Somewhere In My past(GAY ROMA...

By Tekki1492

29.9K 175 57

E.E Cummings once wrote “We do not believe in ourselves until someone reveals that deep inside us something i... More

CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
THE END

CHAPTER 2

2.2K 12 2
By Tekki1492

CHAPTER 2

Dali-dali akong umakyat patungo sa aking kwarto at agad nag check ng facebook.Noong mga panahong iyon hindi pa rin maalis sa isip ko si Rick.

Si Rick na campus crush,mga 5'9'' ang height,maganda ang pangangatawan,mapupula ang labi,magaling sumayaw.Artistahin kung tawagin ng nakakarami.

5 YEARS AGO

FLASHBACK

Naalala ko pa 17 years old lng kami ni Rick noon,pero iba siya, sa murang edad may malawak na siyang perspektibo sa buhay at may mga matang pag tumitig para bang nakikiusap,mahilig kumuha ng mga pictures.He was my best friend before I met Jona.

Naalala ko pa iyong mga kwento niya sa akin na pag tanda raw namin at may mga sarili na kameng pamilya, kukunin niya daw akong ninong ng magiging anak niya at bilang tugon doon sa sinabi niyang iyon,sinabihan ko naman siya na siya ang best man ko pag ikinasal na ako.

Sabay kame lagi sa halos lahat ng bagay, sa lunch, sa pag-uwi at paminsan minsan sabay rin kaming pumapasok.

"Tekki"ang sabi ni Rick sa akin.

"Oh bakit Rick?"ang sagot ko sakanya.

"May gagawin ka ba sa weekends?kasi kung wala samahan mo sana akong manuod ng movie."

Napaisip ako saglit at pilit inalala kung bakante ba ako ng weekends.

"Sure,what time ba?ang sagot ko kay Rick.

"After lunch."

Dumating ang saturday,sinundo ako ni Rick sa bahay,gamit ang hiniram niyang kotse sa papa niya.

"Ma alis muna ako, kasama ko si Rick manunuod lng kami ng sine" ang sigaw ko sa mama ko habang palabas ako ng gate.

Nagtungo ako malapit kung saan nakaparada ang kotse ni Rick at pumasok sa loob nito.

Nang nasa loob na kami ng kotse,biglang natanong sakin ni rick kung napanood ko na ba iyong Love of Siam.

"Have you seen Love of Siam?wika nito.

Bilang tugon sa tanong niya,sinabi kong hindi pa at nagtanong ako sakanya kung ano iyon.

Ang sabi niya sa akin movie raw iyon.Nang tanungin ko naman ito kung tungko saan,hindi ito tumugon.

Biglang naman nag iba yung topic nang maalala namin iyong bakla naming schoolmate ,nang minsang sabihin nito na "kung nagbabayad lng ng renta tong mga pimples ko, edi sana mayaman na ako!"

Nabalot ng tawanan ang loob ng kotse.Halos pulang-pula ang mukha ni Rick sa kakatawa.

Hanggang sa,kakambiyo sana siya nang aksidenteng hita ko ang nahawakan nito,medyo may gulat akong naramdaman pero sa huli nginitian ko na lang siya at nagpatuloy kami sa pagtawa.

Narating namin ang mall kung saan kami ay manunuod ng sine pero bago kami tumungo para manuod,nagpasya muna kaming kumain.Napansin kong bago kami kumain,kinuhanan muna ni Rick ng litrato ang mga pagkain namin. Mayamaya pa laking gulat ko nang mag flash ang camera sa mukha ko.

"Ai ano ka ba?Pati ako dinadamay mo diyan."wika ko sakanya.

Isang ngiti lang ang itinugon nito sa akin.At bilang pagpapatuloy muli akong nagsalita.

"Grabe rin naman no, pati pagkain kailangang picturan at idinamay mo pa ako.Sobra naman na ata iyang pag ka adik mo sa photography."

Napatingin si Rick sa mga sinabi ko at unti unting nagtagpo ang mga mata namin.Hindi nagtagal ay tumugon ito.

"Mahirap kasing ipaliwanag pero iyong mga ganitong bagay pagnaubos at pagdating ng bukas magiging history na lang ,pero the good thing about photos na cacapture niya yung mga ganitong moment,na sa pagtanda natin pwede nating balik-balikan"

Ngumiti na lang ako bilang tugon pero sa isip ko grabe ang lalim talaga mag-isip nitong si Rick.

Lumipas ang ilang minuto,natapos na rin kami sa pagkain.Nagmadali kaming nagtungo sa sinehan.Sa kalagitnaan ng panunuod namin biglang may pumukaw ng atensyon ni Rick.Ito ay nang sabihin ng bida na "Some people leave but the one who comes back,come back for a reason"napansin kong tila may namuong luha rin sa gilid ng mga mata nito,bagay na hinayaan ko na lang sa kadahilanang siguro ay may naalala lang ito.

