Monasterio Series #1: Lies Be...

By Warranj

3.2M 79.5K 10.8K

Adrianna Monteverde did what every stubborn daughter forced to marry a stranger would have done--she ran away... More

Lies Beneath Her Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

60.3K 1.6K 142
By Warranj



Chapter 4

The rays of the sun was directly hitting my face. Sa mabagat at pilit na paraan ay nagmulat ako ng mga mata. The leaves swaying slowly outside the sliding window was the first thing I saw. I blinked a few times...

May araw na.

Napabalikwas ako ng bangon. My heart started pumping so fast as I let my eyes stayed at the calming view outside. Hindi nagtagal ay lumipat ang paningin ko sa wall clock. Nanglaki ang mga mata ko.

"Si Zion!" bulalas ko.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan ko at tumalon ng kama. Tumakbo ako patungong pintuan ngunit agad rin napasubsob sa sahig nang sumabit ang kumot sa aking paanan. I groaned when I felt the sudden pain in my stomach.

Itinuon ko ang mga palad ko sa sahig at iniangat ang sarili. My attention was immediately caught by a a loud ringing from my phone. I glanced at my bedside table. My heartbeat became unsteady.

Simula nang tumakas ako sa amin ay palagi na akong kinakabahan sa tuwing magri-ring ang cellphone ko. I'm afraid that it might be my parents or someone who's connected to them. Imposible na si Ate Cheska ito. She wouldn't call me because there's a big possibility that her line is already traced by my parents.

I should change my number as soon as possible.

Tuluyan ko ng iniangat ang sarili ko sa sahig. Nang makatayo ay naglakad ako patungo sa table. Each silent step was like hearing a ticking bomb. Pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang bomba na iyon. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay nasa screen na ng cellphone ang paningin ko.

A sigh of relief broke out of my throat when I saw the name of my secretary. Muli kong pinuno ng hanging ang dibdib ko bago dinampot ang telepono.

"Clarivelle..."

"Good morning, Doc Adriana! Itatanong ko lang po kung makakapapasok ka ngayon. Marami na po kasing pasyente ngayon dito sa clinic."

Muli akong napalingon sa wall clock. It's already eight in the morning and Clarivelle knows that being late isn't one of my characters. I am supposed to be in my clinic right now, checking patients and all. Every Wed and Saturday ang schedule ko sa roon dahil iyon lang ang mga araw na wala ako masiyadong ginagawa sa family business namin.

Kaya lang... paano naman ako papasok ngayon kung iniiwasan ko ang lumabas sa kalsada dahil maaaring nagkalat na ang mga tauhan ngayon ni Daddy. Kapag nahuli ako ng mga iyon ay siguradong ibabalik ako sa mansyon at wala ng magiging kawala pa.

"Doc..." si Clarivelle.

"Y-Yes? I'm sorry, Clarivelle. I don't think I can make it today. I have some personal problems to take care of right now. Kung maaari sana ay ikaw na muna ang bahala sa clinic natin pansamantala habang wala ako."

"Doc, I understand. Kaya lang po ay narito si Mrs. Madriaga. She's looking for you to check on her teeth. Mukha nga pong nagmamadali dahil kanina niya pa ako kinukulit. Sinabi ko na ako na lang ang titingin sa kanya pero halos sigawan niya ako sa harap ng mga pasyente dito." mahina ang boses na wika ni Clarivelle.

I shut my eyes tightly when I heard her mention our grumpy patient. Matagal na naming pasyente ang matanda. Umpisa pa lang ay alam ko ng may ugali ito. Noong isang beses na wala ako at si Clarivelle ang nagasikaso sa kanya, nagalit siya at ipinahiya ito. She even told Clarivelle that she doesn't have the right to do what dentists are doing. Hindi niya alam na may karanasan din naman ang sekretarya ko pagdating sa ganoon. Clarivelle is a dentistry under graduate. She has been my secretary for about two years now. Since I built my own clinic, siya na ang nasa tabi ko at umaalalay sa akin.

Huminga ako ng malalim, wala ng magawa pa.

"Alright, I'll be there. Pero, Clarivelle, si Mrs. Madriaga lang ang aasikasuhin ko. Pagkatapos noon ay aalis na rin ako. Ipapaliwanag ko sa'yo lahat pagdating ko diyan. Mag-aayos na ako."

"Sige, Ma'am. Ingat po kayo." bakas ang pagaalangan sa boses niya.

Pagkatapos ng tawag na iyon ay mabilis akong lumabas ng kwarto. My heart is pounding so fast knowing that I woke up late. Ang maisip pa lang na hindi pa ako nakakapagluto ng agahan para kay Zion ay nakakapag-pakaba na sa akin.

