A Prequel: Beauty and Wonder...

By FGirlWriter

428K 14.6K 2.3K

Delos Santos Family Series- Auxiliary: Amalthea Ysabella Anderson was sixteen when she got head-over-heels in... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten

Chapter Eight

25K 1K 85
By FGirlWriter

CHAPTER EIGHT

HALOS hapon na kami nakauwi ng anak ko mula sa simbahan. Nagkuwentuhan pa kami ni Julio at inilibot rin kami nito sa buong simbahan. He's a very kind man and if I'm not married, I could have liked him. Lalo na at nalaman kong dalawang taon lang din ang tanda niya sa'kin. Tama nga ang tingin ko noon na kaedaran lang nito nina Ate Glenda.

Inalok ako ni Julio na sumali sa isang small group upang may makilala akong ibang taong maaring tumulong sa'kin upang mapalago ang pananampalataya ko. Siguro ay kakailanganin ko rin talaga iyon, lalo na at may nabubuo na 'kong plano kung paano magiging maayos ang pagsasama namin ni Santino. Pumayag ako sa alok ni Julio at ibinigay nito sa'kin ang numero ng telepono nito para alam ko kung saan ko ito puwedeng matawagan.

"Are you sleepy already?" lambing ko sa anak kong kanina pang humihikab, nasa sasakyan pa lang kami.

Mapungay na ang munting mga mata ni Bari. Idinantay na nito ang ulo sa balikat ko. At bago ko pa ito maihiga sa kama ay tulog na tulog ito.

Nag-iwan ako ng munting halik sa pisngi ng anak ko.

"Good night, my baby Bari," I gently whispered to his little ear. "I promise, Mama will learn more how to love. Para sa'yo at para sa Papa mo... But it's just a secret, okay? When you get older, dalawa na tayong magpe-pray para sa heart ng Papa mo..."

Tinitigan ko pa ang anak ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko nga bang magmahal ng katulad sa isang napakabuting Diyos.

Mas handa na ba ako sa sakit? But what pain can't I surpass? Kung hindi pa 'ko nasaktan at nasasaktan pa rin dahil kay Santino, I would just be a weak and fragile woman.

So, what's good with pain?

If you got broken by the last time, it will be requiring a lot stronger pain to break you next time. The tolerance to handle what hurts you stretches.

Stronger pain, stronger healing, and a stronger you the next.

Kinumutan ko si Bari at saka ako lumabas ng kuwarto nito.

Napadaan ako sa harap ng silid ni Santino. Gusto ko sana siyang kausapin. Dahil kung hindi ko pa agad uumpisahan ang nabuo kong plano kanina ay baka mawalan na 'ko ng lakas ng loob na kausapin si Santino.

It's been years since we had a long and serious conversation. Ito ang isa sa dapat na mabago sa'min—komunikasyon. We've been blinded by anger and pride for years. This had to end today.

Humugot ako nang malalim na hininga bago kumatok sa pintuan niya.

"Come in."

Napatingin pa 'ko ng matagal sa doorknob bago ko nagawang pihitin iyon pabukas.

Pagdungaw ng ulo ko sa loob ng kuwarto niya ay napakurap-kurap ako. Nakahiga si Santino sa gitna ng kama, walang pang-itaas at kumot lamang ang tumatakip sa kanyang pang-ibaba kaya hindi ko rin matukoy kung may suot ba siya doon.

He boringly stared at me. "What do you need, Mrs. Delos Santos?"

Isa pa iyang bagong tawag niya sa'kin mula nang ikasal kami. Hindi ko alam kung sarkastiko ba siya o ano. Ngunit hinayaan ko na lang rin. I have to admit, it's kind of a good... endearment.

"May kasama ka bang babae kagabi?" maingat kong tanong.

"Yes," mabilis naman niyang sagot.

Parang nanghina ang mga tuhod ko kahit na inaasahan ko na rin iyon. Lumapit ako at umupo sa office chair niya na nasa tabi lang ng kama.

"Did you sleep with her?" tanong ko pa, mahinahon. Paano ko kaya 'tong nagagawa?

