In Other Words, I Love You

In Other Words, I Love You

81.1K Reads 1K Votes 10 Part Story
Andie Hizon By AndieHizon Updated Jun 22, 2019

"May mga bagay pala na hindi mo kayang pigilan o kontrolin, like how much I am attracted to you."

Nilayasan ni Chrissa ang kanyang mga kapatid kaya siya napadpad sa Alba's, isang boardinghouse na para lamang sa kababaihan. Doon siya nakatagpo ng mga kaibigan, ng kausap, at ng karamay. Doon din siya nakatagpo ng love life sa katauhan ni Cider San Miguel, anak ng barangay captain sa lugar na iyon. Mabuting tao si Cider. Sa bawat araw na nakakasama niya ang lalaki ay nasiguro na niya iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit mabilis na nahulog ang loob niya rito. Ngunit may iba pala itong hinihintay at siyempre, hindi siya iyon. He was still waiting for his missing girlfriend. Nang sabihin ni Cider kay Chrissa na maghintay siya hanggang sa kaya na nitong magmahal muli ay buong puso niya iyong tinanggap. Kaya lang ay bumalik sa eksena si Elaine, ang girlfriend ni Cider. Iyon na ang cue ni Chrissa para um-exit, and so she did. And to save her bruised ego, she told him she already had a fiancé. Bago man lang durugin ni Cider ang puso niya ay uunahan na niya ito. Hahayaan kaya ni Cider na mag-end ang hindi pa man nagsisimulang relasyon nila?