Chapter Four

25.5K 1.1K 178
                                    

CHAPTER FOUR

SASABIHIN ko na ba? O maghihintay pa ng mas perpektong pagkakataon?

Ngunit kailan ba ang tamang panahon para umamin kay Santino? Kapag mas tumagal pa kami?

Paano kung malaman niya pa sa iba? Paano kung isang araw ay magkita sila ni Kuya Philip o ni Papa sa isang business event at hindi sinasadyang mapag-usapan ako? Bagaman kilala ni Santino ang buo kong pamilya, hindi ko pa siya naipapakilala ng personal kina Papa.

At wala akong lakas ng loob na humarap sa mga magulang ko na may dalang nobyo na pitong taon ang tanda sa'kin.

"Tahimik ka. May problema ba?"

Agad akong umiling at bumaling kay Santino. Pauwi na kami galing sa dalawang linggo naming bakasyon. Nalibang na naman ako sa sariling mundo naming dalawa kaya nakalimutan kong may atraso pala ako sa lalaking ayaw kong mawala na sa buhay ko.

"Share me your thoughts, Aya," he softly said while driving.

Lumabi ako at sumandal lang sa upuan. No, I can't tell him the truth right now. Baka bigla niya 'kong pababain ng sasakyan.

"Bakit palaging ako ang kailangang magbahagi?" kunwari ay tampo ko. "Magli-limang buwan na tayo sa relasyon natin, Santi. Pero wala ka pa ring nababanggit sa'kin ng mga bagay na tungkol sa'yo."

Mabuti na lang at mabilis kong naisip iyon. Although, I really noticed that Santi rarely speaks about his personal life. Kung hindi pa 'ko nakakaintindi ng mga usaping pang-negosyo ay wala kaming halos mapag-uusapan dahil nakuwento na rin yata lahat ng kapatid ko sa kanya.

"What do you want to know, Aya?" he asked, his eyes focused on the road.

"More about you? Your f-family?" Hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako kung ano bang hindi magpapatabang ng mood niya.

Nagkibit-balikat siya. "It's not interesting as yours," he boringly said. "My mother left for another man when I was about nine? Ten? I caught them having sex in my parent's room."

Napakurap ako dahil sa biglang pagkukuwento niya!

So, his mother did cheat! At mas malala pa ay nakita niya iyon.

Oh, my poor Santi.

"Pero hindi ko rin masisisi si Mama kung maghanap siya ng iba," walang emosyong dugtong niya pa. "My father's always working. Masyado rin siyang bata nang kinulong siya sa kasal ni Papa noon. Fifteen? Sixteen?"

Napangiwi ako. Naramdaman kong mas bumigat ang nararamdaman ko sa dibdib. Ganoon lang din ang edad ko ngayon...

"Papa is not a good father and husband, as well. Masyado siyang mahigpit kay Mama at abusado. At nang iwan kami ni Mama ay ginugulpi na rin ako ni Papa sa tuwing hindi ko sinusunod ang gusto niya, Madalas, kahit walang dahilan. Basta nais niya lang na bugbugin ako."

Inobserbahan ko mabuti si Santi dahil walang kahit anong emosyon ang pagkukuwento niya. Tila ba wala lang sa kanya ang mga nangyari sa buhay niya.

"Hindi niya na kayang makaganti kay Mama kaya siguro ako ang napagbuntungan niya."

Parang maiiyak ako. May kung anong sumaksak sa puso ko dahil sa kuwento niya.

Hindi ka na ba nasasaktan, mahal ko? O masakit pa rin subalit ikinukubli mo na lang, Santino?

Napabuga ako ng hangin. Dapat pala ay hindi ko na lang sinabi na magkuwento siya... "I-I'm sorry..."

"For what?" kunot-noong tanong niya.

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum