Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

1.2M 58.5K 28K

Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet... More

Ang Katapusan
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Author's Note

Kabanata VI

25K 1.1K 324
By Airosikin

ELIANA'S POV

"Hindi ka na nahiya, Eliana!" Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa aking ama.

Sa sobrang lakas ay halos umalingawngaw sa buong silid ang tunog nito. Natabingi rin ang aking pagmumukha sa kanan.

"Ganyan ka na lamang ba kauhaw sa atensyon kaya nagawa mo ang pagsakay sa Athenatoi kahit ipinagbabawal sa batas?!" Galit niyang sigaw sa akin saka iniamba ang kanang kamay.

Muli ko na naman naramdaman ang isang malakas na sampal dahilan para mapaupo na ako sa sakit. Nalasahan ko na rin ang dugo sa aking labi at naramdaman ko na ang hapdi na dulot nito. Pero kahit ganoon ay nanatili pa rin akong nakayuko. Hindi ako nag-aangat ng tingin sa kanya at wala akong balak tingnan siya. Nasusuka ako sa itsura ng aking Ama. Sa katangahan at pagbubulagbulagan niya.

"Dinamay mo pa ang kapatid mo para lamang makaagaw ng atensyon?! Paano kung nasaktan siya?! Paano kung siya ang nanganib ang buhay?! Ano ang gagawin mo, Eliana?!" Akmang sasampalin na naman niya ako ng may biglang magsalita sa tabi ng hari.

"Tama na iyan, Ama. Kagagaling lamang ng aking kapatid sa sakit kaya hindi makakabuti sa kanya ang pagbuhatan ng kamay." Tinig ng isang malamig na boses na nagmumula sa harapan.

Pasiring naman akong nag-angat ng paningin sa nag-salita at halos mapangisi ako ng nakakaloko ng makilala kung sino ito.

Ang kapal ng pagmumukha ni Daewon sabihin ang mga katagang iyan. Hindi na siya nahiya. Siya dapat dumadanas ng bigat ng kamay ng hari na ito at hindi ako. Pero nagagawa niya pang magmalinis ngayon. At sa ganitong oras niya pa naalala na kagagaling ko lamang sa sakit pero noong naglalaban kami sa himpapawid ay halos patayin na niya ako. Kalokohan!

"Ano ba ang sinasabi mo aking anak! Nararapat lamang na maparusahan ang batang iyan kaya huwag kang mangialam sa pagdisiplina ng iyong ama!" Galit na sita sa kanya ni Sunniva na masama na ang pagkakatingin sa anak.

Napakagat labi naman si Caitrionna dahil sa pangingialam ng kanyang kapatid. Naaayon na ang kanilang plano pero mukhang ipinapahamak sila ngayon ng sarili nilang dugo. Nakakatawa talaga silang mag-anak.

"Kung gayon ano dapat ang gawin kong pagdisiplina sa iyong kapatid, Daewon? Sa pagkakatanda ko ay isa ka sa mga sangkot sa ginawang kalokohan ni Eliana kaya mukhang mabibigyan mo ako ng karampatang parusa para sa kanya."

Tumalikod sa akin ang Hari para lingunin ang anak niyang nakaupo katabi ng kanyang trono. Kumpleto ngayon ang pamilya ko maliban sa mga kapatid ko na nasa akademya. Bakas sa kanila ang tuwa na muli na naman akong ipinapahiya ng butihin nilang haligi. Sina Ellionoir at Elidi naman ay puno ng pag-aalala ang kanilang mga mata.

Muli kong nilingon si Daewon na blangkong nakatitig sa akin. Palihim naman akong napaismid. Sangkot? Sangkot lamang ba ang magaling na lalaking iyan? Palibhasa ay hindi siya magpakalalaki para akuin ang kasalanan na sila ni Caitriona ang may sala.

Matapos akong puluputan ng aking ama ng tubig kanina ay agad niya akong idiniretso sa hukuman para ganituhin.

Binaliktad naman ni Caitrionna ang kuwento at ako ang ginawang may sala. Ako ang nag-aya ng laro, ang nagpumilit sumakay sa Athenatoi, at ang nagbanta sa buhay ng aking kapatid gamit ng palaso. Lahat ng kuwento ay iniba at itinuro sa akin. Pero mas lalo akong nadismaya ng paniwalaan ito ng bulag na hari. Maaari rin namang hindi talaga siya bulag kundi ay nakikiayon din siya sa pag-sira sa aking buhay.

