DERICK VILLARAMA "THE PROMISE...

By MGDeLeon9

677K 14.1K 237

More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FINAL CHAPTER

CHAPTER 3

19K 383 9
By MGDeLeon9



Sa pagkamatay ng asawa ni Don Philip.... isinantabi niya muna ang mga nalaman nya sa asawa na tungkol sa mag-ina nito dahil aayusin niya muna ang lahat-lahat bago siya uuwi sa Pilipinas para ito mismo ang mangasiwa sa paghahanap sa mag-ina niya... at kailangan din magbabang luksa ni Don Philip para sa namayapang asawa nito....

"Sana mahanap na kayo mahal ko... at ang ating anak.... mahal na mahal ko kayo." sa isip ni Don Philip habang hawak ang mga larawan ng batang lalaki na nasa edad lima na kupasin na at ang larawan ay kuha pa noong 1990.

"Kahit kailan hindi ka naalis sa puso ko mahal ko, patawarin mo ako dahil naniwala ako sa mga sinabi ni Claudia tungkol sayo, kaya hindi na kita hinanap noon huhuhu." iyak ni Don Philip habang nakatingin sa mga larawang hawak nito.

"Pagbalik ko dyan sa Pilipinas lahat gagawin ko para magkakasama na tayo, kahit halughugin ko ang buong Pilipinas gagawin ko, pangako yan anak at mahal ko." sa isip ni Don Philip.

Samantala.... sa paglipas ng mga araw, lagi ng nakakausap ni Diane si Steven at dahil dito mas lumalim pa ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa... at isang araw magkasama silang namamasyal sa may sapa na malapit sa mansion ng mga Villasis, ang kanilang tagpuan at lagi silang naglalagi sa ilalim ng malaking puno ng mangga...

"Diane."

"Steven" sabay na tawag nila sa isa't isa. na kinangiti nilang pareho.

"Ikaw muna Diane..... sabi nga nila Ladies First." wika ni Steven sa kanya.

"Ikaw na kung gusto mong mauna." saad naman ni Diane na pinagbigyan naman ni Steven.

"Mmmm.... Diane, may itatanong sana ako sayo? A-alam kung magkalayo ang agwat ng buhay natin pero magsusumikap ako para sa iyo at syempre para narin sa nanay ko.... makakapagtapos na ako this year at maghahanap ng magandang trabaho para alam mo na." paunang pahayag ni Steven kay Diane na nakikinig lang sa mga sinasabi nito.

"And then?" singit naman ni Diane dito.

"Then .... sana kapag nakaipon na ako pwede ba akong..... pwede ba akong manligaw sayo, pwede ba akong maging boy friend mo?" tanong ni Steven kay Diane sabay kamot sa ulo nito.

"Steven what do you mean?" naguguluhang tanong ni Diane pero ang puso nya ay bumilis ang pintig nito na nagsasabing parehas lang sila ng nararamdaman ng binata.

"Diane, mahal na kita noon pa man kaya ako nagsusumikap na makatapos sa pag-aaral ay dahil sa inyo ng nanay ko, para naman kahit papaano kapag nakapagtapos na ako at may maganda ng trabaho pepwede narin maging tayo.... I LOVE YOU DIANE." pagtatapat ni Steven sa dalaga na kinaiyak ng huli... at nagtataka naman si Steven kung bakit umiiyak ito.....

"Diane, bakit ka umiiyak? ayaw mo ba yung mga sinabi ko sayo, sorry hindi ko lang kasi mapigilan ang puso ko na mahalin ka at magtapat sayo, pinilit kung huwag ikaw ang mahalin ko dahil hindi tayo magkalevel ng estado sa buhay, pero ang kulit ng puso ko, ikaw parin ang tinitibok nito..." mahabang paliwanag ni Steven dito na agad yumakap si Diane dito at...

"Promise me Steven ako lang mamahalin mo habang buhay, at hindi mo ako iiwan at sasaktan?" pahayag ni Diane habang nakayakap at patuloy ang pagdaloy ng luha nito.

"Diane, kahit hindi mo sabihin sa akin iyan....... iyon at iyan parin ang gagawin ko dahil MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kita." wika pa ni Steven kay Diane sabay hawak sa magkabilang balikat ni Diane at...