Ano na lang ang iisipin niya? Na kung umasta ako sa bahay na ito ay parang hindi ako katulong? Na porque nakapagsabay kami sa hapunan isang beses ay nakalimutan ko na ang tunay na papel ko dito. Bakit naman kasi tanghali na ako nagising!

Nakapasok na kaya siya sa trabaho?

Pagkababa ko ng hagdanan ay mabilis kong iginala ang mga mata ko sa kabuuan ng living room. Malinis ito, walang senyales na may tao.

Hindi kaya nasa kusina siya at nagluluto roon?

Mariin kong nakagat ang labi ko sa naisip. Dali-dali akong naglakad patungo doon. Kasabay ng mabilis na tempo ng paglalakad ko ay ang pagkalabog ng puso ko. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa sariling kapalpakan.

I was about to enter the kitchen when an old woman who's probably on her fifty's went out of it. Kusang napatigil ang paa ko sa paghakbang, maging ang matanda ay ganoon rin. She blinked her eyes a few times while staring at me. In between her hands was a tupper ware with garlic rice inside.

"Uh... G-Good morning, po." alanganing bati ko.

Sa loob ng halos isang linggong pagtitigil ko rito sa bahay ni Zion ay ngayon ko lang nakita ang ginang na ito.

"Magandang umaga rin. Ikaw marahil si Hazel, ano?" tugon niya, may mainit na ngiti sa kanyang labi.

"A-Ako nga, po."

Tumango siya. "Ako naman si Neriss. Tawagin mo na lang akong Manang Neri. Nabanggit sa akin ni Zion na may kasama nga daw siya dito. Kumain ka na ba? Halika at ipaghahain kita."

Kumurap-kurap ako nang magsimula siyang maglakad at lampasan ako. Sumunod ako, agad siyang hinabol.

"Naku, hindi na po kailangan. Katulong po ako dito, Manang Neri."

Napahinto siya sa paglalakad, kunot noong tumingin sa akin.

"Ano kamo?"

Napakamot ako sa aking noo. "Katulong po ako ni Zion dito. Mga isang linggo na, po."

Umawang ang bibig niya, ang gulat ay halata sa kanyang bilugang mga mata.

"Aba'y hindi ka mukhang katulong, hija. Napakaganda at napakakinis mo. At isa pa, hindi sinabi ni Zion ang posisyon mo sa bahay na ito. Basta ang sabi niya ay may kasama siya dito, na natutulog ka pa ay hayaan ka lang. Kung nagtataka ka kung bakit ngayon mo lang ako nakita ay dahil tuwing araw na ito lang ako narito, hija. May katandaan na kasi ako kung kaya naman pinagbawalan na ako ni Zion magtrabaho ng araw-araw. Isang beses lang ako narito, pero ang sahod ko ay buo pa rin ibinibigay ng batang iyon. Napakabait."

Tipid akong napangiti sa kanya, hindi alam ang dapat isagot sa mga sinabi niya. Nang mapansin ang pagaalangan sa mukha ay natawa siya.

"Pasensya na at makwento ako. Siguro ay naninibago lang ako na may ibang tao na narito sa bahay ng batang iyon." dagdag niya pa.

"Ayos lang, po. Pasensya na din po at tinanghali ako ng gising. Nakakahiya po at mukhang kayo pa ang nagluto ng almusal."

Ngumiti siya, tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad. Sumunod ako.

"Maaga akong dumating dito. Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay narito na ako. Nagluto na kaagad ako ng almusal dahil alam kong maaga ang trabaho ni Zion. Tama nga ako, dahil wala pang ala-sais ay umalis na siya ng bahay."

Lihim akong napabuga ng hangin. Ala sais pa? Anong oras na. Tirik na tirik na ang araw. Kung ako pala ang hihintayin niya magising ay baka tirik na sa gutom ang mga mata niya.

Naku, Adriana. Huwag ka na magugugulat kung isang araw ay nasa labas na ang mga gamit mo.

"N-Nagalit po ba si Zion, Manang Neri?" tanong ko nang makarating kami sa dining table.

Ipinatong niya roon ang tupperware na dala at kunot ang kilay na tumingin sa akin.

"Bakit naman siya magagalit?"

"Dahil tinanghali po ako nagising. Imbes na maaga akong gumigising para asikasuhin siya ay natutulog pa po ako."

Tipid siyang ngumiti sa akin. The way she smiled at me makes me remember my loving grandmother who just passed away last year.