Tumikhim ang hari para kuhain muli ang atensyon ni Daewon na nakikipagsukatan ng sama ng tingin sa akin. Kumurap siya ng tatlong beses bago inilipat ang tingin sa hari na naghihintay na sagot.

"Ikulong niyo na lamang siya sa kanyang silid aking ama. Ikandado ang pinto at siguraduhing hindi siya makalalabas dito sa loob ng dalawang  linggo. Kailangan niyang pag-isipan ang mga ginawa niya at humingi ng tawad sa madla at aminin ang kanyang mga kamalian." Buo at seryoso ang boses ni Daewon habang sinasambit ang bawat salita na iyan.

Hindi man siya direktang nakatingin sa akin pero alam kong sinasamaan na rin ako nito ng tingin. Ilang segundong nangibabaw ang katahimikan sa aming lahat bago umalingawngaw ang matinis na boses ni Suvinna.

"Napakababaw naman ng ipapataw mo sa kanyang parusa aking anak?! Hindi ba nararapat sa kanya ay limampung hataw ng latigo at pagkakakulong sa bilangguan ng isang buwan ng walang pagkain o inumin?! Nilabag niya ang batas na ipinatupad ng hari Elior!" Halos mamula sa galit at pamimilit si Suvinna.

Hindi niya ata matanggap ang parusa na pinapataw sa akin ng anak niya. Halata talaga sa babaeng ito na gagawin ang lahat malagutan lamang ako ng hininga dahil sa limampung hataw pa lang ng latigo ay tiyak na bibigay na ang katawan ko. Ano pa kaya ang gutumin ako ng isang buwan?!

"Pero Ina, isang prinsesa si Eliana. Ang kaparusahan na iyon ay para lamang sa mga ordinaryong mamamayan na gumawa ng malaking kasalanan!" Sagot naman sa kanya ni Daewon bagama't nananatiling kalmado ay bakas sa pagmumukha niya ang pamumutla marahil ay sinasagot sagot na niya ang kanyang mahal na ina.

Naikuyom naman ni Sunniva ang mga palad saka marahas na tumayo. Pinapanood lamang namin siya gumawa ng eksena tutal iyon naman palagi ang gusto niya.

"Hayaan mo ang mahal na Hari ang magpataw ng huling desisyon!" Gigil na sigaw ni Sunniva sa anak saka pairap na inalis ang tingin dito at bumaling sa hari.

"Aking asawa, pakinggan mo ang suhestiyon kong kaparusahan. Hindi ba't malaking kasalanan ang paglabag sa mga batas ng Elior at isa na doon ang ginawa ni Eliana! Nararapat lamang na tanggapin niya ang kaparusahan na tinatanggap ng mga ordinaryong mamamayan pagka't isang walang kuwentang anak lamang siya ng hamak na si Elaine na walang kapangyarihan!" Halos mapatid ang ugat niya sa leeg sa sobrang lakas ng kanyang sigaw na umalingawngaw sa buong silid.

"Manahimik ka!" Galit na galit na sigaw ng Hari at nanlaki pa ang boses nito na animo'y sinaniban ng kung ano.

Halos tumilapon ako ng biglang umusbong ang malalaking alon mula sa likod ng hari. Animo'y galit na galit ito at napakatayog. Nagulat lahat maski ako sa ginawang pagsigaw ng hari na umalingawngaw sa buong silid at ang biglaang pag-usbong ng mga naglalakihang alon. Napaatras naman si Sunniva sa pagkabigla at nanigas na lamang sa kanyang kinatatayuan.

Saglit kong sinilip ang mukha ng hari at kinilabutan ako ng makitang galit talaga ito. Masama ang pagkakatingin niya kay Sunniva at nakakakilabot ang nanlilisik niyang asul na mga mata na umiilaw ng matingkad. Anong nangyari sa haring palaging kalmado? Nakapagpagalit ba sa kanya ang ginawang pagsigaw ni Sunniva o ang marinig ang pangalan ni Elaine? Pero bakit ganito na lamang ang reaksyon niya dito?

"H...Huminahon ka ama!" Napatayo na lamang si Daewon sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkabigla.

Maging ang mga reyna at ang mga prinsesa ay napasigaw na lamang sa takot. Ilang segundo pang namalagi ang matatayog na alon bago ito mawala ng dahan-dahan. Bumabalik na rin sa dati ang mata ng hari at unti-unti nang kumakalma ang kanyang mukha pero madilim pa rin ito at nakakakilabot.

"P...Patawarin mo ang aking kapangasahan aking asawa." Nanginginig na sambit ni Sunniva saka marahang yumuko sa hari.

Hindi naman siya pinansin nito. Sa halip ay napapikit na lamang ang hari at napahawak sa kanyang sentido. Naiwan naman akong nakatanga sa kanilang lahat. Limot ko na halos ang hapdi ng sugat sa aking labi dahil sa tagal din nila akong binalewala. Ako ang nasasakdal pero parang sila-sila na lang ang nag-aaway-away.

"Ang magiging kaparusahan ni Eliana ay ang suhestyon ng aking anak na si Daewon." Mahina ngunit malamig na sambit ng hari habang nakapikit pa rin at hawak ang kanyang sentido.

Tahimik lamang ang lahat at nakamasid sa hari na naglakad na pabalik sa kanyang trono at muling naupo dito.

"Dalawang linggong ikukulong ang Prinsesa sa kanyang silid. Hindi maaari ang mga bisita kahit ang kanyang mga tagapagsilbi. Bubuksan lamang ang silid kapag dadalhin na ang pagkain at inumin ng prinsesa. Ialis niyo na siya dito." Bakas ang pagod sa boses ng hari nang sambitin niya ang hatol sa akin.

Napabuntung-hininga na lamang ako saka blangkong tumitig sa kanya na nakapikit na. Inilibot ko naman ang paningin ko at kita ko kina Sunniva at Caitrionna ang pagkadisgusto sa naging mababaw na hatol sa akin ng hari. Nginisihan ko naman sila ng nakakaloko bago inirapan.

Lumapit sa akin ang dalawang kawal para ihatid ako pabalik sa aking silid pero bago pa man ako tuluyang tumalikod ay binaling ko ang aking atensyon kay Daewon na blangko lamang nakatingin sa kawalan.

"Kung akala mo ay magpapasalamat ako sa isinuhestiyon mong hatol puwes nagkakamali ka. Hindi mababawi ng iyong hatol ang kasinungalingan at kaduwagan na nagluklok sa akin dito." Malamig kong pahayag sa kanya saka pairap na inalis ang aking tingin.

Nagulat naman siya sa sinabi ko pero hindi na rin siya nakapagsalita pa. Ano pa ang sasabihin niya? Mahiya naman siya kung magagawa niya pa sagutin ang mga binitawan kong salita.

Tinalikuran ko na sila at hindi na ako nag-abalang yumuko pa. Hindi ko nais yukuan ngayon ang hari at ang mga taong tabingi ang paniniwala.

Mataas na ang sikat ng araw kaya napagdesisyunan ng dalawang binata na mag-sanay sa malawak na espasyo ng palasyo. Hawak nila parehas ang espada na gawa sa metal at may napakagandang disenyo na nababagay lamang sa mga dugong-bughaw.

Iwinasiwas ito ng isang lalaki upang maramdaman ang pagiging swabe ng espada sa kamay. Napangiti naman siya ng mapagtantong napakagaan nito sa kamay at napakaganda gamitin pang-laban.

"Simulan na natin, mahal na prinsipe!" Masiglang sigaw ng isa pang lalaki habang nakaporma na ito ng maayos at papasugod sa kanyang kalaban.

Nawala naman ang ngisi nito sa labi at agad ito napalitan ng seryosong ekspresyon. Naunang sumugod ang lalaking naghamon. Iwinasiwas niya ang kanyang espada sa kalaban pero agad din ito nailagan ng lalaki saka iniamba ang espada sa isa. Nagpatuloy ang kanilang labanan na tumagal lamang ng halos sampung minuto hanggang sa napatumba na ng isa ang nag-aya.

"Wala ka pa rin kupas, mahal na prinsipe! Nararapat ka lamang talaga maging hari ng iyong nasasakupan." Natatawang bati nito sa kausap habang sinusubukang tumayo mula sa pagkakatumba nito sa semento.

Tinulungan naman siya ng lalaking nakalaban habang nakangisi na ito sa kanya.

"Magaling ka ring mandirigma, Estevan. Salamat at ginanahan ako sa araw na ito." Bati rin sa kanya ng lalaki saka inalis ang mabigat nitong proteksyon sa ulo.

Agad sumilay ang ginto at matingkad nitong buhok na pawis na pawis. Kinuha niya ang tuwalya at inumin sa tabi saka uminom dito bago magpunas sa pawisang mukha. Ibinuhos niya rin ang tubig sa kanyang mukha upang mapreskuhan.

"Nag-eensayo ka na naman aking anak?" Sabay naman naagaw ang kanilang atensyon ng may magsalita mula sa may pinto.

Agad ngumiti sa kanila ang bagong dating na babae saka naglakad palapit sa kanyang anak.

"Pagbati para sa mahal na reyna." Yumuko ang mandirigma para magbigay galang sa babae.

Magmula sa ginto at matingkad nitong napakahabang buhok, matangos na ilong, maliit na mukha, mapupungay na kulay berde na mga mata, at maputing kutis ay talagang kababakasan ito ng ganda na babagay sa isang reyna.

Tumango at ngumiti naman ang babae sa kawal saka muling ibinaling ang tingin sa lalaki na tinawag nitong anak.

"Napakalakas mo na aking, Anak pero nais mo pa rin humigit pa duon." Malamyos ang tinig ng reyna na napakasarap pakinggan.

Hinawakan naman niya ang pisngi ng anak saka marahang ngumiti dito.

"Hindi ba dapat ay nasa akademya ka ngayon dahil panahon na ng iyong pagbalik duon?" Marahan namang natawa sa kanya ang lalaki saka dahan-dahang inalis ang kamay ng ina sa pisngi.

Itinabi muna nito ang kanyang espada at ibinigay sa kawal na nasa tabi.

"Ngayong araw na lamang ang huling pamamalagi ko dito sa palasyo, Ina. Bukas ay kinakailangan ko na rin bumalik sa akademya." Mahinahong sagot ng lalaki na ikinangiti naman ng reyna.

"Kung gayon ay samahan mo ako mag-tsaa pagka't nasisiguro kong mangungulila na naman ako sa iyo kapag ika'y nasa akademya na. Kung sinu-sinong babae na naman ang aayain mong lumabas." Kunwari'y nagtatampong pahayag ng ina na mas lalong ikinatawa ng binata.

Sa isip niya ay kahit kailan talaga ay napakamatampuhin ng reyna kaya kinakailangan niya pa ito lambingin kahit papaano.

"Wala akong inilalabas na mga babae, ina. Wala akong panahon sa pagkakaroon ng kasintahan sa ngayon." Seryosong sambit ng lalaki saka iginiya ang ina palabas ng silid na kanyang pinag-eensayuhan.

Sinenyasan niya rin si Estevan na mauna na sa kanyang opisina at susunod na lamang siya. Tinanguan naman siya nito saka naglakad paalis.

"Pero alam mo naman na ipagkakasundo ka lamang ng iyong ama sa iba't ibang mga prinsesa kung hindi ka pa magkakaroon ng kasintahan ngayon." Nag-aalalang tugon ng kanyang Ina.

Mahal na mahal niya ang anak na lalaki at kahit papaano naman ay ayaw niya itong mamuhay sa kasal na walang pagmamahalan.

"Naiintindihan naman ako ni Ama. Mas nais ko munang matutunan pamahalaan ang ating nasusukapan bago ako magpakasal." Pagpapakalma ng lalaki sa kanyang ina na halata na ang pag-aalala para sa kanya.

Hindi naman nagmamadali ang kanyang ama kaya ayos lamang dito na gawin muna niya ang lahat ng kanyang nais. Kampante rin ang binata na darating ang pag-ibig sa kanya sa tamang panahon at pagkakataon.

"Hindi mo ba gusto ang Prinsesa sa Thaewyr? Sa pagkakaalam ko ay napakaagresibo ng babaeng iyon para sa iyo o di kaya ang prinsesa sa Umoewin na napakalambing na bata." Napailing na lamang tuloy ang binata sa mga sinasabi ng ina.

Halata dito na siya ang may nais nang mag-asawa ang kanyang anak dahil sabik na ito magka-apo. Iginiya na lamang niya ang ina papunta sa silid nito habang patuloy pa rin nagbabanggit ng mga prinsesa mula sa iba't ibang kaharian.

ELIANA'S POV

"Wala na bang ibang pagkain dito bukod sa isda at tuyot na dahon?!" Gigil kong sigaw sabay pabagsak na tinakpan ang pagkain na inihanda na naman para sa akin.

Nawalan na ako ng gana kumain. Kagabi ay ito rin ang aking hapunan. Maging nung isang araw, at nung nakaraang araw pa, sa apat na araw kong pamamalagi dito ay isda at tuyot na dahon na lamang ang palaging pinapakain sa akin! Nakakasawa na! Kulang na lang ata ay tubuan ako ng ugat dito o di kaya ay kaliskis kakakain nito.

"P...Pasensya na po, Mahal na Prinsesa pero ito lamang ang iniaabot sa amin sa kusina kapag tinatanong namin ang iyong pagkain. Ang sabi nila ay ito lamang daw po ang ibinibilin ni Reyna Sunniva." Dinig ko pang pagpapaumanhin nina Stella mula sa labas ng silid ko.

Naikuyom ko na lamang ang palad ko saka padabog na naglakad patungo sa may balkonahe. Kahit kailan talaga ang kasamaan ng pag-uugali ng Sunniva na iyan. Sukdulan talaga sa kaitiman ng budhi! Nakiusap na ako sa magaling niyang asawa pero siya na mismo ang nagmatigas. Nakakapanginig laman talaga dahil alam niyang hindi ako papaburan ng hari ngayon kahit anong pakikiusap pa ang aking gawin. Magsama-sama sila ng mga anak niyang masasama rin ang ugali pero mga duwag naman kapag oras na ng sakdalan!

Napasalampak na lamang tuloy ako sa tabi at sumimangot.

"Masisiraan na ata ako ng bait sa silid na ito." Napapabuntung hininga na lamang ako habang tinitingnan ang kabuuan ng aking silid.

Luma na halos lahat ng gamit na nandito maging ang kama pero maayos pa rin naman. Ito siguro ang isa sa pinakapangit na silid dito sa palasyo kaya ito ang ibinigay sa akin.

Nadako naman ang tingin ko sa tatlong aparador na nasa gilid. Dalawa dito ay puro lumang damit at lumang sapatos ang laman habang ang isa naman ay puro libro na nakasulat sa Ingles.

Nabasa ko na ang karamihan dito at puro tungkol lamang ito sa Cymopoleia at sa mundong kinalalagyan ko ngayon. Kuntento na rin naman ako na kahit papaano may natutuhan ako tungkol sa mundong ito at nakakabawas ang pagbabasa ko sa pagkabagot na aking nararamdaman.

Umayos ako ng pagkakaupo saka binuksan ang bintana ng aking balkonahe. Ipinagpapasalamat ko na lamang na hindi nila ikinandado ang mga bintana ko kung hindi ay baka tuluyan na ako nasiraan ng bait.

Agad sumalubong sa akin ang sariwang hangin na nagmumula sa labas. Tanaw ko dito ang napakaraming anyong tubig na nakapalibot sa kaharian. Naroon din ang bayan sa dulo at ang malawak na kapatagan kung saan nangyari ang labanan namin ni Daewon.

Bigla tuloy akong napahawak sa braso ko na nadiplasan ng pana. Wala na itong kababakasang kahit na anong sugat o peklat man lamang at napansin ko ito noong pumulupot sa akin ang mga lubid na gawa sa tubig mula sa aking Ama. Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam ng mga lubid na iyon at unti-unting pinagagaling ang mga sugat na nasa katawan ko.

Ganoon ba talaga ang kalakas ang kapangyarihan ng hari na ultimo sugat ay kayang pagalingin nito. Pero paano kaya niya nalaman na nandun kami? Hindi ko man lamang namalayan ang pagdating niya kaya nakakapanibago. Pero wala na akong pakialam sa bagay na iyon dahil naiinis pa rin ako sa pesteng haring iyon.

Ang sabi pa naman nila ay maayos itong hari na malaki ang paninindigan ss hustisya pero sarili niyang anak ang nasakdal ay binigyan niya ng kaparusahan kahit hindi ko naman buong kasalanan! Nakakainis!

Muli na naman akong napabuntung hininga ng inalis ko sa aking sistema ang isipin na iyon. Walang gana ko na lamang tinanaw ang bayan na buhay na buhay dahil mayroong nakaiindak na tunog na nagmumula dito. Tanaw ko rin ang mga makukulay na banderitas na animo'y may piyesta kaya lalo tuloy akong nainggit.

"Buwisit! Kailangan ko na talaga umalis man lamang sa silid na ito!" Naiinip kong sigaw sabay kamot pa sa aking ulo.

Napapikit na lamang ako sa inis saka dinama muli ang lamig ng simoy ng hangin. Hinayaan kong tangayin nito ang mahaba kong buhok na nakapagbigay sa akin ng kakaunting kapreskuhan.

Sa mga panahong ito ay naiisip ko na lamang na kung may kapangyarihan din ako tulad ng mga nakakabuwisit kong mga kapatid ay hindi na sana ako naiinip ng ganito. Baka sa mga oras na ito ay nakatakas na ako at nakikisaya na rin sa bayan. Saglit pa akong nagisip hanggang sa may magandang ideya ang pumasok sa akin.

Napangisi na lamang tuloy ako habang binubuo ang plano sa aking isipan. Hindi man ako biniyayaan ng kapangyarihan pero puno naman ako ng talino at kakayahan lumaban kaya nasisiguro kong makakaalis ako ng palasyo ngayon.

Tatlong oras ko pang inabala ang akimg sarili sa pagbabasa bago dumating ang pinakahihintay kong oras. Saktong alas dose ay nakarinig ako ng marahan na katok sa aking pinto hudyat na nandito na naman ang isda at tuyot na dahon na pananghalian.

Dali-dali akong tumayo habang hawak ang aking makapal na libro saka lumapit sa tagasilbi na may dala ng aking pagkain. Hindi sina Stella at Leandra ang naghahatid sa akin ng pagkain ko pero sila ang nagpapaalala nito sa kusina. Tiningnan naman ako ng tagasilbi na mukhang mataray.

"Nandito na po ang iyong pananghalian. Iiwan ko na lamang ito dito at babalikan muli mamaya." Masungit niyang pahayag na hindi man lamang nagbigay galang sa akin.

Inilapag niya ito sa lamesa malapit sa aking kama saka naglakad na palabas pero agad din siyang napahinto ng bigla ko siyang harangan at nginisihan ng nakakaloko.

"Ano pang kailangan ni--" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang hampasin sa ulo ng dala kong makapal na libro.

Agad naman siyang nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakahampas ko. Napangiti naman ako sa naging resulta kaya agad ko na siyang binuhat at inilagay sa gilid ng aking kama.

"Leandra! Stella!" Tinawag ko silang dalawa na palagi lamang naghihintay sa labas ng silid ko.

Agad naman sila pumasok sa aking silid at sabay pa silang napasigaw ng makita ang tagasilbi na wala nang malay.

"Ano ang nangyari kay Isadora, Mahal na Prinsesa!" Tili ni Stella na halos marinig na ata sa buong kaharian kaya agad kong tinakpan ang kanyang bibig.

"Tumahimik ka Stella kung hindi ay puputulin ko yang dila mo!" Madiin kong bulong sa kanya habang pinandidilatan siya ng mga mata.

Natakot naman siya sa akin kaya sunod sunod siyang tumango. Binitiwan ko na rin siya saka pinameywanganan silang dalawa.

"Ako ang may gawa niyan kay Isadora." Nagulat naman sila sa pag-amin ko at napatakip na lamang ng mga bibig.

Naluluha na sila parehas sa pag-aakalang patay na si Isadora kaya napairap na lamang ako sa katangahan ng dalawa kong tagasilbi.

"Huwag niyo nang balakin umiyak dahil hindi ko pinatay si Isadora. Nakatulog lamang siya dulot ng malakas na pagkakapukpok ko gamit ng librong ito." Pinakita ko pa ang libro na ginamit ko pamukpok at napaatras naman sila palayo dito at bahagyang napalunok.

Gusto ko tuloy matawa sa itsura nila na akala mo'y naging mamamatay tao na ang kanilang prinsesa.

"B...Bakit mo naman ginawa iyon, Mahal na Prinsesa?! Baka makasuhan at maparusahan ka na naman ng Mahal na Hari!" Mangiyak-ngiyak na sita sa akin ni Stella na muli ko na namang ikinairap.

Kahit kailan talaga ay napakanerbyosa ng dalawang ito.

"Hindi niya ako mapaparusahan kung makikiayon kayo sa plano ko." Nakangisi kong pahayag sa kanila na ikinapagtaka naman nila.

Nagkatinginan pa silang dalawa saka ako tiningnan muli.

"A...Ano ba ang iyong pinaplano, prinsesa Eliana bago pa magising si Isadora at magsumbong kay Reyna Sunniva!" Natatarantang pahayag ni Leandra habang sinusundot-sundot pa si Isadora na ngayon ay tulog na tulog pa rin.

"Gusto kong pumunta ng bayan." Kaswal kong pahayag pero sabay pa silang natigilan saka mabilis na umiling.

"H...Hindi po puwede ang iyong nais, prinsesa Eliana. Hindi po ba ipinagbawal po ito ng hari kaya kapag nalaman niya ang iyong balak ay ba---" Hindi na natuloy ni Leandra ang kanyang sasabihin dahil pabagsak kong inilapag ang libro sa may lamesa.

Nakagawa ito ng malakas na tunog na naging hudyat ng pagtigil niya sa pagsasalita.

"Hindi niya malalaman kung susunduin ninyo ang aking plano." Nakangisi kong pahayag saka sila tinitigan ng mabuti.

Napalunok naman sila bigla sa sinabi ko at nag-aalangang tumingin sa akin.

Sinabi ko naman kina Leandra at Stella ang aking plano na pagtakas. Sapilitan nga lang ang ginawa ko sa kanila at katakot takot na pagbabanta bago sila nakiayon sa aking plano. Si Stella ang magpapanggap na ako habang ako ay nasa labas ng palasyo. Kinakailangan niya lamang suotin ang damit ko at maglagay ng balabal sa ulo saka humiga sa aking kama. Hindi naman ako tinitingnan ng kahit na sino kaya ayos lamang na makampante siya sa loob ng silid. Si Leandra naman ang magbabantay sa kanya sa labas at si Isadora naman ay ipinadala ko sa silid nito, iniupo sa upuan habang may hawak na libro para isipan na lamang niya na nakatulog siya.

"Babalik ako bago maghapunan dahil iyon lamang ang oras na binubuksan ang pintong iyan. Huwag kang mag-alala dahil ako na ang gagawa ng paraan para makapasok sa silid na ito." Nginisihan ko naman sila pareho saka iniayos ang pagkakasuot ng aking balabal.

Nanghiram din ako kay Stella ng damit na naaayon sa katulong upang hindi ako mapansin.

"M...Mahal na Prinsesa natatakot pa kami. Baka mapaano ka o di kaya'y tayo'y mahuli. Tiyak na kamatayan ang ating kaparusahan." Bakas kay Stella ang takot pero inirapan ko lamang siya saka umismid.

"Huwag kayong mangamba pagka't hindi ko hahayaang may mangyari sa inyo. Ako lang naman ang may karapatang tratuhin kayo ng masama." Mataray kong sagot sa kanila pero kita ko pang sumilay ang tipid na ngiti kay Leandra saka sila sabay na yumuko.

"Mag-iingat po kayo, Mahal na prinsesa. May tiwala kami sa iyo." Sabay nilang sambit pero hindi na ako sumagot at nagtuloy-tuloy na lamang sa paglalakad palabas ng malaimpyerno kong silid.

Nakarating si Eliana sa bayan matapos ang isang oras na paglabas sa palasyo. Nahirapan siyang takasan ang mga nagmamasid at nagbabantay na mga kawal.

Bahagya rin siyang naligaw sa napakalaking palasyo dahil kung saan-saan siya dumako upang makaiwas sa mga tagasilbi na baka mapansin siya at mautusan.

Nakangisi siyang naglakad tungo sa bayan na pinagmumulan ng malakas na musika. Namamangha niyang inilibot ang paningin dahil samu't saring paninda ang nakikita niya na hindi pamilyar sa mundo ni Yvonne noon. May mga batang nagtatakbuhan at nagtatawanan. Ang mga mamamayan ay nakangiti habang namimili ng mga kagamitan.


Ang mga tao ay mukha namang normal. Nakadamit halos lahat ng kababaihan ng bestida at ang mga kalalakihan naman ay ordinaryong pang-itaas lamang at kung saan sila kumportable.

Napalapit pa si Eliana sa kakaibang prutas na kulay asul, may mga nakakatakot itong ngipin na kayang tumagos sa balat ng tao.

"Magandang binibini, bili ka na ng aking prutas. Napakaganda nito sa kalusugan bagay na bagay sa magandang katulad mo." Napaayos naman ng balabal si Eliana dahil sa ginawang pagkausap sa kanya ng isang ale.

Mukhang ito ang nagtitinda ng mga kakaibang prutas at inaalok siya nito.

"Ano ang mga ito?" Mataray niyang tanong habang sinusubukan hawakan ang prutas pero inaambahan siya ng kagat nito.

Maliliit lamang ito at hindi mapigilan ni Eliana ang matuwa dito kahit na mukha itong nakakatakot.

"Melonidus ang tawag dito, Binibini. Napakabihira makahuli at makabenta ng mga ganito pagka't nangangain sila ng tao pero oras na mabuksan na sila ay tiyak na napakatamis ng kanilang lasa." Pang-aalok pa ng babae kay Eliana.

"Magkano?" Mataray ulit na tanong ni Eliana dito kaya agad nagningning ang mga mata ng tindera sa pag-aakalang makabebenta na siya.

"Sampung ginto lamang para sa napakagandang dilag! Ako pa ang maghihiwa at magbubukas para sa iyo!" Nakangiting bati ng tindera kay Eliana.

Saglit namang napatitig si Eliana sa babae dahilan para matingnan din niya ang mukha na nakakubli sa balabal. Namangha naman siya sa gandang taglay nito lalo na ang mga asul na mata ni Eliana na tanging mga dugong-bughaw lamang ang nakakukuha. Nasinagan din ng kaunti ang buhok nito kaya naisiguro niya na ginto ang buhok ng binibini. Saglit siyang natigilan dahil baka isang dugong bughaw na ang kanyang kausap pero kilala niya ang mga anak ng hari ng Cymopoleia kaya nagtataka siya kung sino ang binibining ito.

"Wala akong dalang salapi kaya hindi ako makabibili pero salamat." Kaswal na sagit ng dalaga saka ito mabilis na tumalikod at umalis.

Gustuhin man ni Eliana ang makabili ng kakaibang nilalang ay wala naman siyang kahit na ano. Hindi niya nga alam kung ano ang itsura ng pera sa mundong ito kaya wala na rin siyang ibang magagawa. Inayos na niya ang kanyang balabal saka naglakad palayo pero agad din siyang pinigilan ng Ale.

"A...Ah sandali lamang, patitikimin na lamang kita para bumalik ka rin sa akin sa susunod kapag may pambayad ka na." Nakangiti ang Ale habang titig na titig pa rin sa mukha ng dalaga.

Inaalala niya pa kung saan niya ito nakita at kung isa nga ba itong dugong bughaw.

"Hindi na. Hindi ako tumatanggap ng libre pagka't maaaring may kapalit ito. Muli, maraming salamat." Magalang na pahayag ni Eliana saka na tumuloy sa paglalakad paalis.

Tuloy-tuloy na lamang umalis si Eliana nang hindi man lamang nililingon ang ale. Naiwan naman itong gulat at nakanganga sa inasta ng estranghera. Ngayon lamang siya nakatagpo ng babaeng tumatanggi sa grasya. Matigas din ito magsalita na animo'y lalaki sa kabila ng maganda nitong pagmumukha.

Agad tinawag ng Ale ang kanyang asawa na abala sa pag-aayos ng kanilang mga paninda. Natigil naman ito sa ginagawa saka nilingon ang babae.

"Pablo, mayroon bang anak na babae ang hari na kulay ginto ang buhok?" Takang tanong niya sa asawa habang hinahanap ang estranghera na nawala na sa kanyang paningin.

Nangunot naman ang lalaki sa tanong nito saka ito muling nagpatuloy sa pag-aayos.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Sa pagkakatanda ko ay walang anak na babae na may gintong buhok ang hari." Pabalang na sagot nito sa asawa pero bigla rin siyang napaisip.

Meron nga bang anak na may gintong buhok ang hari ng Cymopoloeia? Sa pagkakaalam niya ay puro itim o tsokolate ang kulay ng buhok ng mga prinsesa.

"Teka, naalala ko kahapon sa kuwadra." Tuluyan nang napatigil ang lalaki sa ginagawa ng maalala ang magandang mukha ng babaeng kanyang iniisip.

Hindi niya makakalimutan ang prinsesang iyon na nagpamalas ng pambihirang galing.

"Ano iyon? Balita ko'y may naganap ngang kakaiba kahapon sa kuwadra pero iniutos ng hari na bawal itong makalabas." Pabulong na halos na sambit ng babae dahil baka may makarinig sa kanila na tauhan ng hari.

"Posible bang ang Prinsesa Eliana ang iyong tinutukoy na babae?" Inosente nitong tanong sa asawa dahilan para maging ang babae ay kumunot na lamang ang noo at hindi rin sigurado dito.

Continue Reading

You'll Also Like

66.6K 2.1K 45
(COMPLETED)✔ Have you ever wondered if someone is keeping a secret from you? Have you ever had a complicated life? Hetheria Academy, a school for pri...
216K 13.5K 55
Perpektong-perpekto ang buhay na mayroon ako, buhay na hinahangad ng ibang tao, kayamanan, kasikatan, nobyong walang hinangad kung hindi ang kaligaya...
1.2M 53.8K 87
[Villainess Series 01: Ellesmeere] One day, I got into an accident, remember my past and reincarnated in the novel as the villainess who got her bitt...
800K 51K 68
Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipino Genre: Fantasy | Romance | Action | R...