"Diane?" tanong ni Steven

"Yes, Steven MAHAL NA MAHAL NA MAHAL din kita, since noong una kitang makitang inihatid mo ang nanay mo sa bahay namin, doon palang nakuha mo na ang puso ko." pagtatapat din ni Diane kay Steven na siyang kinahiyaw ni Steven sabay yakap kay Diane.

"But promise me Steven, ako lang mamahalin mo at hindi mo ako iiwan. No matter what happen ikaw at ako parin hanggang sa dulo ng walang hanggan." saad ni Diane kay Steven.

"Oo mahal ko, PANGAKO YAN, ikaw lang ang mamahalin ko at magiging babae sa buhay ko hanggang sa dulo ng walang hanggan." pangako ni Steven kay Diane at unti unting bumaba ang labi ni Steven sa mga labi ni Diane pareho nilang unang halik ang isa't isa, na kahit hindi nila alam ang tamang paghalik ay natuto sila sa kani-kanilang mga puso...

"Mahal ko, pangako mo rin sa akin na ako lang ang mamahalin mo magpakailanman." wika ni Steven kay Diane.

"PANGAKO mahal ko ikaw lang wala ng iba." pangako ni Diane kay Steven sabay halik sa mga labi ng lalaki.

"I LOVE YOU DIANE VILLASIS" bulong ni Steven sa tainga ni Diane at sabay halik sa pisnge nito at sa labi nito

"I LOVE YOU TOO STEVEN ROBLES" ganting bulong din ni Diane kay Steven, at dahil sa kasiyahang nadarama ni Steven ay binuhat nya si Diane at inikot sa ere... at sabay silang tumatawa sabay ng pag agos ng tubis sa sapa...

Nagdaan ang oras at sila'y dapat na maghiwalay muna para makauwi muna sila sa mga tahanan nila... at gaya ng dati lagi nalang inihahatid ni Steven si Diane malapit sa mansion nila at doon narin nya aantayin ang kanya ng ina na si Aling Carol.... at maya't mayay nakalapit na pala ang kanyang inay na hindi niya namamalayan..

"Mmmm..... anak ang layo atang iniisip mo ah?" tanong ng kanyang ina

"Nay mano po, andyan na po pala kayo? akin na po yan at ako na po ang magbibitbit ng mga yan." wika ni Steven sa ina at pagbibigay galang dito

"Kawaan ka ng Diyos anak." sagot naman ng inay nito sabay bigay sa bitbit nito.

"Anak sina lolo't lola mo, kumusta sila?"

"Ok naman po sila nay, nasa bahay po sila kanina."

"Anak madalas na ata kayong magkasama ni Senyorita Diane ah? Anak paalala ko lang, huwag na kayong sumubra sa pagiging magkaibigan, dahil hindi natin sila kalevel sa buhay, at alam mo naman ang ugali ni Don Gostavo anak." paalala ni Aling Carol sa anak nito

"Nay, paano kung sumubra kami sa pagiging magkaibigan?" tanong ni Steven sa ina na kinalingon ni Aling Carol sa anak.

"Anak hangga't maaari iwasan nyo at huwag nyo ng ituloy dahil masasaktan ka lang, o kayong dalawa."

"Nay, paano kung mahal namin ang isa't isa....... dapat ba naming tikisin ang sarili namin? dapat ba na patayin namin ang mga puso namin?"

"Iyon ang nararapat anak."

"Nay, pinilit ko po ang puso ko na hindi siya ang mahalin ko dahil sa estado ng buhay natin pero nay, makulit po ang puso ko ayaw pong sumunod." pahayag ni Steven sa ina namas lalong kinabahala ni Aling Carol.

"Anak, masasaktan ka lang kung sya ang mamahalin mo." sagot naman ni Aling Carol sa anak

"Nay, handa po ako sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari sakin, basta po hayaan nyo nalang po ako na mahalin ko si Diane, na lalo ngayon na alam ko..... na mahal nya rin ako nay." pagbibigay alam nito sa ina nito na kinalingon nito sa kanya.

"Anak, anong ibig mong sabihin?" tanong ng ina ni Steven dito

"Nay kami na po ni Diane, nay magsusumikap ako para makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para po sa inyo at sa kanya." matapat na pahayag ni Steven sa ina.