"Mabait si Zion. Mahaba ang pasensiya. Huwag mo nga lang sasagarin, hija. Siguro ay bago ka pa lang sa larangang ito kung kaya hindi ka pa sanay sa paggising ng maaga. Basta sa susunod ay huwag mo na lang uulitin nang sa ganoon ay wala kayong maging problema." maayos na paliwanag niya.

Tumango ako. Gusto kong sang ayunan ang sinabi niyang hindi ako sanay sa larangan na ito. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo kung bakit ako narito pero magiging alanganin lang iyon dahil baka masabi niya kay Zion ang naibahagi ko sa kanya.

"Opo, makakaasa po kayo."

"Siya sige na, maupo ka na at kumain. Hayaan mong ako na muna ang gumawa ng mga gawain mo dahil ito lang naman ang araw na may trabaho ako rito."

I smiled gently at her. "Uh, Manang Neri. Ayos lang po ba na lumabas ako sandali? May bibilhin lang po ako."

Tumango siya. "Sige, hija. Pero hindi ka ba muna kakain?"

Umiling ako, may tipid na ngiti pa rin sa labi.

"Pagbalik na lang po siguro. Maraming salamat po, ha? Babalik din po ako kaagad."

She nodded. "Mag-ingat ka."

Pagkatapos magpaalam kay Manang Neri ay dali-dali akong umakyat sa kwarto upang maligo at magayos. A part of me feel so thankful that Zion isn't here. Mas madali akong makakaalis nang hindi kailangan gumawa ng kahit anong kasinungalingan. Kapag bumalik ako ay sigurado namang wala pa rin siya.

I just really need to settle this matter with Clarivelle and ask her to manage the clinic without me.

Pagkatapos maligo ay inayos ko ang aking gamit sa bag. Naglagay ako roon ng isang black cap, shades at and white coat ko kung saan nakaburda ang pangalan ko bilang espesyalista sa ngipin.

Bumaba ako ng hagdan makalipas ang kulang kalahating oras. Naabutan ko si Manang Neri na nakaupo at nagtitiklop ng mga damit na nilabhan ko kahapon. I saw her brows furrow while staring at the white round neck shirt of Zion that has stains. Nahawa kasi ito nang pagsamahin ko ang decolor sa puti. Hindi naman nagalit si Zion. Umiling lang siya. Baka dismayado lang.

Isa pa, hindi naman siguro kawalan sa kanya ang Tshirt. Barya lang sa kanya ang halaga noon.

"M-Manang Neri, mauuna na po ako."

Nag-angat ng tingin ang matanda sa akin. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko. I am just wearing a dark blue denim jeans and a black poloshirt. Isang kulay krema na flat shoes lang rin ang suot ko. Siguro naman ay hindi ako magarbong tingnan sa ayos ko.

Ibinalik ni Manang Neri ang tingin sa mukha ko.

"Katulong ka ba talaga dito, Hazel?" tanong niya.

Hindi, po.

Sunod-sunod ang naging pagtango ko bago ko pa maisagot ang laman ng isip.

"Opo, Manang."

She remained silent for nearly a minute before she nodded her head.

"Sige. Lumakad ka na at nang makabalik ka kaagad. Mag-ingat ka, Hazel."

"Salamat po, Manang. "

Pagkalabas na pagkalabas ng gate ng bahay ni Zion ay kinuha ko kaagad sa loob ng aking shoulder bag ang sumblero at shades ko. Nang makakita ng taxi ay mabilis ko itong pinara at sumakay.

"Manong, sa may Grand Hamptons Tower, po." sabi ko. Mula sa rear view mirror ay nakita ko ang pagtango nito.

Hindi ko mapigilan ang kabahan kahit sa simpleng pagsakay lang ng pampublikong sasakyan. Pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin at anu mang oras ay huhulihin ako at iuuwi sa bahay namin.

My heart pounded in my chest. Just the thought of someone bringing me back home made me shiver. Hindi na ako dapat lumabas pa ng bahay matapos ang araw na ito. Kung lalabas man ay kailangang mag doble ingat.

Naisip ko, paano kung kailanganin ko mag grocery para sa mga supplies sa kitchen ni Zion. Hindi naman puwede na tumanggi ako at siya na lang ang utusan ko. Lalabas at lalabas pa rin ako, matinding pagiingat lang talaga ang kailangan.

"Doc, sa tingin ko po ay hindi ko kakayanin ang magisa rito. Hindi po sapat ang kakayahan ko para mamahala ng clinic at gawin ang mga gawain niyo habang wala kayo."

