FINAL CHAPTER

33.8K 742 80
                                    



"Ako nga Don Gostavo." sagot ni Derick dito.

"Paanong nangyari na---na bu-buhay ka? A-at.... akala namin....." nauutal na saad ni Don Villasis dito.

"Akala ninyo Don Gostavo patay na ako?" agaw ni Derick dito...... "Simple lang ang sagot  Don Gostavo... hindi ko pa oras noon, at wala pa ako sa listahan ni San Pedro para pumasok sa kaharian ng ating Mahal na Panginoon." saad pa ni Derick dito.

"Steven!!!"

"I-ikaw ba t-talaga iyan?" nauutal na tanong ni Don Gostavo dito.

"Ano sa tingin nyo Don Gostavo?" balik tanong ni Derick dito.... "Siguro naman sa tanda ninyong iyan hindi na kayo naniniwala sa multong nagsasalita at nakikita nyo ng buong -buo sa paningin ninyo?" tanong pa ni Derick dito....

"Steven..... Ikaw ba talaga yan?" naiiyak ng tanong pa ni Don Gostavo at dahan-dahan itong lumalapit kay Derick...

"Oo ako nga Don Gostavo.... ako si Steven Robles ang mahirap pa sa daga noon sa paningin ninyo... ang hinamak ninyo at  pinabugbog ninyo sa mga tauhan ninyo dahil nagmahal ako sa katauhan ng isang Diane Villasis na nagkataong anak ninyo.... pero Don Gostavo.... baka nakakalimutan ninyo bilog ang mundo noon kayo ang tinitingala ko... ngayon naman ako naman ang nasa taas ninyo... na ang isang mahirap pa sa daga na si Steven Robles ay siya na ngayong nagmamay-ari ng lahat-lahat ng mga ari-arian ninyo....... Anong pakiramdam Don Gostavo na ako ang nakabili sa mga properties mo? ANO Don Gostavo? Siguro nagulat ka ano?" galit na pahayag at tanong ni Derick dito.

"Iho... Steven... patawad!!! Patawad!!! hindi ko ginusto ang nangyari sa iyo... hindi iyon ang balak ko para sa iyo noon?" saad ni Don Gostavo dito.

"Ano? Ano Don Gostavo?" tanong ni Derick dito... "Hindi iyon ang binalak ninyo.... hindi iyon dahil hindi ako natuluyan.... hindi ninyo ako natuluyang patayin ni Zander Moran na iyon?" galit na ring tanong ni Derick na kinabigla ni Don Gostavo.

"Zander!? Anong ibig mong sabihing.... namin ni Zander?"

"Bakit Don Gostavo hindi mo alam? Hindi mo alam na kinuha ako ni Zander Moran sa mga tauhan mo?"

"H-Hindi ko alam Steven."

"Hindi nyo alam!?... baka nakakalimutan niyo Don Gostavo na si Zander ang gusto ninyo para sa anak ninyo? Kaya hindi ako naniniwala kung wala kayong alam sa ginawa ni Zander sa akin noon?"

"Wala iho... hindi ko alam." iyak na ni Don Gostavo dito at unti-unti itong  napapaluhod sa harapan ni Derick....

"Ganyan nga Don Gostavo... natatandaan nyo po ba noon... ang huling sinabi ko sa inyo noon ng kunin nyo sa akin si Diane?"

"Patawad Steven... patawad... kasalanan ko ang lahat." hingi ng tawad ni Don Gostavo kay Derick habang nakaluhod.... at dahil sa nakikitang sitwasyon ni Donya Emma sa asawa ay lumapit na ito sa kanila sa kabila ng gulat nito na si Derick Villarama at si Steven Robles ay iisa...

"Steven iho... sana maniwala ka sa sinasabi ng asawa ko... dahil iyan din ang mga sinasabi nito sa mga magulang mo." sabat na ni Donya Emma habang inaalalayan ang asawa nito sa pagtayo.

"Donya Emma!?"

"Oo, iho... nagkita-kita kami nila Carol sa bahay ni Diane noong isang araw... doon namin nalaman na hindi  alam ng asawa ko ang huling nangyari sa iyo... at lahat naman ng bodyguard ng asawa ko noon ay nawala silang lahat na parang bola may natira naman kaya lang lagi naman silang lasing hindi na makausap ng matino...." paliwanag ni Donya Emma kay Derick..... "Steven, at bakit nasali sa usapan o sa gulong ito si Zander?" tanong pa ni Donya Emma dito.

"Opo dahil siya at mga kasama nito ang huling nambogbog sa akin noon Donya Emma." pagbibigay alam ni Derick dito.... "Hanggang sa mawalan ako ng malay tao at mawasak ang mukha ko."

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Where stories live. Discover now