In Other Words, I Love You

AndieHizon által

91.6K 1.2K 41

"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you." Nilayasan n... Több

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Last Chapter

Chapter 2

9.5K 121 6
AndieHizon által

"RETURNED na naman," pabulong na sabi ni Chrissa sa sarili nang mabasa ang resulta ng huling manuscript na ipinasa niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Halos isang buwan niyang pinaghirapan ang manuscript na iyon pagkatapos ay ibabalik lang sa kanya.

Nais na sana niyang sumigaw at mag-emote ngunit baka pagkamalan siyang baliw ng ilan pang customers sa computer shop ni Cider. Excited pa man din siyang magbukas ng e-mail pagkatapos ay madi-disappoint lang siya.

Pero ano pa ba ang magagawa niya? Kapag hindi pumasa ang manuscript, 'edi magsulat ng panibagong manuscript. Pero mas madaling sabihin iyon kaysa gawin. She sighed again. Kapag hindi pa pumasa ang mga susunod niyang manuscript ay paano na? Paano na ang pangggastos niya araw-araw, ang pang-upa sa boarding house? No, relax, Chrissa. Relax ka lang...

Pero hindi niya yata kayang mag-relax, naiiyak na siya. Hindi na talaga niya alam kung ano pa ang gagawin niya sa sarili. Sinusubukan naman niyang ayusin ang pagsusulat ng manuscript pero parang wala rin.

Isinubsob niya ang mukha sa kanyang kamay. She felt helpless. Pinagti-trip-an ba talaga siya ng mundo? Bakit naman kung magbigay ito ng kamalasan sa kanya ay sunod-sunod?

"Chrissa, okay ka lang?" anang isang tinig sa likod niya.

Nag-angat siya ng tingin, muntik siyang mapanganga nang makita ang mukha ni Cider. Mas gwapo pala ito kapag sobrang lapit. "O-oo," kandautal niyang sagot.

Napatingin ito sa monitor ng computer at agad niya iyong tinakpan ng kamay niya. "Okay lang ako, promise," aniya rito. Nakakahiya kapag nakita pa nitong palpak siya sa trabaho niya.

"Okay. Sige." Umalis na si Cider sa tabi niya ngunit tila naiwan sa ilong niya ang amoy nito. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-e-emote. Minabuti na lang niyang i-log off ang e-mail account niya. Uuwi na lang siya. At least doon ay walang distraction sa pagiging emotera niya. "Magkano?" tanong niya kay Cider.

"Libre na lang," anito saka ngumiti.

"Huwag mo ng palubagin ang loob ko. Okay lang naman ako, eh," giit niya.

"Libre na nga."

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Ganoon talaga ako sa mga bagong kakilala.Sa susunod, sisingilin na kita," sabi pa nito.

Ayaw man niya ay kinilig siya. Alam niyang hindi naman siya kagandahan kaya hindi na siya nag-inarte pa. "Okay, salamat. Una na ako," paalam niya rito.

"Ingat," nakangiti lang nitong wika saka ibinalik ang mga mata sa harap ng monitor nito. Marahil ay naglalaro ito kaya mahirap istorbohin. Pag-uwi niya sa boarding house ay agad niyang nilapitan si Gladys upang ikwento ang masamang balita.

"Okay lang 'yan. Sino ba ang hindi dumaan sa rejection?" balewalang sabi nito saka siya hinila sa dining table. "Magkape ka muna."

"Nakakabuwisit lang isipin na ipinagmamalaki kong pagsusulat lang ang gusto kong gawin sa buhay ko pero kahit sa aspetong iyon ay palpak ako. Baka tama nga ang mga readers, wala akong puwang sa pagsusulat ng nobela. Hindi talaga ako magaling, eh."

"Ano ka ba naman?Huwag mo ngang isipin iyan. Ang lahat ng tao ay may puwang sa pagsusulat. Kung hindi nila gusto ang mga libro mo, fine. Pero hindi ibig sabihin niyon na susuko ka na. There is always a room for improvement. At kung constructive criticism ang kailangan mo, sa mga editors ka lumapit. Sasabihin nila sa'yo kung ano ang mali, kung ano ang kulang o sobra sa maayos na paraan," payo ni Gladys.

"Hindi lang talaga madali, Glads. Alam mo ang hirap na magsulat ng isang buong manuscript at ang sakit-sakit kapag paulit-ulit iyong ibinabalik sa'yo," mangiyak-ngiyak niyang sabi rito.

"I know. Sobrang sakit talaga. Sino ba naman sa'tin ang hindi na-reject? Halos kalahati yata sa mga ipinapasa kong manuscripts sa buong buhay ko ay na-reject pero heto pa rin ako, nagpupumilit sa mundo ng pagsusulat," pagmamalaki pa ni Gladys.

