Fake Boyfriend

By summer_1956

13.9K 658 79

Elizabeth Santos life changed when Leigh Evans asked her to be his fake girlfriend. But what he didn't know... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty [Part 2]
Author's Note
SEASON 2

Chapter Nineteen

219 15 0
By summer_1956

Leigh's POV:

Napa mulat ako dahil sa ingay na naririnig ko. Puti ang lahat ng nakikita ko, so I guess I'm in the hospital.

Nakita ko si Ate Zelda na may kausap sa telepono "Sige po mom, bye" 

Wala nang ibang tao sa paligid, tinignan ko ang bintana at gabi na pala. Sinubukan kong bumangon pero sumakit yung tagiliran ko. 

"ARGH!"

Napalingon sa akin si Ate Zelda na nanlalaki ang kaniyang mga mata bago lumapit sa kin at pinahiga ako ulit.

"Ano bang ginagawa mo?!"

"Uupo?"

Nang hindi siya sumagot ay tinanong ko siya kung anong oras na. Ang sabi niya ay 10 pm na dw. Pumunta na din dito ang mga kaibigan ko kanina nung tulog pa ako.

"Okay ka na?" Nag aalala nitong tanong.

Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Si Elizabeth?" iwas ang tingin kong tanong sa kaniya.

"Ano?"

"Pumunta din ba siya dito?"

"Hindi eh"

Bakit naman hindi?! Tsk! Magpapasalamat lang ako sa kaniya!

Pano din ba yun natutong makipag laban? Pati humawak ng baril?

"Wag ka nang malungkot bunso, tatawagan ko nalang si--"

Naputol ang sasabihin ni ate nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha iyun ni ate sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Bigla nalang lumiwanag ang mukha niya at tumili.

"Yiieehh! Tumatawag siya bunso!"

Sinagot niya iyun habang naka tingin sa kin.

"Hello... Okay lang naman siya! Hihi... Oo nga eh, hinahanap ka... Sige, ibibigay ko lang sa kaniya"

Ibinigay na iyun sa akin ni ate.

"Hello?" umpisa ko.

[[Oh! Buhay ka pa pala HAHAHA!]]

Tsk!

[[Hoy!]]

"Ano?!-- ARAY!" inis na sigaw ko pero biglang sumakit ang tagiliran ko dahil sa sigaw na ginawa ko.

[[Sige sigaw ka pa... Pero kanina eh noh? Sinaksak ka na di ka pa humingi ng tulong sa kin. Tsk... Tsk... Tsk]]

"Ah so ganun?"

[[Anong ganun?]]

"Tumawag ka lang para mang asar?"

[[Luh! Abnormal ka! Inaasar ba kita?! Hindi ah!]]

"Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

[[Nangangamusta!]]

"Ang sweet mo naman mangamusta"

[[Thank you?]]

"Tsk! Bat di ka personal na pumunta dito?"

[[HAHAHA! Bakit? Miss mo na ako? Niceu niceu!]]

"Miss mo mukha mo!"

[[Asus! In denial ka pa! Hinahanap mo nga ako sabi ng ate mo eh HAHAHA!]]

Sinamaan ko ng tingin si ate na nanonood ng tv.

"Di yun totoo! Naniwala ka naman!" Napapikit ako dahil sumakit ulit ang tagiliran ko.

[[Asus! Okay lang yan, nasa ganyang stage din ako noon HAHAHA!]]

"Tsk! Matutulog na ako!"

[[Edi matulog ka! Pake ko?!]]

"Kinakausap mo pa naman ako eh pano ko ibababa? That will be rude""

[[Wow ah! Ako pa talaga kumakausap sa'yo!]]

"Tsk! Sino ba tumawag?"

[[A-ako...]] natahimik kaming dalawa ng bigla nalang siya tumawa. Abnormal talaga! Ano bang nakakatawa dun?

[[Lol! Tulog ka na pangit, tawagan nalang kita ulit para kamustahin]]

"Bat mo pa ako tatawagan? Pwede mo naman akong puntahan"

[[Yiieehh! HAHAHA! Nasa in denial stage ka pa nga talaga... Tsk... Tsk... Tsk...]]

"Manahimik ka"

[[Basta tawagan nalang kita ulit. Sige, goodnight]]

Bago pa ako makasagot ay pinatay na nito ang tawag. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kaniya. Tsk!

"Ate?" tawag ko sa kaniya.

"Hm?"

"Sino ang nag dala sa akin dito?"

