Starstruck

By NerdyIrel

6.2M 97.4K 23.6K

Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa k... More

Starstuck
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 33

67.4K 1.5K 410
By NerdyIrel

Long update para makabawi sa tagal na di ako nakapagUD :)

Enjoy reading! xoxo.

---------------------------------------------------

Chapter 33

 

After a week…

“Ate please. I know mali na itong ginagawa ko pero I just really want to spend more time with Jace para mas makilala ko pa siya” Ashley pleaded to me.

I took a deep breath.

Nagulat ako kasi bigla akong hinila ni Ashley papunta dito sa gym ng school.

Kakatapos lang ng classes namin at uuwi na sana ako.

“Ash, bakit kailangan pang kasali ako sa plano mo? Ayokong nagsisinungaling sa kuya mo”

 

“Ayoko rin naman ate. Natatakot na nga ako sa nararamdaman ko. Dati galit na galit ako sa kanya pero nung nagstart na kaming lumabas at nakikilala ko na talaga siya, nagbago lahat. I know I’m young pero I think I like him already. I just wanna make sure of myself bago ko sabihin kay kuya”

 

Tinitigan ko lang siya.

I can’t say yes to her plan.

Ayokong pumayag sa mga gusto niya.

She wants me to ask Billy na magdate kami para makapagdate sila ni Jace.

They’ve been going out a lot this week.

And I don’t know kung tama bang pagbigyan ko siya.

Of course, gusto kong makuha loob niya para matanggap niya ko as girlfriend ng kuya niya pero not like this.

“I’m sorry Ash, I can’t. I don’t want me and Billy to have a fight kapag nalaman niya”

 

Tumayo na ko pero tumakbo siya papunta sa harap ko at hinarangan ako.

“Hindi naman niya malalaman. Last date na talaga ito ate, promise”

 

I stared at her eyes.

She’s so eager.

Bakit ba kasi napasama pa ko sa gulong ito?

Bakit ba kasi nakita ko pa sila ni Jace?

(>_<)

Billy’s POV

 

“Premiere na bukas. The management expects you to be at the premiere tomorrow night, Billy” Pagpapaalala ni Mel sakin after ng interview ko sa isang talk show.

“I’ll be there. Paalala mo sakin bukas kung anong oras ha” Sabi ko sa kanya bago ako lumapit sa mga nagsisigawang fans.

“BILLY---”

Alam kong pipigilan sana ako ni mel dahil pagkakaguluhan na naman ako pero ilang oras ding pumila at naghantay itong mga fans ko para lang makita ako.

The least I can do is entertain them kahit ilang minuto lang.

“OHMYGOSH BILLY!”

“I LOVE YOU SO MUCH!

“ANG GANDA NG TRAILER! NAKAKAINLOVE”

“INGGIT AKO KAY AKI!”

“BAGAY KAYO!”

“NAGDEDATE NA BA KAYO?”

“MAHAL KITA BILLY!!!”

“PAPICTURE PO!”

“Sure” I told the little girl bago ako lumuhod at binuhat siya.

She screamed so much kaya napangiti ako.

“Ilang taon ka na?” I asked her.

“Seven po”

“Wow, sino kasama mo?”

 

Tapos tinuro niya yung ate niya yata na nagpipicture samin.

“Sige, tara picture tayo”

 

We both smiled at the camera then binaba ko na kaagad siya.

Madami din nagpapicture sakin at nagpa-autograph pero bigla akong hinila nung mga guards nung dumami na yung mga fans.

Nakakalmot na rin kasi ako at napapahiran na yung damit ko ng mga uhog at luha nila.

“How many times do I have to tell you, hindi mo kailangan palaging lapitan ang fans? Male-late ka sa mallshow mo. Kakanta pa kayo ni Akiko dun”

Sumakay na ko ng kotse at uminom munang tubig.

“Mel, chill. Ilang minuto lang naman yun”

 

“You’ve been there for 10 minutes!!!!” Pagalit na sabi niya.

Naglagay na lang akong earphones at nagpatugtog ng malakas.

Kinuha ko yung phone ko at nagtext na ko kay Jane.

Uwian na niya ngayon.

Malamang nagko-commute na yun pauwi.

To: Jane ♥

4:50 pm.

Done with the interview, off to SM Fairview.

I just thought you should know :)

Miss you.

I closed my eyes para makapikit na at makatulog kahit saglit lang habang nasa byahe.

Sobrang busy talaga kapag ganitong may bago akong movie na ipapalabas.

Lahat ng pwedeng exposure sa TV, nandun ka para mapromote yung movie.

Hindi naman live yung mga interviews at bukas ipapalabas yung mga ganun.

Nakakapagod lang talaga dahil ang aga kong gumising at dire-diretso guestings ko.

Di pa ko natigil.

*bling*

 

I looked at my phone expecting a text from jane pero nadisappoint ako ng kaunti nung nakita ko text ni akiko.

From: Aki

5:00 pm.

See you laters, hold my hand okay? xxx

I quickly deleted her text.

Hindi ko kasi masabi kay akiko na may girlfriend na ko kaya ganyan pa rin siya magtext.

Wala akong tiwala sa kanya na hindi niya sasabihin sa management.

Delikado.

Baka kumalat sa fans.

Ayoko rin naman mabasa ni jane ang mga text niya sakin.

I don’t want her to get jealous.

To: Aki

5:01 pm

Okay :)

Alam kong gusto niyang sweet kami sa mallshows namin para kiligin ang mga fans at suportahan ang movie namin.

*bling*

From: Aki

5:02 pm

Something wrong? Tipid sumagot. Hmmph

 

I smiled.

