Chapter Ten

55.8K 1.7K 467
                                    

"God will take you through a journey of life to build your character... by breaking you down." - Ptr. Peter Tan-Chi Jr.

***
CHAPTER TEN

Year 1983.

NAPAKASAYA nang ganoong pakiramdam. Na kahit hindi sabihin ni Santino na mahal niya 'ko, ang mahalaga'y nararamdaman ko.

Mas umayos pa ang pagsasama namin mula nang dumaan ang bagyo. Tila nang matapos ang bagyo na iyon ay doon na din kami nagkaintindihang muli ni Santino.

Siguro naramdaman niya na ring magbaba ng pride mula nang ibinaba ko ang sa'kin. At ang pakikitungo ko bilang tunay na asawa sa kanya ay nagbigay daan siguro para sumuko na rin siya at maging tunay na asawa na rin sa'kin.

Although Santino is still guarded, he loosens up more often now. He talks with me with more personal topics other than business. At nagbibigay na rin siya ng oras sa anak namin.

May kung anong ligaya sa puso ko sa nakikita kong pagbabago sa kanya.

"You know, Julio, I believe our prayers are working." Napatingala pa ako sa kalangitan. "Thank You, Lord!"

"Of course, it does! Sa tingin ko ay mas bumait na ang asawa mo sa'yo?"

Agad akong tumango. "Madalas ay masungit, matigas, at bugnutin pa rin, pero nakikita kong kinokontrol niya na ang sarili niya. Nagsimula na ulit siyang maging bukas sa'kin sa mga usapin. And he spends time with our son."

"He loves you both."

"I want to believe so." Namula ang mga pisngi ko at napangiti. "Lagi rin kaming magkasama sa opisina at mga importanteng meeting. Kaya alam kong wala siyang ibang babae."

Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbabagong nakikita ko kay Santino. Sana ay walang mangyari upang magsara na naman ang pinto ng puso niya.

"Masaya ako para sa inyo."

"Please, continue praying for us. Mailap pa din si Santi sa tuwing inaaaya ko magsimba. I know that it will take another long time before he opens up spiritually but, nothing's impossible, right?"

"Right!" Julio agreed. Inabutan ako nito ng isang box ng croissant. "My sister baked these. Sana magustuhan mo at ni Bari. Alukin mo rin si Santino kung may matira pa."

"Maraming salamat, Julio! Ang bait mo talaga sa'ming mag-ina simula pa lang. Suportado ka pang kaya ring magbago ng asawa ko."

Nagkibit-balikat ito at nginitian lang ako. "Walang pusong hindi lalambot sa pagmamahal ng Panginoong Diyos."

I can only agree with that.

Pagkauwi namin ni Bari galing sa simbahan ay wala si Santino. Bahagya akong nagtaka dahil wala naman siyang nabanggit na may ibang lakad siya ngayon. Madalas kapag araw ng Linggo, nagpapahinga lang siya sa bahay.

Hindi alam ng mga kasambahay kung bakit umalis si Santi. Nang tumawag ako sa opisina ay ang security guard ang sumagot. Wala daw doon ang asawa ko. Tumawag pa 'ko sa ibang lugar kung saan posibleng nandoon ang asawa ko.

Ngunit, wala lahat ang sagot.

Agad akong nag-alala dahil kapag wala naman si Santi sa bahay ay nasa trabaho siya. But, he's not in work, too...

Inabot ng gabi at wala pa rin si Santino. Nang napatulog ko na si Bari ay saka ko lang narinig ang pagdating ng sasakyan niya.

"Where have you been?" I softly asked him.

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now