong canteen. Kumain tayo tapos ikukwento ko sayo." Nagpunta nga kaming canteen at bumil ng dalawang softdrinks at palabok. Tapos ay sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari at ang hinanakit ko
"Abay! g*go pala yung lalaki na yun. Susugurin ko siya ng kapal ng mukha niya." Pinigilan ko naman si Rhoanne. Mali naman kasi inaakto niya at nakakahiya rin sa iilang estudyante,
"Kumalma ka nga. Hayaan mo na siya. Meron naman akong solusyon to mend my broken heart."
"Paano?"
"To forget him And from now on iiwasan ko na siya." Napaawang ang labi ni Rhoanne sa sinabi ko.
"Seryoso?"
"OO"
--------------
Pagkatapos naming kumain dumiretsyo na kami sa faculty room ng YE (YOUNG EDUCATORS) Sila kasi yung nag-aayos ng camping para sa mga estudyante next week.
"Good morning Sir!" Sabay na bati namin ni Rhoanne.
"Kayo ba yung dalawang estudyante na tutulong?"
"Opo Sir."
Pumasok na kami sa loob at namangha kami dahil marami rin pa lang estudyante dito. Na gustong tumulong. Taon-taon kasi itong ginaganap.
"Aliyah! Ayun silang dalawa o!" Kinikilig na sabi ni Rhoanne.
Tumingin ako dun sa tinuturo niya. Si Gabriel at Harvey. Bigla naman kaming nagkatinginan pero nag iwas ako.
I hate him. I hate everything about him.
Kaya naman kesa tumunganga ako doon. Ay! Lumapit ako doon sa isang Prof. at nagtanong kung ano ang gagawin.
Pinagawa niya sa akin yung mamimili na mga activities na gagawin during camping.
Kaya mas pinili ko ang mga Larong pinoy tulad ng tumbang preso, luksong baka at iba pa.
Medyo hapon na nung matapos kami. Nag-inat ako ng katawan. Hinanap ko agad si Rhoaane. Yayayain ko na siyang umuwi kami pero nakita ko siyang katabi yung Gabriel na yun at naglalandian sila. At wala doon si Harvey.
Nasaan siya?----
"Magmeryenda ka muna." Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siya.
"No thanks. Hindi pa ako gutom." Umalis ako sa kinauupuan ko at inilagay ko na yung folder doon sa desks ng Prof. kanina.
Pagharap ko muntik na akong mabunggo sa dibdib niya.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Lahat naman ng tao sa faculty room ay nagtatakang tumitingin sa amin. Kaya instead na makipag away ako sa kanya.
Lumabas na ako ng room na iyon.
Ayokong lumapit sa kanya.
Kasi sa tuwing didikit ang balat ko sa kanya. Nakukuryente ako para bang gusto ko siyang yakapin. Ayokong mabali ang promise ko na iiwasab ko na siya.
Dapat mas pagbutihin ko pa ang pag-iwas