Isip bata talaga.

To: Aki

5:02 pm.

Tired :/

*bling*

Hindi ko na sana iche-check text ni Akiko dahil tinatamad na ko magreply sa kanya nung nakita ko text ni Jane.

From: Jane ♥

5:03 pm.

Alright, have fun!

Kauwi ko lang, sakto ikaw yung nasa news.

Para na tuloy kitang nakita today :)

Miss you more :(

 

Umayos ako ng upo at tinawagan ko agad siya kahit na nasa tabi ko si Mel.

Hindi na kasi nangingielam samin si Mel.

Napansin niyang hindi naman sagabal si Jane sa trabaho ko.

I focus on my work more and mas maganda daw ang naging performance ko kaya feeling ko nga, pabor pa si Mel kay Jane.

Wala eh.

Inspired.

HAHA.

*Kring. Kring*

Tinanggal ko yung isang earphone para marinig ko si jane.

Yung nasa left, iniwan ko para nagsa-soundtrip pa rin ako.

It took her 2 missed calls before she answered the phone.

Jane: Hey

Me: Busy?

Jane: H-huh? Hindi

Me: Jane, okay ka lang?

*silence*

Tinanggal ko kaagad yung earphones sa may left ear ko.

Me: Jane. Is something wrong?

Jane: What? Sorry, nagtatanggal kasi akong sapatos.

Me: Bakit ang tagal mo sumagot ng phone?

Jane: Eh kasi po…kasi…nandun ako sa sala kanina. Andun si papa tsaka pinapanuod nga kasi kita sa news hehe

Me: Ahh. Akala ko naman kung ano na. Kamusta araw mo?

I saw Mel smiled and mouthed ‘inlove’.

Binato ko na lang ng unan.

Natawa tuloy siya.

Jane: Boring. Wala ka eh…

Me: Sorry, busy lang talaga. Bawi ako pag maluwag na sched ko.

Di na kasi ako nakapasok sa school this week.

Ganun ako ka-busy.

Jane: Well…I was thinking kung available ka bukas?

Me: Saglit, tanong ko.

I looked at mel. “May pupuntahan pa ba ko before premiere?”

 

She looked at her phone. “No. You’re free all day. Premiere at 6 lang ang sched mo tomorrow. Inayos ko ito para makapagpahinga ka so if you’re planning to go have date with her, cancel mo muna. Next week na lang pag na-out na yung movie”

 

I frowned at her.

Me: Free ako bukas.

Mel growled.

Jane: I heard her. Wag kang makulit. Magpahinga ka. Pagod ka nga pala ngayon.

Nakikinig yata si Mel sa usapan namin kaya ngumiti.

(-_-)

Me: No, I want to spend some time with you.

Jane: Billy---

Me: Para naman nakangiti akong pupunta sa premiere bukas hehe

Jane: Hay nako. Okay pero saglit lang? Mga 4 pm balik ka na sa place mo para makapagayos ka na?

Me: Make it 5.

And again, Mel hissed.

Jane: Kailangan mong magpahinga bago ka pumunta dun sa premiere. Ano ka ba, ayoko naman magmukha kang haggard dun.

Me: Makita pa lang kita, energized na ko.

Si Mel biglang tumawa.

Ang cheesy ko daw.

Ang baliw nito, kanina galit sakin, ngayon natawa.

Hala.

Jane: Wag kang ganyan, mas lalo akong naiinlove sayo hahaha

Me: Love you.

I know nakangiti siya ngayon kaya siya biglang natahimik.

Jane: Love you too

Me: See you tomorrow then.

Jane: Yeah, see you.

Me: Bye.

I heard her ended the phone call.

Ngumiti ako after that.

Boses pa lang niya, nakakapagkompleto na ng araw ko.

Ano pa kaya yung makita ko siya.

Ghad, namimiss ko na talaga siya.

“Happily inlove…but don’t forget your priorities. Okay? 6 pm. No lates. Kung gusto mong 5 ka bumalik sa condominium mo, fine. I won’t stop you dahil hindi naman talaga kita mapigilan. By 5 andun na yung make-up artist mo at designer mo. Wag ka na umangal, natawagan ko na sila”

I just nodded.

“Uhmm mel, pwede bang…sumama si jane?”

“WHAT? NO! Are you insane?”

“I didn’t mean na isasama ko siya. I meant, ikaw. Isama mo siya. I want her to be at the premiere night tomorrow. Makita ko lang siya ng malayuan, okay na”

Nakahinga siya ng maluwag doon. “Only Jane? Diba admin siya ng isa sa mga fansclub mo? I can give her and a few friends of her ng premiere ticket. In that case, hindi sila magtatanong sakin kung sino yung kasama ko. I can leave her anytime I want without worrying. Marami akong gagawin bukas ng gabi”

Napangiti ako doon. “That’s better! Thanks mel!”

 

“Oh siya! Yung tropa mo, pupunta for sure, right?”

“Yup!” Sabi ko.

Every movie na nagagawa ko, andun sila Kevin sa premiere night.

I think matutuwa sila kapag sinabi kong kasama sila Jane.

“Andito na tayo. Teka tawagan ko lang yung mga guards para salubungin ka”

 

I took a deep breath.

Ito na naman.

Yung nakakabinging ingay.

Mga nagwawalang fans.

Halos sarili ko, di ko na maririnig.

Whooh.

^_^

Jane’s POV

Natigil ako kanina nung tumawag si Billy.

Sobrang nagi-guilty na ako.

Wala siyang kaalam-alam na may nililihim ako sa kanya.

Ashley naman kasi!!!