"Sabi ko nga, tama ka, eh," pagsuko niya. Palagi namang may point si Gladys, ang pag-iinarte lang naman niya ang pointless.

"Cheer up ka na, girl. Huwag kang padadaig sa rejections at huwag kang magpapalamon sa bashers. Laban lang ng laban."

Pinilit niya ang sariling ngumiti. "Okay. Pipilitin kong huwag magpatalo. Aja!"

CHRISSA tried to cheer herself up. Pumasok siya sa kwarto at nagbukas ng laptop. Susubukan niyang magsulat. Ngunit pagkalipas ng kalahating oras ay nakatanga pa rin siya sa laptop niya. Nakikipagtitigan sa cursor na patuloy lang ng nagbiblink.

Lumabi siya at tumayo. Baka hindi lang talaga tamang pilitin niya ang sarili. Lumabas siya ng kwarto, walang tao sa sala, kaya nagpasya siyang lumabas. Maglalakad-lakad na muna siya. Sa isang tindahan siya napadpad. "Pabili nga po," aniya.

"Ano iyon, ate?" tanong ng dalagitang bantay sa tindahan.

"May coke kayo?"

"Opo, maliit lang?"

"Oo."

"Plastic po o bote?"

"Bote na lang. Dito lang naman ako sa gilid," nakangiting sagot niya at saka nagbayad. Matapos lagyan ng straw ng dalagita ang coke ay iniabot iyon sa kanya. "Salamat," aniya rito. Hindi siya sanay tumambay sa labas. Hindi rin niya sigurado kung may tindahan ba sa loob na subdivision nila.

Habang umiinom siya ng softdrink ay may namataan siyang papalapit. Si Cider iyon. Marahil ay may bibilhin ito sa tindahan. "Uy, Chrissa. Nagkasalubong tayo ulit," bati nito sa kanya.

"Oo nga, eh.Sinusundan mo yata ako," biro niya rito ngunit parang sineryoso nito iyon dahil namula ang mga pisngi nito. "Uy, joke lang!"

Napapailing na ngumiti lang ito at saka dumiretso sa harap ng tindahan. "Pepsi nga, Rita. Bote lang," anito. Nang makuha nito ang bote ng Pepsi ay tumabi ito sa kanya. "Siguro may problema ka pa rin, 'no?" baling nito sa kanya.

"Bakit mo naman nasabi iyon?"

"Dahil ang mga taong gustong mag-isa ay nag-iisip ng problema," anito.

"Hindi. Wala lang sila sa boarding house kaya lumabas na lang ako," giit niya.

"Pero may problema ka nga?"

"Oo, sa trabaho," sagot na lang niya sa pag-aakalang hindi na magtatanong si Cider ngunit mali siya.

"Tinanggal ka sa trabaho?" tanong nito.

"Walang freelance writer na tinatanggal sa trabaho," aniya saka inirapan si Cider.

"Writer's block?"

"Hindi.Ang sabi ni Gladys ay hindi writer's block ang mayroon ako kundi insecurity," matamlay niyang sagot.

"Baka kulang ka lang sa inspirasyon," anito saka ngumiti. "Tsaka baka kulang ka lang sa kilig."

"Dati naman hindi ko kailangang kiligin para makapagsulat ng manuscript."

"Iyon na nga! Kulang ka sa kilig. Kaya ka nai-insecure dahil hindi pumasa ang manuscript mo 'diba?"

"Paano mo nalaman?"

"Nabasa ko kanina iyong nasa e-mail mo," anito saka ngumiwi.

"Tinakpan ko na, nabasa mo pa rin? Ano ba namang klaseng mata mayroon ka?" aniya saka nagbuntong-hininga.

"Pero hindi na naman importante iyon. Ang importante ay alam mo na ngayon kung bakit hindi pumapasa ang manuscript mo. Hindi ka kasi inspired. Paano mo maipapaliwanag ang nararamdaman ng mga characters mo sa nobela mo kung hindi mo naman iyon na-experience kahit kailan?"

Okay, may point din ito. Hindi na siya sumagot.

"Gusto mong kiligin?" tanong nito.

"O, sige, paano?" hamon niya rito.

"Teka lang," nakangiti nitong sabi at saka tumayo. May binili ito sa tindahan pero hindi niya naintindihan kung ano dahil ibinulong nito iyon sa tindera. Pagharap nito sa kanya ay may hawak na itong sachet ng Knorr Sinigang Mix at iniabot sa kanya. "O 'yan, pampakilig," anito saka tumawa.

Tinignan niya ito ng masama ngunit ang loko-loko ay ginaya pa ang commercial ng naturang product."Asim-kilig!" anito saka nagkunwaring naaasiman.

"Ang corny mo!" aniya saka ibinato rito ang sinigang mix. "Diyan ka na, Cider. Maghanap ka ng mais! Bagay iyon sa'yo."

