Chapter Eight

24.9K 1K 85
                                    

CHAPTER EIGHT

HALOS hapon na kami nakauwi ng anak ko mula sa simbahan. Nagkuwentuhan pa kami ni Julio at inilibot rin kami nito sa buong simbahan. He's a very kind man and if I'm not married, I could have liked him. Lalo na at nalaman kong dalawang taon lang din ang tanda niya sa'kin. Tama nga ang tingin ko noon na kaedaran lang nito nina Ate Glenda.

Inalok ako ni Julio na sumali sa isang small group upang may makilala akong ibang taong maaring tumulong sa'kin upang mapalago ang pananampalataya ko. Siguro ay kakailanganin ko rin talaga iyon, lalo na at may nabubuo na 'kong plano kung paano magiging maayos ang pagsasama namin ni Santino. Pumayag ako sa alok ni Julio at ibinigay nito sa'kin ang numero ng telepono nito para alam ko kung saan ko ito puwedeng matawagan.

"Are you sleepy already?" lambing ko sa anak kong kanina pang humihikab, nasa sasakyan pa lang kami.

Mapungay na ang munting mga mata ni Bari. Idinantay na nito ang ulo sa balikat ko. At bago ko pa ito maihiga sa kama ay tulog na tulog ito.

Nag-iwan ako ng munting halik sa pisngi ng anak ko.

"Good night, my baby Bari," I gently whispered to his little ear. "I promise, Mama will learn more how to love. Para sa'yo at para sa Papa mo... But it's just a secret, okay? When you get older, dalawa na tayong magpe-pray para sa heart ng Papa mo..."

Tinitigan ko pa ang anak ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko nga bang magmahal ng katulad sa isang napakabuting Diyos.

Mas handa na ba ako sa sakit? But what pain can't I surpass? Kung hindi pa 'ko nasaktan at nasasaktan pa rin dahil kay Santino, I would just be a weak and fragile woman.

So, what's good with pain?

If you got broken by the last time, it will be requiring a lot stronger pain to break you next time. The tolerance to handle what hurts you stretches.

Stronger pain, stronger healing, and a stronger you the next.

Kinumutan ko si Bari at saka ako lumabas ng kuwarto nito.

Napadaan ako sa harap ng silid ni Santino. Gusto ko sana siyang kausapin. Dahil kung hindi ko pa agad uumpisahan ang nabuo kong plano kanina ay baka mawalan na 'ko ng lakas ng loob na kausapin si Santino.

It's been years since we had a long and serious conversation. Ito ang isa sa dapat na mabago sa'min—komunikasyon. We've been blinded by anger and pride for years. This had to end today.

Humugot ako nang malalim na hininga bago kumatok sa pintuan niya.

"Come in."

Napatingin pa 'ko ng matagal sa doorknob bago ko nagawang pihitin iyon pabukas.

Pagdungaw ng ulo ko sa loob ng kuwarto niya ay napakurap-kurap ako. Nakahiga si Santino sa gitna ng kama, walang pang-itaas at kumot lamang ang tumatakip sa kanyang pang-ibaba kaya hindi ko rin matukoy kung may suot ba siya doon.

He boringly stared at me. "What do you need, Mrs. Delos Santos?"

Isa pa iyang bagong tawag niya sa'kin mula nang ikasal kami. Hindi ko alam kung sarkastiko ba siya o ano. Ngunit hinayaan ko na lang rin. I have to admit, it's kind of a good... endearment.

"May kasama ka bang babae kagabi?" maingat kong tanong.

"Yes," mabilis naman niyang sagot.

Parang nanghina ang mga tuhod ko kahit na inaasahan ko na rin iyon. Lumapit ako at umupo sa office chair niya na nasa tabi lang ng kama.

"Did you sleep with her?" tanong ko pa, mahinahon. Paano ko kaya 'tong nagagawa?

"Kung nakasiping ko siya ay hindi. But I did sleep at her place. That's all."

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon