Legend of Divine God [Vol 4:...

By GinoongOso

705K 48.9K 7.2K

June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY -- More

Legend of Divine God [Vol 4: Fate]
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
NOTE

Chapter I

18.1K 1K 147
By GinoongOso

Chapter I: New Things

Habang ang haring araw ay unti-unting sumisikat sa silangan, ang buong kalupaan ng Ancestral Continent ay unti-unti na ring nababalutan ng liwanag ng sikat ng araw.

Isa na namang umaga para sa mamamayan ng Sacred Dragon Kingdom, umaga na punong-puno ng pakikipagsapalaran sa takbo ng buhay bilang Adventurer.

Sa teritoryo ng Azure Wood Family, sa maliit na kubo na tinutuluyan ni Finn Doria, ang liwanag ng sikat ng araw ay para bang sumisilip sa maliliit na butas ng bintana. Direkta itong tumatama sa katawan ng binatang walang kibo na nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kahoy na higaan.

Ang kaniyang pilak na buhok ay para bang makapal na damo na sumasayaw habang ang kaniyang kabuuan ay napapalibutan ng puting liwanag, malinaw na abala siya sa pag-eensayo. Nakasuot ng ordinaryong asul na damit ang binata at mapapansin na mayroong nakatatak na pamilyar na puno sa kaliwang bahagi ng dibdib nito, ito ang kasuotan ng mga miyembro ng Azure Wood Family.

Mapapansin ding kalmado at payapa ang ekspresyon ng binata, para lang siyang natutulog habang nakaupo. Tahimik din ang buong paligid at tanging mahinahong paghinga niya lamang ang maririnig sa kaniyang makipot na silid.

Matapos ang ilang sandali, unti-unting iminumulat ni Finn Doria ang kaniyang mga mata, ipinapakita ang kaaya-aya nitong pares ng dilaw na mata. Naglaho na rin ang enerhiyang bumabalot sa kaniyang kabuuan.

Matapos ang lahat ng ito, hindi agad tumayo si Finn Doria, bagkus, inilibot niya lamang ang kaniyang paningin sa makipot na silid habang makikita sa kaniyang labi ang puro at masayang ngiti.

Noon, ganitong-ganito rin ang bumubungad sa kaniya sa tuwing siya ay gigising upang mag-ensayo. Laging bumubungad sa kaniya ang ordinaryo at makipot na silid na 'to. Gayunman, hindi maikukumpara ang kaniyang kasiyahan noon at ngayon.

Nawakasan na ang mahigit isang dekadang paghihirap ng kaniyang angkan kaya naman hindi niya mapigilan ang hindi maging masaya. Lahat ng kaniyang paghihirap at pakikipagsapalaran ay nagbunga na ng payapa at tahimik na pamumuhay.

Hindi na siya nangangamba na baka bigla na lamang mayroong umatake sa kanilang Azure Wood Family at ang lahat ng ito ay dahil sa kasalukuyang talento at lakas na kaniyang tinataglay sa ngayon.

Kahit na si Finn Doria ang pinakapinahahalagahang miyembro ng Azure Wood Family, hindi niya pinili ang magandang buhay sa loob ng kanilang angkan.

Sa huli, ito ang pamumuhay na gusto ni Finn Doria. Simple, payapa at tahimik. Namumuhay lang sa maliit at simpleng kubo, walang ingay na dala ng mga labanan at digmaan. Walang paghihinagpis dahil sa labis na kalungkutan na dala ng kamatayan.

Sa makatuwid, malayo sa gulo na dala ng mga sakim na Adventurer.

Sa totoo lang, hinikayat ni Family Head Neleos si Finn Doria na sa isang magarbong gusali na lang manirahanan ang binata upang mabigyan siya ng maayos na kapaligiran na para lamang sa mga mahalagang miyembro ng angkan. Nais ding bigyan ni Family Head Neleos ng mga alipin ang binata upang mas maituon nito ang kaniyang atensyon sa mas mahahalagang bagay.

Gayunman, sa lahat ng mungkahing ito ni Family Head Neleos, walang tinanggap si Finn Doria. Lahat ay agad niyang tinanggihan ng walang pag-aalinlangan.

Nais lang mamuhay ng binata ng simple at tahimik. Isa pa, hindi niya naman kailangan ng mga alipin dahil kaya niyang gawin ng mag-isa ang kaniyang mga gawain at hindi niya kailangan ang iasa sa iba ang mga ito. Bukod pa roon, nakatuon lang ang buong atensyon ni Finn Doria sa pag-eensayo at sa mahahalagang bagay habang ang mga hindi kinakailangang mga bagay ay hindi niya na masyadong iniintindi.

Habang tahimik na nagninilay-nilay, bigla na lamang mayroong sumagi sa isipan ni Finn Doria. Bumuntong hininga siya at tumingin sa maliit na bintana ng kaniyang maliit na kubo.

Kahit na tapos na ang problema ng kaniyang angkan, malinaw sa kaniya na hindi pa rin sila maaaring mapanatag. Mayroon pang mas malaking panganib ang nalalapit nang dumating kaya naman mas lalo nilang kailangang magpalakas. Higit pa roon, hindi lamang Azure Wood Family ang damay rito, maging ang buong Sacred Dragon Kingdom ay nanganganib dahil sa banta nang pananakop ng kalapit na kaharian.

Patuloy na pumapasok sa kaniyang isipan ang mga balitang kaniyang nakalap. Nalaman niyang malubha ang karamdaman ng Mahal na Hari at nagsimula na ring umatake ang isang Faction Master na nagmula sa Crimson Blood Kingdom.

Napag-alaman niya rin na isang espiya si Brien Latter at ipinagkanulo nito si Association Master Morris sa kalaban. Dahil dito maging ang pinakatanyag na Alchemist ay nag-aagaw buhay na rin.

Sa balitang espiya si Brien Latter, hindi na nagulat o nagtaka si Finn Doria. Noon pa man ay napansin niya ng mayroong itinatago ito. Pero dahil wala naman siyang pakialam sa hambog na binata at abala siya sa pagpaplano para sa kaligtasan ng kaniyang angkan, hindi niya na binigyang pansin ang totoong katauhan ni Brien Latter.

Sa ngayon, nangangamba si Finn Doria dahil sa impormasyong malubha ang karamdaman ng Mahal na Hari. Kung walang mamumuno sa buong Sacred Dragon Kingdom, paano nila malalabanan ang nakaambang pananakop ng Crimson Blood Kingdom?

Bawat kaharian ay kailangan ng pamumuno ng isang Hari. Kung wala ang Hari, siguradong magiging magulo ang isang buong kaharian.

Nang umabot na sa ganito ang pag-iisip ni Finn Doria, bigla na lamang pumasok sa kaniyang isipan ang sakim na Crown Prince. Kung ang Crown Prince ang mamumuno sa Sacred Dragon Kingdom, sa ganid at sakim nitong pag-uugali, hindi na magtataka ang binata kung ilang taon mula ngayon ay babagsak ang buong Sacred Dragon Kingdom dahil sa pamumuno nito.

Maaaring hindi maganda ang relasyon ni Finn Doria sa Royal Clan ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya mababago na bahagi ng Sacred Dragon Kingdom ang Azure Wood Family. Hindi niya mababago na ang kahariang ito ang ugat ng angkang kaniyang kinalakihan.

Malinaw kay Finn Doria na kailanman ay hindi tatalikuran ng pamunuan ng Azure Wood Family ang Sacred Dragon Kingdom dahil kahit na hindi ito naging patas sa kanila noon pa man, malaki pa rin ang kanilang utang na loob sa Royal Clan. Gayundin naman siya, hindi niya kailanman tatalikuran ang Sacred Dragon Kingdom, hindi lamang dahil sa Azure Wood Family kung hindi maging sa kaniyang mga kaibigan, sa Golden Lion Family at sa kaniyang kaisa-isang estudyante na si Munting Poll. Hindi niya maaaring pabayaang malagay sa panganib ang mga tao at angkan na mahalaga sa kaniya.

Mayroon siyang lakas na makakatulong upang pigilan ang Crimson Blood Kingdom mula sa kanilang pananakop. Alam niya na kayang-kaya niya itong pigilan basta bibigyan lamang siya ng sapat na panahon. Mayroon siyang mga kayamanan at kakaibang kapangyarihan kaya naman hindi magtatagal ay magagawa niya ng higitan ang kahit na sino man sa mundong ito.

Kung totoo ang sinabi ng Fire Phoenix na si Sierra, siguradong walang sino man sa mundong ito, kahit pa ang isang First Rate Kingdom ang mayroong talento na gaya ng sa kaniya.

