Chapter Three

25K 1K 142
                                    

CHAPTER THREE

"YSABELLA!"

Napalingon ako kay Paulina. "What?"

"You're not listening to me." Nakasimangot na ang kaibigan ko sa'kin. "Ang sabi ko, hindi ka na puwedeng lumiban sa klase natin sa Etiquette dahil sosobra na ang absences mo. Mabuti nga at pumayag ang professor na hindi ka i-drop dahil mataas naman ang nakukuha mong marka sa mga pagsusulit natin—Ysabella! Hey, you're spacing out, again."

"S-Sorry..." mahina kong sabi.

Puyat ako at gusto ko sanang matulog muna. Madaling araw na 'ko nakauwi kaninang umaga dahil may pinuntahan kaming country club ni Santino. Dinala niya 'ko sa isang esklusibong country club kung saan siya bagong miyembro. Wala pa masyadong tao doon kaya't nasarili namin halos ang buong lugar.

"You look so tired. Ano bang ginawa mo over the weekend? Did you even review for our final exam?"

Umiling ako at sinubsob ang ulo ko sa lamesa. Pinikit ko ang mga mata ko at kahit anong pilit na gising sa'kin ni Paulina ay hindi ko ito pinansin. Hanggang sa tuluyan na 'kong makatulog.

Nagising akong mag-isa na lang sa campus garden. I glanced at my wristwatch. It's already three PM. I missed two classes!

Ah, damn!

Nakasalubong ko si Paulina sa hallway. "Why didn't you wake me up?"

"I did. Pero may nakakita sa'king school admin. Pinapasok niya na 'ko sa klase at sinabing pabayaan ka na lang daw. Mukha ka kasing pagod na pagod."

"I missed two classes!" himutok ko. Huling linggo na nga ng klase at absent pa 'ko!

Nagkibit-balikat lang si Paulina. "Don't worry, hindi ka naman babagsak sa Chem at English 1. Pumasok na lang tayo sa History ngayon."

Hinila niya na 'ko papunta sa huli naming klase para sa araw na 'to. Pero hindi rin naman ako nakinig sa klase dahil iniisip ko si Santino.

Dumating ang sumunod na linggo at kahit papaano nasagutan ko naman lahat ng pagsusulit. Buti na lang at hindi masyado nag-aayang lumabas si Santino kaya't natuon ko ng mabuti ang atensyon ko sa pag-aaral ng mga pagsusulit.

Summer came.

"Where will you spend your summer, Bella?" Paulina asked me.

"Ahm... with the family... Baka pumunta kaming Cebu para bisitahin ang grandparents namin."

And that was, again, another, lie. Nakokonsensya na talaga ako dahil puro kasinungalingan na ang lumalabas sa'kin. Kinakabahan na 'kong pabigat na ng pabigat ang consequences nito. I only hope that God can still forgive me.

Pagkauwi ko ay sabay-sabay kaming nagsalo sa hapunan ng buong pamilya.

"Ma, Pa, I will just remind you that Teddy will take me to Amora this summer," sabi ni Ate Glenda. Teddy Napoleon is her boyfriend. Kaklase niya sa UP. "Ipapakilala niya na daw ako sa buong pamilya niya."

"Magpapakasal na ba kayo, Ate Glen?" tanong ni Ate Regina.

"After we finish college, maybe? Ano ka ba, Regina? We're just nineteen. Baka ikaw ang maunang magpakasal diyan."

"I'm just eighteen! Saka hindi naman papayag si Mama at Papa. Kayo pa lang ni Kuya Philip ang puwedeng magpakasal!"

Basta't tumuntong na sa tamang edad ay hinahayaan na nina Papa at Mama na magdesisyon ang mga anak nila.

Parang si Kuya Philip na stable naman ang relasyon sa nobya nito, pero mas prayoridad daw ang pagta-trabaho muna.

Pagkatuntong naman ni Ate Glenda at Ate Regina ng dise-otso ay nagsimula na silang payagang lumabas kasama ang nobyo nila. Actually, hindi na nga kailangan magpaalam nina ate. Kusa lang silang nagsasabi.

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now