Tapos nung tinanong niya ko kung okay lang ba ako, gusto kong umiyak at magsorry ng magsoory sa kanya.

I’m not used to lying!!

I mean, to him anyway.

Kasi nabasa ko, pag nagsinungaling ka sa boyfriend mo, parang di mo siya pinagkakatiwalaan.

Eh hindi naman ganun yung nararamdaman ko towards Billy.

*Knock. Knock*

 

I looked around to see Papa.

“Sipag magaral ah”

I smiled at him.

“Gumagawa lang po ng assignments”

“Bakit hindi pa bukas?” Tanong niya sabay upo sa tabi ko dito sa kama.

“Eh papa…ayun nga po. Magtatanong po sana ako, kung okay lang na lumabas kami ni Katkat?”

 

Okay.

I’m lying again.

Si Billy po talaga kasama ko.

“Saan kayo pupunta?” Mahinahon na sabi ni Papa.

Good mood yata siya.

“Sa enchanted kingdom po sana. Hehe”

“Diba birthday na niya sa Sunday?”

 

AY OO NGA PALA!

Bakit alam ni papa yun?

“Paano niyo po nalaman?”

“Tumawag ang Mama niya. Wag kang maingay ah, isusurprise niya si Katkat sa Sunday. Uuwi siya bukas at may surprise party siya sa sunday. Iinvite niya tayo”

“Wow! Ohmygosh!”

“Kaya I think maganda nga yang lumabas muna kayo ni Katkat bukas habang tinutulungan ko mama niya magayos for the party. Keep her busy, itetext na lang kita every now and then”

 

“THANK YOU PAPA!” I hugged him tight.

YES!

MAKAKASAMA KO NA TALAGA SI BILLY!

Isa na lang problem ko, si katkat! HAHAHA

Di siya pwedeng pumunta sa condo niya or else!

“Oh siya, bibigyan na lang kitang allowance mo. Bumaba ka na nga pala, dinner’s ready”

 

I smiled wider. “Sige po papa, tawagan ko lang po si Katkat para sabihing pinayagan niyo na ko”

 

Tumayo na si papa tapos ngumiti. “Wag kang madudulas about sa secret namin ha!”

“Okay po!!!”

Paglabas na paglabas ni papa ng kwarto, tinawagan ko agad si Katerina.

Kailangan niyang malaman yung plano ko.

Katkat: Hello?

Me: Bes!!! Favor naman please!

Katkat: Ay nako jaja hahaha ano na naman yan?

Me: I told Dad na aalis tayo bukas

Katkat: Huh? Wala naman tayong lakad ah

Me: Ang totoo kasi niyan, magdedate lang kami ni Bi-------Luke

Katkat: Ayieee! Magi-illusion ka pang  si Billy! HAHA!

Me: He he. Syempre, fangirl eh.

Ano ba naman yan!

Muntikan pa kong madulas sa kanya!

Tsk tsk.

Katkat: Pero teka, okay na kayo?

Me: Bakit? Di naman kami nagaway ah!

Katkat: Duh! This week kaya, naninibago kami sa kanya. Akala mo di namin pansin? Hindi kaya kayo magkasama kumain ng lunch. Dun siya sa isang table! Anong klaseng boyfriend yan!

*face palm*

If you only knew na kaya yun ganun ay kasi yun ang totoong Luke.

Yung boyfriend kong nagpapanggap na si Luke, ayun busy lagi dahil may ilalabas ng movie.

Me: May friends siya, may friends din ako. We decided na mas magandang hindi kami lagi magkasama kasi baka makarating kay papa na…alam mo na.

Katkat: Sus. Basta ang cold niya sayo, for sure ako nagaway kayo. Ayaw mo lang i-share. Anyway, sige okay na sakin yung plans mo. Have fun na lang! Tambay lang ako dito sa condominium ko.

O__________O

Me: NO! Wag! Ang alam ni papa, magkasama tayo! Di ka pwedeng maiwan diyan!

Kasi pag naiwan ka at pumunta na diyan si mama mo at ang parents ko para gawin yung surprise party at nalaman nilang andyan ako, for sure hahanapin nila ako!

At yun na, magkakabukingan na!

Katkat: Sus. Di naman ako lalabas. Manunuod lang ako ng TV series magdamag sa kwarto HAHA.

Me: Hindi talaga pwede. I don’t wanna take risks. Tsaka….bakit hindi ka na lang sumama samin?

Katkat: And then what? Papanuorin ko kayong magholding hands at magtawanan magkasama? No way jaja!

Me: Bes! May boyfriend ka kaya, isama mo siya! Double date!

Katkat: Omg! Nice idea! Para kapag may nakakita din satin, atleast totoong kasama mo ko! HAHA

Me: Ano? Payag ka na?

Katkat: Okay ba kay luke? Baka i-snobin na naman niya ko ah! Nagbago talaga siya this week mygosh! Sumungit!

Me: Yaan mo na, may problem lang siguro. Pero okay na siya ngayon! Hahaha

Katkat: Then it’s a double date! Text mo na lang ako what time bukas, tawagan ko si Nathan.

Me: Okay bye!

I ended the call and excitedly texted Billy.

I told him, isasama ko si Katkat at Nathan if that’s okay dahil ang sabi ko kay papa, kasama ko si katkat.

Inexplain ko na rin yung about sa surprise party.

Alam ko di niya pa mababasa yung text ko kasi busy pa siya ngayon.

Pero at least pag nakita niya phone niya, nasabi ko na yung gusto kong sabihin.

  

Akiko’s POV

 

“Great job aki! That was nice!” Natutuwang sabi ng manager ko pagpasok ko sa backstage.