Pagkatapos ng dalawang oras,matapos ang palabas ,napansin kong nagpatuloy ang pananamlay ni Rick.Tinanong ko kung ayos lang ito at bilang tugon sinabi niya sa akin na ayos lang siya.

Ramdam ko at kahit pabulaanan pa ito ni Rick na may bagay na bumabagabag sa kanya,kaya naman ay nagyaya na lang akong umuwi.

PRESENT MOMENT

________________

KRING! KRING! KRING!

Bigla naman akong napahinto sa paggunita sa nakaraan nang biglang mag ring ng malakas ang aking cellphone.

Habang nakahiga ako sa kama bigla na lang akong napatanong sa aking sarili.

"Ano na kayang lagay ng buhay ni rick ngayon?"

Limang taon na rin pala ang lumipas,simula noong huli ko itong makasama.

Mayamaya pa ay,napatingin naman ako sa orasan.Mag aalas tres na pala ng madaling araw,kasabay nito ang biglang pag hilab ng aking tiyan na siguro ay dala ng gutom,kaya naman ay bumama ako para tumungo sa kusina.

Nang nasa baba na ako.Napansin ko namang hindi pa rin pala dumating ang mama at papa.

Nagtaka ako kung bakit wala pa sila ,kaya naman ginising ko na si manang Rita para magtanong.

Kumatok ako sa kanyang kwarto at agad naman ako nitong pinagbuksan ng pinto na tila nagulat nang makita ako.

"Ay andiyan ka na pala Tekki."ang sabi sakin ni mang rita.Kanina pa kita hinihintay kaso hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Manang nasaan sila papa?"tanong ko sa kanya.

Hindi agad tumugon si manang,bahagyang napayuko ito.Pakiramdam ko tuloy ay para bang may itinatago ito sa akin.

"Manang may problema ba? may hindi ba ako alam?"

Biglang napahinto si manang nang masabi ko iyon pero hindi nangtagal ay muli itong nagsalita.

"Ah eh,nag punta sila sa tito Greg mo baka napasarap siguro ang huntahan kaya hanggang ngayon di sila nauwi."ang sagot ni manang sakin.

"Ah okay,akala ko naman may nangyari na na kung ano."wika ko.

Matapos iyon,pinatulog ko na uli si manang at ako'y nagpunta sa may dinning area para kumain.Nang matapos akong kumain,muli kong ginunita ang nakaraan at pilit kong inalala ang mga masasayang alaala namin ni rick.

Naalala ko noong mga panahong iyon, habang nanunuod kme ng sine may pagkakataong nahuli ko si rick na pinagmamasdan ako na para bang batang mangha- mangha sa nakikita niya,tinanong ko siya kung bakit at bilang tugon ay ningitiian lang ako nito.

Ilang araw matapos ang panunuod namin ng sine pero halata pa rin sa kanyang mukha ang tila malaking bagay na bumabagabag dito.

Kaya naman nag kusa muna akong layuan siya,siguro kailangan niya lang ng panahon para mag isip-isip ng magisa.Sa nakikita ko mukhang seryosong bagay ito,kung ano man ang pinagdadaanan ni Rick bilang kaibigan,hangad ko na malagpasan niya ito.

Hanggang sa isang araw,nakita kong tinawag ni Jeff si Rick papunta sa bahaging tago ng eskwelahan,natatarantang tumungo naman si rick sa kinaroroonan ni Jeff.

Si Jeff,ang pinaka tuso sa aming magkakaklase, na minsan nang nachismis na bakla dahil sa sobrang gwapo na hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging girlfriend.Man of a few words kung tawagin ng nakakarami,bihira lang kasi itong mag salita.Sobrang misteryoso.Ang balita pa anak din daw siya ng isang pulitiko,pero ni isa sa aming magkakaklase ay wala pang nakakita sa tatay nito.

Pasimple naman akong lumapit sa kinaroroonan nila at sinubukang pakinggan ang usapan ngunit masyadong maingay sa paligid.

Sa kabila nun,may mga ilang salita pa rin akong narinig sa usapan nilang dalawa.

"Pag hindi m yun ginawa ---ASDHKUYTFVBNK"wika ni Jeff.

Agad akong bumalik ng classroom nang makita kong naglalakad na sila palapit sa kinaroroonan ko.Natatakot kasi akong mahuli nila Rick at Jeff na pinapakinggan ang usapan nila,siguro ay may rason kung bakit doon sila nagusap.Marahil masyadong pribado ang paksa nila na ayaw nilang may iba pang may makaalam at siguro ito rin ang bumabagabag kay Rick ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
775K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...