"Kung nakasiping ko siya ay hindi. But I did sleep at her place. That's all."

Nag-aagawan ang pasya ko kung maniniwala ako o hindi. Si Santino Delos Santos, "nakitulog" lang sa bahay ng isang babae?

"Siya ba 'yong ipinaalam mo sa'kin?"

Tumango siya. "The chairman's niece, yes," kumpirma niya pa.

Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. His lean muscles and abdominals are more defined now than I remembered. Ang alam ko ay madalas mag-ehersisyo si Santi dahil na rin sa kondisyon niya sa puso.

"Did you get the deal, then?" tanong ko na lang.

Tumango ulit siya... Pumikit ako at inipon sa utak ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya ngayon.

Kailangan kong lakasan ang loob ko.

Nakakausap naman ng matino si Santino... basta't hindi ako magkamali sa mga gagamitin kong salita at tono.

"Alright..." I exhaled slowly. Idinilat ko ang mga mata ko at matapang na sinalubong ang sa kanya. "That will be the last, Mr. Delos Santos."

His thick eyebrow shoots up. "Last? What do you mean by that?" he curiously asked.

"H-Hindi... H-Hindi ka na..." Tumikhim ako. It's now or I'm going to chicken out next time. "Hindi ka na puwedeng lumabas kasama ang ibang babae. Kahit pa tungkol sa negosyo," I managed to tell him calmly!

Itinaas ko ang noo ko. "It's time to end this dirty business strategy, Santino."

Tinitigan niya 'ko ng matagal.

Blangko.

Hindi naman ako nagbitiw ng tingin upang mapagtanto niyang seryoso ako.

He crossed his arms, biceps flexing. "What if I don't want to end it? I get better deals with what I do."

Kumuyom ang mga kamay ko sa ibabaw ng hita ko. Ngunit pilit kong ikinalma ang sarili ko.

No, Amalthea Ysabella. Keep your calm. Mas lalong hindi makukumbinsi si Santino kung magpapatalo ka sa emosyon mo.

Kinitil ko ang inis na nararamdaman ko. He knew what annoys me, but I'll keep my edge. Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Sumandal ako sa kinauupuan at pinagkrus ang mga hita ko.

"Our marriage is very unusual. We need to change this," sabi ko nang hindi bumibitiw sa mga tingin niya. "Or else, Bari will grow up having a wrong kind of perception about marriage. Ayokong maging—"

"Maging katulad ko si Ibarra?" Umangat ang gilid ng labi niya. "The only thing that could make him be like me is, if he catches you having sex with other man in my own house."

Napakurap ako. Marahang kirot sa dibdib ang naramdaman ko nang maalala ang kuwento ng pamilya ni Santino.

Nilayo niya ang tingin niya sa'kin, tumanaw sa labas ng bintana. "Ibarra will be like me if I beat him hard even without reasons."

"Huwag na huwag mong sasaktan ang anak natin," nasabi ko na lang ng kusa.

"He needs discipline. I'll hit him if only needed, Ysabella. Pero hindi ko siya sasaktan ng walang dahilan." Saglit na lumamlam ang mga mata ni Santino pero agad ding nawala iyon.

I agree with Santino this time. Hindi ko rin naman gustong lumaking spoiled brat si Bari. Kaya kung kailangan ng pagdi-disiplina galing kay Santino ay hahayaan ko. It's one of his duties as Bari's father. Ngunit, babantayan ko ang klase ng pagdi-disiplinang iyon.

Napansin kong lumalayo na ang usapan sa totoong intensyon ng pag-uusap na 'to. We'll talk about disciplining our child next if this conversation turned out well...

"Santino."

Bumalik na ang tingin niya sa'kin mula sa labas ng bintana.

Tinuwid ko ang likod ko. "Anyway, I just... I just want to start over, Santi."

Lalong natutok ang atensyon niya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"I'll graduate in two weeks time. Matagal na rin mula nang hindi natin pagkaka-intindihan. Gusto kong maayos tayo."

Something flickered in his eyes. Maybe he was surprised. "Come again?" His eyes got more intense while looking at me.

