A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Eleven

22.2K 576 96
By littlemissselle

Nagpapatuyo ako ng buhok nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kuya.

"'Wag niyong papagurin si Mama at Papa, naiintindihan niyo?" I wondered kung sinabihan na niya si Phillip nito. Duh, ang tino ko namang anak kumpara sa kakambal ko 'no. Err.

"Yes Kuya." He reminded me many things na hindi ko naman natandaan at puro Yes Kuya na lang nasagot ko.

Sinusuot ko na ang sandals ko nang katukin na ako ni Phil at sinabing bilisan ko raw at nagmamadali na si Papa at Mama.

Finally, bumalik na rin dito parents namin. Titignan kasi nila 'yung lupa na pagtatayuan ng magiging rest house namin sa Ilocos eh. Si Kuya at Ate Alex hindi makakasama sa amin mag-malling ngayon kasi nauna na silang bumalik sa Ilocos. Kuya is the Architect so bahala na siya ro'n. Naiwan naman ang mga anak nila sa amin.

And now, it's shopping time! Gosh, sino ba namang ayaw mag-shopping 'di ba? Uhm, well si Kuya, ayaw niyang mag-shopping tamad kasi 'yon, ewan ko weird 'yon eh.

Sinabit ko na sa balikat ko ang bag ko at lumabas ng kwarto pero sakto namang padaan si Mama at Papa. At kitang-kita ko ang pagtingin ng tatay ko sa suot ko. Ugh, bawal na ba mag-shorts sa mall?

He didn't utter a word but I knew that I need to change or else, I'm a dead meat.

"Okay wait," paalam ko at pumasok ulit sa kwarto.

Naghanap ako ng faded skinny jeans at hinayaan ko na ang suot kong sleeveless kanina. Lumabas ako at dumiretso na sa naghihintay na sasakyan.

"Dude, can't I really skip my swimming class?" Kanina pa kinukulit ni Ace si Papa kasi gusto niyang sumama sa mall.

"No, little boy." My nephew pouted but it didn't help to change his mind. "Penelope, ayokong magtagal sa pag-shopping ah."

"Hindi naman ako 'yung matagal," Mama pointed at me, "'yang anak natin 'yon."

What? Like, I'm nananahimik here tapos madadamay ako? Ugh.

"Of course not." I said unsure.

Mabuti pa 'tong kapatid ko oh, pa-soundtrip-soundtrip lang, sarap buhay. May nakakarating nga sa akin na balitang may dine-date siya na sikat na girl sa school. Tss, kung sino-sino na lang dine-date nito, wala namang sineseryoso. Boys nowadays, tsk.

Hinatid namin si Ace at halos umiyak siya kasi hindi namin siya isasama.

"Dude! Penny! I wanna go to mall! I don't want to take this class!" He cried.

Aww, he's so cute. It made me want to pinch him. "Ace, sabi ni Dad mo you have to attend your swimming class."

Niyakap niya ang mga binti ko dahil 'yon pa lang naman ang abot niya. "Tita, Dad's not here naman eh."

My parents chuckled. Binuhat siya ni Papa at pinatahan.

"Ace, babalik kami agad tapos kakain tayo ng kung anong gusto mo. We can even watch a movie if you want."

"I also want to buy a toy."

"Okay, Penny will buy you a toy just stop crying and do well in your class, okay?" Mama said. Ang sarap talaga maging bata, laging nasusunod at nabibigay ang gusto basta mag-i-inarte lang.

Siyempre pumayag na agad ang pamangkin ko dahil na-uto na niya ang grandparents niya.

Dumiretso kami sa mall at pansin kong kanina pa hindi umiimik si Phillip.

Habang naglalakad kami ay siniko ko siya. "Hoy, anong problema mo?"

He looked at me. "Shut up."

My eyes widened in disbelief. There's no need to be rude! I hate him, hmp.

Dumaan kami ni Mama sa isang lane ng mga makeup store at naiwan naman sa isang gilid si Papa, Phillip, Art at ang yaya niya.

Mama showed me an eye shadow and blush on, and even the whole set then asked if it's pretty nice. My eyes twinkled, omg, new make up for me!

"It's pretty Ma!" Aagawin ko na sana sa kaniya nang ilayo niya ito sa akin.

"Nah uh, sa akin kaya 'to." At umikot ulit siya para tumingin ng mga kung ano.