Matapos asikasuhin si Mrs. Madriaga ay agad kong sinabi kay Clarivelle ang tungkol sa sitwasyon ko, na hindi muna ako makakapasok sa clinic pansamantala at gusto kong siya na muna ang mamahala dito.

Huminga ako ng malalim. Looks like I don't have a choice here.

"Hindi mo ba talaga kaya?" kalmadong tanong ko.

Umiling siya. "Baka magkaproblema lang, Doc. Wala po sanang problema kung tapos ako sa kurso ko."

"Naiintindihan ko. Pero kung iyan ang magiging desisyon mo, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang isara muna ang clinic. Kaya lang paano ka? Hindi ba at ito lang ang source of income mo?"

Ngumiti si Clarivelle ngunit sa kabila noon ay pansin ang lungkot sa mga mata niya.

"Huwag nyo po akong intindihin, Doc. May sari-sari store naman kami sa bahay. Malaki rin ang kinikita noon kaya puwedeng doon muna ako umasa hangga't hindi pa po nagbubukas ang clinic."

I stared at her. Sadness was dripping from her eyes. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at huminga ng malalim. Kinabig ko si Clarivelle palapit sa akin at niyakap.

"I'm sorry if I have to do this. Pati ang trabaho mo ay nadadamay pa. Basta kapag may problema ka, be it financial or whatever, just call me. Magpapalit na ako ng number manaya pero ipapaalam ko kaagad sa'yo."

Niyakap niya ako pabalik. Ramdam ko ang init ng mga palad niya sa aking likod. Hugging Clarivelle like this feels like hugging my own sister. Hindi na iba sa akin ang batang ito. Throughout the years that she's with me, I already treated her as my younger sister.

"Maraming salamat, Doc Adrianna. Sana po ay matapos na ang problema niyo pagdating sa pamilya. Magiingat po kayo."

Doon natapos ang usapan namin ni Clarivelle. We let the clinic open for today and made a notice that we'll be close until further notice. Ang ilan sa mga nagpagawa ng dentures ay ibibigay pa rin sa nasabing araw at nangako si Clarivelle na siya na ang bahala roon.

Hindi ako nagtagal dahil nagaalala akong mauna pa sa akin si Zion sa paguwi. Within the past few days that I got to be with him, napansin ko na wala siyang saktong oras ng paguwi. Paiba-iba. That made me conclude that maybe, he has his own company. Kaya marahil ay palagi niyang hawak ang oras niya.

Habang lulan ng taxi ay naramdaman ko ang panginginig ng cellphone ko mula sa aking shoulder bag. Sa pagaakalang si Clarivelle ito at baka may nakalimutan sabihin sa akin. When I opened my bag and took my phone, I looked at the screen and my heart immediately clobbered in anxiety.

Mommy:

Go home, Adrianna. Huwag mo kaming sagadin ng Daddy mo.

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Kasabay noon ay ang mabilisang pagragasa ng luha sa mga mata ko. My lips quivered as I stared at her message lifelessly.

There's no way I'm going home and let you control my life, Mommy. Ginawa niyo na kay Ate Cheska. Pati ba naman sa akin? Can't you just let me live my life the way I wanted it to be?

Sa nanginginig na kamay ay pinatay ko ang cellphone ko. Luminga-linga ako, nakakita ng isang tiangge na sa tingin ko ay nagbebenta ng simcard.

"Manong, puwede po bang ihinto mo muna diyan sa tabi? May bibilihin lang ako sandali." basag ang boses na wika ko.

Agad na tumalima ang driver at iginilid ang sasakyan. Pagkahinto sa tapat ng tindahan ay pinunasan ko ang basang mukha ko at bumaba mula sa backseat. I walked towards the store and a middle aged woman welcomed me with a kind smile.

"Anong hanap mo, Miss?" bungad niya.

Tumingin ako sa magkabilang gilid ko, naninigurado na walang pamilyar na tao na makakakilala sa akin.

"May tinda po kayong sim card?"

Tumango siya. "Anong network?"

"Globe, po."

Pagkasabi ko noon ay tumayo siya at may inabot mula sa isang hanging pocket. Naroon ang mga sari-saring simcard na binebenta niya. Inabot niya ito sa akin.

"35 lang." aniya.

Bumunot ako sa bulsa ko ng isang daan at inabot ito sa kanya. "Keep the change."

Tumalikod na agad ako at bumalik sa sasakyan. Narinig ko pa ang pagpapasalamat ng tindera sa akin ngunit hindi ko na nagawa pang sagutin. As soon as I closed the door, I placed the simcard inside my bag and decided to change my number once I'm home.