Napayuko tuloy ako. "K-Kakalimutan ko lahat ng pambababae mo. Lahat ng pangit na alaaala noon, hindi ko na babalikan pa. Pina... P-Pinatapatawad na kita, Santino..."

Noon, hindi ko inaasahan na darating ang araw na patatawarin ko siya ng buo. Dati, kailangan ko lang siya patawarin para kay Bari. But now, I do need and I want to forgive him.

"Sana napatawad mo na 'ko sa pagsisinungaling ko sa edad ko noon."

Another thing that I realized--If someone forgives, he/she needs to humble himself, too.

Nagpapatawad dahil napatawad din.

"Nais ko lang na makapagsimula ulit tayo. A clean slate. A new and honest relationship as husband and wife." I sincerely said. Nakayuko pa rin ako dahil siguro, hinahanda ko pa rin ang sarili ko sa magiging reaksyon ni Santino.

Hindi ko siya narinig na umimik.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Ganoon na lang ang kalabog ng puso ko nang biglang siyang lumapit! At nahawi ang kumot sa katawan niya!

He was indeed wearing nothing!

I closed my eyes and then, I smelled his minty breath near my face.

"Open your eyes, my beauty."

My beauty... It's been years since he called me that... It brought a nostalgic and warm feeling inside me.

Umiling-iling ako para hindi ako masyadong malunod sa alaala. Kailangan kong maging matatag!

"N-Nakahubad ka..." sabi ko para lang may masabi ako.

He chuckled. "You saw me naked before." Humaplos ang isang daliri niya sa pisngi ko.

I held myself as I perfectly know how he can easily flirt and charm any women, so he can defeat them in an argument.

Dirty, dirty trick of Santino Pierre Delos Santos.

"Santino, seryoso akong nakikipag-usap sa'yo!" saway ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. This way, he can't seduce me--

"Start to move all of your things here."

Doon ako napadilat.

Ano daw?

Hinila niya ang kumot at itinabing sa ibabang parte ng katawan niya. Kapagkuwa'y natagpuan ko na lang ang isang kamay niyang humahaplos sa mahaba kong buhok...

Marahan niyang hinila ang buhok para mapatingala ako sa kanya.

"S-Santi..."

His eyes roamed around my face, then he said, "Starting tonight you'll sleep here in my bed. Kung gusto mo ng normal na pagsasama, iyon ang kondisyon ko kapalit ng kondisyon mo."

Napakurap ako. May punto siya at inaasahan ko rin naman na ganoon ang mangyayari. Nagulat lang siguro ako na si Santino pa ang hayagang nagsabi at iyon pa ang unang kondisyong hiningi niya.

I know I need to compromise for our marriage to work out normally.

I find it fair, although... "Maari bang huwag tayong magsiping." Hindi tanong ngunit pahayag. "Ang ibig kong sabihin..." I sighed. "Tatabi ako sa'yo pero sana ay hanggang doon lang muna."

I don't want to make love with Santino if he does not love me. Sure, I love him. Ngunit, ayokong magpagamit lang ng katawan. Baka mabuntis din ako kung hahayaan kong may mangyari na naman sa'min habang inaayos ko pa ang pagsasamang 'to.

Sapat na muna si Bari ngayon ang anak namin. Isa pa, mahal na mahal ko ang anak ko. Na para bang wala pang makakapantay dito.

Lumayo na si Santino sa'kin at bumalik sa pagkakahiga niya sa kama. "Fine."

Tila ang sama ng loob niya.

Napangiwi ako. "I know you're a man with needs. But you see, I'm not like before, Santino."

I know what he deserves from me. I should have gave it a long time ago...

My full honesty.

"I don't want our relationship to be just physical. Nais kong mas maging konektado ng malalim sa'yo. Para maintindihan kita. At kapag mas naintindihan kita, mas marami akong rason para hindi maglayas at iwan ka."

Umangat ang gilid ng labi niya. "I'm not asking you to stay."

Mataas lang ang pride mo, Santino, kaya hindi mo maamin na kailangan mo kami ni Bari sa buhay mo.

