Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.5K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Author's Note

Kabanata XIV

23.3K 1K 462
By Airosikin

ELIANA'S POV

"Elaine, batid kong sandaling panahon pa lamang tayo magkakilala pero nais kong malaman mo na ikaw ay tinitibok na ng aking puso."

"Pero Dareios, hindi tayo nababagay sa isa't isa. Isa kang hari at ako'y isang hamak na tagapagsilbi lamang sa akademya." Bakas sa mukha ng babae ang matinding lungkot habang diretsong nakatingin sa makisig na lalaking kanyang kaharap. Animo'y isa silang magkasintahan na bagay na bagay sa isa't isa at nanonood ng papalubog na araw.

"Nais ko lamang na lubusan kang makilala hanggang sa mas lalong lumalalim ang nararamdaman natin sa isa't isa na kahit ang antas ng ating mga buhay ay kailanma'y hindi magiging hadlang sa ating pagmamahalan." Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ng babae.

"Hindi man ako kasing-yaman ng mga babaeng ipinakasal sa'yo, hindi man ako kasing ganda ng mga sirena sa iyong kaharian, pero oras na tumibok ito ng lubusan sa'yo, walang sino man ang makapapantay sa aking pag-ibig na nakalaan lamang sa isang Dareios Agrigent." Lalong lumawak ang ngiti ng lalaki dahil sa mga naririnig. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang kasintahan at marahang hinalikan ang noo nito.

"Bukas ay magkikita tayong muli. Ako na ang magpapaalam sa kanya upang payagan ka niya pumunta muli dito sa burol."

"Pero nangangamba ako na baka hindi na muna niya ako payagan bukas pumunta dito. Nakahahalata na ata siya sa mga pagkikita natin."

"Ayos lamang iyon, Elaine. Huwag kang mangamba pagka't kaya kitang ipagtanggol sa Maestro kapag nalaman na niya ang ating nararamdaman para sa isa't isa." Marahan namang tumango ang babae sa sinabi ng kanyang nobyo. Dumantay ito sa balikat saka nakangiting pinanood ang napakagandang tanawin ng papalubog na araw.

"Nagpapasalamat ako at nakilala kita, Dareios. Nawa'y maging pabor sa ating pag-iibigan ang panahon at pagkakataon."

"Gayon din ako, Elaine. Iyon din ang aking kahilingan."

Nagising na lamang ako mula sa aking panaginip nang maramdaman ko ang mainit na palad sa aking noo.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at agad bumungad sa akin ang pamilyar na kisame. Mas lalong naging pamilyar ang kinalalagyan ko dahil narinig ko ang matitinis na boses nina Leandra at Stella na walang tigil ang pag-iyak sa tabi ko.

"Maestro Mageius! Gising na po ang aming prinsesa! Tingnan niyo po siya! Pakiusap!" Kahit kailan talaga ay hindi na nawawala ang pagiging tarantahin nina Stella sa lahat na lamang ng bagay.

"Alam ko, Stella. Nakikita ko na mulat na nga ang prinsesa kaya huwag kang sumigaw malapit sa tenga ko." Natatawang sita sa kanya ni Maestro Mageius habang patuloy pa ring sinisipat ang temperatura ng aking katawan.

Nagtama ang mga mata namin dahilan para mapatitig siya sa akin at napatigil sa kanyang ginagawa.

"Anong ginagawa mo sa silid ko?" Nagulat naman siya sa bungad kong pagtataray pero agad din itong napalitan ng pagkamangha saka isang ngiti na nakakaloko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo, prinsesa Eliana?" Pag-iwas niya sa tanong ko na sinagot ko na lamang ng isang irap.

"Tinatanong kita, Maestro, kaya sumagot ka." Muli kong pagtataray sa kanya saka siya tinitigan ng diretso sa mga mata. Ganun din ang ginawa niya sa akin kaya nagpapaligsahan kami ngayon ng kung sino ang mas matinik tumitig. Nauna siyang umiwas saka humalakhak ng malakas.

"Para ka talagang si Dareios kung tumitig! Ako ang nagdala sa'yo dito matapos mong mawalan ng malay." Pagmamayabang niya na nginiwian ko na lamang.

Panigurado'y gumamit siya ng mahika para madala ako dito dahil impossibleng binuhat ako ng katawan niyang mas marupok pa sa kahoy ang mga buto.

Natahimik naman ako at sinumulang alalahanin lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay. Hapon na ngayon kaya possibleng kanina lamang nangyari ang lahat. Naalala ko kung paano ko binubog si Caitrionna na parang may ibang kumokontrol sa katawan ko. Ang pag-awat ng mga kapatid ko at ang pagdating ni Maestro. Nanlaki naman ang mga mata ko ng maalala kung paano ako nawalan ng malay kaya inis kong binalingan ang Maestro.

"Anong ginawa mo sa akin! Bakit ako nawalan ng malay! Kasalanan mo ito!" Dinuro ko siya saka tinitigan ng masama.

"Binuhat lamang kita Eliana pagka't masama ang pakiramdam mo kanina hindi ba kaya ka nawalan ng malay?" Inirapan ko siya sa naging sagot niya. Hindi masama ang pakiramdam ko kanina!

"Sinungaling! Hindi naman masama ang pakiramdam ko kaya magsabi ka ng totoo!" Galit ko pa ring duro sa kanya.

Nakita ko naman na bumuntung hininga siya at tiningnan sina Stella at Leandra na pinanonood lamang kami.

"Maaari bang iwan niyo muna kami ng inyong prinsesa, mga binibini?" Binalingan ni Maestro sina Leandra at Stella na nakatanga lamang sa amin at nanonood ng palitan namin ng diyalogo. Agad namang tumango ang aking mga tagasilbi at sabay na yumuko bago tuluyang lumabas ng aking silid. Mukhang labag pa sa loob nila na iwan kami dahil nag-aalala sila sa kalagayan ko pagka't hindi pa ako nagkukuwento.

"Oh ngayon? Ano ang iyong ipapaliwanag na kinakailangan pang umalis nina Leandra?" Mataray at nakakrus ang mga braso na tanong ko kay Maestro.

Naglakad naman siya tungo sa sofa na malapit sa aking kama at naupo dito. Ipinatong niya rin ang kanyang baston sa gilid saka ipinagdikit ang mga palad at tumingin muli sa akin.

"Batid ko na hindi mo rin nanaisin marinig ng iyong mga tagapagsilbi ang aking sasabihin, Prinsesa Eliana." Bahagya naman akong kinabahan sa tono ng boses ni Maestro at maging sa mga salita na sinabi niya.

Parang may nakakatakot ata siyang sasabihin sa akin na lubos ko talagang ikinababahala.

"Sabihin mo na ngayong dalawa na lamang tayo dito at ako ay naiinip na rin." Mataray kong utos sa kanya upang hindi ipahalata ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil sa paunang bungad niya.

"Naaalala mo ba ang mga nangyari kanina, Prinsesa Eliana?"

Napalunok naman ako bigla ng laway dahil sa sinabi niya. Unti-unting bumalik sa aking memorya ang mga ginawa ko kanina at ang napala sa akin ni Caitrionna. Muli kong naramdaman ang matinding pangingilabot sa aking katawan na nagawa ko ang mga ganoong bagay sa aking kapatid. Hindi agad ako nakasagot kay Maestro dahil halos nanuyo na rin ang aking lalamunan nang maalala ko lahat ng nangyari.

"Mukhang naaalala mo nga." Halata sa boses niya na inaasahan na niya ang magiging reaksyon ko kaya nanatili akong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Nababahala na talaga ako sa mga nangyayari at naririnig ko ngayon. Tumikhim muna si Maestro saka sumandal sa sofa bago muling magpatuloy.

"Batid ko na naalala mo ang mga ginawa mo sa iyong kapatid na si Caitrionna tama ba? Ang isang prinsesa na nasa tamang pag-iisip at katinuan ay hindi magagawa ang ganoong bagay lalo na at sa sarili nitong kadugo." Lalong umusbong ang kaba sa aking dibdib dahil sa mga pinagsasabi ni Maestro.

Totoong nakakabigla talaga ang mga nagawa ko kanina kay Caitrionna. Parang nag-iba bigla ang lakas ko na hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili manakit ng todo. Kahit naman kampon ng kadiliman ang babaeng iyon ay hindi ko naman nais umabot sa ganoon ang kalagayan niya. Bagama't gustong-gusto kong burahin ang mukha niya ay hindi ko maiisip na gagawin ko sa kanya ang mga bagay na iyon lalo na at kadugo pa rin siya ni Eliana.

"Ang nangyari sa iyo Eliana ay isa sa mga nangyayari kapag hindi mo nakokontrol ang sarili mong lakas o kapangyarihan na nagwawala lamang kapag gustong-gusto na nito makalabas sa iyo o di kaya'y dulot ng matinding galit." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Maestro.

Kapangyarihan?! Sinabi ba talaga niya na nagkukumawala ang aking kapangyarihan?! Pero bakit?! Wala namang kapangyarihan si Eliana kaya imposible ang bagay na iyon.

"Hindi ko pa nasisiguro ang kapangyarihan mo Eliana pero sa tingin ko ay nais na nitong kumawala sa iyong katawan kaya ito na mismo ang kumokontrol sa iyong pag-iisip na ilabas mo ang lahat ng iyong makakaya." Seryoso niyang pahayag dahilan para ilang beses akong mapalunok dahil sa kaba. 

Nanatili lamang akong tahimik at nakikinig kay Maestro. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ang katulad ni Eliana na walang kuwenta ay may itinatago palang kapangyarihan na ngayon ko pa lamang napapalabas.

"Masamang bagay ang ganitong sitwasyon dahil dapat tayo ang kumokontrol sa ating kapangyarihan at hindi ito ang kumokontrol sa atin. Bibihira ang mga ganitong kaso pagka't para sa malalakas lamang na kapangyarihan ang hindi kinakayang kontrolin ng katawan kaya nasisiguro kong espesyal ka Eliana."

Nagulat naman ako ng todo muli sa sinabi ni Maestro. Hindi lamang basta kapangyarihan ang natataglay ko kundi malakas na kapangyarihan! Kung anu-anong ideya na ang pumasok sa utak ko maging iba't ibang emosyon na ang aking naramdaman. Nasabik na ako sa kung ano man ang kayang gawin ng katawan na ito na akala ko nung una ay walang silbi!

"Pero hindi sa lahat ng oras ay kinakailangan mong pairalin ang galit para patuloy itong kumawala sa iyo. Kinakailangan mo ng matinding pagsasanay at tibay ng puso para tuluyan mong mapalabas ang kakayahan mo." Tumayo si Maestro mula sa pagkakaupo saka kinuha ang kanyang tungkod at naglakad palapit sa akin.

"Nais kong ako mismo ang mag-sanay sa iyo Prinsesa Eliana upang mapalabas mo ang tunay mong kakayahan." Determinado niyang pahayag habang ang mga mata ni Maestro ay puno ng kumpiyansa para sa sarili.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Naiintindihan ko na kailangan ko pa ng sapat na pagsasanay para mailabas ko kung ano man ang mayroon ako. Buong akala ko ay ako lamang mismo mag-isa ang magsasanay sa aking sarili para mapalabas ang nagkukumawala kong kapangyarihan pero nakakagulat na aalukin niya ako ng isang bagay na hindi ko inaasahan mula sa kanya.

"Pero bakit ikaw ang magsasanay sa akin? Kaya ko naman ang aking sarili kaya nasisiguro kong hindi na kita kakailanganin." Kunot-noo kong pahayag.

Nanatili akong nagmamatigas sa kabila ng kagandahan ng alok niya sa akin. Masyado nang madaming nagawa sa akin ang Maestro na ito para sa akin kaya ayoko nang makadagdag pa at magkaroon pa ng utang na loob sa kanya. Kita ko naman sa kanyang mga mata ang pagkamangha dahil sa sagot ko. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagtanggi ko sa isang bagay na agad na susunggaban ng iba.

"Dahil sapat ang kakayahan ko para sanayin ang mga tulad mo. Marami na akong nahawakang ganyang kaso mula sa iba't ibang mag-aaral dito sa akademya. At isa pa, responsibilidad ko ang iyong kapakanan at ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng akademya na ito. Hindi sa lahat ng oras ay kinakailangan mong manakit na lamang ng ganoon dahil sa galit na dinudulot sa iyo ng nagkukumawalang kapangyarihan."

Natahimik naman ako sa naging sagot ni Maestro. Nasa punto nga naman ang kanyang mga sinabi. Isa siyang magaling at kagalang-galang na Maestro dito sa akademya at nasaksihan ko kung paano siya nirerespeto ng aking mga kapatid at maging ng hari kaya alam kong kakaiba ang katulad niya.

At isa pa, ayoko na rin naman maulit na halos makapatay ako ng tao dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Kung hindi lamang siguro siya dumating kanina ay baka pinaglalamayan na ngayon si Caitrionna dahil sa tindi ng pagkakabugbog ko sa kanya kanina. Ultimo mga kapatid ko ay hindi ako maaawat sa sobrang gigil ko sa babaeng iyon. At syempre, ano nga ba ang alam ko sa pagsasanay ng kapangyarihan eh sa dati kong mundo halos mapagkamalan nang mga baliw ang naniniwalang mayroon silang kapangyarihan. Tanging sa mga palabas lamang tulad ng Harry Potter mapapanood ang mga ganung paniniwala.

Tumitig naman ako sa mga mata ni Maestro na mukhang hinihintay ang aking kasagutan. Napabuntong hininga na lamang tuloy ako dahil mukhang wala na rin akong magagawa.

"Papayag lamang ako sanayin mo ako kapag nasunod mo ang aking mga kondisyon." Mataray kong pahayag habang nanghahamon pa ang mga mata ko.

Bakas naman sa kanya ang gulat dahil sa pananatili kong mapagmatigas at kakapalan dahil nagawa ko pang magkaroon ng sarili kong kondisyon gayo'y ako na nga ang ginagawan ng pabor. Sadyang wala pa talaga ako masyadong tiwala sa matandang ito kaya ganoon.

"Kung ito ay magagawa ko sa abot ng aking makakaya ay sige, tutuparin ko. Anu-ano ang iyong mga kondisyon?"

Napangisi naman ako sa sinabi ni Maestro kaya agad akong napaayos ng upo dahil sa matinding pananabik.

"Una, ayoko maging isang malaking utang na loob ang gagawin mong pagsasanay sa akin dahil ikaw din naman ang nagpaabot nito kahit labag ito sa aking kalooban." Mayabang kong pahayag habang nakaduro pa ako sa kanya.

Natawa naman siya sa sinabi ko na parang napakatigas pala ng pagmumukha ko para sabihing ayoko tumanaw ng utang na loob sa kanya gayo'y tatyagaan niya akong turuan at sanayin.

"Oh siya, sige, hindi naman ako naniningil ng utang kapag ayaw naman magbayad sa akin." Natatawang banggit niya na ikinairap ko na lamang sa kawalan.

Mabuti na rin na nagkakalinawan kami dahil ayoko sa lahat ay susumbat sumbatan niya ako balang-araw.

"Pangalawa, ayokong malalaman ng aking pamilya na sinasanay ko ang natatago ko palang kapangyarihan lalo na ang aking ama at ang aking mga ina pati na rin ang mga kapatid ko maliban na lamang kung kinakailangan talaga malaman lalo na sa kaso ng mga kapatid ko." Mahaba kong paliwanag ngunit seryoso pa rin ang aking boses.

Bahagya naman siyang nagtaka sa sinabi ko.

"Bakit naman ayaw mong malaman ng iba lalo na ng iyong ama ang pagkakaroon mo ng natatagong kapangyarihan? Tiyak ko na matutuwa iyon kapag narinig ang balitang iyon." Sinamaan ko naman siya ng tingin na parang bulag ba siya sa katotohanang ayaw sa akin ng pamilya ko?

"Basta, kondisyon ko iyon kaya sundin mo." Masungit kong pahayag dahilan para magtaas na lamang siya ng mga kamay bilang pagsuko.

Ayokong malaman nina Sunniva na may kapangyarihan ako lalo na ng mga kapatid ko at ni Ama dahil nasisiguro kong mas lalong hihirap ang buhay ko dito dahil pipilitin nila akong lumaban sa kanila gayo'y mahina pa ang aking kakayahan.

Malaki ang maitutulong ng kapangyarihan ko sa kagustuhan kong maiangat ang karapatan ng mga kababaihan dito sa Elior pero hangga't hindi ko pa ito napagdadalubhasaan ay ayoko munang may makaalam na iba.

"Masusunod ang iyong nais, Eliana. May iba ka pa bang kondisyon?" Mabuti na lamang at masunurin din itong Maestro na ito at agad pumapayag sa mga nais ko.

"Ikatlo at panghuli kong kondisyon, sasabihin mo sa akin ang totoong layunin mo ng pagpasok sa akin dito sa Akademia oras na makabisado at maging bihasa na ako sa aking kapangyarihan."

Simple lang naman ang mga kondisyon ko at hindi gaano mahirap pero para sa akin ay malaking bagay na rin ang ganitong mga kahilingan.

Saglit siyang natahimik sa huli kong sinabi at mukhang malalim na nag-iisip.

Napaisip tuloy ako kung ganoon ba talaga kahirap magsabi ng dahilan sa akin gayo'y mukhang simple lang naman ata ang mga naging kadahilanan niya ng pagpasok ko dito.

"Sige." Nauutal ngunit pagsuko na rin niyang pahayag sa akin.

"Papayagan kitang malaman ang huling kondisyon kung susundin mo naman ang kondisyon ko para dito."

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Maestro. Ang kapal naman ng mukha niya para magbigay pa sa akin ng kondisyon gayong pinilit na nga niya akong sanayin.

"Kailangan mong makapasok sa listahan ng pinakamagagaling na mag-aaral dito sa akademya." Seryosong sambit niya sa akin saka ako diretsong tiningnan sa mga mata.

Kinilabutan naman ako sa mapanghamon na titig na binibigay ni Maestro na parang wala na akong karapatang tumanggi sa sinabi niya. Ipinagkrus ko naman ang mga braso ko saka mataray siyang tiningnan bago sumagot.

"At paano kung hindi ko kaya?" Mapanghamon ko ring sagot sa kanya.

Hindi naman sa hindi ko kaya pero alam kong hindi pa talaga puwede ayon pa lamang sa kakayahan at kapasidad ko. Kahit naman ako si Yvonne Calixta Villanueva na walang inuurungan at palaging panalo ay kahit papaano alam ko naman ang limitasyon at hangganan ko. At sa ngayon, alam kong hindi ko man lamang magagawang makapagpatumba ni isang mag-aaral dito maliban na lang kung manggigigil ako syempre tulad ba lamang kay Caitrionna.

Ngumisi sa akin si Maestro saka hinawakan ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko na ikinairita ko na lamang.

"Kapag ako ang nagsanay sa isang nilalang ay walang impossible, Eliana." Nakangiti niyang sambit sa akin na nakapagdulot ng matinding pananaas ng aking mga balahibo.

Bakit pakiramdam ko hindi maganda ang nararamdaman ko sa mga binabalak sa akin ni Maestro?

Maaga pa lamang ay gising na ang prinsipe at abala sa pag-suot ng kanyang uniporme nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Estevan mula sa salamin.

"May problema ba, Estevan?" Natatawang tanong nito habang inaayos ang uniporme at kung anu-ano pang mga nakasabit dito. Ngumisi naman sa kanya ang tagasilbi saka marahang umiling.

"Iniisip ko lamang mahal na prinsipe na napakaganda mong lalaki ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung bakit napakailap mo sa mga kababaihan na halos magkandarapa na sa'yo."

Magmula kasi pagkabata ay magkasama na ang dalawa at halos sabay na silang lumaki sa loob ng palasyo. Noong mga panahong iyon ay hindi man lamang narinig o nakita ni Estevan na mayroong kasintahan ang prinsipe lalo pa at kung sinu-sinong mga kababaihan ang ipinadadala sa palasyo para lamang makuha ang kanyang atensyon.

Iniisip tuloy niya minsan kung iba ba ang kasarian na gusto nito ngunit mukhang malabo naman iyon dahil kilalang kilala niya ang binata at alam niya kung may inililihim ito o wala.

"Ang sabi ko nga sa iyo ay wala talaga sa aking isipan sa ngayon ang magkaroon ng kasintahan. Ayokong mahati ang aking oras sa pagitan ng mga obligasyon ko sa kaharian at responsibilidad ko bilang lalaki." Kaswal na sagot niya dito habang patuloy pa rin siya sa pag-aayos ng sarili.

Hindi lamang ang kanyang ina ang madalas magtanong sa kanya ng mga ganitong bagay kundi maging ang kanyang kababata at tagapagsilbi na si Estevan ay inuusisa na rin ang kanyang buhay pag-ibig. Pero nanatiling iisa lamang ang kanyang kasagutan at iyon ay ang kagustuhan niyang pamunuan muna ng maayos ang kaharian bago maghanap ng kabiyak.

"Pero mahal na prinsipe, wala ka ba talagang napupusuan sa mga babaeng nakapaligid sa iyo? Nandyan naman si Prinsesa Aonani na iyong kababata na maganda, matalino at mahinhin, o di kaya'y si Prinsesa Sereia na matapang at may pagkamasungit, nariyan din si Prinsesa Mishal na napakalambing! Ano ba ang nais mo sa babae, mahal na prinsipe?"

Nadadala si Estevan ng kuryosidad sa tipong babae ng kaibigan dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakikita ito na magkagusto o manligaw man lamang sa babae. Panibagong taon na naman ang kanilang tatahakin kaya nasisiguro niyang hahaba na naman ang pila ng mga kababaihan sa akademya na nais makuha ang atensyon ng prinsipe.

Natawa naman ang lalaki sa naging tanong ng kaibigan pero bahagya din siyang napaisip. Ano nga ba ang nais niya sa isang babae? Totoong iba't ibang klase ng babae na magaganda at nakakaakit ang nakapalibot sa kanya pero bakit nga ba hindi man lamang niya nagagawang ituon ang atensyon niya sa mga ito?

"Bakit mo naman natanong iyan, Estevan? Nais mo ba akong hanapan ng mapapangasawa na pasok sa panlasa ko?" Pagbabalik tanong niya sa kaibigan na natawa na lamang sa depensa ng lalaki.

"Hindi naman. Marahil ay hindi ka rin nagkukuwento sa akin kung mayroon ka na bang natitipuhang babae kaya nais ko sanang malaman ang iyong mga tipo lalo na at mas marami na namang magkakagusto sa iyo ngayong papasok ka na ulit sa akademya." Panunukso sa kanya ni Estevan na muling ikinailing ng prinsipe.

Naisip niya na dadami na naman ang mga babaeng kinakailangan niyang tanggihan pagka't hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ng mga ito sa kanya.

"Wala naman akong hihilingin sa babaeng iibigin ko. Kung sino man ang dumating o makakuha ng puso ko ay hindi ko na ito pakakawalan." Bahagya namang kinilig si Estevan sa tinuran ng prinsipe.

Hindi sa siya ay nababading pero lubos ngang maginoo ito at mabulaklaking magsalita tulad ng hari na may iisa lamang na reyna at iyon ang ina ng prinsipe.

"Kung gayon ay hindi na ako makapaghintay sa babaeng kayang makapagpahulog sa'yo. Nasisiguro kong namumukod tangi siya para makuha ang atensyon mo." Nakangising sambit ni Estevan na ikinatawa na lamang ng prinsipe pero hindi niya rin mapigilan na sumang-ayon dito.

Siguro nga ay namumukod tangi lamang ang babaeng kayang magpa-ibig sa kanya lalo na at kahati nito sa kanyang puso ang pagmamahal niya sa kanyang nasasakupan.

ELIANA'S POV

"Higpitan mo pa kaya, Leandra para matuluyan na ako." Pairap kong inalis ang tingin kay Leandra matapos ko siyang sitahin sa ginagawa niya.

Paano ba naman kasi, kailangan ko pang magsuot ng panibagong uri ng uniporme dahil mayroon ako ngayong klase sa pagsasayaw.

"Pero Prinsesa Eliana, kailangan talaga hapit na hapit ito sa iyong katawan kaya kinakailangang mahigpit ang aking pagkakatali. Bakit ba kasi kumain ka ng marami gayong alam mo naman na magsusuot ka ng ganitong uri ng uniporme?" Kakamot kamot si Leandra habang pinoproblema kung paano isasara ang corset sa aking damit.

Pinanlakihan ko tuloy siya sa kanyang sinabi at pinigilan ko na lamag ang aking sarili na bugahan na naman siya ng sermon. Ang kapal ng mukha niyang sabihan ako ng ganyan. Tao rin naman ako at kailangan kong kumain ng madami sa tanghalian dahil ito lamang ang oras ko para magkanin! Inaabanga ko pa rin naman ang katawan ni Eliana kahit papaano.

"Manahimik ka na lamang at tapusin mo na lang iyan, Leandra. Kapag ako talaga ay nahuli sa klase dahil sa kupad mong kumilos ay malilintikan ka talaga sa akin." Pagtataray ko sa kanya habang mahigpit pa rin ang pagpipigil ko sa aking hininga para matapos lamang siya sa pagsusuot ng pesteng damit na ito.

Maganda naman ang disenyo ng asul at puting damit na nababagay sa pagsasayaw ng kung ano mang pormal na sayaw iyan. Ang ayoko lang talaga ay ang napakahigpit nitong corset na halos masakal na ako dahil sa kinakailangan itong hapit sa katawan.

