Arranged Marriage From Hell

By NagtatagongDyosa

2.6M 28.8K 2.7K

[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa is... More

Arranged Marriage From Hell
Chapter 1: Honeymoon
Chapter 2: Last Day
Chapter 3: Kiel Natividad
Chapter 4: Living under the Same Roof
Chapter 5: An Old Friend
Chapter 6: Gabriel
Chapter 7.1: Date *White Knight*
Chapter 7.2: Date *Black Knight*
Chapter 9: Their Secret
Chapter 10: Cy Aquino
Chapter 11: Jelly Beans
Chapter 12: The Truth
Chapter 13: Her Help
Chapter 14: Sun & Rain
Chapter 15: Seducing My Ex
Chapter 16: Calls, Revelations & Kisses
Chapter 17: Found You
Chapter 18: Mistake
Chapter 19.1: Kiss
Chapter 19.2: Their Great Escape
Chapter 20: Vietnam
Chapter 21: I Remember
Chapter 22: I hate you
Chapter 23: Test
Chapter 24.1: Koreanovela
Chapter 24.2: Koreanovela Parin
Chapter 25: The whole story
Chapter 26: Bartender
Chapter 27: The end of us [End of Part 1]
Chapter 28: 5 Years Later
Chapter 29: Blue Bird
Chapter 30: 4th Month
Chapter 31: Bagay Kayo
Chapter 32: In those five years
Chapter 32: More Than This
Chapter 33: Third Box
Chapter 34: Accident Prone
Chapter 35: Nothing Happened, Period.
Chapter 36: Unfathomable situation
Chapter 37: She's the Real Bitch
Chapter 38: Kinami Yano-Okuma
Chapter 39: Paris
Chapter 40: His Choice
Final Chapter
Epilogue
Arranged Marriage From Hell: Rewritten

Chapter 8: Kuya & I

62.1K 665 49
By NagtatagongDyosa

AYUMI'S POV

Nakatitig lang ako habang dinadala ni Mommy yung mga gamit ko na nasa Guestroom papunta sa Master's bedroom. "Ang dami mo namang gamit dito, Anak." Pagrereklamo niya. 

Malamang, dito kaya ako natutulog. "Ehehe, Hindi parin kasi ako Sanay na may kasama sa kwarto kapag nagbibihis eh, Mommy." Hindi na ako matatanggap sa langit nito T.T

"Kasal na naman kayo... Nakapag-talik na rin naman kayo, ano pa ang ikahihiya mo?" Waaah! Ano ba namang topic 'to? Nakapag-talik? Shemaybells! 

"Mommy naman eh! Asan na ba daw si Kuya? Nauna pang umuwi yung maleta niya." Pag-iiba ko ng topic. 

"Papunta na rin dito ang Kuya mo, may dadaanan lang daw muna siya. Na-miss daw niya kasi. Nako, isa isa na kayong nagkaka-lablayp. Paano na ako niyan pagtanda ko?" -Mommy

"Wag kang mag-alala Mommy, babayaran ko ang pag-stay mo sa Home for the Aged" -Ako

*PAK* Uwaaah! Ang sakit nung hampas sa batok! "Anung Home for the Aged ang pinagsasasabi mo ha? Ikaw kaya ang ikulong ko dun." -Mommy

"Joke lang naman Mi. Ako na nga diyan, balikan mo na yung niluluto mo sa baba" Pinagtulukan ko siya palabas ng guestroom. Nilagay ko lahat ng gamit ko sa isang box at dinala sa kwarto ni Chiro.

Pagkapasok ko, nakahiga siya sa kama at nagbabasa ng libro. Hay, makatulog kaya ako?

***

YANNA'S POV

Yes! Tapos na yung Homework! Ang Talino ko talaga! Mwahahahahaha! "Yanna, Anak! May Bisita ka!" Oh? Sino kaya yun? 

Iniligpit ko yung gamit ko at shinut-down yung laptop ko. Dali-dali akong bumaba ng hagdan. 

At Wow (O.O) Ba't ang daming gamit dito? "Hi Yanna, Long time no see." Napatingin ako doon sa nagsalita. Ang Gwapo! 