Tama nang siya lang ang mataas ang pride sa'min. Someone has to back down. Hindi kami magkakaayos kung dalawa kaming nagpapataasan ng pride.

So, I'll knock down my own walls. I'll open my heart for Santino Pierre Delos Santos, again.

Tumayo na 'ko. I kindly smiled at him. "You don't need to ask, Santi. Binibigay ito sa'yo ng kusa. That's grace."

Nagkibit-balikat siya at padapang humiga sa kama niya. Lumabas na ako ng kuwarto niya nang nakangiti. He backed down!

Nang gabing iyon ay naglipat lang ako ng ilang damit at isinama ko sa mga damit ni Santino sa walk-in closet ng kuwarto niya.

Nang maghapunan ay tulog na tulog siya kaya't hindi ko na ginising. Pinuntahan ko na lang si Bari at nakita ang anak kong gising na at tahimik na naglalaro sa ibabaw ng kama nito.

Binuhat ko si Bari at bumaba na para kumain ng hapunan. Pagkatapos naming kumain ay hindi pa rin bumababa si Santino.

Nang silipin ko siya sa kuwarto ay nagta-trabaho na pala siya. Nakasubsob ang ulo niya sa working table na katabi ng kama. May mga dokumento siyang binabasa at pinipirmahan.

"Papa..." tawag sa kanya ni Bari na kasama kong sumilip sa silid.

Napalingon si Santino sa direksyon namin.

"Hindi ka pa naghahapunan," sabi ko sa kanya.

"I'll eat when I'm hungry," masungit niyang sabi at saka itinutok ulit ang atensyon sa trabaho.

Ah, ito pa pala ang isa niyang personalidad. Kapag trabaho, seryoso lagi si Santino. Siguro importante talaga ang inaasikaso niya kaya hinayaan ko na lang muna siya.

"Mama, read me a bed time story," bulong sa'kin ng anak ko nang isara ko ang pinto.

Napangiti ako at naglakad na papunta sa kuwarto nito habang buhat ito. Sandaling pinaliguan ko muna si Bari at saka sinuotan ng preskong pajamas. Pagkatapos niyon ay humiga na kami sa maliit nitong kama at nag-umpisa na'kong magbasa ng kuwento.

Hindi ko na nabantayan ang oras. I just kept on reading Bari stories after stories. Hindi ako humihinto. Nakailang bedtime story na 'ko.

"Mama, can you tell me the ending tomorrow night instead?" Bumabagsak-bagsak ang ang mga mata ni Bari. "Mahaba ang kuwento mo ngayon, Mama..." he even yawned.

"Oh, sorry, baby..." ngiwi ko.

Hindi ko alam kung sinasadya ko bang tagalan na basahan siya ng kuwento. Oras kasi na makatulog na si Bari, kailangan ko na rin matulog... sa tabi ni Santino.

Hindi pa 'ko tapos sa pagbabasa ng kuwento ay natutulog na ang anak ko. Napangiti ako nang makitang himbing na himbing na naman ang anghel ko. Ang lalim-lalim na agad ng tulog! Pinisil-pisil ko pa ang pisngi ng anak ko at paulit-ulit siyang hinalikan, pero hindi na talaga ito naalimpungatan. Patag na patag ang pag-angat-baba ng dibdib ni Bari.

Oh, my little love!

"Good night, anak. Sweet dreams. Mama loves you." Kinintilan ko ito ng halik sa bumbunan, noo, ilong, pisngi, at labi. He's so cute! I love my baby so much.

I quietly left Bari's room after I rained my sons with kisses. Pumasok muna ako sa kuwarto ko para rin makaligo muna bago matulog. I wore my pajamas before I went to Santi's room.

This time, I already calmed my heart and mind. Wala akong dapat iwasan o ikatakot pa. Kumatok ako bago pumasok. Subsob pa rin ang asawa ko sa trabaho niya. It's already 11 PM.

"I'm going to sleep," I softly told him.

Tinanguan niya lang ako.

Lumapit na 'ko sa malaki niyang kama at pumuwesto sa pinaka-gilid.