Grabe, salamat Mama ha. Salamat talaga. Nag-ikot-ikot ako at tanging mascara lang ang nabili ko pero si Mama may mga kung ano-ano pa. Dalawang bag para lang sa makeup. Ay, siya na talaga.

Pumasok kami sa men's botique pero ayaw ni Phillip ng mga tinuturo ko sa kaniya tapos 'pag kay Mama pumapayag. Really, why am I even here?  Dapat pa bang sinama nila ako or much better na naiwan na lang ako or nagbantay kay Ace?

Naka-tatlong shirt at isang pants si Phillip habang si Papa ay hindi pa rin tapos mamili.

"Clifford, here," Mama handed him a black polo and suit. "Go try."

I just continued scanning the clothes when something caught my attention. I immediately grabbed the gold necktie and reached it for Papa.

"Pa, bagay sa'yo 'to."

He smiled. "Talaga?" I nodded. "O sige, sabi ng anak ko eh."

Minsan talaga iniisip kong si Phillip ang favorite ni Mama at ako naman ang favorite ni Papa. Si Kuya? 'Wag na 'yon, may pamilya naman na siya.

Nang nakapili na rin si Papa ay binayaran na nila iyon at umalis na kami.

Kumain kami saglit dahil talagang nagugutom na ako. Nilalaro ni Papa at Mama si Art nang mapansin kong kanina pa hawak ni Phillip ang cellphone niya at tila may inaabangan, ni hindi pa nga niya nakakalahati ang laman sa pinggan niya.

Nang tumunog ito ay agad niya iyong binasa. Dahil na-curious ako ay sumilip ako pero natawa ako nang halos bumagsak ang mukha niya nang makitang reminder lang pala iyon ng bill niya.

I covered my mouth to at least hide my laugh.

He glared at me. "You mind your own business, Gia."

Tinapik-tapik ko ang braso niya. "You know what? Kung sino man 'yang inaabangan mo, i-text mo na o tawagan mo para 'di ka umaasa diyan."

My parents were still occupied by my nephew.

"You know what? You're so nosy. Kaya walang nagkakagusto sa'yo eh."

I gasped. Gosh, that was below the belt. Hindi niya naman ako kailangan pagsalitaan ng gano'n. I was just kidding and he doesn't have to take it seriously. Geez!

Seriously, nasira mood ko sa kaniya. As in, grabe talaga. Kanino ba siya nag-mana? Mabuti na lang talaga magkaibang-magkaiba kami. I don't want to be like him. I'm nice to those who are nice to me and rude to those who aren't.

"So tingin mo nagkakagusto sila sa'yo dahil sa attitude mo? Oh please brother, nothing lasts forever for something as absurd as loving someone because of looks," sunod-sunod kong sabi at uminom na lang ng tubig.

He shook his head. "Your way of thinking is just intolerable. Ang OA mo mag-isip. Nakakapikon."

Tumikhim si Papa at pinagsabihan kami. "Kung mag-aaway kayo sa bahay na lang."

Tumahimik na lang kami at nagpatuloy sa pagkain.

Naglalakad kami nang mapansin ko ang isang store at feel kong pumasok doon ngayon. Napilit ko naman sila kaya nagtingin ako ng mga magaganda sa paningin ko.

I already have this picture of an outfit in my head so hindi ako masiyadong nahirapan sa pagpili.

Nakapili na ako ng tatlong outfit nang may makita akong sandals. Omg, it's so cute!

Nanlaki naman ang mata ni Mama sa mga bitbit ko. "You do not seriously want those, are you?"

I beamed. "I tried it and it's perfect Ma!"

Umiling siya at tinanggal ang ilan sa mga dala ko. Napanganga na lang ako. Gosh, no!

"Gianina, just one... okay two outfits."

I pouted. "But I want all of it."

"Brat," I heard Phillip mumble. I rolled my eyes at him.

Agad akong tumabi kay Papa, na nasa couch ng botique, at umakap sa braso niya nang mahigpit. "Pa I want them all. As in, that yellow dress and black shoes looks good on me. Pati 'yung white shirt and jeans! Papa!"

Hinaplos niya ang kabilang braso ko. "Sige na, kunin mo na lahat."

I instantly gave them, yes them, a wide smile. "Really, Papa?"

"Yeah, take everything you want."

"Thank you!" I kissed his cheek.

"Sure."

Kinuha ko lahat ng kinuha sa akin ni Mama at dumiretso na sa counter. Hihi. New clothes and shoes! Habang papalapit ako sa kanila na nasa labas na ng store ay narinig ko pa ang pag-uusap nila.

