Chapter Two

32.7K 1.2K 234
                                    

CHAPTER TWO

INILAPAT ni Santino ang dalawa niyang kamay sa magkabilang baywang ko. Yumuko ng bahagya ang kanyang ulo para magsalubong ang aming mga tingin... Pagkuwa'y umangat ang gilid ng kanyang mga labi at marahang kumurap ang namumungay na niyang mga mata...

Alam ko nang hinding hindi na 'ko bibitiw pa kay Santino....

Sa saliw ng tugtugin, alam ko na... Alam ko nang nabihag niya na 'ko ng buo.

    And then she asks me, "Do I look all right?"
And I say, "Yes, you look wonderful tonight."

You look wonderful tonight, Aya."

I giggled. "Can't think of your own line? That's the lyrics of the song we are dancing right now. Hmm..." I playfully asked.

    "Kung ako ang nagsulat ng kanta, paniguradong isinulat ko iyon para sa'yo."

    Napakurap ako. Napangiti pa ng malawak. Oh, Santino!

    "At ilang babae na ang nasabihan mo niyan, Mr. Delos Santos?"

    Santino's playful grin turned to a handsome smile. "Ikaw pa lamang.""

    Pabiro akong umirap, ngunit mas kumapit pa 'ko sa malalapad niyang balikat. I heard him chuckle.

    "Eyes on me, Miss Anderson."

    Tumingin na 'ko ulit sa kanya. "Marami akong naririnig na kakabit ng pangalan mo, Santino. Mapaglaro ka... sa mga babae."

    Hindi nawala ang mga ngiti niya habang nakatitig lang sa'kin. He continued to sway us together in that slow sweet dance.

    "Kung marami ka nang naririnig, bakit nakipagsayaw ka pa rin sa'kin?"

    Dahil gusto kong makatikim ng halik? Lalo na't halik ni Santino Delos Santos?

    Bata pa 'ko, oo. Pero sa tuwing kinukuwento ni Ate Glenda ang pakiramdam ng nahalikan ay mas nagiging kuryoso ako. Kilig na kilig si Ate kaya't gusto ko ring maranasan!

    "I don't believe in rumors, Mr. Delos Santos."

    Mas lumawak lalo ang mga ngiti niya. "Thank you for that."

    "But aren't you, really?"

    "Maybe..." Nagkibit-balikat siya. "Marami lamang ang lumalapit. Ngunit, hindi ko kayang magseryoso. May hindi ako mahanap sa kanila."

    Ah! Tama nga ang hinala ko. He's jumping from woman to woman to find something! Dahil bakit pa siya lilipat pa sa ibang babae kung natagpuan niya na ang hinahanap niya?

    I knew he has reasons!

    "Ano bang hinahanap mo, if you don't mind me asking?" tanong ko. "May kulang pa ba sa isang Santino Delos Santos?"

    Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinila niya 'ko sa labas ng balkonahe dahil tapos na pala ang kanta.

    Napalingon ako sa lamesa ng pamilya namin. Nakaupong lahat ang mga kapatid ko. Kumpleto na sila pero wala pa si Papa. May oras pa 'ko kaya naman nagpahila na lang ako kay Santino.

    Napakabilis ng tibok ng puso ko! Hindi rin maalis ang ngiti sa mga labi ko...

    Hinila ako ni Santi hanggang sa parte ng balkonahe na walang tao. Bahagyang madilim dahil nasa pinakabandang dulo iyon--kung saan hindi masyado abot ng ilaw mula sa loob ng ballroom.

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now