"G-Good night..." I kindly smiled even though he's not looking. "Good night, Mr. Delos Santos." Hinaluan ko nang kaunting lambing ang boses ko.

Hindi na siya sumagot. Nagkibit-balikat na lang ako at saka humiga, nagkumot, at pinikit na ang mga mata ko. Madali lang. Tama ngang wala dapat akong ipangamba.

"You're serious about fixing us, huh?" Santi said out of nowhere.

I opened my eyes, again. Napalingon din ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa'kin at abala pa rin sa ginagawa niyang trabaho.

"Of course, I am." The Lord's telling me to. And I will obey this time. Wala nang matigas na ulo na Ysabella. Makikinig na ako sa Panginoon ngayon.

Hindi na ulit umimik si Santino kaya pumikit na 'ko. I silently prayed before I doze off to sleep.

Naalimpungatan lang ako ng mga bandang alas-kuwatro ng madaling araw. May maiinit na bisig na nakapulupot sa baywang ko...

Napalunok ako. Wala pala sa usapan namin ni Santino na hindi puwede ang ganito...

Unti-unti akong nagpakawala ng hininga. Hindi naman siguro masamang yumakap siya sa'kin. Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at idinantay ang kamay ko sa kamay niya.

This is a good start.

***
I AM VERY satisfied on what I have started. Sana pala ay noon ko pa 'to ginawa. But I think the timing now was just right.

Maayos naman ang naging relasyon namin ni Santino sa nakalipas na anim na buwan.

Ito ang mga pruweba;

Wala na 'kong nababalitaang mga babae na nakikitang kasama niya.

Lagi rin siyang umuuwi sa tamang oras mula sa trabaho.

At mula nang makapagtapos ako sa kolehiyo, kinuha niya 'ko para sa Delos Santos na ako magtrabaho. Kaya naman sa mga business trips niya ay lagi niya 'kong isinasama. Pati si Bari.

Hindi ko pa masasabi kung tuluyan na ngang nagbago si Santino. Ngunit, nakikita ko naman na mas umayos at naging normal ang pagsasama namin. We would always talk. About business, though. At doon ko napagtanto na ang galing pala talaga niyang magpatakbo ng mga kompanya ng Delos Santos.

Iyon nga lang ay napaka- "bossy" niya nga. Maraming trabaho siyang laging ipinapagawa sa akin. Sa palagay ko nga ay nababawasan ang oras ko para sa anak ko.

Kaya naman tuwing Linggo ay lagi akong bumabawi kay Bari. Pagkatapos magsimba ay ipinapasyal ko ang anak ko. Hindi lumalabas si Santino ng bahay kapag Linggo. Mas pinipili niyang matulog ng buong araw. Ilang beses ko na siyang inayang magsimba kasama ng anak namin. But he would always reason out that the whole week got him tired.

Hindi ko rin naman siya mapilit pa, dahil lagi nga siyang nasa trabaho at totoong nakakapagod ang ginagawa niya.

"Mukhang mas masaya ang disposisyon mo ngayon kaysa noon," nakangiting sabi sa'kin ni Julio.

Sumama ito sa'kin para ipasyal si Bari sa isang family park pagkatapos magsimba. Julio treated my boy an ice cream. Tuwang-tuwang kinakain iyon ni Bari habang nakaupo sa stroller nito.

Tumango-tango ako. "Mas nagkakasundo na kami ng asawa ko ngayon. Madalas na rin ang komunikasyon namin at wala na 'kong nababalitaang ibang babae na kasama niya."

Napangiti ito. "You did forgive him for cheating on you a lot of times."

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko ba alam kung paano kong natanggap na lang. Siguro alam ko naman na ganoon talaga si Santi noon pa man."

Komportable akong kausap si Julio dahil ito ang pinakamalapit kong naging kaibigan sa simbahan. Para rin akong may kausap na pastor.

"Palikero talaga siya. It became his nature and maybe he finds it hard to just settle with one woman. Lalo na kung hindi niya ganoon kamahal."

"But you said he once loved you?"