Ngunit habang naglalakad na siya pauwi ay hindi niya maiwasang mapangiti. Fine, na-appreciate niya ang ka-corny-han nito. At least he tried to make her smile. Isa pa, may point ito. Baka talagang pinagtagpo sila para ipa-realize nito sa kanya kung ano ang kulang at kung ano ang dapat niyang gawin.

"Hey!" narinig niya mula sa kanyang likuran. Hinabol pala siya ni Cider. "Ano iyon?" tanong niya rito.

"Dalhin mo na 'to," anito na iniaabot na naman sa kanya ang sinigang mix. "Para kaya 'to sa'yo."

"Aanhin ko naman iyan?"

"Ah, ihahalo mo sa sinigang?" nang-iinis na sabi nito.

"Hindi ako marunong magluto ng sinigang. Itabi mo na lang iyan, baka ikaw ang mahilig sa sinigang."

"Huwag ka ng makulit. Dalhin mo na iyan. Sinigang ang ulam namin kanina, 'pag nakita ng nanay kong may bitbit akong sinigang mix, baka sinigang ulit ang lutuin niyon mamayang gabi," anito saka hinawakan ang kamay niya ay inilagay sa palad niya ang sinigang mix.

Saglit siyang natigilan sa ginawa nito. Alam niyang hindi niya dapat bigyang malisya ang kaunting sandaling dumaiti ang balat nito sa kanya ngunit parang siyang tangang nakakaramdam ng malisya.

"Bahala ka. Sige na, akin na 'to," sabi na lang niya saka tumalikod. Itatabi na lang niya sa kwarto niya iyon para maalala ang payo ni Cider.

"See you around, Chrissa," sabi pa nito kahit papalayo na siya. Nang lingunin niya ito ay nakatalikod na rin ito at naglalakad palayo. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Ang cute talaga ni Cider, pinipigilan niya lang ang sariling kurutin ang pisngi ito habang magkaharap sila.

BINILANG ni Chrissa ang pera sa wallet niya. Hindi na iyon lalagpas ng sampung libo. Kinakabahan na siya sa totoo lang. Masaya nga siya na wala na siya sa poder ng mga kapatid niya ngunit parang babalik din siya roon kapag naubos na ang pera niya. Ngunit kaya ba iyon ng pride niya?

Hindi. Hindi ako babalik sa amin. Kaya ko 'to!

Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang laptop niya. May kailangan siyang patunayan sa sarili niya at sa mga kapatid niya. Kailangan niyang ipakita sa mga itong kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa at hindi niya kailangan ang mga ito para mabuhay. Life with them was not even life at all anyway.

Ito na ang buhay na gusto niya, ang malayo sa mga ito. Ang malayo sa mga taong lagi na lang siyang minamaliit. Kaya kahit na ano ang mangyari ay pagsisikapan niyang mabuhay ng mag-isa. Hindi na kaso kung naghihirap siya, kaya niya iyong tiisin. Walang problema sa pagtitipid dahil hindi naman siya nabuhay ng maluho kahit dati. Hindi siya mahilig sa mamahaling damit, sapatos o bag tulad ng mga kasing-edad niya. Sa libro lang ay masaya na siya. Nagkakaroon lang siya ng mamahaling gamit noon kapag binibilhan siya ng mga magulang niya.

She started writing. Kahit papaano ay may nasimulan siya. Nag-focus lang siya sa sinigang mix na nasa tabi niya. Sa tuwing naaalala niya ang nagbigay niyon sa kanya ay natutuwa siya, napapangiting mag-isa at nakakapag-isip ng eksena. Nakukulangan pa rin siya sa mga eksenang naisusulat niya ngunit hindi hamak na mas maayos iyon kumpara sa mga dati na niyang nagawa.

Nang makatapos siya ng isang chapter ay lumabas siya ng kwarto. "Buti naman at lumabas ka na, Chrissa," ani Gladys sa kanya.

"Bakit?"

"Kakain na tayo," anito saka siya hinila palabas."Libre raw ni Anne.May sasabihin daw kasi siya sa'tin."

Nagpatianod siya sa mga housemates. Sa carinderia ni Aling Yolly sila bumagsak. "Sinigang ang akin," aniya kay Anne nang magtanong ito kung ano ang gusto niya.

Maya-maya pa ay sabay-sabay na silang kumakain. "Ano'ng meron, Anne?" tanong ni Brianna.

"Wala naman," ani Anne.Kapuna-puna ang pagiging matamlay nito.

"May sakit ka ba? Nanlilibre ka na lang basta," nakangiting sabi naman ni Gladys.

