CHAPTER 9

14.4K 338 6
                                    



"Cita, sinong bisita ng anak ko?" tanong ni Donya Emma sa yaya ni Diane

"Si Sir Xander po Donya Emma." sagot naman ni Cita sa Donya na kinalingon ni Diane dito.

"Ayaw ko siyang makita yaya!! mama, paalisin nyo po sya dito?" utos agad ni Diane sa mama nito, na agad namang pinuntahan ni Donya Emma ito sa living room ng kanilang mansion, at si Cita muna ang nagbantay kay Diane.

Samantala sa living room ay kampanting nakaupo si Xander at.....

"Magiging akin din ang bahay na to at iba pa nyong kayamanan Gostavo... sisiguraduhin ko yan, ngayon pa na wala na ang hampas lupang iyon, tignan lang natin kung di ka pa mapapasakin Diane Villasis, malaki na ang hirap ko sayo, at ang di ko matanggap ay ang di mo pagsipot sa parting yun ang engagement party natin Diane! pinagpalit mo ako sa isang hampas lupa!" sa isip ni Xander ha na sya namang pagsulpot ni Donya Emma sa kinarorounan ni Xander.

"Iho, napaadalaw ka?" unang tanong ni Donya Emma kay Xander, na kinatayo nito.

"Mmmm tita magandang umaga po! kukumustahin ko lang po sana si Diane?" sagot ni Xander kay Donya Emma.

"Mmmm... Xander kasi ayaw pa ng anak ko na makipag-usap sa kahit kanino, alam mo na siguro ang dahilan noon?" sagot ni Donya Emma kay Xander.

"Naiintindihan ko po tita, babalik nalang po ako pag medyo ok na po si Diane?" saad ni Xander kay Donya Emma. na sinang-ayunan naman ni Donya Emma.

"Pasinsya kana iho." wika pa ni Donya Emma dito.

"Ok lang po yun tita, aalis na po ako." paalam ni Xander kay Donya Emma.

"Diane, madami na akong hirap sayo, dapat maging akin ka, lahat ng sagabal sa dadaanan ko papunta sayo, wawalisin ko." sa isip ni Xander at umuwi na ito.

Bumalik si Donya Emma sa silid ng anak at kinausap nya ulit ito sa balak nilang pag-alis ng bansa.

"Diane anak, para sa iyo rin itong gagawin ko, para makapagsimula ka muli, at makalimutan mo si Steven anak. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na sya ng tuluyan, alam ko hindi mo na sya matatanggal sa puso mo, pero iha andito ka pa sa ibabaw ng mundo gumagalaw at humihinga at si Steven ay nasa kabilang buhay na sa buhay na walang hanggan, at alam ko mas lalo siyang masasaktan o malulungkot kung pababayaan mo ang sarili mo." paliwanag ni Donya Emma sa anak.

"Anak, kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo na wala na sya, at kailangan mo ring magpakatatag alang alang sa amin?" saad pa ng mama ni Diane.

"Mama, bakit kailangang mangyari sa akin to mama?" iyak na tanong ni Diane sa ina.

"Bakit mama? bakit sa papa pa ang sisira sa kaligayahan ko? bakit sya pa mama?" mga tanong ni Diane sa mama nito habang patuloy parin ang pagdaloy ng luha nito.

"Anak, hindi kita masasagot sa mga tanong mong yan.... tatagan mo nalang ang loob mo anak at kailangan mong mabuhay at ipagpatuloy ang buhay mo, kasama kami" sagot ni Donya Emma sa anak. at biglang natahimik si Diane at nag-isip ng.....

"Mama, sige payag na ako sa gusto nyo, pero may hiling po ako sa inyo mama?" wika ni Diane sa ina.

"Ano yon anak?" tanong agad ng mama ni Diane.

"Mama, bago ako aalis ng bansa gusto ko munang madalaw ang puntod ni Steven mama?" gusto ko makita kung saan nakahimlay ang mahal ko mama?" iyak na pakiusap ni Diane sa ina nito.