\(*O*)/ "Uwaaaaah! Kuya Mikel!" Napatakbo ako at Napayakap sa kanya. "Kelan ka pa bumalik?" Humiwalay na ako sa yakap pero nakangiti parin ako. \(*u*)/

 ~(*O*)~ Ang Pogi, Pogi niya paren! Ginulo niya yung buhok ko. "Ang Cute mo talaga.. Haha! Kakauwi ko lang ng Pilipinas. Dumaan agad ako dito para iuwi yung mga hinihingi mong pasalubong"


"Ayiee, Ang Sweet naman. Magkano ang nagastos mo dito? Baka napaka-bonggang price yan ah, sabihin mo lang at babayaran kita" Marunong naman akong mahiya noh. XD

"Saan ka nakakita ng pasalubong na binabayaran? Ilang Droga ba ang na-hithit mo nung wala ako? Kung saan-saan ka siguro dinadala ni Ayumi, gugulpihin ko yun mamaya" Nyaaay! Ang Brutal. May pinagmanahan si Ayumi. Hahahaha!

"Kuya naman, hahaha! Umuwi ka na nga at baka gabihin ka pa. Hindi ka pa naman sanay mag-drive dito sa Pilipinas. Masyado ka pang gwapo para mamatay" Pang-aasar ko.

"Haha, Sige. Bisitahin mo 'ko sa bahay nila Ayumi kapag wala kang ginagawa" -Kuya Mikel

"Of Course, Ikaw pa! Lakas mo kaya sakin ^___^ Bye Kuya" 

***

AYUMI'S POV

*Ding Dong* Baka si Kuya na yan! Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at binuksan ang gate. "Hi Kuya Mikel" Ngiti ko.

"Hi Ayumi, Si Mommy?" Wala man lang LONG TIME NO SEE? O Kaya naman I MISS YOU? Kung pwede nga lang magpa-deport ng tao sa isang iglap, kanina ko pa itinapon si Kuya Mikel papuntang North Pole, Magsama sila ni Rudolf the Red nose reindeer doon.

"Nasa Kusina, nagluluto ng Hapunan. Inakyat na nga pala namin sa guestroom yung maleta mo"


"Salamat" Ang tipid sumagot! Na-hurt ang pagka-dyosa ko! 

Mas Boto ako kay Kuya Gab para kay Yanna. Bleh!

Sumunod na ako sa loob. Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot. "Hello, Dyosa Speaking?" Pambungad ko sa tawag. 

"Ang hangin, Hahaha!" Ay, Si Kuya Gab. Speaking of the Gwapo and mabait nga naman. ^___^ "Nagpa-set na ako ng appointment para kay Kathy. Susunduin kita bukas sa school niyo."


"Kelangan sa school talaga? Gusto mo lang makita si Yanna babes ko eh. Chansing ka ha Kuya. Ay, Alam mo na ba na nakauwi na si Kuya Mikel? Nandito siya sa bahay." -Ako

"Para Sulit! Oh? Nakauwi na pala yung gagong yun. 'Di manlang ako tinawagan. Buti hindi pa nagigiba yang bahay niyo. Si Mommy talaga, pinagsama pa kayo." Noong mga bata kasi kami, madalas kaming mag-away ni Kuya Mikel. Si Kuya Gab ang referee namin.

"Ang Tipid nga ng sagot habang kausap ko eh, Kaloookaaa! Siya lang talaga ang nag-iisang tao sa mundo na nagi-isnob sa beauty ko, Kuya. Hindi ako makapaniwalang magkapatid kayo, swear!" Pagrereklamo ko. 

"Nakuha kasi yung pagkaka-seryoso ni Mama. Ganyan din kasi si Mama dati, Sweet kay Papa at sa amin pero sa mga kapatid niya, ni-hindi pinapansin." -Kuya Gab.

"Oh? Ganun pala si Tita..."

"AYUMI, KAKAIN NA!" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Kuya, Bukas nalang. Magdi-dinner na kami. Ikaw, Saan ka kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Wag mo na akong intindihin, nasa starbucks ako ngay--"


"SINONG KASAMA MO HA?! YUNG TOKNENENG NA KATHY BA?!" Sigaw ko. Shet, Subukan lang lumapit ng haliparot na yun sa kuya ko, hindi na siya aabot ng bukas. 

"Ow, Ang sakit sa tenga ng sigaw mo. Hindi ko kasama si Kathy, mag-isa lang ako. Oy, Salita mo ha. Ayus-ayusin mo" 

"Sorry, hindi ko mapigilang ma-highblood sa tuwing naaalala ko yung bwisit na yun 'eh." Kalma na ako. Hahahaha! "Sige na Kuya, Baboosh! Muaaah!" 


"Babye" Binaba ko na yung tawag. 

***

KINABUKASAN

Maaga akong gumising para makapag-luto ng hapunan. Ang sakit ng likod ko. Pinatulog ba naman ako ni Chiro sa sofa niya doon sa kwarto. -o- Napaka-gentleman. 

La Di La La La~ 

Nagluto ako ng Egg Rolls! ^O^ Gumawa rin ako ng Tatlong Lunchbox. Isa para kay Yanna, Isa para kay Kiel at isa para kay Chiro. Kay Yanna yung may Hello Kitty, Kay Kiel yung may babae kasi ako yun, Hahaha! Tapos kay Chiro yung Pokemon. 

Eksaktong pagbaba ni Chiro, tapos ko na gawin yung mga lunchbox at nailagay ko na sa isang paperbag. "Good Morning" Bati niya sakin habang nags-stretch. 

"Anung Good Morning ka dyan? Hoy Gentledog, alam mo bang sumakit likod ko dahil sa sofa mo ako pinatulog? Ang bad bad mo sakin T.T" Hinagis ko sa kanya yung sandok na hawak hawak ko. Buti nga at hindi kutsilyo eh.

Kaso nasalo niya yung sandok at hindi siya nasaktan. =.= "Let's eat."

Napaka-bi polar ng lalaking ito. Minsan Sweet, Madalas hinde. Minsan Mabait, Madalas hinde. Kumuha na ako ng dalawang pinggan at naghain. Mukhang mamaya pa naman gigising si Kuya Mikel eh. 

***

SA SCHOOL

Naghiwalay na kami ni Chiro, pumunta na siya sa room niya habang ako naman ay papalakad na patungo sa room namin. Napatigil ako bigla ng may narinig akong chismisan.

"Grabe Girl, Hanga ako sa ganda mo. Close na agad kayo ni Chiro? Woah ha, mukhang mapapadali ang pag-agaw mo sa kanya." -Girl 1


"Mukhang wala naman talaga siyang interest sa asawa niya kaya madali ko talaga siyang makukuha. Kawawang Ayumi, mukhang sapilitang kasal ang nangyari sa kanila" -Girl 2


Kilala ko yang Girl 2 na yan eh. 

Nilapitan ko silang dalawa. "Hanga rin naman ako sa kapal ng mukha niyong dalawa. Lauren, matuto ka naman sanang dumistansya, ang cheap mong tignan eh. May asawa na, papatulan mo pa?" 

Tumingin silang dalawa sakin. Yikes, ang kapal ng foundation. Mukhang Clown! "Just accept the fact that I'm much more attractive than you"

"Really? It doesn't look like it. You? More attractive than me? Ewwww! Yuuckk! Gross! Kung mas maganda ka kesa sakin, hindi sana ako ang kasal kay Chiro ngayon." Unang beses kong tatarayin ang chakadoll na ito. "Isa pang Landi mo sa ASAWA ko, Makakatikim ka na! Bulkan nga sumasabog, mukha mo pa kaya?"

Sabay walk out. Bwahahaha! Ang ganda ng grand exit ko. 

Pumasok na ako sa loob ng room at nilapag yung bag ko sa sahig. "Oy Mimi, bakit may black aura na nakapalibot sayo ngayon? What happened?" Tanong sakin ni Yanna.

"Hay Nako Nana, Mahabang Kwento at wala ako sa mood magkwento." Sagot ko. "Magpapa-check up nga pala ako mamaya" 

"Bumabalik nanaman ba yung mga panaginip mo?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango ako. "Gusto mo samahan kita mamaya?"

"Waaah! Wag na noh! Kaya ko naman tsaka sasamahan naman ako ni Kuya Gab" Hindi ako papayag na magkita kayo ng Kathy na yun. 