"Stella, tulungan mo nga ako dito at mamaya ka na dumungaw dungaw diyan sa bintana!" Iritableng tawag na ni Leandra kay Stella na kanina pa nakadungaw sa bintana at may inaabangan. Mukhang nahihirapan na rin si Leandra dahil mag-isa lamang siyang tumutulong sa aking ngayon.

"Baka makaalpas pa ang prinsipe sa aking paningin kaya ikaw na muna dyan, Leandra! Alam mo naman na kahapon ko pa inaabangan ang prinsipe kaya ngayong papasok na siya ay nais ko sana siyang masilayan na!" Kinikilig at nagtatatalon na pahayag ni Stella habang ang mga mata ay nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

Napabuntung hininga na lamang tuloy si Leandra na animo'y nauubusan na ng pasensya habang ako naman ay napahawak na lamang sa aking bewang dahil sa pagkairita.

"Tutulong ka ba dito, Stella, o ingungudngod kita dyan sa bintana?" Mataray kong banta sa kanya dahilan para mapaayos siya ng tayo at kinakabahang tumingin sa akin. 

"P... Pero Prinsesa Eliana ngayon ko lam---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla kong pabagsak na ibinaba ang aking kamay sa lamesa na nasa tabi ko dahilan para makagawa ito ng malakas na tunog.

Sabay naman silang napatalon ni Leandra sa gulat pero nanatili pa rin akong nagbabantang nakatingin kay Stella.

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko, Stella?" Kita kong napalunok na siya dahil sa kaba kaya agad siyang tumango ng paulit-ulit at malungkot na tumingin sa bintana.

"Tutulong na po." Nauutal at mahina niyang sambit saka nakayukong naglakad tungo sa puwesto namin ni Leandra.

Tumulong na rin siya sa pagsasara ng corset at muling pag-aayos ng aking itsura. Inayos ni Stella ang aking buhok sa isang messy bun at tinulungan akong magsuot ng sapatos na halos anim na pulgada ang taas ng takong dahil ito raw mismo ang kinakailangang taas ng aming sapatos. Hindi naman ako nasabihan na balak pala nila kaming patayin dahil magsasayaw kami ng ganito kataas ang takong namin.

Nang natapos na sila mag-ayos sa akin ay tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto pero agad din akong huminto bago ko pa mahawakan ang pihitan nito.

"Sasabay kayo sa akin mamayang hapunan sa kantina. Nakakahiya naman kasi kay Stella at hindi niya pa natuloy ang pagdungaw kanina para lamang makita ang prinsipe kaya isasama ko na kayo para matanggal naman ang pagkaignorante niyo." Mataray kong pahayag sa kanila saka ko tinuloy ang paglabas ko ng silid.

Dinig ko pa ang impit na tili nilang dalawa dahil sa saya na makikita talaga nila ang prinsipe ngayong araw. Napairap na lamang tuloy ako sa kalandian nila.

Naglakad na ako tungo sa malawak na gym kung saan gaganapin ang klase ko sa pagsayaw. May kahabaan ang damit na ito kaya medyo nahihirapan akong maglakad.

"Sino ba kasing nagdisenyo ng lintek na ito." Iritable kong bulong habang hinahawi ang damit o di kaya ay inaangat ito upang hindi makaabala sa paglalakad ko. Mukha tuloy akong tanga na inaaway yung damit na suot ko.

"Prinsesa Eliana? Ikaw ba yan?" Wika ng isang mahinhin na boses ng lalaki na alam ko na agad kung sino ang nagmamay-ari.

Mula sa aking pagkakayuko ay napaangat ako ng tingin ng may pares ng mga paa ang humarang sa nilalakaran ko. Agad bumungad sa akin ang nakangiting si Aspen na mukhang normal na tao naman sa unipormeng terno ng suot ko.

"Ikaw nga! Mukhang magkaklase tayo sa susunod ko ring asignatura. Papunta ka na rin ba sa gym?" Nakangiting tanong niya sa akin habang sinisipat ang itsura ko ngayon na nakabusangot na.

Nagkataon nga naman na makakasama ko pala siya sa asignaturang ito. Napakamalas ko talaga.

"Oo." Tipid kong sagot sa kanya saka muling nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan na lamang siya.

Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko na nagulat siya sa ginawa ko pero agad din siyang naglakad malapit sa tabi ko.

"Kung gayo'y sabay na tayo dahil magkaklase rin naman pala tayo." Nakangiti pa rin niyang suhestyon pero hindi na lamang ako kumibo at nagtuloy pa rin ako sa paglalakad.

Paminsa'y natatapid ako dahil sa damuhan din ako naglalakad at nakakadagdag pa ang mga damo sa dinadanas kong hirap sa paglalakad. Mukhang napapansin na rin ni Aspen ang pagdurusa ko pero wala akong pakialam at taas noo pa rin akong naglalakad kahit kamuntikan pa akong masubsob mabuti na lamang at nahawakan niya ang braso ko.

"Hindi ka ata sanay sa mahabang bestida, Prinsesa Eliana." Nag-aalalang pahayag niya sa akin habang tinutulungan akong makatayo ng maayos.

Nagpasalamat naman ako sa kanya at nanatiling nakatingin sa baba ang aking mga mata dahil na rin sa nakaramdam ako ng konting hiya sa pagmamagaling ko.

"Kanina ko pa napapansin na nahihirapan ka maglakad. Nais ko sanang alalayan ka  kung hindi mo mamasamain." Magalang at nakangiti niyang pahayag sa akin.

Bahagya naman akong nagulat sa suhestiyon ni Aspen. Alam ko namang nasa ugali na niya talaga ang pagiging mabait pero kahit papaano ay hindi ko rin mismo aasahan na muli na naman niya akong tutulungan.

"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko, salamat." Pero syempre, matigas ang ulo ko at hindi talaga ako dumedepende sa iba kaya tinanggihan ko siya.

Marahas kong iniangat ang aking bestida saka nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Magkahalong gulat at pagkapahiya ang nakita ko sa mukha ni Aspen pero hindi na lamang ako kumibo. Hindi naman niya ako obligasyon kaya huwag na siya mag-inarte.

Humabol na lamang sa akin si Aspen sa paglalakad. Nanatili lamang siyang malapit sa tabi ko at kapag nadadapa ako ay pasimple na lamang niya ako inaalalayan na ipinagpapasalamat ko na lamang.

Nakarating naman kami parehas sa gym ng matiwasay lalo na ako na halos gapangin na lamang ang puwesto namin dahil sa hirap talaga ako sa haba ng damit ko at sa taas ng takong. Sanay naman ako magtakong sa dati kong buhay pero mukhang ang katawan mismo ni Eliana ang nahihirapan dito.

"Prinsesa Eliana, Pupuntahan ko lamang ang mga kaibigan ko pero kung nais mong sumama sa akin ay maaari kitang alalayan tungo duon." Nakangiti pagpapaalam sa akin ni Aspen habang itinuturo ang kumpol ng mga mag-aaral sa harapan. Napatingin naman ako sa kanila at halos mabali ang leeg ko kakailing para lamang tanggihan si Aspen.

"Hindi na. Kaya ko naman dito." Agad kong pagtanggi sa kanya sabay baling ng aking tingin sa mukha ni Aspen.

Nanduon kasi sa grupo nila sina Zephyr, Caedmon, at isang lalaki na hindi ko nakita nung nakaraan. Si Caedmon ay abala sa pagbabasa ng kung ano habang yung lalaki naman na hindi pamilyar ay nakikipag-usap sa mga kaklase kong babae na kilig na kilig naman at bigay todo sa paglandi. Si Zephyr naman ay abala lamang sa pagmamasid sa paligid kaya hangga't maaari ay ayokong magkasalubong kami ng tingin dahil baka mailang ako ng todo.

"Sigurado ka? Ayos lang naman na makihalubilo ka muna sa amin kung wala ka pang kilala lalo na at nanduon naman ang kuya mo, Prinsesa Eliana." Sasama na sana ako sa kanya kaso mas mukhang hindi ako magiging kumportable kapag nalapit ako kay Zephyr kaya kahit nuknukan ng bait itong si Aspen ay kailangan ko talagang manatili dito.

Sasagot sana ako sa kanya ng may biglang pumutol sa sasabihin ko kaya sabay kami napalingon sa babaeng papalapit sa kinatatayuan namin.

"Kanina pa kita hinahanap! Nawala ka na kanina matapos nang klase nat-- Ay! Ikaw pala iyan prinsipe Aspen! Magandang araw sa iyo!" Magiliw na pahayag ng babae sa tabi ko na nagulat pa ng makita si Aspen sa harap niya.

Ngayon ko lang ata ipinagpasalamat at nandito si Aera para ilayo na ako sa lalaking ito. Naalala ko lang talaga ang pangalan niya kapag may magandang naidudulot yung bunganga niya. Nginitian naman siya ni Aspen at tipid din yumuko bilang paggalang.

"Nandito naman na si Aera, Aspen kaya ayos na ako dito. Salamat. Pabati na lang ang aking kapatid para sa akin." Mabait naman talaga si Aspen kaya nga alam kong hindi kami magkakasundo pero kahit papaano ay ginagalang ko naman ang pagiging mabait niya sa akin at sinusuklian ito.

Tinitigan naman ako saglit ni Aspen saka sinulyapan si Aera na animo'y kinikilatis kung sa mabuting tao niya ba ako iiwan. Ilang segundo lamang ang nakalipas ay nginitian niya na rin ako.

"Kung gayo'y maiwan na kita, Prinsesa Eliana!" Paalam niya sa akin saka marahang tinapik ang balikat ko at tinalikuran na kami.

Saglit ko naman siyang sinundan ng tingin dahilan para hindi makaligtas sa akin ang mga pairap na tingin ng mga kababaihan na naiinggit ata dahil kasama ko si Aspen dumating. Mamatay nga sila sa inggit dyan.

"Nakakaloka ka, Eliana! Hindi mo naman sinabi na malapit ka pala kay Prinsipe Aspen!" Nabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko na ang nakakainis na bunganga ni Aera sa tabi ko.

Akala ko ay umalis na rin siya pero nagawa niya pa palang manahimik dito sa tabi ko kaya hindi ko siya napansin.

"Bakit? Obligado ba akong mag-kuwento sa'yo?" Mataray kong sagot sa kanya saka siya tinalikuran at naglakad na ako palapit sa isang bakanteng bench para maupo saglit habang wala pa ang magtuturo sa amin.

Hindi naman na siya nagulat sa pagtataray ko dahil kahit papaano'y alam naman na niya ata na tatarayan ko siya kaya sumunod na lamang siya sa akin.

"Kahit na! Halos dalawang araw na tayong palagi magkatabi sa mga asignatura natin kaya sana naikuwento mo!" Kunwari'y nagtatampo niyang pahayag na ikinairap ko na lamang dahil napakawalang kuwenta ng rason niya.

"Pero hindi na rin naman ako masyado nagulat dahil kapatid mo naman talaga si Papa Caedmon na kabarkada ni Prinsipe Aspen kaya nasisiguro kong ipinakilala ka na niya sa kanya lalo na at sabay-sabay pa kayong nanaghalian kahapon!"

Saglit naman akong natigilan sa sinabi ni Aera nang mabanggit niya yung kahapon. Pasimple ko siyang sinulyapan kung may nagbago ba sa reaksyon niya pero mukhang hindi naman niya siguro binabalak sabihin yung nangyari sa amin ni Caitrionna. Abala na kasi siya sa paglalaway sa kapatid ko na tinatanaw niya lamang sa malayo.

"Grabe! Alam mo ba nung nakita ko sila kanina dito sa gym ay sukdulan na ang tuwa ng aking puso! Biruin mo kaklase pa natin sila dito sa pagsasayaw! May pag-asa pang maging kapares ko si Papa Caedmon o kaya si Prinsipe Eryx!" Nangisay siya sa sobrang kilig sa tabi ko at balak pa ata ako hampasin pero sinamaan ko na agad siya ng tingin dahil baka masampal ko siya oras na matamaan ako sa sobrang kaharutan niya.

Kahit kailan talaga ang kalandian ng babaeng ito pagdating kay Caedmon. Pero may nabanggit siyang pangalan na hindi pamilyar sa akin.

"Ngayong araw na raw kasi papasok ang prinsipe ng Elior kaya sabik na akong makita siya muli!" Muli siyang kinilig sa tabi ko kaya lumayo na ako ng konti sa kanya dahil baka mapuruhan ako.

Pero hindi na nakaligtas sa kuryosidad ko kung sino ang prinsipe na tinutukoy niya. Balak ko na sanang magtanong kung si Prinsipe Eryx ba ang tinutukoy niyang Prinsipe ng Elior kaso biglang dumating ang Maestra na magtuturo sa amin.

"Magandang hapon mga minamahal kong mag-aaral! Kayo ay magtipon dito sa gitna! Bilis! Chop-Chop!" Magiliw niyang pahayag na agad namang sinunod ng lahat.

Isa siyang babae na mukhang may edad na pero maganda ang hubog ng kanyang katawan na halatang batak sa pagsasayaw.

Agad na akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad na tungo sa tinitipunan ng mga kaklase ko. Napansin ko na may karamihan din kami dahil sa mga ganitong uri ng klase naghahalo ang mga kababaihan at kalalakihan lalo na at kung ang pagsasayaw na asignatura namin ay tungkol sa pares na lalaki at babae. Nasa trenta rin siguro kami ngayon sa klase at halos pantay lamang ang dami ng babae sa dami ng kalalakihan.

"Ako nga pala si Maestra Clarita, ang magiging gabay ninyo sa pag-aaral ng sayaw na Amadeo Morricone!" Masigla niyang bati sa amin habang nasa taas siya ng isang entablado.

Bahagya pa siyang sumayaw para magpakita ng kaunting galaw na nagpatawa sa iba king kamag-aral ngunit nanatili lamang ako nakatingin at nakikinig sa kanya lalo na at panibagong salita na naman ang narinig ko. Ano naman ang Amade Morricone?!

"Ang Amadeo Morricone ay ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga kababaihan at kalalakihan tuwing ginaganap ang mga mahahalagang okasyon dito sa Elior! Mahalagang matutunan ng mga katulad ninyong nagmula sa mga prestihiyosong pamilya pagka't sa oras na dumalo kayo ng mga espesyal na pagdiriwang ay kinakailangan ninyong magsayaw ng mga kababaihan para sa mga kalalakihan na nandito at ang mga kababaihan naman ay kinakailangang paunlakan ang imbitasyon na pagsayaw mula sa mga kalalakihan!"

Kung ikukumpara ito sa mundo ko noon ay mukhang ito ang tinatawag na waltz. Kung saan magkapares ang mga babae at lalaki.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ng mga kamag-aral ko at mukhang hindi naman sila ganoon kaignorante tulad ko na kinikimkim lamang ang kainosentahan ko sa mundo. Ngayon alam ko na rin kung para saan ang nakakairita na damit na ito.

"Bago tayo magsimula ay nais ko sanang batiin ang ating mahal na prinsipe na nasa ating klase ngayon. Magandang araw, Prinsipe Eryx Xhaiden Claudius Alastair ng Kaharian ng Elior." Bahagyang yumuko ang Maestra sa lalaking nakatalikod sa aking puwesto.

Nasa harapan kasi siya at nakapuwesto ako sa likod kaya hindi ko makita gaano ang mukha niya. Sabay-sabay din na nagsipagyukuan ang mga kaklase ko pero nanatili lamang akong nakatayo at sinisilip pa rin ang lalaki sa harap.

"Magandang araw din, Maestra Clarita at sa lahat ng mga nandito." Malalim at mahinahon ang boses niya na para bang kalmadong alon sa dagat na napakasarap pakinggan. Ganito ba talaga kapag pinagpalang prinsipe?

Unti-unti na siyang lumingon sa gawi namin kaya nakita ko na rin ng buo ang kanyang itsura. Napakagat labi na lang tuloy ako para mapigilan ang pagkamangha ko sa itsura niya. Siguro ay sa lahat ng lalaking nakita ko sa mundong ito ay maaari niyang pantayan ang kaguwapuhan nina Abraham at Caedmon na pasok na pasok na talaga sa panlasa ng madla. Kulay ginto ang kanyang buhok na napakalinis tingnan sa kanya, maputi at mamula mula ang kanyang balat lalo na ang kanyang pisngi. Matangos ang ilong, may pagkasingkit ang kanyang malalim at berde na mga mata, makapal at maganda ang hulma ng kilay, lalaking lalaki ang dating ng panga, matangkad, at maganda ang pangangatawan.

Sa maikling salita, isa siyang gwapong mestizong hilaw na talagang nagpapakawala ng awra ng isang kagalang galang na prinsipe. Ngumiti pa siya sa amin dahilan para sumilay ang maputi niyang mga ngipin at ang ngiti niya na maaaring magpahumaling ng sandamakmak na kababaihan dahil sa natural na pagiging nang-aakit nito.

"Ang guwapo talaga ni Prinsipe Eryx. Crush ko na sana siya kung hindi lang siya kasing suplado ni Zephyr at kasing sungit ni Caedmon. Napakailap niya sa mga kababaihan." Nanghihinayang na pahayag ni Aera.

Narinig ko na naman ang muling pagpapantasya ni Aera sa tabi ko. Tinitigan ko naman ng mabuti ang mukha ng sinasabi nilang Prinsipe Eryx. Mukha naman siyang mabait pero halata nga sa kanya na may pagkasuplado pero napakaganda at napakaelegante ng kanyang titig at hindi talaga matatanggi na napakaganda niyang lalaki.

"Ngayo'y kumpleto na tayo ay simulan na nating magpares para sa mga magiging kapareha ninyo sa buong panahon ng ating pagsasama sa asignaturang ito."

Pumalakpak pa si Maestra na halatang sabik talaga siyang hanapan na kami ng makakasama.

Una niya kaming pinapila ayon sa aming tangkad. Magkatapat ang mga kalalakihan at ang mga kababaihan upang madali na lamang mahanap ang aming kapares. Natural na akong matangkad kahit nakatakong ako kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pumila sa pinakalikurang bahagi ng mga babae. Nagsimula nang magpares si Maestra at nagulat lamang ako na kaklase ko rin pala dito sina Neola at Ellionoir na kararating lamang ngayon.

Maging iyong Aonani na halos takbuhin na ang puwesto ng mga kaibigan niya dahil nahuli din siya pumasok at mukhang nahihiya sa ginawa niyang pagkahuli. Kung minamalas nga naman ako. Talagang nandito pa ang ilan sa mga kababaihan na ayoko makasama. Mabuti na lamang talaga at wala dito si Sereia at Caitrionna kundi ay kumpleto na talaga ang araw ko.

"Mga Prinsesa, alam kong anak kayo ng mga hari at reyna mula sa makakapangyarihang kaharian ngunit sa akademyang ito ay lahat kayo ay pantay-pantay." Sita sa kanila ni Maestra nang makitang huli na rin sila pumasok ng klase.

"Ayoko na muling mahuhuli kayo sa aking klase. Maliwanag ba?" Pangaral sa kanila ni Maestra na agad din naman nilang ikinatango.

Humingi sila ng tawad sa Maestra maliban kay Neola na blangko lamang nakatingin sa kawalan saka sila pumila sa aming puwesto.

"Prinsipe Aspen, pumares ka kay Prinsesa Aera." Maotoridad na utos ni Aera na ilang hakbang pa ang layo mula sa akin.