Nabanggit ni Sierra na hindi siya nagmula sa mundong ito, nabanggit din ng Divine Beast na mayroong nakapangingilabot na kapangyarihan na maikukumpara sa kanila ang natutulog sa katawan ng binata.

Kaya naman dahil dito, mayroong karapatan si Finn Doria na isipin na hindi siya karaniwang adventurer, may karapatan siyang magmalaki dahil alam niya sa sarili niya na hindi lang ordinaryong talento ang tinataglay niya. Gayunman, sa harap ng kaniyang mga mahal sa buhay, mananatili siyang mapagkumbaba dahil magkaiba naman ang kaniyang pakikitungo sa kaniyang kalaban at sa kaniyang kakampi.

Matapos ang taimtim na pag-iisip, nagdesisyon si Finn Doria na muling buksan ang kaniyang Myriad World Mirror.

Sa ngayon, bilang 1st Level Sky Rank, wala pa rin siyang kakayahan upang maprotektahan ang teritoryo ng Azure Wood Family kaya naman bumuo na siya ng isang magandang plano. Sa pagkakataong ito, kailangan niya muling mangolekta ng mga kayamanang kakailanganin niya. Hindi niya alam kung kailan magsisimula ang pananakop ng Crimson Blood Kingdom kaya naman ngayon pa lang ay kailangan niya nang maghanda.

Upang masigurado ang kaligtasan ng buong Azure Wood Family at ng Golden Lion Family, pinaplano niyang magtayo ng isang Formation sa loob ng Azure Wood Family. Kailangan niya ang isang Formation na may kakayahang pumigil o pumatay ng mga malalakas na Sky Rank, yung tipong kahit ang mga 8th Level o 9th Level Sky Rank ay hindi magagawang makapasok sa teritoryo ng Azure Wood Family.

At ang katangiang hinahanap niya ay nasa isang pambihirang Formation na sumasagi sa kaniyang isipan.

Ang kamangha-manghang Formation na tinatawag na Hundred Armaments Slaughtering Formation, isang pinababang bersyon ng Thousand Armaments Slaughtering Formation.

Sa oras na makontrol ng pulido at maayos ang Hundred Armaments Slaughtering Formation, kahit ang isang dosena ng 8th Level Sky Rank ay hindi magagawang makalabas ng buhay mula rito. Natural lang naman iyon dahil ang Hundred Armaments Slaughtering Formation ay gawa sa isandaang Top-tier Excellent Armament!

Isandaang Top-tier Excellent Armament... Kahit ang Royal Clan ay walang ganito karaming Armaments. Tanging mga Second Rate Kingdom at First Rate Kingdom lang ang mayroon nito. Pero syempre, balewala lamang ang ganito karaming Armaments kay Finn Doria.

Mayroon siyang hindi halos mabilang na Top-tier Excellent Armanent sa kaniyang Myriad World Mirror at balewala lamang sa kaniya kung gagamitin niya ang kakarampot na bilang na isandaan para sa kaligtasan ng kaniyang angkan at ng mga taong mahahalaga sa kaniyang buhay.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng System, sa oras na magsimula ng gumana ang Hundred Armaments Slaughtering Formation, isa lamang ang magiging kahihinatnan ng manghihimasok na Sky Rank Adventurer, ito ay walang iba kung hindi ang masaklap na kamatayan.

Sinong makakayanang makaligtas mula sa isandaang matataas na kalidad ng Armaments? Maging ang 9th Level Sky Rank ay walang kasiguraduhan kung makalalabas ng buhay mula sa pambihirang Formation na 'to.

Pero syempre, sa ngayon, wala pang sapat na kayamanan si Finn Doria upang itayo ito. Kailangan niya ng mapagkukuhanan ng napakalakas na enerhiya upang matagumpay na maitayo ito.

Sa kaniyang tantya, kakailanganin niya ng dalawampung Sixth Grade Magic Crystal para rito. Pero ngayon, wala pa siyang kahit isang Sixth Grade Magic Crystal o kahit anong kayamanan na maikukumpara rito. Siguradong mayroon sa Myriad World Mirror pero alam niyang nakatago ito sa loob ng matibay na harang. Sa makatuwid, hindi niya pa maitatayo sa ngayon ang Hundred Armaments Slaughtering Formation.

Gayunman, kokolektahin niya na ang mga mayroon siyang materyales upang maihanda na ang pagtatayo sa Hundred Armaments Slaughtering Formation.