“Thanks”

Nakita ko si Billy na nakaupo sa may gilid kaya lumapit agad ako sa kanya.

This past few days napansin kong palangiti na siya at laging nasa good mood.

Siguro masaya siya dahil malapit na lumabas yung movie naming dalawa.

“You heard me sing?” tanong ko.

“Ha?” Napatingin sakin si Billy bago niya inalis yung earphones sa tenga niya.

(-_-)

“Sabi ko kung narinig mo ba ko kumanta” Medyo nadisappoint ako.

Ginalingan ko nga para sa kanya.

Nung kumakanta kasi ako sa stage biglang nagsigawan.

Alam na alam ko nang dahil yun ay dumating na siya.

“Ah….oo naman. Nung dumating ako, nakanta ka diba?”

 

(^_^)

“Yey! So, okay ba?” Umupo ako sa tabi niya at medyo lumayo siya. “Bakit? Ayaw mo ko katabi?”

“HA? H-hindi. Ano…medyo mainit lang kasi” sabi niya.

“Okay…Ano nga pala----”

“Billy, you’re up!” Sigaw nung floor director sa kanya.

Tumayo agad si Billy at inabot kay Mel yung earphones at cellphone niya.

Dire-diretso siyang lumabas papunta sa stage without even telling me.

May hindi man lang siya nagsabi ng ‘teka lang aki ah’ or what.

Psh.

Kaasar.

Hindi ko talaga magawang maintindihan yang si Billy.

I mean, I’m beautiful.

Ang daming nagkakagusto sakin.

Pero parang siya, hindi.

Or baka pakipot lang. 

Pahabol kung baga.

Habang nakanta siya, nakita kong di mapakali si Mel.

“Bakit?” sigaw ko para marinig niya.

Sobrang ingay kasi, kaunti na lang mababasag na yung mga glass.

“Ha? Tara, labas tayo. Nuod tayo dun”

“Ayoko, pagkakaguluhan ako” sabi ko. She frowned.

“Sige. Ako na lang” Iniwan niya yung bag niya tapos naglakad na palabas.

Since halos lahat nanunuod sa labas at yung iba, busy.

Tumayo ako at binuksan yung bag niya.

Tinignan ko schedule ni Billy.

Nakalagay dun sa isang papel.

Wala pala siyang lakad bukas bago yung premiere.

Maybe I should ask him out.

Tapos napansin ko yung cellphone ni Billy.

May text.

Tinignan ko at nagulat ako.

Sinong jane?

At bakit may heart sa tabi ng pangalan niya?

Grrr.

Magde-date sila bukas?

WHAT?

MAY GIRLFRIEND NA BA SI BILLY?

No.

Baka naman binobola niya lang ito.

Or nililigawan pa lang.

HOW DARE HE!

Hindi pwedeng magkagirlfriend si billy!

Tsaka sinong jane ba yan?

Wala akong kilalang jane na artista.

“Give it up for Billy Fernandez everybody!” Sigaw nung host.

Agad-agad kong dinelete yung text ni Jane.

Bahala silang magaway diyan.

Binalik ko na yung phone ni Billy at yung schedule niya dun sa bag ni Mel.

Tapos umupo na ko ulit at nagpretend na may ginagawa sa phone ko.

They all came back and congratulated Billy.

Umupo siya dun sa tabi ng bag instead sa tabi ko.

Iniiwasan niya siguro ako dahil dun sa impaktang Jane na yun.

He looked at his phone tapos mukha siyang nagtaka.

Magtetext yata siya kaya agad-agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

Hinila ko siya patayo.

“Mel, papicture naman kami oh. Upload ko sa instagram ko”

“Para saan?” Tanong ni Billy.

“We’re a loveteam. Dapat offcam din, effective tayo. Parang kayo ni Julia diba?”

 

He nodded then smiled at the camera.

Hinawan ko yung kamay niya at nilagay sa may bewang ko.

Kung sino man yung jane na yun, sana magselos siya sa picture namin.

Kapal ng mukha niya.

Malalaman at malalaman ko rin kung sino siya. 

Jane’s POV

 

Nakatulugan ko na yung kakahintay ng text ni Billy.

Di siya nagreply.

Payag kaya siyang umalis kami kasama nila katkat?

Inopen ko na lang yung instagram ko at nagbrowse.

I stopped nung may nakita ako.

Picture nila ni Akiko kagabi.

They looked so cute.

Tapos yung arms ni billy nakalagay around Aki’s waist.

Hayy…

Kelan kaya ako makakapagupload ng picture namin na ganito?

Tumayo na lang ako at naligo na.

Then I decided to text Billy.

I told him na pupuntahan ko na lang siya sa condominium niya.

Nagbihis ako ng gray dress.

Tapos pinusod ko yung buhok ko.

Then nagflats ako.

Sinundo ako ni Katkat after a few minutes.

Buti nga at sinundo niya ko, napatunayan ko pa kay papa na talagang siya kasama ko.

Pagsakay ko, agad siyang nagsalita. “Puntahan muna natin si Nathan bago natin sunduin si Luke. Saan nga pala natin siya pupuntahan?”

“Ah, dun sa condominium niya. Sabihin ko na lang sayo yung daan”

 

She smiled then nagdrive na. “Alam mo, nakakatuwa talagang sabay tayo nagkalove life this year. Pero may attitude issues yang boyfie mo!”

 

Wala kaya.

Kakambal niya kasi yung akala mong masungit.

Hehe.

I just smiled at her.

Di ko na lang sinagot.

Mahirap na, baka kung ano pang makwento ko.