Nakita ko kung paano nanlaki naman ang mga mata ni Aera nang banggitin siya ni Maestra. Mukhang dismayado siya na hindi man lamang niya nakapares ang isa man lamang sa mga lalaking pinapantasya niya.

Tiningnan niya muna ako ng nanlulumo pero tinaasan ko lamang siya ng kilay kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang maglakad tungo sa puwesto ni Aspen na nakangiti siyang binati at nag-usap na ang dalawang madaldal. 

Sunod-sunod nang inayos ni Maestra ang mga kaklase ko. Nakapares ni Neola si Prinsipe Aidan na kakambal pala ni Mishal. Mukhang iritable si Neola na nakapares niya ang isang babaero at makulit na lalaki kaya halos umikot na ang kanyang mga mata sa paulit ulit na pag-irap dito.

Unti-unti na kaming naubos hanggang sa tatlo na lamang ang natira sa mga kababaihan at tatlo na lamang din sa mga kalalakihan.

"Hindi naglalayo ang mga tangkad ng mga babae. Halos pantay-pantay lamang kayo." Inilagay ni Maestra ang kanyang kamay sa ibaba ng kanyang baba na wari'y nagiisip siya ng mabuti.

Napatingin naman ako sa paligid ko para matingnan kung sino-sino na nga ba ang mga natira sa amin. Katabi ko ngayon sina Ellionoir at Aonani na kasingtangkad ko lamang pala at sa mga kalalakihan naman ay ang aking kapatid na si Caedmon, si Zephyr at ang prinsipe Eryx ng lahat.

Nadako naman ang tingin ko sa prinsipe na nakatingin lamang kay Maestra at hinihintay ang kanyang desisyon pero bigla ata siyang nakaramdam na may tumitingin sa kanya kaya agad siyang lumingon sa gawi ko. Nagkasalubong ang mga mata namin pero agad din akong umiwas ng tingin sa kanya. Bahagya akong nakaramdam ng hilo ng makatitigan ko ang malalim niyang mga mata.

"Kapatid ni Prinsipe Caedmon ang dalawang prinsesa dito kaya wala akong magagawa Prinsesa Aonani kundi ang ipares ka kay Prinsipe Caedmon." Sinenyasan ni Maestra si Aonani na lumapit na kay Caedmon pero umiling lamang ito.

"Hindi ba maaaring si Eryx na lamang ang aking kapares, Maestra?" Pagmanatigas niya dito habang ang boses ay puno ng panlalambing sa Maestra.

Mukhang gusto niya talaga madikit sa prinsipe na ito pero mukhang matigas din itong si Maestra. Ganito dapat ang mga Maestra na ipinapalit kay Maestra Antonette na panay sipsip lamang sa mga prinsesa at prinsipe.

"Hindi maaari yan, Prinsesa Aonani. Tulad nga ng sinabi ko, magkapatid sina Prinsipe Caedmon at ang dalawang prinsesa na kasama mo kaya hindi sila maaaring magpares." Maotoridad na pahayag ni Maestra.

Ngayon lamang siya mahihiwalay sa prinsipe na mukhang may gusto siya kaya bakit pa siya nagmamatigas? Wala na rin naman nagawa si Aonani kundi ang sumunod sa Maestra.

Bakas nga lang sa mukha niya ang sobrang panghihinayang at pagkadismaya na hindi man lamang niya nakapares si Prinsipe Eryx na mukhang wala naman nang sasabihin sa nangyayari. Ano pa bang iaarte niya? Hindi na rin naman siya lugi sa kapatid ko.

"Ayan, dalawa na lamang pala ang natitira." Nakangiting pahayag ni Maestra habang iniisa isa kami ng tingin. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba ng maisip ko na may posibilidad palang makapares ko si Zephyr!

Palihim kong sinulyapan si Zephyr at kay Maestra lamang siya nakatingin at mukhang naiinip na.

Napakagat na lamang tuloy ako sa labi ko habang hinihintay ang desisyon ng Maestra. Kung si Zephyr ang makakapares ko ay baka matuod na lamang ako at hindi makasayaw! Pero bakit may parte sa puso ko na hinihiling na sana siya nga ang makapares ko? Anong kalandian ba itong naiisip ko?!

"Tutal ay parehas naman ginto ang buhok ni Prinsipe Eryx at Prinsesa Eliana ay nais kong kayo na ang magkapares! Ayos ba?! Oh sige ayan na! Si Prinsipe Zephyr ay para na kay Prinsesa Ellionoir." Magiliw na pahayag ni Maestra habang bahagya pang sumayaw-sayaw sa harap namin.

Halos mabasag naman ang mundo ko dahil sa naging desisyon ni Maestra. Literal na napanganga ako nang marinig ko ang napakawalang kuwenta niyang dahilan!

"Pero..." Aalma pa sana ako pero agad kong itinikom ang bibig ko dahil wala akong karapatang mag-reklamo!

Baka mahalata pa ang kalandiang tinatago ko! Pero nakakainis ang ginawa niyang desisyon! Dapat si Prinsipe Zephyr ang kapares ko!

"Lumapit na kayo sa mga kapares ninyo at magsisimula na tayo!" Pumalakpak si Maestra saka naglakad muli pabalik sa entablado.

Habang ako naman ay nakatayo lamang sa puwesto ko at dinadama ang matinding panghihinayang na nangyari.

Napasulyap naman ako kay Prinsipe Eryx na ngayo'y nakatingin na pala sa akin. Hindi man lamang siya ngumingiti o bumati man lamang.

Talagang pinaninindigan niya ang kanyang kasupladuhan. Puwes, hindi naman siya ang gusto kong makapares ay bahala na ang mga paa ko kung may gana pa ba sila mag-sayaw ng maayos lalo na at mukhang hindi ko makakasundo itong mestizong hilaw na kaharap ko.

Continue Reading

You'll Also Like

43K 326 2
Paano kung isang araw bigla nalang sakupin ng mga zombies ang buong mundo, anong gagawin mo? Gagawa ka ba ng patibong? Mag-iipon ng weapons? Tatago s...
20.3K 1.3K 51
π€π‚π€πƒπ„πŒπ˜ π’π„π‘πˆπ„π’ #2: 𝐓𝐇𝐄 π”πππ‘π„πƒπˆπ‚π“π€ππ‹π„ π’πŽπ‘πˆπ€π YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life a...
90.5K 2.4K 51
A complete story Marrying a man that you didn't love? Would you accept him? Me? No, that's why I leave my own kingdom and live with a normal life. Wi...
43.3K 5.4K 43
【 TAGALOG w/ ENGLISH STORY 】 Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao. Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang m...