"Yung mga kaibigan mo"

"Pati si Elizabeth?"

"Ata?"

Napatingin ako sa kaniya. Naka tingin pa rin siya sa tv habang kumakain ng apple.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Nasa labas lang siya ng hospital nakatayo, may kasama siyang isang babae at isang lalake na pinapakalma siya. Bago pa ako makalapit sa kanila ay umalis na sila"

Pinapakalma? Bakit? Ganun ba kalala yung nangyari sa kin?

Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko na pinapakalma si El. At alam kong si Karl at Angel ang mga nagpakalma sa kaniya.

Pumikit ako para matulog ulit pero nakikita ko ang mga nangyari kanina. Kung pano makipag laban si El. Kung pano siya makipag asaran sa mga lalake na walang halong takot. Yung pagpapatumba niya sa mga lalake. Kung gano siya kabilis. At lalo na kung pano siya humawak ng baril. Ang galing niya!

"Pano nalaman ni Mary Anne na dito?"

Nanumbalik sa isipan ko ang sinabi na iyun ni El. Anong pano nalaman ni Mary Anne na dito?

Alam ba ni Mary Anne na andun kami sa lugar na iyun? Alam ba niya na nabugbog kami-- ako lang pala?

Dahil sa pag iisip ay nakatulog ako.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa tunog ng phone. Inabot ko iyun sa side table ng hindi minumulat ang mga mata bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

[[Nagising ba kita?]] nagulat ako kung sino ang tumawag.

Si Mary Anne...

Hindi ko alam pero parang hindi siya ang ine-expect kong tatawag sa akin. Tinignan ko ang phone ko kung siya nga, hindi naman ako nagkamali kasi siya nga.

[[Andyan ka pa? Leigh?]]

"A-ahh... Oo"

Pano niya nalaman ang number ko? Pinalitan ko ang number ko nung nakipag break siya kasi itinapon niya ang sim ko nun.

[[Okay ka na ba?]]

"I'm fine"

[[Mabuti naman, I'm really worried about you]]

Bat ka naman mag wo-worry? You said you don't care about me anymore.

"T-thank you... Pano mo nga pala nakuha ang number ko?"

Naging tahimik ang kabilang linya. Chineck ko kung naka call pa pero naka call pa nga.

"Andyan ka pa?"

[[A-ah yes, binigay sa akin ni Elizabeth ang number mo kahapon]]

"Aahh... Tsk" bakit ba namimigay ng number si El?!

[[Be safe always]]

"Thank you... Ibababa ko na"

Matagal bago siya nakasagot [[Sige, bye]]

Hindi ko na siya sinagot pa at pinatay ko na ang tawag. 

"Gising ka na pala" napatingin ako kay Ate Zelda na bagong gising lang. Lumapit siya sa akin at inalalayan akong umupo.

"Gusto mo nang kumain?"

"I want to go out"

"No, you need to rest"

"Hindi naman ganun kalala yung nangyari sa akin eh"

Matagal bago siya makasagot "All right, pagpipilitan mo naman kung anong gusto mo eh"

Bibili dw muna si Ate Zelda ng pagkain. Bago pa niya mabuksan ang pintuan ay bumukas na ito at iniluwa si Zack, Josh at Matt na naka uniform.

"Yolow" sabay nilang bati sa akin.

"Yow"

"May dala kaming pagkain"

"Salamat"

Inilagay nila ang mga pagkain sa side table. Inayos muna iyun ni Ate bago niya ibinigay ang pagkain sa akin.

"Kamusta ka na bro?" tanong ni Matt.

"Okay lang naman"

"Malala ba?" -- Zack

"Hindi nga eh... Sino ba kasi nag sabi na idala ako sa hospital? Alam niyo naman na hindi ako pumupunta sa hospital"

"Sinabihan na namin si Elizabeth na wag na pero nag pumilit kaya dinala ka na namin dito" -- Josh

"Kasama din ba siya nung dinala ako dito?"

"Hindi" nagtataka akong napa tingin sa kaniya.

"Huh?"

"Tumigil siya nung nasa tapat na ng hospital tapos bigla nalang siya namutla at hirap huminga, sabi ni Karl ay mauna na kami kaya iniwan na namin sila dun"

Hindi na ako sumagot sa kanila at nag patuloy nalang ako sa pagkain ko. Nagpaalam na rin silang papasok na dahil baka ma late sila.

Pagkatapos nun ay pinainom na ako ng gamot at umuwi na kami. Hindi ko sinabi sa kanila na aalis na ako ng hospital at papasok mamaya. Para surprise ganun HAHA.