"I don't even know if it was true at that time. Yet I want to believe he did love me. I just broke his trust. I can't really blame him. I hurt him."

Napatanaw ako sa mga batang nagtatakbuhan habang napakataas ng sikat ng araw. Gusto ko sanang hayaang maglaro at makipaghabulan din si Bari sa iba pang mga bata pero masama sa anak ko ang mapagod.

Mahina ang puso ni Bari kaya lagi ko rin siyang binabantayan. Santino said that our son has inherited the Delos Santos' heart condition.

"Sinaktan ka rin niya."

"Gumanti siya, oo. Sinumpa ko pa siya noon sa sobrang sakit pero ako rin naman ang nagdala ng sarili ko sa sitwasyong iyon."

Tumango si Julio. "Sa inyong dalawa, mas mukha ngang ikaw ang may kakayahang magpatawad at umibig muli."

While Santino does not know how to do it. Minsan, naisip ko, imbes na magalit ako sa mga taong kagaya niya, dapat ay maawa na lang ako.

Hindi sila nakaranas ng sapat na pag-ibig. Hindi nakaramdam ng tamang pagmamahal. Mas nakakaawa nga ang mga taong ganoon. Hindi nabuhay ang tunay na pag-ibig sa mga puso nila, sapagkat walang nagparamdam o nagpakita niyon sa kanila.

"Sa tingin mo ay gaano katagal bago matutunan ni Santino ang nais mong matutunan niya?"

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam. Parang hindi madali."

"Sabi mo naman ay maayos ang takbo ng pagsisimula niyong muli sa mga nakalipas na buwan."

Tinignan ko si Julio. "Baka magsawa si Santino, iyon ang ikinatatakot ko. Baka bumalik lang siya ulit sa dati," pangamba ko.

"Kung ganoon ay kailangan mo pa ng maraming tulong mula sa'min para ipagdasal siya."

I chuckled. "Magtawag ka pa ng mga prayer warriors. Matagal-tagal at madami-daming dasal ang kailangan ko."

Julio smiled and stared at me.

Nailang ako ng bahagya kaya tumabingi ang ngiti ko. "W-Why?"

"You are a wonderful person, Ysabella. Kung hindi lang masama ay inagaw na lang kita mula sa asawa mo."

I awkwardly laughed. Nag-iwas na 'ko ng tingin kay Julio. Binalingan ko na lang si Bari. Ubos na nito ang ice cream at nakatanaw na lang ang anak ko sa mga nagtatakbuhang bata.

"Ngunit hindi ka magpaagaw kahit puwede, tama ba? Mahal mo si Santino."

And that's the truth I can never deny no matter how hard I try. I chose everything now because of one thing... "I do love him. Mahal na mahal ko si Santino."

Santino was the man of my dreams long before he hurt me. He is, also, Bari's father. Sa lahat ng nangyari, ito ang pinakanatatangi kong ipagpapasalamat kay Santino. He gave me an adorable son, my Crisostomo Ibarra...

And I wanted to believe that Bari was made out of love. Dahil pagmamahal ang tanging nararamdaman ko sa tuwing inaangkin ako ni Santino noon.

"Mama," Bari called my attention.

Napakurap ako. "Yes, anak?"

"Mama, Papa's there." Bari's little index finger pointed at somewhere.

Napatuwid ako ng likod nang sinundan ko ang tinuturo niya.

I gasped. Santino was really there!

Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Nakatayo siya ng tuwid sa ilalim ng malaking puno, nakatiim-bagang.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

~~~

Visit our PubCamp:

Facebook: FGW Publishing Camp

Twitter: FGWPubCamp

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 214K 42
Here's what I have to do within 30 days: --Help him move on. --Make him fall for me. --Fall in love with him. Para sa ikaliligaya ng mga kaib...
2.5M 91.7K 40
Bookworm and introvert are probably two words that best describe Aika. She's a half-Japanese, half-Filipino writer who likes to watch Korean drama se...
9.2M 202K 42
Kyle Vincent Villacruz's story.
534K 9.4K 52
Di akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong...