Monasterio Series #1: Lies Be...

By Warranj

3.1M 78.9K 10.7K

Adrianna Monteverde did what every stubborn daughter forced to marry a stranger would have done--she ran away... More

Lies Beneath Her Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter

Chapter 5

60.2K 1.7K 677
By Warranj


Chapter 5

Nanghahaba ang nguso ko nang makarating ako ng kusina. Inis kong ibinagsak ang shoulder bag ko sa counter at pasalampak na naupo sa high stool na naroon.

Sinigang! Bakit ba kasi iyon pa ang naisip ipaluto ng babaeng iyon? At saka bakit dito sila manananghalian? Sa isang linggo na narito ako sa bahay ni Zion ay hindi kailanman siya umuwi para kumain ng lunch dito. Siguro, iyong babae na higad lang na iyon ang nag-aya sa kanya.

Of all the dishes, why sinigang? Puwede namang iba na lang! Bakit, Adrianna? May alam ka bang ibang lutuin? Itlog at hotdog nga ay hirap na hirap ka.

Pinilit kong halukayin sa isip ko ang ingredients na nakikita ko sa pork sinigang kapag iyon ang ulam sa bahay namin noon. Ang tanging naaalala ko lang ay kangkong at sitaw. Bukod sa baboy, anong gulay pa ba? Ano ang pampaasim na inilalagay doon? Should I squeeze some calamansi for it to become sour? Perhaps, a vinegar?

Maybe I can turn my phone on and connect to the internet? Hahanapin ko kung paano lutuin 'yon. Kaya lang ay nagaalala akong muli na namang magtext si Mommy sa akin. Isa pa, kung pagaaralan ko pa ang nasa internet ay baka matagalan pa ako.

Itinuon ko ang mga siko ko sa ibabaw ng counter at sinalo ang lupaypay na ulo. I groaned inwardly.

"Nasaan ba kasi si Manang Neri..." mahinang bulong ko. Baka puwedeng siya na lang ang sumalo ng gawain ko na ito dahil siguradong papalpak ako.

"Pinauwi ko muna. Masama ang pakiramdam."

Napabalikwas ako ng tayo nang maulinigan ko ang baritong boses na iyon ni Zion. Humarap ako sa entrada ng kusina at nakitang kakapasok niya pa lang mula roon. His slightly upturned eyes were staring intently at me while hands both inside his slacks' pocket.

Shit! Narinig niya ako?

He stopped beside the refrigerator and leaned the side of his body against it while corded arms crossed above his chest. My eyes unconsciously moved there. The protruding veins on his arms looks so appealing to me. Idagdag pa ang pagiging balbon niya na mas nagpapalalakas ng dating niya.

"Need help?"

I was snapped out of my fantasies when those words came out of his red lips. I cleared my throat and lifted my eyes back to his face. Nakaangat na ang kilay niya habang mataman na nakatitig sa akin.

"Saan?" tanong ko, hindi gaanong nalilinawan sa ibig niyang sabihin.

"You know how to cook sinigang?"

My eyes blinked repeatedly. Why is he asking me those kind of question? Nararamdaman niya ba na hindi ko alam iluto ang putahe na iyon? Malamang ay ganoon na nga. Sa ilang beses ko siyang ipinagluto ng sunog na hotdog at itlog, marahil ay iisipin niya na mas mahihirapan ako sa pagluluto ng ulam nito. Mas lalo siyang magtataka na baka hindi naman talaga ako katulong at nagpapanggap lang ako. Kapag nangyari iyon, magagalit siya at papaalisin na ako sa bahay niya. That way, I won't have a choice but to move out and go to Batanes where I am supposed to go to.

Pinilit ko ang matawa. "Hindi na. Madali lang iyan. Magluluto na nga ako ngayon. Bakit ka narito? May kailangan ka ba o ipaguutos?"

Ngumuso siya, halatang nagpipigil ng ngisi habang matamang nakatitig sa akin. He licked his lip and then nodded his head. Some of his hair were wandering above his forehead that made him look a bad ass playboy.

"You sure?"

No. I need help but I won't tell it to you. "Yup. Ayos lang. Salamat."

Tumango siya. Maya-maya pa ay inalis niya ang pagkakakrus ng mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib at umayos ng tayo. My brows creased when I saw him open the refrigerator. Expecting that he's going to get a pitcher of water, a silent gasp broke out of my throat when he crouched a bit and opened the crisper instead.

Lumalim ang kunot sa aking noo nang makita ko ang pagkuha niya roon ng mga gulay bago isa-isang ipinatong ang mga iyon sa counter. His crouching position gave me a glimpse of his well formed butt. Even the flexing of his muscles was too noticeable everytime he makes a move. Nawaglit lamang ang atensyon ko sa katawan niya nang umayos siya ng tayo at pumihit paharap sa akin. He shook his hands off while I tried to look at the vegetables over the counter.

"Those are the vegetables you need..."

Umawang ang labi ko. Bakit niya pa inihanda ang mga iyon? Iniisip niya ba talaga na wala akong alam pagdating sa pagluluto ng putahe na iyon? Come on, Adrianna! Umarte ka.

"Salamat sa pagtulong pero hindi mo naman na kailangan pa ihanda ang mga iyan. A-Alam ko ang gagawin ko." pagsisinungaling ko.

His lips twitched playfully. "Of course, you do."

"Babe?"

Parehas kaming napabaling sa pintuan ng kitchen nang pumasok mula roon ang nobya niya. Her eyes were already fixed on Zion as she dramatically entered the door. Inilipat niya ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagtataas niya ng kilay na para bang mainit na agad ang dugo niya sa akin gayong ngayon pa lang naman kami nagkakilala.

"What's taking you so long? Kanina pa ako naghihintay doon." maarteng tanong ng babae nang makalapit na siya kay Zion.

She hooked her hand against Zion's veined arm. Kung makadikit siya rito ay akala mong higad. Sabagay, mukha naman talaga siyang higad.

"Nothing. I just grabbed a glass of water. Let's go."

Nagsimula ng maglakad si Zion palabas ng kusina nang hindi ako binibigyan ng sulyap. Napilitang sumunod sa kanya ang babae na nananatili pa rin nakakunyabit ang kamay sa braso ni Zion. Just before the woman get out of my sight, she glared at me and rolled her smoky eyes as if we already have a bad blood between us.

Maging ako ay napairap rin nang tuluyan na silang makalabas. Ano'ng problema sa akin nun? Kung makaarte ay akala mong maganda. Mukha namang malnourished na higad.

I stomped my feet frustratingly. Humalukipkip ako at masamang tiningnan ang mga gulay sa counter. Nasa limang klase ng gulay ang mga naroon. Kangkong, sitaw, talong, okra at labanos. Mayroon din doong tatlong pack ng kung ano. Sinigang Mix ang nabasa ko, original flavor.

Ito ba ang pangpaasim? Ilalagay ko ba ito lahat?

Inis kong kinamot ang ulo ko at kinuha na ang lahat ng gulay sa counter. Inilagay ko ito sa sink at hinugasan. Pagkatapos hugasan ay kinuha ko ang baboy sa freezer. Nakachop na ito kaya naman hindi na ako mahihirapan sa paghihiwa.

Hindi ko alam kung tama ang mga gagawin ko. Common sense na lang siguro. Bahala na. Ihahanda ko na lang siguro ang sarili ko na baka mamaya, pagkatapos nilang matikman ang niluto ko, wala na akong trabaho.

I chopped the vegetables into pieces. Different shapes, different sizes. Maging ang kangkong ay basta ko na lang ginupit-gupit. Sa may kalakihang kaserola, naglagay ako ng halos kalahating malinis na tubig. Hindi pa man kumukulo ay inilagay ko na kaagad ang baboy. I don't know if it's the one I should put first. I waited for at least fifteen minutes bago ko sunod na inilagay ang mga gulay.

Kumurap-kurap ako. Tama ba itong ginagawa ko? Malamang hindi, Adrianna! Kailan ka ba may ginawang tama pagdating sa kusina?

Pagkakulo ng mga gulay ay sunod kong inilagay ang pangpaasim. Iniisip ko kung dapat ko ba ilagay ang lahat ng sinigang mix sa kaserola. Puwede siguro. Iyon ang inihanda ni Zion. Siguro ay tatlo talaga dapat. Gusto siguro nila ng sobrang maasim.

Sa huli, nasunod pa rin ang isip ko. Minutes later and the strong scent of it lingered in my nose. Napasinghap pa ako dahil sa matapang na amoy nito. Iniangat ko ang takip ng kaserola at sinilip ang ulam sa loob. It's already boiling and I think it's done.

Ayos na siguro ito.

Kumuha ako ng isang transparent bowl at sinalok ang ulam. Tumalamsik pa ang sabaw sa balat ko dahilan para mapamura ako ng mariin. After settling the food in the bowl, kanin naman ang isinunod ko. Mabuti na lang din at may kanin na nakahanda. Siguro ay si Manang Neri pa ang nagsaing nito.

Huminga ako ng malalim. Handing two plates in between my hands, I went out of the kitchen and walked straight towards the dining area. Ipinatong ko sa mesa ang mga plato at kubyertos. Sa gitna ng ginagawa ay napatingin ako sa gawi nila Zion kung saan tanaw ang living room.

Kagaya nang una ko siyang maabutan, nakatungo siya at abala sa kanyang laptop. His girlfriend was beside him, sitting comfortably while fiddling on her phone. Bumaling sa direksyon ko si Zion. Nagtama ang mga mata namin. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago ko siya nakitang nag angat ng kilay sa akin. Nagbawi ako ng tingin.

Huminga ako ng malalim at bumalik na ng kusina. Matapos maisayos ang lahat ay lumapit ako sa gawi nila. The woman was the first one who turned her head on me. She cocked her brow up.

"N-Nakahanda na ang tanghalian." nauutal na sabi ko. Ramdam ko ang kalabog ng puso ko dahil alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng tanghalian na ito. But I'm still hoping that it will turn out to be fine.

Zion didn't glance at me. His atention was just focus on the laptop.

"Babe, the food is ready. Let's go." anyaya ng babae kay Zion at isinandal pa ang ulo sa balikat nito.

Lihim akong napairap at itinuon na lang ang atensyon sa kung saan. Basta malayo sa paglalampungan nila.

"Hmm. I will just send this file to Mr. Lazaro, Sigrid." sagot ni Zion, ang paningin ay naroon pa rin. "Sumabay ka na rin sa amin, Hazel."

Mabilis akong napabaling kay Zion.

"Babe, mamaya na lang si Hazel. Mauna na tayo. I'm sure hindi pa naman siya nagugutom. Right, Hazel?" Tumingin sa akin ang babae, taas kilay at nanglilisik ang mga matang nababalutan ng madilim na eyeshadow.

Bitch. Ano kaya ang nagustuhan sa'yo ni Zion? Hindi ka naman kagandahan at masama pa ang ugali mo.

Still, I smiled fakely at her. "Oo, tama ang nobya mo, Zion. Hindi pa naman ako nagugutom. Kumain na kayo."

He averted his eyes from the screen and gaze at me. "Are you sure?"

"She's sure, babe. Come on! Nagugutom na ako."

Kumuyom ang kamao ko sa pagsabat ng inggratang babae na ito.

Ikaw ba ang tinatanong, ha? Ikaw ba si Hazel?

Zion, who seems unbothered by her girlfriend's flirty invitation didn't remove his pitch-black eyes from me. Para bang sagot ko pa rin ang hinihintay niya. Pakiramdam ko, nagagawa naming magusap sa pamamagitan ng tinginan na iyon. Habang wala sa akin ang atensyon ng nobya niya, mabilis akong tumango at tipid siyang nginitian. He let out a sigh and nodded a bit.

Nauna siyang magbitiw ng tingin sa akin. He closed his laptop and stood up. "Let's go, Sigrid."

Tumayo na rin ang babae. Hooking her hand on Zion's makes me want to roll my eyes. Hindi ba siya makapaglakad ng hindi nakahawak sa boyfriend niya? Napakaclingy.

Ano ba ang pakielam mo, Adrianna?

Wala. Share ko lang. Bakit ba?

Nilampasan nila ako. Sumunod ako sa kanila habang patungo sila sa dining area. Mabilis ang bawat paghinga ko, kinakabahan sa maaaring maging resulta ng ulam pagdating sa kanila. I didn't try to taste it. Hindi ko kasi alam kung paano ko reremedyuhan oras na pumalya sa panglasa ko. Basta maasim, iyon naman ang importante, hindi ba?

Wala naman akong pakielam sa magiging reaksyon ng nobya ni Zion. Sa kanya mismo ako nagaalala dahil siya naman ang amo ko. Kapag pumalya, pagbibigyan pa rin niya kaya ako?

Zion pulled the chair for his girlfriend. Pagkaupo noon ay siya naman ang naupo sa tabi nito. Sumunod ako, nasa gilid lang nila. Zion's eyes stayed on the dish. He's staring at it intently. Para bang sinusuri niyang mabuti kung tama ba ang pagkakaluto nito.

"Amoy pa lang nangangasim na ako." natatawang bulong ng babae kay Zion pero ang mga mata nito ay nasa ulam lang.

Ipinaglagay nito si Zion ng ulam at pagkain. They're acting like they're already husband and wife. O, baka nga engaged na ang dalawang ito? Hindi ko alam. Maaaring ganoon.

Huminga ako ng malalim ng parehas na nilang kunin ang kutsara nila at astang titikman na ang ulam. My gaze was too focus on Zion as my heart started to beat aggressively. When he brought the spoon in his mouth, I didn't blink and waited for his reaction.

Inalis niya ang kutsara sa bibig. Pumikit siya. Mariing pikit. Umigting ang panga niya. Kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagpapakawala ng ubo ng nobya niya. Nanglamig ang mga kamay ko.

"What the hell is this food?!" sigaw ng babae at ginawaran ako ng masamang tingin.

Kumurap-kurap ako. "S-Sinigang?"

"Sinigang? You call this Sinigang? Tinikman mo ba muna ito bago mo inihain sa amin? It's a disaster. It's too sour! Baka nga kahit pulubi sa labas hindi ito kainin sa sobrang pangit ng lasa!" histerikal na sigaw niya.

"Sigrid..." Zion warned.

Hinarap ng babae si Zion. "What? Why did you hire this woman, Zion? Obviously, she can't cook! Simpleng sinigang ay hindi niya mailuto ng maayos. She's freaking useless!" she yelled and then looked at her plate. Kinuha niya ang tinidor niya at sinubukan tusukin ang karne na naroon bago tumingin sa akin. "Look at this meat, ang tigas-tigas pa! Pinakuluan mo man lang ba ito?"

I was gritting my teeth so bad, trying so hard no to fight back. Hindi ko maalalang mapagpasensiya akong tao. When someone's talking harsh against me, hindi kailanman ako naging tahimik. Pero susubukan ko dahil kasalanan ko naman. Palpak ako sa ginawa ko. Aminado ako doon.

Huminga ako ng malalim, tumingin kay Zion na nakatuon lang ang paningin sa ulam habang ang mga kamay ay nakatakip sa ilong hanggang bibig. It's four seconds later when he removed his hands from his mouth and exhaled.

"Shut it, Sigrid. Let's just eat outside. Hazel isn't that good in cooking but she's fine when it comes in cleaning the house. She can still learn how to cook—"

"No, Zion! You should fire her and find someone who can do everything. Hindi lang sa paglilinis kung hindi sa pagluluto na rin. Sa lahat! A housemaid who can't cook is damn useless. Sinigang lang hindi pa alam—"

"Nagmamagaling ka rin lang naman, bakit hindi na lang ikaw ang nagluto kung ganoon?" Hindi na nakapagpigil pang sagot ko sa kanya.

Zion muttered a curse under his breath. He stood up and set his obsidian eyes on me. Madilim man, nakikita ko ang pangungusap sa mga mata niya na tila ba sinasabing huwag ko ng patulan.

"Hazel..."

"At sumasagot ka pa talaga? Baka nakakalimutan mong muchacha ka lang dito at nobya ako ng lalaking pinagsisilbihan mo! Mababang uri ka lang ng tao kaya wala kang karapatan sumagot-sagot sa akin!" sigaw ng babae.

"Sigrid, that's enough!" mariing sigaw ni Zion at masamang tinitigan ang babae.

Inalis ko ang mga mata ko sa kanya at ibinaling itong muli sa nobya niya. I can feel my nose flaring in anger because of the insults I'm getting from this woman. Gustong-gusto ko sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa akin. Na hindi ako simpleng katulong lang. Na baka mas mataas pa ang pinagaralan ko kesa sa kanya. At kahit pa totoong katulong ako, wala siya ni kaunting karapatan laitin ang propesyon ko dahil marangal na trabaho ang pagiging isang kasambahay.

Huminga ako ng malalim, nagtatagis ang bagang at nagtitimpi sa emosyong nagpipilit kumawala sa dibdib ko.