Matapos ang tuluyang pagbubukas ng Myriad World Mirror, agad na pumasok si Finn Doria sa loob nito. Muli niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na para bang naglalakbay siya sa ibang dimensyon. Ilang sandali pa, matapos ang kaniyang pagpasok sa kakaibang mundo, muli na namang bumungad sa kaniya ang isang napakagandang tanawin. Muli niyang naramdaman ang napakayamang enerhiya sa paligid kaya naman hindi niya mapigilang mapapikit. Nilalasap niya ang masaganang enerhiya sa paligid habang manghang-manghang pinagmamasdan ang tanawin.

Bukod sa magandang tanawin, bumungad rin sa kaniya ang bundok-bundok na kayamanan. Binasa niya ang kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ang mga kayamanang nagkalat sa paligid.

Kung makikita lamang ito ng kahit sinong Adventurer sa Ancestral Kingdom, siguradong mapapaluhod at wala nilang tigil na sasambahin ang bundok ng mga kayamanan sa paligid. Kahit ang nag-iisang Epic Armament ay isa ng pambihirang kayamanan para sa kanila, paano pa kaya kung isang bundok ng Epic Armament ang kanilang makikita?

Siguradong mamamatay sila sa inggit dahil sa yamang tinatamasa ngayon ng binata.

Matapos ang ilang sandali pang paglilibot at pagkamangha sa buong paligid, sa wakas ay napagdesisyunan na rin ng binata na magtungo sa lugar na kinaroroonan ng mga Top-tier Excellent Armament. Nagmistulan itong bulubundukin dahil sa sobrang dami nito. Iba't iba ring lakas ng aura ang nararamdaman ni Finn Doria sa bawat isang Top-tier Excellent Armament na madadakuan ng kaniyang paningin.

Maaaring pare-pareho itong Top-tier ngunit hindi pa rin maikakaila na magkakaiba ang lakas na tinataglay ng bawat isa sa hindi halos mabilang na mga Top-tier Excellent Armament.

Sa ngayon, ang mas mainam na gawin ni Finn Doria ay ang maghanap ng malalakas na Top-tier Excellent Armament. Kailangan niyang piliin ang mas matataas na kalidad upang mas maging epektibo ang Hundred Armaments Slaughtering Formation.

Ang rason kung bakit Excellent Armament imbis na Epic Armament ang kaniyang pinili na gamitin sa pagbuo ng Hundred Armaments Slaughtering Formation ay dahil sa naisip ni Finn Doria na masyadong maraming implikasyon at problema silang kakaharapin kung itatayo nga niya ito.

Hindi makakaligtas ang isandaang Epic Armaments sa mata ng mga sakim na Second Rate Kingdom at First Rate Kingdom kaya naman hindi imposible na magkaroon ng alyansa sa pagitan ng iba't ibang kaharian para lamang makuha ang isandaang Epic Armaments na ito. Isa pa, hindi sapat ang kasalukuyang lakas ni Finn Doria upang itayo ang Hundred Armaments Slaughtering Formation kung mga Epic Armaments ang mga materyales na gagamitin.

Nagsimula na si Finn Doria sa pangangalap ng mga malalakas na Top-tier Excellent Armament. Hindi na nilibot ng binata ang animo'y bulubunduking Top-tier Excellent Armament. Nangolekta lamang siya sa isang lugar dahil karamihan naman dito ay halos magkakapareho na.

Pumili si Finn Doria ng iba't ibang klase ng Armaments. Mayroong espada, palakol, sibat at kung ano-ano pa. Bawat isa rito ay masusi niyang pinag-aralan bago ilagay sa isang interspatial ring na kaniya namang isinuot sa isa sa kaniyang mga daliri sa kaniyang kanang kamay. Sa ngayon, mayroong kabuuang tatlong nakasuoy na singsing na lang si Finn Doria.

Matapos makolekta ang mga pangunahing materyales sa pagbuo ng Hundred Armaments Slaughtering Formation, agad namang nagtungo si Finn Doria sa kinaroroonan ng mga medicine herbs at iba pang mga sangkap.

Kailangan niya ang mga ito kasama ang Sixth Grade Magic Crystal para naman sa paggawa ng tinta para sa pagguhit ng mga simbolo sa itatayong Hundred Armaments Slaughtering Formation. Sa paggawa ng tinta, halos kasing-hirap din ito sa pagbuo ng isang Tier 9 Pill. Hindi siya maaaring magkamali dahil kahit isang maliit na pagkakamali niya lamang ay maaari na itong maging dahilan ng pagpalya.