Maya-maya pa ay nagbuntong-hininga si Anne. "Okay, gusto ko kasing sabihin sa inyong pina-process na ang mga papeles ko papuntang Canada," anito na bumigla sa lahat, maging sa kanya. Wala agad nag-react. Ang lahat ay tahimik lang na para bang ineestima kung seryoso si Anne o isa lang iyon sa mga biro nito.

"Nagdyo-joke ka lang 'diba?" tanong ni Eunice rito.

"No," ani Anne na sinamahan pa ng pag-iling. Seryoso ito. "I'm just waiting for my visa."

"Bakit?"

"May problema ba?"

"Si Max ba?"

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'min?"

Sabay-sabay na tanong ng mga housemates niya. Nakatingin lang si Anne sa kanila, marahil ay hindi nito alam kung ano ang unang sasagutin.

"Bakit? Dahil matagal na naman iyong kasali sa plano ng pamilya ko na nasa Canada. Ang problema?Malaking family problem. Si Max? No, wala siyang kinalaman dito. It's me. Bakit ngayon lang? Nabigla lang din kasi ako, akala ko makakapagdahilan pa rin ako sa kanila this time pero hindi na pala. Hindi ko rin sila puwedeng pabayaan sa sitwasyon nila ngayon. Pasensya na, girls. Pero pangako, pagbalik ko, sa inyo agad ako pupunta," paliwanag ni Anne.

"Paano si Max?" tanong ni Arriane.

"Akala ko maiintindihan niya pero hindi, eh. Ewan ko. Basta hindi kami okay ngayon pero umaasa pa rin akong bago ako umalis ay maayos na kami. Kahit hindi na kami magkabalikan, basta hindi rin siya galit sa'kin."

Matapos nilang kumain ay bumalik din agad sila sa boarding house. Ramdam niya ang lungkot ng lahat.Minabuti na lang niyang lumabas ng bahay dahil ayaw niya ng ganoong lungkot. Nagtungo siyang muli sa tindahan at bumili ng Chippy. Naupo siya sa gilid at doon nagmuni-muni.

Oo na, aaminin na niyang baka mamataan niya roon si Cider. Sa tuwing nakikita kasi niya ito ay may tuwang bumabalot sa sistema niya. Hindi lang siya natutuwa rito dahil corny ito o ano pa man. It was just that his mere prescence is happiness for her. Hindi nga rin niya kayang ipaliwanag iyon.Basta para siyang naglilihi at gusto niya itong palaging nakikita.

At hindi nga nagtagal ay namataan niya ang hinihintay. "Ikaw na naman," anito na nakangiti agad pagkakita sa kanya.

"Parang sawang-sawa ka na agad sa mukha ko, ah," sabi niya rito.

"Hindi naman, grabe ka.Sandali, ha?" Lumapit ito sa harap ng tindahan. "Rita, pabili nga ng Milo."

"Ang laki-laki mo na nagma-milo ka pa," biro niya rito.

"Bakit?Bawal ba iyon?"

"Sinabi ko ba?" panonopla niya rito.

"Bakit pala mag-isa ka na naman dito?"

"Bakit?Bawal ba iyon?" panggagaya niya rito.

"Sinabi ko ba?" panggagaya rin nito sa kanya.

"Ewan ko sa'yo," napapailing na sabi na lang niya.

"May problema ka ulit?"

"Hindi naman," sagot niya. "Medyo malungkot lang ang ambience sa bahay dahil aalis na si Anne. Pupunta siya ng Canada, naghihintay na lang daw ng visa. Hindi pa kami matagal na magkakilala pero siyempre kaibigan na rin ang turing ko sa kanya."

Imbes na sumagot ay tumayo si Cider at may binili sa tindahan. Pagbalik ay iniabot nito sa kanya ang isang sachet ng Beam toothpaste. "Ano na naman ito? Mabaho ba ang hininga ko?" naiinis na tanong niya rito.

"B-E-A-M means smile. Smile kami 'pag Beam. Beam na Beam, ngiti'y protektado. Panalo sa presyo. Panalo 'pag Beam!" pagkanta nito sa commercial jingle ng toothpaste.

"Baliw ka yata talaga, eh," natatawang sabi niya rito.

"Hindi naman. Smile ka na. Aalis lang si Anne pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na kayo magkikita ulit. Come on, uso na ang Skype ngayon. May Facebook din, Viber, Tango, Kakaotalk at kung anu-ano pa. You won't miss each other that much. Cheer up, Chrissa."

Ngumiti siya, sabi na nga ba niya at kaya nitong pawiin ang lungkot na nararamdaman niya. "Salamat dito," aniya saka tumayo. Pinagpag niya ang puwitan ng shorts niya. "Itimpla mo na 'yang Milo mo, baby boy." Binelatan niya pa ang lalaki bago niya ito iwan sa tindahan.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

695K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
161K 8.9K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.9K 2.2K 20
Duke & Izza