"Oo, anak sasamahan kita." sagot agad ni Donya Emma sa anak.

"Salamat mama. kung maaari po sana bukas na po mama?" hiling ni Diane sa ina nito na kinatango naman ng mama nito.

"Salamat anak." pabulong na wika ni Donya Emma sa nakapikit na si Diane.

Kinabukasan sa tulong ni Donya Emma ay nakalabas ng bahay si Diane at sa tulong din ng ibang kasambahay nila ay nalaman nila kung saan inilibing si Steven... at sila'y nagtungo sa puntod ni Steven... pagkarating nila ay agad na bumaba si Diane at dahan dahang lumakad papunta sa silong ng malaking puno ng mangga na malapit sa sapa....

"Steven mahal ko! bakit mo ako iniwan? alam mong mahal na mahal kita. huhuhu" iyak ni Diane sa puntod ni Steven, pagkalapit nya dito.

"Mahal ko, alam kung wala ka na dito sa mundo, pinipilit kung tanggapin ang katutuhanang yun pero pagginagawa ko para rin akong namamatay kasama mo, pero kailangan kung magpakatatag para sa inyo, at alam ko rin na palagi kitang kasama dahil andito ka parati sa puso ko walang papalit sayo mahal ko.... at kahit ipilit pa ng isip ko na talagang patay ka na, sinasalungat ito ng puso ko na nagsasabing buhay ka pa.... sana mahal ko matupad ang sumpaan natin dito sa luggar na ito, na balang-araw dito sa lugar na ito mag-iisa o magtatagpo muli ang ating mga puso.... Steven hintayin mo ako mahal ko babalik ako at dito rin ako mahihimlay kasama mo sa pagdating ng tamang panahon." mahinang wika ni Diane hanbang panay ang agos ng luha nito.

"Steven mahal ko paalam... doon muna ako sa America titira, pero hindi ibig sabihin noon na kakalimutan na kita, mamahalin parin kita habang ako'y may hininga pa mahal ko." wika pa ni Diane sa puntod ni Steven.

"Doon magsisimula ako ng bagong buhay, pipilitin kong tanggapin na wala ka na..... kahit mahirap kakayanin ko para sa inyo.huhuhu" saad pa ni Diane. "Paalam mahal ko. babalik ako dito mahal ko bago ako aalis patungong America." paalam ni Diane sa puntod ni Steven. at ito'y lumakad na palayo sa puntod ni Steven ng di alam ni Diane na may nakatingin sa kanya na patuloy din ang pagluha ng taong iyon....

"Iha, sana nga magkita pa kayo uli ng mahal mo.... alam kong mahal mo siya... pero tadhana ang sumubok sa pa-iibigan nyo... sana nga matupad nyo ang mga pangako nyo noon dito sa lugar na ito. Na kung sino man ang makalimot sa inyong dalawa ay dito kayo uli magtatagpo at ang puso nyo ang mag-uusap." iyak na saad ng taong nakatingin kay Diane habang papalayo sa puntod ni Steven.

Lumipas ang mga araw at araw na ng pag-alis nila Diane sa bansa, at sa mga araw rin na nagdaan ay parating walang imik si Don Gostavo dahil sa nalalapit na pag-alis ng mag-ina nito. Ng naihanda na lahat nila Donya Emma ang mga gamit nila ay nagpaalam muna si Diane dito na may sasaglitin lamang sya at pinayagan naman sya ng mama nito... pagkarating ni Diane sa puntod ni Steven ay agad nya itong ibinaba ang dala nyang mga bulaklak para kay Steven at...

"Steven mahal ko aalis na ako, huwag kang nag-alala kasakasama naman kita dito sa puso ko, at pangako walang papalit sayo dito." pahayag ni Diane sa puntod ni Steven.

"Alam ko lagi naman kitang kasama eh saan man ako magpunta, huhuhu Steven mahal na mahal kita." iyak ni Diane sa puntod ni Stven ng may humawak sa balikat nito...

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Where stories live. Discover now