Habang patuloy na kinokolekta ang mga kakailanganing sangkap, bigla na lamang nakaamoy si Finn Doria ng napakalakas at napakatapang na amoy. Nanindig din ang kaniyang mga balahibo sa kaniyang mga braso at ang kaniyang mga paa ay para bang napako na sa kaniyang kinatatayuan.

"Ang amoy na iyon..." hindi makapaniwalang bulong ni Finn Doria sa kaniyang sarili.

Hindi siya maaaring magkamali, ang amoy na iyon ay amoy na tinataglay ng isang Tier 8 Pill! Naisip niya ito dahil hindi hamak na mas mayaman at mas matapang ang amoy na iyon kaysa sa kaniyang Tier 7 Advance Profound Pill!

Huminga nang malalim si Finn Doria. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naamoy niya ang Pill na 'yon kaya naman hindi na siya nagsayang pa ng oras. Mabilis niyang inihinto ang kaniyang pangongolekta. Ginamit niya ang pinakamabilis niyang paglipad at agad na nagtungo sa pinagmumulan ng matapang na amoy ng Tier 8 Pill.

Matapos ang ilang sandali lamang, gumuhit ang matinding galak sa mukha ni Finn Doria nang masaksihan niya ang isang kamangha-manghang tanawin. Muli na naman siyang nakakita ng bundok-bundok na kayamanan.

Nakaramdam nang matinding galak at saya ang binata habang pinagmamasdan ang hindi mabilang na Tier 8 Pill. Makintab na kulay pula ang mga ito at bawat isa rito ay naglalabas ng napakayamang enerhiya na humahalo sa paligid. Mayroon ding mga Tier 7 Pill na makintab na kulay asul ang nasa hindi kalayuan.

Nakahiwalay ang mga maliliit na bote sa mga Tier 8 at Tier 7 pill ngunit hindi naman nangangamba ang binata na baka mabawasan ang epekto ng mga pill na 'to, mayaman din ang enerhiya sa paligid kaya hindi siya nangangamba para rito.

Matapos ang ilang minutong pagmamasid sa napakaraming Tier 8 at Tier 7 Pill, mabilis na lumapit si Finn Doria rito at maingat na kumuha ng isang Tier 8 Pill malapit sa kaniya.

Pinagmasdan at sinuri niyang mabuti kung anong uri ng Pill ito. Gaya ng ibang mga pill, maliit lamang ito at halos katulad lamang ng napakaliit na butones, madaling-madali lang ang lunukin ito at inumin. Ilang sandali pa, nang malaman niya kung ano ito, para bang pinagsakluban ng langit at lupa ang binata. Nagdilim ang kaniyang ekspresyon at nanginig siya dahil sa sobrang inis.

Ang rason kung bakit naiinis si Finn Doria ay dahil hindi na makakatulong sa kaniyang pagpapalakas ang mga Pill na 'to. Ang Tier 8 Pill na 'to ay tinatawag na Excellent Profound Pill at malinaw naman kung para kanino lamang ang mga Pills na ito.

Para lamang ito sa mga Profound Rank at hindi ito makakatulong sa kagaya niyang Sky Rank Adventurer. Dahil dito kaya naman hindi mapigilan ng binata ang manginig dahil sa sobrang inis.

Kung ang Advance Profound Pill ay mayroong kakayahan na paangatin ang lakas ng isang 9th Level Scarlet Gold Rank patungo sa 1st Level Profound Rank pataas, ang Excellent Profound Pill naman ay mas mabisa at mas mainam gamitin dahil mas malakas ang epekto nito kaysa sa Advance Profound Pill. Sa makatuwid, kung mayroon na si Finn Doria ng Excellent Profound Pill noon pa man, siguradong nasa 9th Level Profound Rank na siya bago pa man siya sumali sa Cloud Soaring Sect.

Tungkol naman sa Tier 7 Pill, malaki ang posibilidad na isa iyong Excellent Scarlet Pill na mabisa kumpara sa Advance Scarlet Pill. Ang isang Excellent Scarlet Pill ay maihhalintulad na sa epekto ng limang Advance Scarlet Pill.

Gayunman, bumuntong hininga si Finn Doria at pilit niya ang huminahon. Nangyari na ang nangyari at wala na siyang magagawa upang baguhin ito. Sa ngayon, mas minabuti niya na lamang na makontento at magpasalamat sa kayamanang tinatamasa niya ngayon.

Mas maayos na ang pagkakaroon ng mga kayamanang ito kaysa sa wala. Gamit ang mga kayamanang ito, siguradong magkakaroon na ng daan-daang libong Profound Rank ang Sacred Dragon Kingdom gamit lamang ang sapat na oras at panahon.

Matapos ang tuluyang paghinahon ni Finn Doroa, agad niyang pinaangat at kinontrol ang libo-libong Excellent Profound Pill. Hindi man lamang halos bumawas ang libo-libong ito sa bundok-bundok na Tier 8 Pill. Sabay-sabay niyang inilagay ang mga ito sa tig-iisang maliit na bote. Ginawa niya ito ng ilang ulit hanggang sa makakolekta na siya ng halos isang milyong Excellent Profound Pill. Matapos nito, isinunod niya naman ang mga Excellent Scarlet Pill at nangolekta rin siya ng halos isang milyon nito. Mayroon siyang pinaplano sa milyon-milyong pambihirang Pill at kakailanganin niya ito sa paglaban sa Crimson Blood Kingdom.

Habang inilalagay sa iba't ibang interspatial ring ang halos dalawang milyon na pambihirang Pill, agad namang napansin ni Finn Doria si Munting Black na nakatingin sa kaniya sa hindi kalayuan. Nakahiga ito sa isang malaking bato hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayun.

Inilagay niya muna ang isandaang interspatial ring sa isang maliit na lalagyan na yari sa balat ng Vicious Beast bago tuluyang humarap sa direksyon ni Munting Black.

"Andito pala ang madamot na nilalang. Hmph. Sa oras na magkaroon ako ng lakas kukuhanin ko lahat ng kayamanang itinatago mo." Inis na bulong ni Finn Doeia sa kaniyang sarili.

Gayunman, kahit na naiinis siya kay Munting Black, hindi niya ito kinamumuhian dahil sa pagtatago nito sa 'kaniyang' kayamanan. Naiinis lamang siya dahil gustong-gusto niya nang makita ang iba't ibang kayamanan sa loob ng Myriad World Mirror. Gusto niya na ring matanggal ang harang para naman malibot at malaman niya na kung gaano kalawak ang mundong ito. Bukod pa roon, gusto niya na muling mahawakan ang kakaibang itim na lampara na nasa likod ng matibay na harang.

Nararamdaman niya ang matibay na ugnayan ng itim na lampara sa kaniya kaya naman gustong-gusto niya muli itong mahawakan upang matuklasan kung ano nga bang sikreto ang itinatago nito.

Habang taimtim na tinititigan ni Finn Doria si Munting Black, bigla niya na lamang napansin ang sampung maliliit na bote sa tabi ng munting nilalang. Pinanliitan niya ng tingin ang maliliit na boteng iyon kaya naman nakita niya ang nilalaman nito.

Nakita niya ang kumikinang na lilang bilog na bagay sa loob ng maliit na bote. Bumilis ang tibok ng puso ni Finn Doria at bigla siyang kinabahan. Dahil sa sobrang kuryusidad niya, nilapitan niya ang kinaroroonan ni Munting Black at ng mga maliliit na bote.

Nang huminto siya sa harap ni Munting Black hindi ito umalis gaya ng dati. Ipinagaspas lang nito ang maliliit nitong pakpak at marahang lumipad patungo sa makapal na buhok ni Finn Doria.

Hindi naman pinagtuunan ng pansin ng binata ang ginawang ito ni Munting Black, sa halip, maingat niyang dinampot ang isang maliit na bote at dahan-dahang tinanggal ang takip nito.

Inilapit ni Finn Doria ang kaniyang ilong sa butas ng maliit na bote at masusing inamoy ang kumikinang na pill sa loob nito. Matapos maamoy, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng binata.

Huminga siya ng malalim at matinding gulat ang bumalot sa kaniyang mukha.

"Tier 9... Excellent Sky Pill!!"

--

Continue Reading

You'll Also Like

707K 45.8K 62
Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamag...
1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
659 279 25
Holly is a new student, in special academy. He entered to fulfill a promise to a friend who died. In the extra ordinary section, he felt envy especia...
135K 14.6K 98
Embark in a virtual journey that is full of wonders along with the frightening existence of spirit beasts. Awesome character sets? Nah we have spiri...