Chapter 2

9.4K 120 6
                                    

"RETURNED na naman," pabulong na sabi ni Chrissa sa sarili nang mabasa ang resulta ng huling manuscript na ipinasa niya. Napabuntong-hininga na lang siya. Halos isang buwan niyang pinaghirapan ang manuscript na iyon pagkatapos ay ibabalik lang sa kanya.

Nais na sana niyang sumigaw at mag-emote ngunit baka pagkamalan siyang baliw ng ilan pang customers sa computer shop ni Cider. Excited pa man din siyang magbukas ng e-mail pagkatapos ay madi-disappoint lang siya.

Pero ano pa ba ang magagawa niya? Kapag hindi pumasa ang manuscript, 'edi magsulat ng panibagong manuscript. Pero mas madaling sabihin iyon kaysa gawin. She sighed again. Kapag hindi pa pumasa ang mga susunod niyang manuscript ay paano na? Paano na ang pangggastos niya araw-araw, ang pang-upa sa boarding house? No, relax, Chrissa. Relax ka lang...

Pero hindi niya yata kayang mag-relax, naiiyak na siya. Hindi na talaga niya alam kung ano pa ang gagawin niya sa sarili. Sinusubukan naman niyang ayusin ang pagsusulat ng manuscript pero parang wala rin.

Isinubsob niya ang mukha sa kanyang kamay. She felt helpless. Pinagti-trip-an ba talaga siya ng mundo? Bakit naman kung magbigay ito ng kamalasan sa kanya ay sunod-sunod?

"Chrissa, okay ka lang?" anang isang tinig sa likod niya.

Nag-angat siya ng tingin, muntik siyang mapanganga nang makita ang mukha ni Cider. Mas gwapo pala ito kapag sobrang lapit. "O-oo," kandautal niyang sagot.

Napatingin ito sa monitor ng computer at agad niya iyong tinakpan ng kamay niya. "Okay lang ako, promise," aniya rito. Nakakahiya kapag nakita pa nitong palpak siya sa trabaho niya.

"Okay. Sige." Umalis na si Cider sa tabi niya ngunit tila naiwan sa ilong niya ang amoy nito. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pag-e-emote. Minabuti na lang niyang i-log off ang e-mail account niya. Uuwi na lang siya. At least doon ay walang distraction sa pagiging emotera niya. "Magkano?" tanong niya kay Cider.

"Libre na lang," anito saka ngumiti.

"Huwag mo ng palubagin ang loob ko. Okay lang naman ako, eh," giit niya.

"Libre na nga."

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Ganoon talaga ako sa mga bagong kakilala.Sa susunod, sisingilin na kita," sabi pa nito.

Ayaw man niya ay kinilig siya. Alam niyang hindi naman siya kagandahan kaya hindi na siya nag-inarte pa. "Okay, salamat. Una na ako," paalam niya rito.

"Ingat," nakangiti lang nitong wika saka ibinalik ang mga mata sa harap ng monitor nito. Marahil ay naglalaro ito kaya mahirap istorbohin. Pag-uwi niya sa boarding house ay agad niyang nilapitan si Gladys upang ikwento ang masamang balita.

"Okay lang 'yan. Sino ba ang hindi dumaan sa rejection?" balewalang sabi nito saka siya hinila sa dining table. "Magkape ka muna."

"Nakakabuwisit lang isipin na ipinagmamalaki kong pagsusulat lang ang gusto kong gawin sa buhay ko pero kahit sa aspetong iyon ay palpak ako. Baka tama nga ang mga readers, wala akong puwang sa pagsusulat ng nobela. Hindi talaga ako magaling, eh."

"Ano ka ba naman?Huwag mo ngang isipin iyan. Ang lahat ng tao ay may puwang sa pagsusulat. Kung hindi nila gusto ang mga libro mo, fine. Pero hindi ibig sabihin niyon na susuko ka na. There is always a room for improvement. At kung constructive criticism ang kailangan mo, sa mga editors ka lumapit. Sasabihin nila sa'yo kung ano ang mali, kung ano ang kulang o sobra sa maayos na paraan," payo ni Gladys.

In Other Words, I Love YouWhere stories live. Discover now