Pagkatapos kong magbihis ng uniform ay umalis na ako. Pag dating ko sa school ay sobrang tahimik. Ang aga naman mag start ng klase?

May mga nakikita akong ibang estudyanteng palakad lakad nung malapit na ako sa room namin.

Nang may nahagip ang paningin ko. Mga estudyanteng nag ku-kumpulan.

Lumapit ako dun para makita kung ano iyun. Nabigla ako sa nakita ko. And at the same time... hurt.

*******

Elizabeth's POV:

"Lei--"

Shit!

Nahuli ako ng dating. Nakita na ni Leigh.

Bigla nalang nag dilim ang mukha ni Leigh. Hinila ko siya paalis sa lugar na iyun. Di ko alam na papasok siya ngayon! Mabuti at nakita ko siya kanina sa labas. Tsk! Tama nga sila! Ang bagal ko talaga! Di ko kasi siya naabutan kanina.

Ngayon ay nasa ilalim kami ng puno. Walang tao dito ngayon.

"Bat ka pumasok ngayon? Di ka pa maga--"

"What was that?" seryoso ito.

"Hindi ko alam. But I assure you na hindi sila magkakatuluyan"

"Pano ma nasabi?" nabigla ako dahil sa naging cold ng tanong niya.

"Kasi nakikita ko pa rin na mahal ka pa niya"

Ngumisi siya na mas ikinabigla ko.

"I'm sure about that" nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako "Malapit nang maging kayo ulit... I'm really really sure about that"

Hindi pa rin siya umiimik kaya hinila ko siya sa braso niya papunta sa cafeteria.

"Let's start our plan... Di kasi tayo nakapag plano kung pano natin siya pag se-selosin"

Nag order ako ng chicken at sinigang na manok. Kanin at apple juice.

Umupo kami sa malapit na table nina Mary Anne. Tapos na pala yung palabas nila kanina. May nag propose kasi kanina sa kaniya. Yung lalakeng lagi niyang kasama.

Pero sa nakikita ko, tinanggihan niya iyun. Magkalayo sila ng tables eh. Nasa dulo ng canteen yung lalake at nasa unahan na katabi lang namin ng table si Mary Anne.

Tinignan ko si Leigh na naka tingin na rin pala sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay. 

Inumpisahan kong subuan siya ng manok at kanin. Ngumingiti ako ng peke na hindi halata na peke para di nila malaman na peke.

"Asan na mga kaibigan mo baby?"

"Nasa room, tapos na kasi kami kumain"

"Bat ka pa kumakain kung tapos ka nang kumain?"

"Kasi nga..." tumigil ako sa paghiwa ng chicken at hinarap siya "gusto ko lang"

Ngumisi naman siya "Anong gusto mo?" nilapit niya ang mukha niya sa akin "Yung sinasamahan mo ako or yung sinasamahan mo?"

Ngumisi din ako "Mas gusto ko yung manok" nilayo ko na siya sa kin.

Tsk! Abnormal!

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na kami. Hindi na ako nagulat nang akbayin ako ni Leigh. Kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya habang naglalakad kami.

And ofcourse. Madaming naka tingin sa amin, tusukin ko mga mata niyo eh!

"Kailangan na natin ng plano" bulong ko sa kaniya.

"Plano saan?"

"Kung pano natin siya pag se-selosin"

Nag isip muna siya bago sumagot sa kin. "No idea"

Tsk! Naging kayo tapos di mo alam kung ano mga pinag seselosan niya?!

Friday din pala ngayon. May pupuntahan ako bukas ng umaga. Maghahanap ako ng re-rentahan ng apartment na malapit lang sa school. Tas pupunta pa ako sa Manila kasi may aasikasuhin ako.

Nang marating namin ang room ay saktong pag pasok ng teacher.

Discuss lang ng discuss hanggang sa matapos na.

Sabay sabay kaming lahat na lumabas ng school. Pumunta na sila sa kaniyang kaniyang kotse, ako naman, nag hihintay ako ng jeep. Nasira kasi yung kotse ko kahapon.

"Bat ka pa nandyan?" hindi ko napansin na nasa likod ko pala si Karl kaya lumingon ako sa kaniya.

"Naghihintay ako ng jeep" cold kong sabi.

"Hindi mo dala kotse mo?"

"Duh? May nakita ka bang kotseng dala ko?"