"Anak, kapag malaman ni Don Gostavo ito malaking gulo ang pinasok nyong dalawa ni Diane, at dinig ko sa mansion ipapakasal daw si Diane sa anak ng mga Moran, yung nasa kabilang bayan, isa ring mayaman at kilalang pamilya anak." pagbibigay alam ni Along Carol sa anak.

"Hindi po sila maikakasal inay, pangako po yan..... kami ni Diane ang magpapakasal at magsasama habang buhay." matatag na sagot ni Steven sa ina na maslalong nagpakaba kay Aling Carol dahil alam ni Aling Carol kung gaano katatag ang anak nya lalo na sa mga seryusong desisyon at ito ang namana nito sa kanyang ama bukod sa talino at kagwapuhan ng ama.

Natapos lamang ang pag-uusap nilang mag-ina ng marating na nila ang kanilang bahay at naghihintay doon ang dalawang matanda....

"Mano po lo, la" pagbibigay galang ni Steven sa dalawang matanda, at ganun din ang ginawa ng inay nya...

Samantala sa Mansion ng mga Villasis.... pagdating na pagdating ni Diane sa mansion ay nakita nya agad na may bisita ang mga ito, walang iba kundi ang mag asawang Moran at pumasok sya sa bahay nila at...

''Oh iha, kanina ka pa namin hinihintay, hindi ka tuloy naantay ni Xander kaya umalis na muna.... may gagawin daw siyang importante." pahayag ng kanyang papa.

"Upo ka iha." sabad ng ina nito na si Donya Emma.

"Iha, nasabi na namin ito kay Xander kani-kanina lang, kaya sasabihin narin namin ito sa iyo na...... gusto na sana naming ipahayag ang kasal nyo sa lalong madaling panahon lalo na dito sa lugar natin at ang balak namin ay itong susunod na buwan na" pahayag ng kanyang papa na kinagulat ni Diane.

"PO!" gulat na tanong ni Diane sabay Excuse sa mga to... at tinatawag sya ng kanyang papa pero binaliwala lang nya.

"Diane come back here!.... Hindi pa tapos ang pag-uusap natin dito." tawag ni Don Gostavo sa anak.

"Gostavo mahal ko, hayaan nalang natin muna ang anak natin..... nabigla rin sya sa sinabi mo, dapat kasi kinausap muna natin sya bago nyo sinabi sa kanya." pagpapahinahon ni Donya Emma sa asawa nito

"Tama si Kumadre ,kumpadre dapat dinahan dahan nalang natin ang pagsabi sa kanya." wika naman ni donya Moran. na sinang ayunan din ni Don Robert, at pag lipas ng isang oras ay nagpaalam na ang mga ito at umlis na....

Samantala pagkapasok palang ng mag-asawang Villasis sa kanilang kwarto ay nag-usap na sila.....

"Gostavo, bakit biglaan naman ata ang desisyon mo sa pagpapakasal sa anak natin sa anak ng mga Moran?" paunang tanong ni Donya Emma sa asawa.

"Dahil iyon ang nararapat, dahil may mga balitang dumadating sakin tungkol sa mga pinaggagawa ng anak natin...... at hindi ako papayag na mapupunta sya sa isang anak ng alila Emma. Tandaan mo yan." sigaw ni Don Gostavo sa asawa nito na narinig naman ni Diane na kanina pa nakatayo sa may pintuan ng kwarto ng mga magulang nya.

"Pero alam mo ba.... kung ano ang laman ng puso ng anak natin Gostavo, Gostavo mayroon na tayo lahat lahat tama na iyon, alam ko kung bakit gusto mong magpakasal ang mga bata, kahit hindi mo sabihin sa akin.... alam ko, dahil sa negosyo nyo. nagmamakaawa ako sayo Gostavo spare our daughter sa negosyo nyo." saad at pakiusap ni Donya Emma sa asawa, dahil alam lahat ni Donya Emma ang pinaggagawa ng anak nila, dahil sumumpa sya noon na di matutulad ang anak nya sa kanya, na tinalikuran nya ang tunay nyang pag-ibig masunod lamang ang mga magulang nya.

"Hindi pa sapat yun Emma alam mo yan..... at walang makakabali ng deisiyon ko maski ikaw!" sigaw ng Don sa asawa nito at nagtuloy ito sa study room na karugtong ng kwarto ng mga magulang nito.

Wala ng nagawa pa ang mama ni Diane kundi umiyak para sa anak nya pero...