Pasado ala-una na ng makarating ako sa village na kinaroroonan ng bahay ni Zion. Halos panglamigan ako ng balat nang pagkababa ko nang taxi ay makita ko ang pamilyar na kulay puting Monterro Sports niya.

Narito na siya?!

Dali-dali akong pumasok sa gate at buong ingat itong isinara. Inilang hakbang ko ang daan patungo sa main door at tahimik rin itong binuksan. I don't know why I am feeling nervous knowing that I didn't do something wrong. Siguro ay kinakabahan lang ako dahil sa kaalaman na umalis ako nang wala siya, at ngayon ay nakabalik ng narito na siya.

Bakit naman kasi ang inconsistent ng oras ng uwi niya?

Sisisihin mo pa talaga siya, Adrianna?

As soon as I opened the door knob, two person immediately caught my attention. It's Zion... with a woman. Nakaupo sila. Si Zion ay abala sa laptop na nakapatong sa center table at halatang may binabasa doon. Ang babae naman ay nasa tabi niya, nakasandal ang ulo sa kanyang balikat habang pinapanood si Zion sa ginagawa.

They both turned their heads on my direction. Nagsalubong ang mga mata namin ni Zion. For a brief moment, I saw a glimpse of darkness in those onyx orbs which made me think that he's mad for my sudden absence.

"Hazel," he called out.

"Ah, magandang tanghali, Zion." tipid ang ngiting sabi ko.

Hindi nagbago ang emosyon ng mukha niya. Nananatili siyang seryosong nakatitig sa akin.

"Saan ka galing?" tanong niya.

Great. I'm not prepared for this question and answer portion. Hindi ko naman alam na dadating siya ng ganito kaaga ngayon!

"D-Diyan lang sa tabi. B-Bumili lang ako ng simcard. N-Nangangain kasi ng load yung dati." palyadong pagdadahilan ko.

Hindi pa man nakakasagot si Zion ay nakita ko na ang paggapang ng mga kamay sa bewang niya. I glanced at the woman beside him and found her staring bitchily at me.

"Who is she, babe?" the woman asked.

Zion did not remove his extremely intense eyes from me. Kumurap-kurap ako dahil ramdam ko ang pagtaas ng balahibo sa aking batok dahil sa lalim ng titig niya sa akin.

"She's Hazel." Zion answered frigidly.

"Hmm. A housemaid?" Bakas ang pang-uuyam sa tono ng babaeng katabi niya.

I transferred my eyes to her. Maputi siya, ngunit mas maputi ako. Ang buhok niya ay kulay brown na umaabot hanggang sa leeg niya. It's a bob cut. She had almond eyes, small but sharp nose and plummed lips. Payat siya, literal na payat at walang hubog kagaya ng mga modelo sa ibang bansa. Hindi kagaya ko na payat ngunit makurba. I wonder if this woman is his girlfriend.

Why the hell are you comparing yourself to that woman, Adrianna? And what is it to you if she's the girlfriend?

"Yes." Zion's voice snapped me out of my thoughts.

The skinny woman raised her brow up.

"Too young for a chimay. Anyway, can you cook pork sinigang for us, Hazel? I'm craving for that dish since yesterday. Okay lang ba?"

Mabilis na inatake ng kaba ang puso ko. Sinigang? Paano lutuin iyon? Ano ba ang mga sangkap nun? Nilalagyan ba iyon ng suka para umasim? O ng calamansi?

Kung hotdog nga lang ay hirap na hirap ako. Iyon pa kaya!

Inilipat ko ang tingin ko kay Zion, umaasa na kokontrahin niya ang gusto ng babaeng katabi niya ngunit imbes na makarinig ng sagot ay nakita ko lang ang pagta-taas niya ng kilay. Para bang sinasabi niyang sundin ko ito dahil iyon din ang gusto niya.

Damn it!

Lumunok ako, sunod-sunod ang naging pagtango. Bahala na!

"S-Sige. Magluluto ako ng s-sinigang." kabadong sabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 209 20
Hacienda La Vieda Series #1: Fire of Love In the heart of a provincial estate, amidst the crackle of flames and the flicker of desire, Fianna discove...
13.6M 275K 62
Wag ka ng Umasa Wag mo ng saktan ang sarili mo Kahit Lumuha ka pa ng Dugo... Hinding Hindi mapupunta sayo itong Puso ko. Mga katagang Sinabi niya sa...
1.3M 18.7K 41
Dice and Madisson
4.9M 112K 33
League of Billionaires series #2 He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by...