Tumawa naman siya. Ano naman nakakatawa dun? Pasalamat ka at gusto kita. Yiieehh! Naiinis pa rin ako sa'yo pero nakakapanlambot ang mga ngiti mo. Ang marupok ko talaga!

"Hatid na kita"

"Wag na"

"Sige na, pupunta din ako sa inyo eh"

Taka ko naman siyang tinignan "Wae?"[[Why?]]

"Bibisitahin ko sina tita. And I heard that lola Emma is here"

"Fine" naka ngiti akong lumapit sa kotse niya. Sasakay na sana ako ng kotse niya nang biglang may humila sa akin.

"Sa akin ka sasabay"

"At bakit?" inis na singhal ko kay Leigh.

"May pag uusapan tayo" ano naman kaya yun?

Sinabihan ko nalang si Karl na hindi ako makakasabay sa kaniya. Kita nalang kami mamaya sa bahay.

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko kay Leigh nang maka sakay na kami sa kotse niya.

"May naalala lang kasi ako"

"Ano yun?" taka kong tanong. Ano kayang naalala neto?

"Yung nangyari kahapon--"

"Okay lang ba na mag drive ka na hindi pa magaling ang sugat mo?" putol ko sa sasabihin niya.

"Mas malala pa ang mga nangyari sa akin noon" mayabang nitong sagot. Ngumisi naman ako.

Mas malala yung akin...

"Pano mo natutunan humawak ng baril?" nagulat ako sa naging tanong niya.

"Huh?"

"Pano mo natutu--"

"I heard you" nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako "It's luck"

"Ang galing ng luck mo, asintado" sarkastiko nitong ani.

"Lapitin ako ng swerte, hindi ko kasalanan na lapitin ka ng malas"

"Saan mo pala nakuha yung baril?" nagulat ako ulit sa tanong niya.

"H-huh?"

"Saan mo naku--"

"Narinig kita" pag putol ko ulit sa sasabihin niya.

Sheyt!

Hindi ko naman pwedeng sabihin na may dala akong baril lagi! For safety purposes!

"Nakuha ko dun sa unang lalakeng napatumba ko" pagsisinungaling ko sa kaniya.

"Marunong ka pala makipag laban?"

"Hindi naman, mga basics lang yun. Gusto kong matutuo pa lalo sa pag hawak ng baril"

"I can teach you" prisinta nito.

"Wag na, nag tra-training naman ako sa pag hawak ng baril" binulong ko nalang sa sarili ko ang mga huling salitang binitawan ko "Tsaka busy ka sa pag ga-gang mo eh"

"They can teach you"

Taka ko naman siyang tinignan. Nasa daan lang ang kaniyang mga tingin "Who?"

"Yung mga gang mates ko"

"Ahh... Okay"

"Hindi ka takot?" gulat nitong tanong.

"Matatakot? Bakit naman?"

"Kasi mga gangster pupuntahan mo"

"Yung tatlo nga hindi ako takot yun pa kaya mga kasama mo"

"Hindi naman sa pagyayabang pero 2nd best gangster group ang amin"

"So?" mataray kong tanong "Basta dapat matuto ako ng paghawak ng baril sa madaling panahon" seryoso kong sabi sa kaniya.

Hindi na siya sumagot hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nakikita ko na rin si Karl sa labas ng kotse niya. Hindi ko napansin na naka ngiti pala ako habang naka tingin sa kaniya.

Bago ako makalabas ng kotse ay nagsalita si Leigh "Pwede ka ba bukas?"

"Para saan?"

"Isasama kita bukas para matutunan mo na ang paghawak ng baril"

"May pupuntahan kasi ako bukas eh"

"Samahan na kita?"

"Wag na"

"Mabilis lang naman yun diba?"

"Oo, pupunta lang naman ako sa Manila sa umaga then wala na akong gagawin pag hapon"

"Samahan na kita, wala ka pa namang kotse"

"Sige na nga" para makapag save din ako ng pera HAHA. 

"8 am sharp nandito ka na ah" habol ko pa sa kaniya. Ngumiti lang siya bilang sagot, kaya lumabas na ako ng kotse niya at nilapitan si Karl. Hinihintay niya pala ako... Yiieehh!!

Continue Reading

You'll Also Like

161K 6.4K 64
Allysa jade francisco Francisco series #1
42K 1.3K 120
This story is random of genre #ongoing Isang Hindi inaasahan ng dalwang taong pinag buklod ng landas ng tadhana ay magkikita magiging maganda Kaya A...
7.4M 207K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
17.1M 654K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...