"Hindi ako papayag na masira ang buhay ng anak natin Gostavo." bulong ni Donya Emma sa kawalan at lumabas ito sa kwarto nila at nakita nya si Diane na dahan dahang lumalakad palayo sa kwarto nila na alam nya na narinig nya lahat ng sinabi ng papa nya at ito'y kanyang hinabol at ipinasok sa kwarto ng anak at...

"Anak mahal mo ba talaga sya?" tanong ng mama nya sa kanya

"Opo mama, mahal na mahal po." pag amin ni Diane sa ina sabay iyak sa balikat ng mama nya.

"Shhhh tahan na anak tutulungan ko kayo, para magkausap. ok?" pag aalo ni Donya Emma sa anak.

"Salamat mama." sambit ni Diane sa mama nito.

NEW YORK CITY:
Abala naman si Don Philip sa mga papeles na nasa harap nya habang kausap nito ang kanyang kanang kamay nya ns si Mr. Allan Bernardo ang best friend nya noon pa man at nakakaalam lahat ng kwento sa buhay nito...

"Pare, ikaw na muna bahala dito sa mga negosyo ko dito at may aasikasuhin lang ako sa Pilipinas." saad ni Don Philip sa kaibigan nito

"Kahit hindi mo sabihin pare, gagawin ko iyon." sagot naman ni Mr. Allan Bernardo kay Don Philip at..... "Good luck,,,,, sana mahanap mo sila kaagad pare." dagdag pa ni Mr. Allan Bernardo.

"Sana pare, para mabuo na ang pamilya ko." wika pa ng Don, na kinatango ng kaibigan.

"Ok na ba lahat ng mga ito, yong flight mo pauwing Pinas ok na ba?" tanong ni Mr. Allan sa kay Don Philip

"Ok na Allan sabik ko ng makita ang mag-ina ko, pero wala pang balita sa mga inupahan kong mga detictive sa Pilipinas kaya ako mismo ang mag-aasikaso sa paghahanap sa kanila." wika pa ng Don.

BULACAN, VILLASIS MANSION:
Sa tulong ni Donya Emma ay nakalabas si Diane sa mansion na hindi alam ng papa nya, dahil mula ng araw na iyon ay hini na pwedeng lumabas ng mansion si Diane ng walang body guard. Pagkalabas nito ay agad niyang tinungo ang lugar kung saan sila lihim na nagtatagpong magkasintahan.

"Diane, mahal ko." tawag ni Steven kay Diane na siyang takbo ni Diane palapit dito at sabay yakap nila ng mahigpit.

"Mahal ko, pangako mo sa akin na ipaglalaban mo ako sa kahit na sino." umiiyak na wika ni Diane kay Steven.

"OO mahal ko pangako yan......at pangako hindi ka maikakasal sa Moran na yon." pangako ni Steven kay Diane.

"Salamat mahal ko." tanging sagot ni Diane kay Steven at hinalikan nya ito, at ng naging payapa na ang puso at kalooban ng dalawa ay lumapit sila sa puno ng mangga at may inukit si Steven sa puno nito.

"Ano yan mahal ko" tanong ni Diane kay Steven

"Mahal ko, itong punong to ang tanda ng pag iibigan natin, at dito natin iuukit ang mga pangalan natin para pag may makalimot isa man satin dito natin hanapin ang isa't isa, at dito natin matatagpuan ang ating mga puso." pahayag ni Steven kay Diane na tamang tama naman na natapos nito ang pag ukit ng kanilang pangalan....

STEVEN ROBLES LOVE DIANE VILLASIS FOREVER

"THE PROMISE OF LOVE"

Ito ang nakaukit sa isang hugis puso sa puno ng mangga at ng mabasa ni Diane ay napaluha ito sabay yakap kay Steven.

"Mahal na mahal kita Steven." wika ni Diane dito

"Mahal na mahal din kita Diane." sagot naman ni Steven dito at silay nagyakapan at naghalikan ng hindi nila alam na may mga matang kanina pa nakatingin sa kanila...

Continue Reading

You'll Also Like

151K 2.3K 29
“Wala akong pinagsisihan sa buhay ko lalo na ang pagadating mo sa buhay ko. - Aimee Sandoval
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
271K 9.5K 47
Matapat magmahal pero nabigo. Muling iibig sa babaeng muling nagbalik ng saya sa kaniya.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...