Billy’s POV

 

I frowned when I heard my door bell.

I opened my eyes and looked at the clock.

8:30 am.

 

*groans*

Ang aga naman!

Sino naman pupunta dito ng ganitong oras?

Akala ko ba wala akong trabaho ngayon.

I stretched and lazily walked towards the door.

Pagbukas ko, nagulat ako kasi nakatayo dun si Jane.

O_________O

Hala! May date nga pala kami!

“You’re not ready yet” Hinawakan ko kamay niya at hinila siya papasok sa loob.

“Sorry. Paguwi ko kasi, plakda na ko. Sobrang pagod, nakatulog na”

“Kaya pala di ka nagreply sa text ko” sabi niya.

I locked the door and looked at her.

“What do you mean? Di ka kaya nagtext. Akala ko nga tulog ka na kaya di na ko nagtext”

“Ha? Yung last text ko sayo sabi ko pumayag na si papa”

“Wala akong natanggap” We both headed to my bedroom.

Kinuha ko yung phone ko at chineck.

And then pinakita ko sa kanya.

She frowned.

“Di mo nareceive? Bakit? Ito oh. Patunay ko, nagtext talaga ako” She showed me her sent message.

May text nga.

“Whoah wait. Kasama si Katkat?” 

She nodded.

Tapos pinabasa niya sakin yung buong text message niya.

“Ahhh. So magdi-disguise pa pala ako”

 

She smiled apologetically. “You can’t be seen dating someone like me din naman so no choice ka talaga”

We both laughed. “Okay sige”

“Ang weird lang, di mo nareceive text ko. Napuyat nga ko kakahintay sa text mo”

“Talaga? Tsk. Wag mo na gagawin ulit yun ha. Pag di ako nakapagreply, matulog ka na. Tulugan mo ko”

She giggled.

Ang cute talaga nito.

 “Sige na, maligo ka na para makaalis na tayo. Puntahan ko lang si Katkat at Nathan, nasa lobby”

 

“Sige, bababa na rin ako” I kissed the top of her head then hinatid ko na siya palabas ng condominium unit ko.

Katkat’s POV

“Yeah, schoolmate namin yung boyfriend ni Jaja” pagexplain ko kay Nathan.

“Ah”

“Ayun oh, andiyan na siya”

“Luke!” Sigaw ko sa kanya nung nakita ko siyang lumabas ng elevator.

He looked at me, poker face pa.

Tapos lumapit agad ako.

“Si jaja?” Tanong ko.

“Bakit?” Tipid na tanong niya.

(-_-)

 

“Anong bakit? Pinuntahan ka kaya niya sa taas tapos iniwan mo? Hay grabe!”

 

Tinitigan niya ko ng matagal bago biglang nagbago expression sa mukha niya.

“Nagkasalisi siguro kami. Geh, balikan ko lang”

 

Pumunta siya dun sa isang elevator since yun yung biglang bumukas.

Pagpasok niya, biglang bumukas yung elevator sa gilid ko.

Si Jaja.

“Naliligo lang” Sabi niya agad.

@_@

“Anong naliligo ka diyan? Kakababa lang kaya jane! Umakyat nga ulit, nagkasalisi daw kasi kayo!” Sabi ko.

She frowned tapos parang nagets niya sinabi ko.

“Ah kaya pala nagdo-doorbell ako, walang nasagot. Di bale, hintayin na lang natin. Itetext ko na lang hehe”

Hinila na niya ko papunta dun sa sofa dito sa lobby.

Ang weird nitong couple na ito.

Jane’s POV

 

Nagulat ako sa sinabi ni katkat.

Buti pala umakyat agad si Luke kundi magtataka talaga ng sobra si Katkat.

Imagine, yung boyfriend ko, nauna bumaba sakin.

Diba?

“Hey” Bati ni Billy kila Katkat bago lumapit sakin at hinalikan pisngi ko.

:’)

Enebe.

“Nag-wardrobe change ka pa ah! hahaha” Pangasar ni Katkat.

Tinignan ko suot niya.

Naka-nerdy glasses siya. My nerd Billy look.

Naka-gray na long sleeves siya.

Talagang tinerno niya pa sa suot ko.

Nagtatakang tumingin si Billy sakin.

Binigyan ko siya ng look na nagsasabing ‘mamaya-ko-ikukwento’.

“Uhmm Bi----Luke, si Nathan nga pala. Boyfriend ni Katkat. Nathan, si Luke” Pagintroduce ko sa dalawa.

They both shaked hands.

I hope today’s gonna be fun.

Billy’s POV

For sure nabadtrip yung si Luke.

Nakwento kasi ni Jane yung elevator scene.

Tapos kanina bumalik din siya nung parehas kaming nandito sa parking lot.

Nagdecide kaming pumunta sa Enchanted Kingdom after naming kumain ng breakfast.

Kita kong excited si Jane kaya tuwang-tuwa ako.

Hindi siya mapakali pagpasok sa loob.

As in ang higpit ng hawak niya sa kamay ko tapos tingin siya ng tingin sa paligid.

Parang bata na hindi makapagdecide kung ano ang una niyang gustong sakyang ride.

“How about Anchor’s away?” I asked her.

Inayos ko yung cap ko para medyo matakpan mukha ko.

Napakadaming tao.

At kahit na naka-contact lens ako at naka-glasses, ayoko pa ring i-risk na makilala ako ng mga fans ko.

Katkat: “Uhmm you guys go ahead, dun kami ni Nathan sa rio grande”

Jane: “Dun na rin kami”

Katkat: “Hindi na, diba gusto ni luke sa Anchor’s Away?”

Nagkatitigan sila at nagets ko agad yung gustong sabihin ni Katerina.

Gusto niyang magsolo sila ng boyfriend niya.

Parang di yata nagets ni Jane kaya inakbayan ko na lang siya kaagad.

“Lunch, magtetext ako. Kitakits na lang” I told her before dragging jane away.

“Bakit ayaw niya sa anchor’s away?” Nagtatakang tanong ni Jane nung nakalayo na kami.

Inamoy ko yung buhok niya at napangiti ako kasi ang bango bango.

Amoy strawberry.

“Kasi gusto niya masolo boyfriend niya. Ako rin naman, gusto kita masolo. Namiss kita” I murmured pressing her closer to me.

She hugged my waist and smiled. “Alam mo ba masungit na tingin nila sayo sa school dahil sa kapatid mo. Napakatahimik kasi nun tapos ang taray tumingin” Natatawang sabi niya.

“Problemado yun. Si Dad kasi”

“Bakit?” Tanong niya nung nasa pila na kami.

“My dad wants him to study more para sa company. Siya kasi magmamana nun. Ayaw naman niya”

“Bakit ayaw niya?”

“Kasi may iba siyang gustong gawin sa buhay” I said.

Actually, medyo okay kami ni Luke ngayon.

Nagets ko na kasi kung bakit ganun ugali niya.

Tsaka di na niya ginugulo si Jane kaya nagkakasundo na kami.

“Eh ikaw jane? Ginugulo ka pa rin ba nung angelo na yun?”

 

Baka nilalandi na siya or nagte-take advantage na.

Nako sinasabi ko, ibabalibag ko ng di oras yun.

“Hindi naman”

Tinitigan ko siya maigi.

Parang di siya nagsasabi ng totoo.

“Tinetext ka pa rin noh?”

 

She looked away para pagmasdan yung mga tao sa paligid.

“He’s still the same. It’s not important naman. Anyway, kamusta yung movie? Napanuod mo na ba? Diba premiere mamaya?”

Binago talaga yung topic ah.

Now, I’m more suspicious.

“Tell me. Nililigawan ka pa rin ba ni Angelo?”

 

She frowned pero di pa rin tumingin sakin. “Nope”

“Jane”

 

“Okay fine” Tumingin na siya at nagpout. “Tinetext niya ko everyday and lagi niya kong niyayaya. Di ako nagrereply, sinasabi ko na lang wala akong load. Tapos pinaloadan niya ko kanina. Then dalawang beses din siya pumunta sa bahay. I told him I’m not into dating pero sabi niya, willing siya maghintay. Sabi ko baka mapagod lang siya kakahintay, sabi niya okay lang. I don’t know how to tell him na hindi ko siya gusto. Ayoko naman saktan siya, he’s a good friend of mine”

ASDFGHJKL

Aba naman talaga!

Sumosobra yung halimaw na yun ah.

“Just simply tell him you’re not interested in him” I said.

“That will hurt him”

“Masasaktan din naman siya pag nalaman niyang may boyfriend ka na pala all this time”

 

Tinitigan niya ko bago siya tumango.

“Nakita ko picture niyo ni Akiko ah. You look happy wrapping your arms around her waist”

 

Owww…

May nagseselos.

“Yeah, I am. Ang sexy kaya nun, lambot pa ng katawan. Di katulad mo, payat”

 

I thought she’ll pinch my cheeks or glared at me pero umurong lang siya sa pila, making my arms drop from her shoulders.

Pinanuod niya lang yung mga nagrarides.

Di siya nagsalita.

Shit.

Nasaktan ko yata.

Ano ka ba naman billy!

One week mong di nakita yan!

Ah alam ko na!

I hugged her from behind and I heard her gasp.

Bumulong ako sa tenga niya para di marinig ng iba.

“Joke lang. Kahit tingting ka pa, ikaw pa rin mamahalin ko”

 

I felt her melted in my arms tapos she looked up.

“I’m not jealous though”

“Sabi mo eh”

“Haha bi—Luke. Seriously, layuan mo naman si Aki please. I know she likes you a lot”

“Hindi naman siguro, parang kapatid ko lang yun”

“Nung nagset visit ako before, halata ko nang may gusto siya sayo”

I hugged her tighter. “Okay I will. Para sayo”

“Thank you”

“Pero pag may nakita kang pictures namin offcam, that was only for an act. Kailangan yun para sa trabaho. Para mas maging effective ang loveteam namin”

She bit her lip. “Okay”

 

“Next”

I let go of her para makasakay na kami sa Anchor’s away.

This will be fun.

Tagal ko na ring di nakasakay ng rides!

(^_^)

Jane’s POV

I had so much fun!

Naglunch kami dito na sa loob though gusto ko nga sa labas na lang dahil ginto ang price ng mga pagkain dito but Billy insists.

I know he can afford it pero ayoko lang nagastos siya ng sobra-sobra.

Anyway, nagrio grande din kami.

Tapos yung space shuttle na sobrang nakakahilo!

Muntik na kong sumuka!

Tinry din namin yung Flying Fiesta.

Dun sa Xtreme, feeling ko umangat ako sa upuan ko.

Buti na lang talaga secure yung seatbelt.

Naglibot-libot na din kaming apat.

Picturan syempre. Cellphone ko gamit namin.

Pagkasama sila katkat, si Billy ang nagpipicture.

Buti di nila nahahalata na wala pa silang picture with him.

Syempre iniiwasan namin ni Billy na makapag-upload si katkat ng picture ni Billy na naka-nerdy glasses at nakagel ang buhok.

Pag may nakapansin na siya yung artista na sikat, nako.

Gulo yan for sure.

After nun, pumunta na kami dun sa Wheel of Fate.

Ferris wheel siya.

4:30 na rin kasi.

Sabi ni Billy, babalik na siya by 5 para magayos dun sa premiere mamaya.

Sila Katkat, nauna sumakay.

Kami ni Billy, sumakay na rin.

Dalawa lang kami dito sa loob.

Magkidikit kami ni Billy since nakakatakot talaga lalo na nung umandar.

“Having fun?” Tanong niya, kissing my hand.

“Yup. Thank you. Kahit na busy ka, pinagbigyan mo pa rin ako”

“Nagulat nga ako kasi bigla kang nagyaya”

“Si Ashley kasi ang kulit, pumayag na lang tuloy ako”

“Si Ash?”

O________O

Napahawak ako sa bibig ko.

Shet.

Nadulas ako.

“Jane, what about Ashley?”

 

Nanuyot lalamunan ko.

Nagisip agad ako ng pwede kong ipalusot pero wala akong maisip.

“Jane” Nagiba na yung tono ng boses niya.

Kinabahan na ko.

Pati itsura niya, nagbago na.

He looked so serious.

“Anong tinatago niyo ng kapatid ko sakin?” Mahinang sagot niya.

Naiiyak na ko.

“I can’t tell you” I said.

“Anong hindi mo pwedeng sabihin sakin? Kapatid ko siya. Tell me!”

“Magagalit sakin si Ashley. Siya na lang kausapin mo please”

 

Lumayo siya sakin tapos iniwas yung tingin niya.

Gosh ang tanga mo jane!

Ang daldal daldal mo kasi!

“Billy…” Sabi ko after a few minutes.

Di kasi siya nagsasalita.

“You’re keeping something from me while I’m being so honest with you all this time” He finally said then he stared at my eyes.

I stopped breathing.

Then tumulo na yung mga luha ko.

“Do you think I want lying to you?”

“Eh bakit mo ginawa?”

“I don’t have a choice! Yung kapatid mo, gusto niyang itago muna ito sayo. She’s asking for time and then siya na daw mismo magsasabi sayo”

“ANO BA KASI YUN? SABIHIN MO NA!” Pagalit na sabi niya.

I burst out crying. “I’m really sorry”

“Jane, kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan, aminin mo na”

 

I looked down at my hands.

Sorry Ashley…

“She’s dating Jace. They’ve been going out a lot this week. Sabi niya isu-sure niya muna yung feelings niya bago niya sabihin sayo”

“What? The fuck! At tumulong ka pa talaga na ilihim sakin ito”

 

“I told you I don’t have a choice! Nung nagdidinner kami ng family ko, nagCR ako nun sa second floor. And then I saw her and Jace eating dinner together. Hindi ko naman sinasadyang makita yun”

 

“Pero sinadya mong ilihim sakin” He growled.

“Billy, nagmakaawa yung kapatid mo. Gusto ko rin naman makuha yung loob niya as your girlfriend” I said habang iyak ako ng iyak.

Inilayo niya yung tingin niya sakin para siguro magpalipas ng galit.

He looks so angry.

“I trusted you, Jane. Alam ko hindi ako expert sa mga relationship pero diba? Dapat hindi ka nagsisinungaling sakin”

I hated the space between us.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko kamay niya.

Hindi siya nagrespond.

Galit talaga siya sakin.

“I’m sorry Billy”

“Tell me, kaya mo ba ko niyaya ngayon ay para hindi ko mahuling nagdedate sila ni Jace?” He whispered.

Mas lalo akong naiyak.

And with that, he pulled his hands away from me.

“I can’t believe you. Grabe ka jane”

 

“Gusto ko rin naman talaga makasama ka”

“Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo”

 

Biglang tumigil yung ferris wheel and to my surprise, nasa ground na kami.

Billy immediately went out at naiwan akong naiyak.

Tinawag na rin ako nung operator kaya tumayo agad ako at lumabas.

Paglabas ko, nakita kong hinihintay pa rin niya ko pero hindi siya nakatingin.

Ayan Jane!

Pumasok ka sa gulo!

Ngayon mamroblema kang ayusin yan!

Lumapit ako sa kanya at nagstart na siyang maglakad.

Sobra na yung iyak ko at nanlalambot ako kaya tumigil ako sa paglalakad.

I don’t know kung nasan sila Katkat but I’m relieved na wala sila dito.

Ayokong mangielam si Katerina sa gulo namin.

I stopped at a bench tapos umupo muna ako dun saglit.

Nirelax ko sarili ko para tumigil ako sa pagiyak.

Ilang minuto din ako dito pero ayaw tumigil ng mga luha ko.

“Oh”

I stopped when someone handed his handkerchief in front of me.

I looked up and saw Billy.

Binalikan niya ko kahit galit siya.

I took it tapos pinunas ko sa basang-basang mukha ko.

He sat beside me, di pa rin nagsasalita.

Ang layo layo niya.

Kung kaninang umaga, sobrang clingy niya, ngayon kasya na yung dalawang tao sa pagitan namin.

Naiyak tuloy ako lalo.

I didn’t want to messed us up.

Hindi ko ginustong magkaganito kami.

Ayoko na galit siya sakin.

“Tara na, male-late na ko. Just text Katkat na sunduin ka sa condominium ko” He said.

Ang lamig lamig ng boses niya.

I bit my lip and sniffed.

I forced myself not to cry.

Tumayo na ko nung tumayo siya.

Naglakad na siya with his hands inside his pocket.

I want to hold his hand but I know, hindi magandang idea yun dahil masasaktan lang ako pag hinila niya yung kamay niya palayo.

Tahimik lang kami na sumakay sa kotse niya.

Nagdrive agad siya ng mabilis.

I hate this.

Sobrang nakakamatay nung katahimikan dito sa loob ng kotse niya.

Walang nagsasalita saming dalawa.

“I’m really sorry” I whispered.

Hindi man lang siya nagsalita or tumingin.

Dire-diretso lang siya.

In less than an hour, nakabalik na kami.

He parked his car at dire-diretsong lumabas ng kotse niya.

I thought iiwan niya ko pero hinintay niya kong lumabas.

Sabay kaming pumunta sa elevator.

Tinanggal na niya yung nerdy glasses niya at yung cap niya.

He exhaled loudly, making me flinch.

Galit na galit pa rin siya.

When the elevator door opened in the lobby, naghesitate akong lumabas.

Hindi niya ba ko papapuntahin sa room niya para mapagusapan namin ito ng maayos?

Ayokong lumayo sa kanya na galit siya sakin.

“Hintayin mo na lang yung bestfriend mo sa lobby” He said.

And there it was.

Ayaw ka nga talaga niyang makausap jane.

I looked at him.

Pinipilit ko yung sarili kong wag umiyak ulit.

Lumapit ako sa kanya at nagtiptoe para halikan siya sa pisngi.

“Sorry” I whispered.

Hindi man lang siya tumingin.

Lumabas na ko ng elevator at pinanuod lang na mawala na siya sa paningin ko.

Luke’s POV

God damn it.

Sabado na sabado, nagaaral ako sa company ni Dad.

Nilibot niya ko sa buong office.

Punyemas.

Magdamag ako dun.

Katamad!

Pagpasok ko ng lobby, napatigil ako nung napansin ko yung isang familiar na babae na nakaupo sa sofa.

Nagtaka ako kasi napansin kong si jane yun.

Asan si Billy?

Bakit di niya kasama?

Bahala nga silang dalawa diyan.

Aalis na sana ako nung narinig kong umiiyak siya.

O_____________O

I walked towards her tapos umupo ako sa tabi niya.

“Had a fight?” I guessed.

She looked at me tapos tumango.

“That sucks” I commented, obviously not helping the situation.

She wiped her tears before speaking again.

“I lied to your brother about Ashley”

“Ow? Why? What happened?”

“Just ask him or her. Ayoko nang sakin manggaling”

Okay.

Sabi mo eh.

Yumuko ulit siya at nakita kong umiyak na naman.

Fuck naman.

Mukhang tanga tong si billy.

Nagpapaiyak ng babae.

Sabagay, di ko naman kasi alam reason.

“Just give him time. Kilala ko kakambal ko. Hindi marunong magtanim ng galit yan. Ako nga, napatawad niya agad, ikaw pa kaya?”

 

Napatingin siya sakin at parang biglang huminahon. “You think he’ll f-forgive me?”

 

“He loves you. Of course he will” Then I stood up. “Do you want a ride?”

“No, my friend’s picking me up”

“Ah sige, I’ll go now cause I’m starving already”

Aalis na ko nung nagsalita ulit siya. “Thank you Luke”

 

I stared at her.

“Don’t hurt my brother again. He doesn’t deserve that” I said.

Jane’s POV

Nung nakita ako ni katkat, nagdecide siyang magmall muna kami.

Buti na lang kasi ayokong ihatid niya ko sa bahay na ganito itsura ko.

Ayoko rin umuwi agad siya.

Baka masira yung surprise party.

She asked Nathan to leave us para sakin and he willingly did.

“Ano ba kasing nangyari? Sobrang sweet niyo kaya kanina” She handed me a hot coffee.

I sniffed before telling her the whole story.

She pursed her lips at sumandal dun sa chair.

Nagulat nga siya nung sinabi ko yung about kay Ashley.

Ayokong sabihin sa kanya pero I just need to give her small details para malabas ko yung bigat ng nararamdaman ko.

“Magkapatid pala sila. Wow…Well he has the right to stay mad at you. But you got your point too. Kapatid yun ng boyfriend mo at nagmamakaawa pa sayo”

 

“I’m a horrible person” I said.

“No jaja, you’re not. Nagalit lang talaga si Luke kasi nagsinungaling ka. It’s like you’re telling him you don’t trust him. And now he’s questioning himself kung mahal mo ba talaga siya”

 

“Ano? Bakit hindi siya maniniwala? Gosh katkat! Siya lang yung lalakeng minahal ko at dapat alam niya yun”

“Jane, galit nga siya diba? Give him time. Pag narealize niyang mahal mo talaga siya at nagawa mo lang yun dahil naipit ka sa sitwasyon, magkakaayos din kayo”

“But what if hindi mawala galit niya sakin?”

She just looked at me.

Alam ko na sagot niya.

Kahit di niya sabihin, nababasa ko na sa mga mata niya.

‘Maghope ka na lang na sobra pagmamahal niya sayo’.

 

-----------------------------------------------------------------

Awww sad. Ano ka ba naman jaja!

Dream come true na nga na maging boyfriend mo idol mo, pinakakawalan mo pa! Tsk tsk.

Pero ang sweet pa rin ni Billy kahit na galit siya. Di niya pinabayaan girlfriend niya :')

Continue Reading

You'll Also Like

544K 9.3K 27
(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star...
557 145 42
"Buong buhay ko na ang ibinigay ko. Hindi pa ba sapat ang mga nasakripisyo ko? Lagi ko na lang ba isasantabi ang sarili ko? Kailan darating ang araw...
95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
26.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