"Clifford, mamimihasa naman ang anak natin." Hindi talaga ako favorite ni Mama, eh binilhan niya naman ng damit at pants si Phillip kanina ah.

"Penelope, hindi ako nagpapakahirap sa trabaho para tipirin ang mga anak ko. I want to give them anything that makes them happy." Napailing na lang si Mama.

I am starting to get tampo to Mama. Kanina sa makeup, ngayon dito sa mga damit.

Lumingon si Papa at nakita niya ako. Inakbayan niya ako at naglakad na kami papuntang parking lot dahil kailangan pa namin sunduin si Ace.

Pagkasundo namin sa kaniya ay agad siyang pumasok sa sasakyan at sinabi na kung anong movie ang gusto niyang panuorin at kung anong laruan ang gusto niya. Grabe, kung ako spoiled ano pa kaya siya?

Dumiretso kami sa ibang mall dahil alangan namang bumalik kami do'n sa kanina. Tss.

So yeah, nasunod ang gusto ng bubwit, bumili muna kami ng laruan niya and he's even proud of collecting transformers figures or whatever, things that only boys understand.

Then we watched a movie, 'yung pinili pa rin niya siyempre. I actually got bored. Then we had dinner.

Pagkauwi namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. I freshened up and slammed myself at the bed when my phone rang.

Babe <3 calling...

OMG. This is so... omg. Napapansin ko kasing dumadalas na ang pag-uusap namin at lagi niya ako sinasabihang mag-ingat bago pumasok sa school tapos madalas pa ako nakakatanggap ng good morning texts sa kaniya tuwing umaga. Eh kinikilig nga kasi ako, pasensiya?

"Hey," I answered with a huge grin planted on my lips, "napatawag ka?"

"Kakamustahin lang kita. How's your day?"

Kaya ayon ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa mga nangyari sa mall, pagmamaktol ni Ace, pati na ang pagtatampo ko kay Mama.

"Lagi namang pasang-awa grades ni Phillip pero parang favorite pa rin siya ni Mama."

He chuckled. "O baka nag-o-overthink ka nanaman? Kasi Gia, sabihin na nating gano'n nga ang grades ni Phillip tapos hindi siya pagbigyan ng parents niyo eh baka magrebelde 'di ba?"

Aww, I already like to talk serious matters with him. I love the way he thinks.

"You think so?" Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. "Teka, so ibig mong sabihin lagi akong nag-o-overthink?" I raised an eyebrow.

"Hindi naman sa gano'n pero kasi minsan masiyado mong iniisip ang mga bagay-bagay and it always lead you to your disappointments." I sighed. Yeah, he got a point. "And I don't want you to get disappointed."

I smiled. "Talaga?" He replied an 'Aha' and I don't know, I am just perfectly fine with this kind of life. Tipong masaya ang pamilya namin tapos pag-uwi ko siya ang makakausap ko. "Eh kung gano'n gusto ko maging tayo."

"What?" Rinig ko pa ang pagtawa niya sa kabilang linya na akala mo eh nakakatawa talaga ang sinabi ko.

"Now, you're disappointing me."

Tinapos niya muna ang pagtawa bago sumagot. "No, I don't."

Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Teka, wait, teka, so ibig ba sabihin... pakshet teka so parang ako ang nanligaw, gano'n? Ang pangit naman tignan pero sige okay na rin basta si Gavin ang boyfriend.

"You mean..."

"I am not saying anything Gia." Before I can even protest he bid me goodnight and sweetdreams.

Bakit gano'n, sa mga libro at lectures ang daling intindihin ng bawat salita pero bakit 'pag siya ang hirap basahin. I can't read between his lines but nevertheless, I am happy and contented with it.

Morning came and I felt good. Nag-inat ako ng mga braso at tinanggal na ang eye mask ko. Napangiti ako nang makitang ang ganda ng sikat ng araw. Tumayo na ako at inayos ang kama ko nang mapansin ko ang paperbag sa side table.

Kinuha ko ito at tinignan ang laman. Shit, 'di nga ako nagkakamali! Ito 'yung makeup set na tinanong sa akin ni Mama kahapon kung maganda ba. Omg! So akin talaga 'yon?

Grabe, nagtampo pa naman ako sa kaniya pero 'yon naman pala para sa akin din 'to. Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si Mama. Pababa na ako ng hagdan nang narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto nila kaya bumalik ako at tumakbo para yakapin siya.

"Thanks Mama! I love you!"

"I love you too." She hugged me back. "I really wanted to surprise you so I guess effective naman?"

Lumabas din si Papa na inasar pa kami at nakiakap din sa amin. Now I can say that ako ang favorite na anak! Hihi.

Naabutan kaming ganoon ni Phillip pero umiling lang siya.

"Phillip, ayaw mo ba ng yakap?" natatawang tanong ni Papa sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, Pa."

"Ayii, kunwari pa siya. 'Lika nga!"

Pero tumakbo pababa si Phillip at hinabol naman siya ni Papa. I admire naman my parents' lifestyle kasi they keep themselves healthy and fit.

Kumakain kami ng breakfast nang bumaba si Señorito Ace.

"I can smell pancakes!" excitement filled his voice.

Naligo na ako agad pagkatapos kumain at nag-ayos ng sarili dahil kailangang presentable ako pumasok 'no.

Simpleng plain shirt at jeans lang ang suot ko ngayon pero ginamit ko na ang makeup set na bili ni Mama for me.

Sumakay na ako sa kotse at naabutan kong nakakunot ang noo ng kapatid ko.

"Bakit bad mood ka?"

"Bakit ba ang tagal-tagal niyong mga babae mag-ayos?"

Same old issues. Makapag reklamo naman, tss. Naging teenager na kami lahat-lahat, hindi pa rin nasasanay.

Chineck ko ang phone ko at doon ko lang nabasa ang text ni Gavin, 'di ko na kasi na-check sa pagmamadali.

From: Babe <3
Good morning! Ingat sa pagpasok sa school, okay? Ano nga pala oras uwi mo, I'll try to fetch you.

Eh kasi ano eh... eh kasi kinikilig ako eh. Gusto ko sanang tumili pero pinigilan ko kaya nahampas ko na lang si Phillip. Inirapan niya ako at tinulak pa palayo sa kaniya.

Ito naman kasing si Gavin eh!

To: Babe <3
Good morning din! I'm on my way na. 4:30 dismissal ko. :)

Nang makarating kami sa school ay agad kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming classroom. Pero 'pag minamalas ka nga naman, nakasalubong ko pa si Indi.

"What a bad view to start my day." She rolled her eyes.

I sheepishly smiled. "Good morning!"

Napa-what the fuck na lang siya at naglakad na ako palayo. Wala ako sa mood makipag away sa kaniya ngayon, kinikilig pa rin ako eh.

Nakarating ako sa room at binasa ang reply ni Gavin.

From: Babe <3
Ok. See you later :)

Napapangiti na lang ako at alam kong pumupula lalo ang pisngi ko dahil bukod sa blush on na nilagay ko ay kinikilig ako. Oh damn!

Nagulat naman ako nang paluin ng bagong dating na si Zoe ang braso ko.

"Ang aga-aga, tuwang-tuwa ka."

"Eh kasi eh..." I'm so kinikilig right now like oh my gosh.

Nag-umpisa na ang klase at late pa itong si Tanya, kaya pawis na pawis pagkarating niya. Geez, nakaka-wa poise ma-late kaya I promised myself na never ako dapat ma-late.

Our professor finished discussing the lesson and announced an activity that is in favor of the students.

“Pass around the paper,” inabot na niya ito sa kaklase kong nasa unahan at nasa gilid, “ilagay niyo ang pangalan niyo sa ibaba ng gusto niyong puntahan para sa fieldtrip. You have two choices, Ilocos or Baguio.”

Nang iabot sa akin ang papel ay matagal ko itong tinitigan. Ilocos o Baguio? Kung mag-i-Ilocos ako eh sayang naman kasi magkakaroon din naman kami ng rest house do’n so mapupuntahan ko naman talaga siya. Kung Baguio, napuntahan ko na ‘yon noon pa. Kung Ilocos… baka makita ko ulit si Dada… pero malaki naman ang Ilocos ‘di ba? Hindi naman siguro? Kung Baguio, gusto ko ng weather do’n.

So okay, Baguio na lang. I don’t think na gugustuhin ko ring makita ulit si Dada eh… it’s just that… well, it will be awkward.

Continue Reading

You'll Also Like

706K 15.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
8K 55 9
A story of friendship, love and family. A story of a guy who is selfless enough to keep her love for her even though her feelings is not the same as...
152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...