image of Leo,Kyla,Lacel,Paul ---->
Chapter 22
Boyset!
Kyla Pov
Graveh! Graveh talaga! Boyset! Boyset! (Bwisit yan!hahah!) ang ganda ng araw ko sisirain lang ng lalaking yun?! Feelingero! Arrrggghhhh!! Kasi ganito yung nangyari.
Flashback
Papasok ako ng room at may nag sisigawan sa classroom namin.
"Hindi mo pweding gawin sakin to?!"sigaw ng babae.
Pumasok na ako ng classrom ng makita kong may babaeng nakaluhod sa harap ng lalaki. At yung lalaki naman ay nakatingin lang sa kanya na parang walang gana.
"I said i have a girlfriend stupid!" Bored na sabi ng lalaki. Ay kadramahan bakit dito pa sa daan drama ng drama hindi ako maka daan.
"Asan?! Saan ang malanding babaeng yun." Sabi ng babae at tumayo. Pinunasan yung luha.
Tumingin sa direksiyon ko, at ngumiti siya. "Oh! Here you are. Babe I'm sorry" lumapit siya sa akin at hinatak papunta sa harap ng babaeng umiiyak.
Lumaki ang mata ko. Oyyy! Anong?!
"Siya?!"ahuhuhu! Hala tumakbo yung babae na umiiyak!
Hinampas ko ng malakas ang braso ng lalaking ito!
"Walang hiya ka! Pati ako dinamay mo sa kalandian mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Woah! Masiyado ka namang Hot, chill lang babe" sabi ng walang hiya. Chill ha!
"Gago! Umalis ka nga diyan! Mawala kana nga!" Sigaw ko at umupo na sa upuan ko.
"Ayy ang gwapong ito winawalk outan mo lang?" sabi niya at sumunod sa akin.
"Feelingerong ambisyoso!" Sigaw ko at umupo na sa upuan ko.
"Oyyy! Maswerte ka ng at kinakausap kita marami kayang babaeng gusto ako kausapin pero hindi ko pinapansin."
"Wala akong pakialam! layas" pagtataboy ko sa kanya.
--
Kita niyo na ang yabang idamay pa ba naman ako sa kalokohan niya! Walang respeto sa babae kala mo kung sinong gwapo! Che!
Nag lakad nalang ako puntang canteen boyset! WLNg teacher! Pag pasok ko nakita ko ang magaling kung bestfriend kumakain mag isa himala wala atang naka buntot sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. At umupo sa harapan niya. Nagulat siyang nakita niya ako.
"Bestfriend i missyouuuuuu"sabi niya sa akin.
"Buti naman at na alala mo pa ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ito naman oh tampurorot na naman"sabi niya at tumayo si at niyakap ako. Ito nanaman kami kaya mahal ko ang babaeng ito eh."bati na tayo please sorry na po"
"Oo na oo na!"sabi ko naparang nadidiri sa kanya.
"Ang Oa mo!" Umupo siya sa tabi ko
"Himala wala ata si LoverBoy?"tanong ko sa kanya. Abat! Namula ang landi nito. Tinanong ko lang eh namula agad.
"May practice siya ng Basketball" sabi niya sa akin.
"Ahh wait lang kayo na ba?"tanong ko sa kanya. Namula ulit. Tumango siya sa akin. Lumaki naman ang mga mata ko.
"Aaaaahhhh! As in? Kwento ka dali"sabi ko excited much!
"Okay ganito kasi yu--" hindi natapus ni Lacel yung sasahin niya sa akin ng may isang lalaking umupo sa harapan namin. Tumingin kami sa kanya. Abat!
"Hoy! Stalker ba kita?"tanong ko sa kanya. Tumawa lang ang walang hiya.
"Ikaw ata yung feeling Kyla eh." Sabi niya naman sa akin.
"Abat! Umalis ka ng dito! Naiinis ako sa istura mo!"sigaw ko sa kanya.
"Wait lang! Leo kyla mag kakilala kayo?" Tanong ni Lacel!
"Oo"
"Hindi"
"Wait naguguluhan ako sa inyu ano ba ang nangyayari bat inis na inis ka kay Leo?" Tanong ng magaling kung kaibigan.
"Naiinis ako sa pag mumukha niya na susuka ako!"sabi ko.
"Inlove ka kasi sa akin kaya ganyan. Ayaw ko mag paligaw eh"abat! Hinampas ko siya sa braso ko.
"Kita mo Lacel Mahal na Mahal niya ako" natatawang sabi niya kay Lacel.
Tumawa naman ang magaling kong kaibigan.ako naka simangut lang dito.
"Alam niyo bagay kayo." Parang masakit sa tenga yung narinig ko ah!
"Oh! Kita mo na babe bestfriend mo okay sa atin pero hindi pa kita sasagutin"
"Gago ka ha!" Sigaw ko.
"Kyla!" Suway sa akin ni Lacel.
"Che! Mag sama kayo!" Sabi ko sabay walk out! Nakakainis talaga siya! Pati ba naman kaibigan ko napapaamo niya walang hiya siya! Isa pa yang bestfriend ko eh!
--
Lacel Pov
"Hala nagalit ata" sabi habang nakatingin kay Kyla palabas ng canteen.
"Bakit ba ang init ng ulo ni Kyla sa akin" tanong ni Leo tumawa nalang ako yieee! Smell something.
"Ganyan talaga si Kyla sa mga lalaki bihira lang yan makipag-usap sa mga lalaki maliban kay Paul." sabi ko. Yes close sila ng boyfriend ko ewan ko ba kung paano.
"Bakit si Paul lang?" Tanong ni Leo habang kain ng kain. may pagkamatakaw rin to eh nu? Kahit crush kita bibigay kita kay Kyla ng sa ganun mag ka Boyfriend naman yun para hindi na siya maging masungit.
"Ewan, baka may relasyon sila" natatawangsagot ko sa kanya.
"Hindi ka nagseselos?" Tanong niya.
"Bat naman ako mag seselos kung dun siya liligaya why not?" Natatawa na talaga ako sa mga pinag sasabi ko.
Tumawa rin si Leo alam niya naman kasi na Boyfriend ko na Ang Mokong ito ang first day namin na Couple na kami.
Tawa lang kami ng tawa.
"Ahem!" Napatigil kami at tumingin ako sa likod ko may gwapong nilalang na nakatayo sa harapan ko.
"Sorry nakakaistorbu yata ako" alam ko ang toni ng boses niya.
"Ah hindi pre aalis na din naman ako. Sige una na ako." Tumangi naman ang Mokong at umalis na si Leo.
Hinila ko na si Moks para umupo sa tabi ko. Hala! May pawis pa siya kakatapus lang siguro nila ng Practice.
"Kumain ka na ba?" Habang pinupunasan ko yung Mukha niya.
"Hindi pa, anong pinag-uusapn niyo ni Leo at bakit ang saya niyo?"
"Si Kyla" simpling sagot ko. Nakatingin lang siya sa akin habang ako naman kumakain ng Lays.
"Si Kyla?"
"Yes! Sabi ko kasi baka may relasyon kayo ni Kyla ikaw lang kasi yung close niyang lalaki bihira lang yun makipag close sa lalaki.
"Sinabi mo yun?" Biglang sumeryoso siya.
"Hehe! Joke lang yun babe" sabi ko may peace pa.
"Kaw talaga ang dami mong alam, diyan kalang bibili lang ako ng pagkain "tumayo siya at ginulo ang buhok ko.tumango lang ako sa kanya.
Oh! Sweet ng boyfriend ko ano! Hindi siya nagalit sa akin. Frist day palang namin away agad! Wag ganun! Swerti ko talaga sa kanya. Che! Daming sama ng tingin sa akin sa loob ng Canteen na to.may nag bubulong bulongan pa.
"Graveh! Boyfriend niya na si Paul"
"Hala sila na ba? Sabi ko sa inyo eh"
"Maganda naman si Lacel ah. Bagay naman sila"
"Lahat nalang sa kanya! noon nga kinuha niya si habsjsb at ngayun si Paul naman"
Hindi ko narinig kung sino ang tinutukoy ng babaeng yun! Ewan ko sa inyo maiingit kayo! Wala akong pakialam!
---
Haha! Sabaw! Bigyan naman natin ng scene si Kyla at Leo! Hehe ! Please vote and comment! Salamat! 💋