"Nobya ka nga ng amo ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay may karapatan ka ng hamakin ako at ang trabaho na mayroon ako. Maswerte ka na ipinanganak kang mayroon sa buhay at hindi mo na kailangan pa maranasan ang hirap na dinadanas ng isang katulong. Huwag kang masiyadong magmataas, Miss. Baka sa sobrang taas ng lipad mo, sa kanal ka bumagsak at mag-amoy imburnal ka."

Tatalikod na sana ako nang bigla kong naramdaman ang marahas na paghaklit sa buhok ko na naging dahilan ng pagsigaw ko at muling paharap sa gawi nila. Just before I could make a reaction, that woman's rough palm landed on my cheek!

"Fuck. Sigrid!" sigaw ni Zion at mabilis na hinawi ang nobya niya palayo sa akin.

Red. Everything went red. My vision became blurry as flame curled in the pit of my stomach. My heart turned ice cold and slunk into the shadows as my brain took complete control. The flames in my stomach rose up to my chest and crawling through my veins, took over the rest of my body. My fingers coiled into fists as I grabbed the bowl of sinigang and poured it all over her head.

Malakas na hiyaw ang pinakawalan niya habang ang mainit na sabaw ay patuloy sa pagagos mula ulo hanggang paa niya. Alam kong nasaktan siya pero tama lang iyon sa ginawa niyang pananampal sa akin.

"Hazel!" Zion warned dangerously. I looked at him and darkness grew over his dusky eyes. My sight became hazy as tears welled up in my eyes.

Waves of fury rolled off me as the blood rose to my cheeks. The term anger, barely even touched the tip of the volcano that I clearly am in this moment.

"How dare you, rat!" The woman yelled hysterically and suddenly scratched her long ang sharp red nails in my arm.

Halos mapamura ako nang maramdaman ko ang hapdi sa aking braso. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang pag-alsa ng dugo mula rito. It's a three long painful scratches.

"Godammit, Sigirid! Sumusobra ka na!" malakas na sigaw ni Zion habang mariing hinahawakan ang babae sa braso niya.

"She started it, Zion! Nakita mo kung paano ako bastusin ng babaeng iyan!" pabalang na sagot niya.

Suminghap ako. Bago pa man tuluyang mahulog ang luha sa mga mata ko ay tumalikod na ako at patakbong umakyat sa hagdanan. Hell, I won't let that bitch see me crying. No damn way.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at marahang isinara ang pintuan. Silent sobs escaped my throat. Sunod-sunod, walang tigil. Pasalampak akong naupo sa kama at doon pinakawalan ang hagulgol ko.

I glanced at my arm. Blood was already pooling there. Ramdam ko ang hapdi at kirot pero mas nananaig ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung para saan.

Nasasaktan ba ako dahil ipinahiya ako ng babaeng iyon sa harap ni Zion? Nasasaktan ba ako dahil sa mga salitang pinagsasabi niya sa akin at sa pananampal niya? Nobody has slap me on my face. Not even my family. Siya pa lang.

Pero bakit pakiramdam ko ay hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Nasasaktan ako, dahil pakiramdam ko ay kalabisan na masiyado ang pagtitigil ko dito kahit pa alam ko naman na puro sakit ng ulo lang ang ibinibigay ko kay Zion. Eversince I came into this house, all I did was disaster.

Sunog na pagkain, nakakabasag ng pinggan, mantsa sa mga damit niya. Wala na akong nagawang matino. Should I stay here and wait for him to kick me out of his house? O, baka mas mabuting magkusang loob na ako sa pagalis? Maybe it's time to go to Batanes and meet my sister's friend there. Doon naman talaga ako dapat, e. Hindi dito. Hindi ako nababagay dito.

Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal umiyak habang nakaupo sa dulo ng aking kama. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na inilalagay ang mga damit ko sa loob ng bagpack na dala ko nang makarating ako dito sa bahay niya.

Tears won't stop on streaming down my face as I place all my clothes inside the bag. Kahit anong pahid ko ay patuloy pa rin ito sa pagbagsak.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. Zion's tall physique greeted my puffy eyes. His menacing gaze was instantly fixed on my face. Concerned grew in those menacing dark orbs. Mula sa mukha ko ay bumaba ang mga mata niya sa bag pack na nasa kama. Huminga siya ng hangin.