"..." Natahimik siya bigla. Ay, Bitter parin ba siya kay Kuya? T.T "K-Kamusta na si G-Gab?" 

"Nana... Mahal mo parin ba si Kuya?" Tanong ko sa kanya. 

Natahimik ulit siya at parang may namumuong luha sa mata niya. "Oo eh... Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil kahit anung pilit ko, siya parin ang hinahanap-hanap ng puso ko. 

 Tumulo yung luha niya pero agad niya itong pinunasan ang ngumiti. Ang lakas talaga ng bestfriend ko. Agad ko siyang niyakap. "Nana, bakit hindi mo ulit siya bigyan ng chance?" 

"Natatakot akong masaktan ulit, Mimi... What if ma-realize niya ulit na hindi talaga ako ang para sa kanya at iwanan nanaman niya ako? Okay na yung nasaktan ako ng isang beses... Hindi ko na ata kakayanin kung masasaktan ako for the second time." Nakangiti parin siya nang humiwalay siya sa yakap. Nakakainis, ang lakas niya.

"Sundin mo lang ang puso mo, pero wag mong iiwanan ang utak mo ha?" Ayoko naman maging Bias, alam ko naman na may gusto rin si Kuya Mikel kay Yanna kaya hahayaan ko silang dalawa na patunayan ang sarili nila kay Yanna. 

Tumango nalang si Yanna dahil biglang pumasok yung prof namin. 

"Good Morning Class..."

***

Ibinalik ko na yung mga libro ko sa locker, parating na daw kasi si Kuya Gab para sunduin ako. "Sure ka talaga na hindi na kita sasamahan?" Tanong ulit sa akin ni Yanna.

"Ang Kulit mo, Nana. Kaya ko na yun, hindi na ako 12 noh." Paalala ko sa kanya. Kanina pa niya kasi ako tinatanong-tanong kung sure ba daw ako na hindi niya ako sasamahan. 

Kung makapagtanong rin naman kasi, akala mo naman tatakas ako. 

"Sabi mo yan ha, kapa---"

"Ayumi!"


"Yanna!" 

Napalingon kami pareho. *O* Ang dalawa kong pogi na kuya papalapit sa amin. 

(^O^) <--- Ako

(OvO) <--- Yanna

Natataranta si Yanna kasi papalapit na si Kuya Gab. "H-Hi Yanna" Bati ni Kuya Gab sa kanya.

"H-Hello Kuya Gab" Wahihihi, nauutal ang dalawang mag-ex. EX WITH BENEFITS! 

*Insert Awkward Silence here*

"Ehem" Ay, may isa pa nga pala akong kapatid. Hahaha! "Hi Yanna, may gagawin ka ba?" Tanong ni Kuya Mikel sa kanya.

"Wala naman, bakit?" Halatang nakahinga ng maluwag si Yanna.

"Kain tayo sa labas?" Ngiti ni Kuya Mikel. 

Nao-op kami ni Kuya Gab. =.= "S-Sige, Tara. Kuya Gab, Ayumi, Una na kami ni Kuya Mikel" 


"Ingat kayo" Tapos umalis na sila. Si Kuya Gab parang binagsakan ng langit yung itsura. "Yan ang napapala ng mga slow" Bulong ko.

"Narinig ko yun ah. Tara na nga at baka ma-late pa tayo sa appointment mo" Bad Vibes! Patay tayo diyan, hindi ako ililibre nito ng pagkain. -(T.T)-

Pagkasakay namin ng kotse, agad na pinaharurot ni Kuya yung sasakyan. Napahawak nalang ako sa upuan ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Huhuhu, ayoko pang mamatay! Gusto ko pang pumunta ng korea, gusto ko pang bisitahin si Lola sa Japan, gusto ko pang kidnappin si Lee Chi Hoon, gusto ko pang mag-alaga ng Pomeranian, gusto ko pang kumain ng isaw, gusto ko pang grumaduateeeee! 

***

"A-Aray naman Ayumi!" Sigaw ni Kuya.

*PAK PAK PAK PAK PAK!* Hinampas hampas ko siya nung libro na hawak hawak ko. "NAKAKAINIS KA! KUNG MAY BALAK KANG MAGPAKAMATAY, WAG MO NGA AKONG IDAMAY! MADAMI PA AKONG PANGARAP SA BUHAY!" Sigaw ko. "DIYAN KA LANG SA KOTSE! WAG KANG SUMAMA SA LOOB AT BAKA MATULUYAN KITA KAPAG NAGKITA KAYO NG MALANDI MONG EX! SHOO!"

Kahit na medyo nahihilo parin ako, nagawa ko pang mag-walk out papunta sa loob ng ospital. Pagkapasok ko, lumapit ako dun sa babae sa front desk. "Miss, asan yung office ni hali-- este ni Doctor Kathy Velasquez" Tanong ko.

"Sa East Wing po siya, Second Floor, Room 209" Sabi nung Nurse.

"Thanks" 

Pagkarating ko sa Office niya, dere-deretcho akong pumasok. Hindi naman kasi karespe-respeto ang babaeng may-ari ng opisinang ito kaya hindi ko na kailangang kumatok. "Oh, you're here." Ngiti ni Kathy.

"Hindi mo ba ako papaupuin?" Tanong ko sa kanya.

"Uh... Upo ka." Tinuro niya yung chair sa harapan niya. "So, balita ko bumabalik nanaman daw yung mga panaginip mo. Pwede mo bang ikwento sa akin kung ano yung nilalaman nito?" 

Kahit labag sa loob ko, Doctor parin siya. -o- "May lalaki daw na nang-iwan sa akin..."

"Kilala mo ba yung lalaki?" Tanong niya.

"Hindi, malabo kasi yung mukha niya... Nagmakaawa daw ako na wag niya akong iwanan. Niyakap niya ako pero lumakad siya papalayo kaya hinabol ko siya... At boom, tapos na yung panaginip." 

Natahimik si Kathy ng ilang sandali bago siya muling nagsalita. "Sige, tatawagan nalang kita ulit. Umuwi ka na muna at may kailangan akong kausapin." 

"Geh, Bye" Tumayo na ako at umalis.

***

CHIRO'S POV

Lunch namin ngayon at nakatitig parin ako sa lunchbox na binigay sa akin ni Ayumi. Wag daw akong magtitira or else hindi daw niya ako papakainin ng dinner. Tss, Cute. 

"Chirooooo!" Tss, nandito nanaman si Lauren. "Help ulit sa Math, hindi ko talaga ma-gets 'to 'eh."

Umupo siya sa tabi ko at inilapag yung notebook niya sa lamesa. Tinignan ko yung pinapasolve niya. "Hindi ka ba nakinig sa Statistics niyo noong Second Year high School kayo? Simpleng representation of graph lang naman yan." 

Noong sinabi ko na she's interesting, hindi ko sinabing gusto ko siya. She's just, weird. Basta. 

"Ehehe, hindi eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Uy, Mukhang masarap yan ah, penge ako!" Bigla niyang kinuha yung isang pirasong egg roll at sinubo. "Uwaaah! Ang sarap! Ikaw ba ang nagluto?"


"Si Ayumi."


"Hindi pala ganun ka sarap... medyo sunog yung loob" Immature.

*RIIIINGGGGG*

"Babalik na ako sa klase" Tumayo ako at naglakad na papunta sa classroom namin. 

Umupo na ako sa upuan ko. *Sigh* Naaalala ko nanaman.

"Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko... Babawi ako." Naiiyak niyang sinabi.

Dahil sa kanya, nagulo ang buhay naming dalawa ni Ayumi. Gusto naman daw niya ayusin ang ginawa niyang mali but isn't it too late? 

Continue Reading

You'll Also Like

53.8K 715 21
PROLOGEU "Babe don't do this! please!. wag hiwalay babe wag hiwalay babe!" Pinipilit kong tanggalin ang pagkakayakap nya sakin. Pero sadyang mahigpit...
124K 2.3K 56
Manhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag...
1.5M 23.8K 68
Marrying that casanova (MTC) (Completed) Christine Fuentes, isang 18 year old na dalagang may pagkaman-hater.Ever since she broke up with her...
164K 8.8K 60
When do we meet the bestfriend who will sacrifice everything just for the sake of our health? We all know that every girl needs a boy bestfriend. The...