CHAPTER 31

18.5K 356 4
                                    



"Damn it!!!!" mura ni Zander sabay hawak sa nasaktang panga na tinaman ng suntok ni Derick.

"Moran! Don't DAMN me coz you don't have right para halikan si Diane?" galit na saad ni Derick dito.

"And YOU!!!! Villarama.... mayroon ba? kamukha ka lang ng hampas lupang iyon na matagal ng naagnas at nahalo ang laman nito sa lupa kaya..... huwag ka ring assuming na pag-aari mo na si Diane dahil lang sa pagmumukhang mayroon ka!" galit na saad narin ni Zander dito sabay tayo at punas ng dugo sa gilid ng labi nito at dahil sa narinig ni Derick kay Zander ay mas lalong nagalit ito kaya susugurin na naman sana ni Derick si Zander ng pinigilan na ito ni Diane.

"DERICK!" pigil ni Diane dito sabay hawak sa bewang ni Derick..... "DERICK please tama na." pakiusap ni Diane dito na siya namang pinakinggan ni Derick at tuluyan ng yumakap si Diane kay Derick mula sa likod nito.

"Villarama hindi pa tayo tapos.... dahil hindi mo pa binibigay sa akin ang gusto ko!" saad ni Zander dito.

"Sige gusto mong malaman ang desisyon ko... magkita tayo sa lunes Moran sa AVC HOTEL room 1501 mga 10 in the morning.... at ito pa Moran dalhin mo lahat ng kailangang ibigay mong kapalit niyon sa akin, at pagkatapos non huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan at kay Diane... dahil oras na magkrus uli ang landas natin.... hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin." mariing saad ni Derick dito.

"Sige dadalhin ko Villarama, pero oras na hindi mo madala ang nais ko, huwag na huwag ka na ring magpapakita sa akin kahit kailan, at kay Diane. dahil ako ang magpapasya kung magtatagal ka pa dito sa mundo o hindi na.." galit na saad ni Zander na kinagulat ni Diane.

"Sandali! Bakit nasali ako sa usapan ninyo? Anong ibig sabihin nito Zander.?... Derick?" nagtatakang tanong ni Diane sa mga ito na hindi rin pinansin ng dalawa.

"Nagkamali ka ng kinakatalo, Villarama! Sana bago ka sumingit sa eksina namin kinilala mo pa ako para hindi ka magsisi." saad pa ni Zander at umalis na ito na hawak hawak ang panga nito, ng biglang nagsalita si Derick dito...

"Moran! Kilala na kita matagal na kaya..... walang problema sa akin kung ikaw ang makakalaban ko..... dapat ako ang inalam mo bago ka gumawa ng mga kalukuhan mo.... dahil hindi mo pa kilala ang isang hamak na Manlalarong magpapabagsak sayo at ako iyon!" pahabol ni Derick dito na kinatingin ni Zander dito at....

"Hahahahahaha! matagal narin kitang kilala Villarama." sagot at tawa lang ito ni Zander.

Pagkaalis ni Zander ay agad namang bumitaw si Diane sa pagkakayakap kay Derick at inaya niya itong pumasok sa loob ng bahay nito...

Pagkarating nila sa loob ng bahay ay agad na nagtanong si Diane dito....

"Derick a-anong ibig sabihin non..... iyong... iyong pinag-usapan ninyo ni Zander? Bakit kasali ako?" tanong ni Diane kay Derick na tahimik lang ito na nakaagapay kay Diane.

"Derick." tawag ni Diane dito.

"Wala iyon Diane... basta... sana magmula ngayon mag-iingat kayo ng mga bata at kung maaari huwag na kayong makipag-usap sa Zander na iyan?" sagot at hiling ni Derick dito, na mas lalong nagpataka kay Diane.

"Pero Derick kaibigan siya ng pamilya namin, at siya ang karamay ko noon pa man noong..... mawala si Steven." sagot ni Diane dito na kinatingin na ni Derick dito.

"Please Diane.... makinig ka muna sa akin kahit ngayon lang." paki-usap ni Derick dito.

"Pero...." hindi na natapos ni Diane ang sasabihin ng biglang may marinig silang ingay mula sa pangalawang palapag ng bahay nito....

"Mummy! Mummy! mummy! huhuhuhu!!!" iyak na tawag ni Stephanie sa ina habang kanang kamay nito at ikinukouskos sa mata nito...

"Why Baby Princess?" tanong agad ni Derick dito at patakbong umakyat ito sa taas na pinagtakhan ni Diane, dahil sa kinikilos nito lalo napagdating sa mga bata.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Where stories live. Discover now