He entered my room and walked slowly towards me, eyes on my face again. "Aalis ka?"

Nagiwas ako ng tingin, muling ipinagpatuloy ang pagaalsa balutan ko. "Oo, masiyado ng marami ang kahihiyan na naidudulot ko sa'yo. Nahihiya na ako."

For the second time, he breathed a sigh. "You don't have to, Hazel. I understand that cooking is your weakness. It doesn't matter to me. And I'm sorry about Sigrid. She's just that brat."

Tumango ako, hindi na gusto pang pahabain ang paguusap namin dahil baka maiyak lang ako sa sama ng loob na kung tutuusin ay wala naman akong karapatan.

Naramdaman ko ang presensiya ni Zion sa tabi ko. When I looked at him, he's already standing beside me. His eyes are on my arm where the bleeding wounds are. For a brief moment, I saw him clench his jaw while staring darkly at them.

"Gagamutin ko ang sugat mo." pauna niyang sabi.

"Hindi na. Malayo naman sa bituka ito. Kailangan ko na rin umalis dahil baka wala akong masakyan n bus papuntang—"

"Hindi ka aalis. Walang aalis."

My brows furrowed at his statement. "Ako, Zion. Ako ang aalis. Hindi na ako puwede magtagal pa sa bahay mo lalo na sa nangyaring away sa pagitan namin ng girlfriend mo. Siguradong hindi ka niya titigilan sa pangungulit na paalisin ako dito."

He only shrugged his broad shoulders like I just said something nonsense. My body stiffened when he reached my arm and turned his back against me. Napasunod ako. Nang nasa tapat na kami ng kama ay humarap siya sa akin. He placed his hands on my shoulder and pushed me to sit down.  Kunot noo ko siyang pinag-angatan ng tingin.

"Gagamutin ko ang sugat mo. Diyan ka lang." aniya at tinalikuran akong muli. Pumasok siya sa banyo, sa tingin ko ay kukunit niya ang medicine kit na naroon.

Bumuntong hininga ako. I stared at my wounds blankly. I wonder why he's here. Nasaan ang nobya niya? Umuwi na ba? Imposibleng narito siya habang ang nobya niya ay nariyan pa sa baba. Baka naman nasa kwarto niya at nagpapahinga matapos ko buhusan ng mainit na sabaw. Napairap ako.

Bagay lang sa kanya iyon. Masiyado siyang matapobre.

Lumabas si Zion ng banyo bitbit ang isang transparent medicine kit. A silent gasp broke out of my throat when he squatted in front of me and held my arm in a gentle way.

I sighed. "Hindi mo naman na kailangan gawin iyan. Kapag nakita pa ng girlfriend mo na ginagamot mo ako—"

"She's gone. I asked her to go home and have her skin checked. It's red and a bit swollen." he informed me as he started cleaning my wounds.

Napanguso ako. "Sorry. Hindi ako nakapagpigil. Wala pa kasing nakakasampal sa akin, siya pa lang."

This is one of the reasons why I should really leave this house. I hurt his girlfriend. Gaano ko man hindi pinagsisisihan ang nagawang iyon, para sa kanya ay maling-mali pa rin ako.

He nodded. "She'll be okay."

"Kaya nga mas lalong hindi na ako dapat manatili pa dito, Zion. Huwag mo ng bayaran ang ilang araw na paninilbihan ko sa'yo dahil puro perwisyo lang naman iyon."

From my position, I saw how his shoulders heave up. Itinigil niya ang paglilinis ng sugat ko at nag angat ng tingin sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya. His eyes were midnight and ravens wings. They were the type of darkness that wasn't dark. They were sweet silence before dawn and responsibility.

"You are not going anywhere."

"Pero paano iyong nobya mo—"

"This is my house. Being my girlfriend doesn't give her the right to tell me what to do. Ako ang magdedesisyon kung sino ang mananatili dito sa bahay na ito." he sighed as his perilous eyes drilling into mine.

His gaze was like bringing me in a secluded place where I can feel a heavy storm coming my way. It's making me shiver and weak at the same time.

"You'll stay here, Hazel. And that's my decision." he whispered raspily.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 48.5K 59
Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville, isang lugar na puno ng misteryo at kaka...
7.1K 110 1
Skyler Monasterio and Heislee Suarez De Ayala
1.8M 72.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
4.5M 113K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...