PANSAMANTALA (ViceJack)

By muddy_maddie

19.1K 560 445

Pansamantala..in english, temporarily. Hanggang kailan mo ililihim yung pagmamahal mo? Hanggang kailan mo tit... More

Capítulo Uno - SaBarTho(Sabado)
Capítulo Dos - Breakfast
Capítulo Tres - Love Yourself
Capítulo Cuatro - ICE CREAM!!!
Capítulo Cinco - Hatid, sundo
Capítulo Seis - Better Now
Capítulo Siete - Better Now 2
Capítulo Ocho - Real Quick
Capítulo Nueve - What Makes Us Comfortable
Capítulo Diez - Stars and Manhattan
Capítulo Once - Hers
Capítulo Doce - Joms(sounds familiar)
Capítulo Trece - This is Home
Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill
Capítulo Quince - Struggle is Real
Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!
Capítulo Diecisiete - Love..
Capítulo Dieciotcho - Intensity 1
Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying
Capítulo Veinte - Utak at Puso
Capítulo Veintiuno - Real JM
Capítulo Veintidos - Gift & Revelations
Capítulo Veintitrés - Choices
Capítulo Veinticuatro - Heartbeats
Capítulo Veinticinco - Gusto mo?
Capítulo Veintiséis - Tensionado
Capítulo Veintisiete- Bakasyooown
Capítulo Veinti----
Capítulo Veintiocho - Conquer Your Fears
Capítulo Treinta - Baka Shown Part II
Capítulo Treinta-- - Vices
Capįtulo Treinta Y Uno - Cant Fight This Feeling
Capítulo Treinta Y Dos - Black
Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala
Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit
Capítulo Treinta Y Cinco - Pansamantala paulit-ulit
Capítulo Treinta Y Seiz - Pansamantagal
Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.
Not An Update
Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!
Capítulo Cuarenta - Bounce Back
Capítulo Cuarenta Y Uno - Personal Choice.
Capítulo Cuarenta Y Dos - Kid
Capítulo Cuarenta Y Tres - Color Me Shocked
Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Capítulo Treinta Y Nueve - Reason

361 13 22
By muddy_maddie

Vice's POV

Nakita ko si Jaki.. kasama yung ex niya. Kita ko yung ngiti nyang matagal kong hindi nakita. Yung totoong ngiti.


Napatingin sila sa akin pareho.

May kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

May iba na ba?

Kasi naghihintay pa rin ako. Naghihintay ba ko sa wala?

"Vice." Tawag niya sa pangalan ko. Hindi katulad ng pagbanggit nya noon dati yung epekto. This time.. nasaktan ako.

"Jaki, mauna na pala ko. May dadaanan din ako kasi. Tsaka may bisita ka yata." Sabi ni tom na sinuklian nya ng ngiti.

Tumingin pa sa akin si tom na parang nahihiya o ano.. Di ko alam kung alam ba nito yung nangyari sa akin sa kagagawan niya. Yung hirap na pinagdaanan ko..

Di ko alam kung ano gagawin ko. Kung uuwi na o kakausapin pa si Jaki. May rason pa ba para mag-usap kami o di ko na talaga alam.

"Pasok ka." Casual na sabi niya. Lumapit pa siya tsaka aalalayan pa sana ako. Pero pinigilan ko siya.

"Kaya ko na." Tipid kong sabi bago bitawan yung hinarang kong kamay niya.

Nakipagpalitan ako ng tingin. Para ipaalam sa kanya na, okay na. Okay pa ko.

"Magaling ka na.." hindi iyon tanong. Hindi ko alam kung anong dapat pang maramdaman sa bawat salitang binibitawan nya dahil natatabunan yun nung sakit sa dibdib ko.

Pinilit kong huwag maiyak. Nandito na ko e.

"Oo. Pero hindi pa gaano."

"Tara, sa loob tayo mag-usap." Pag-aaya niya

Pinilit kong ihakbang papunta sa loob ng gate nila yung paa ko. Kahit katawan ko mismo ay di malaman kung tutuloy o hindi pero huminga ako ng malalim.para makakuha ng lakas ng loob sa mga maaaring mangyari.

Di ko alam kung ano pa yung silbi nung bulaklak na dala ko.

Tangina naman. Ibibigay ko pa ba ‘to? Parang di naman tatanggapin.

Bahala na.

“Jaki.” Tawag ko sa kanya noong nasa may pinto na siya.

Nilingon nya naman ako.

“Para sa’yo. Pero okay lang naman kung hindi mo tanggapin.”

Kinuha naman nya yun.

“Salamat, nag-abala ka pa, di naman kailangan nito.” Tumalikod na sya at nagpatuloy sa pagpasok sa bahay nila kaya sumunod na rin ako.

“Upo ka. Kuha lang ako makakain mo.” Sabi pa nya tsaka siya dumeretso sa kusina nila.

Nilibot ko ng tingin yung bahay nila. Kagaya noong una kong punta dito maaliwalas, malinis, at maliwanag.

“Oh Vice. Iho, kumusta ka na? Magaling ka na ba? Naghahanda si Jaki ng makakain. Nagmeryenda ka na ba?” tanong sa akin ni Tita Che. Agad naman ako tumayo para magmano sa kaniya. Siya naman itong naupo sa katabing upuan sa sala.

“Medyo po kanina. Mabuti naman na po kahit papano, may improvements na po. Kakapunta ko lang po sa ospital kanina.” Ngumiti naman ako kay tita, ganun pa rin. Magaan kausap, kahit ang sakit sakit nung nakita ko kanina, doon ko napatunayan na hindi ko kayang mawala si Jaki sa akin.

“Ano naman sabi nung doctor? May iiwasan ka bang gawin o anu man?”

“Sabi po di pa totally okay na, pero hopefully po magtuloy tuloy na. may chance daw po kasi na mawala ulit. Tapos makakakita ulit. Ayun po. Iwas stress po siguro tsaka ingatan daw po na mauntog o aksidente, baka po mapaano pa kapag naulit.”

“Sana nga ay magtuloy na.”

Napangiti naman ako sa sinabi ni tita.

“o sya, maiwan ko na kayo ni Jaki mukang mahaba-habang usapan yung paguusapan ninyo.” Saad niya nang makalapit na sa amin si Jaki at dala ang tray ng pagkain, na para sa iisang tao lang pero dalawa yung tubig.

“Kain ka.” Awkward man pero nasanay na yata siya makipagusap sa mga ganitong sitwasyon.

“Salamat.” Hindi ko naman ginalaw iyong pagkain pero kailangan ko yung tubig

Kaya't walang alinlangan ko iyong ininom.

"Ikaw kumusta ka na?"

"Okay naman ako. Nahirapan pero kinaya naman."

"Jaki, okay lang naman ba pag-usapan natin yung nangyari?"

"Okay lang naman. Sorry ah. Pabigla bigla ako noon."

"Napag-uusapan naman iyon."

"Gusto mo ba dito pag-usapan or gusto mo maglakad lakad?" Sabi niya. Marahil ay hindi siya komportable kung dito sa kanila namin pag-usapan. O may mga bagay na mabuting mapag-usapan ng kami lang talaga.

"Okay naman ako kung sa labas din. Lakad lakad."
Ngumiti ako tsaka lumahad para alalayan siya.

"Okay lang. Salamat." Hindi niya tinanggap yun. Kaya't binawi ko na lang yung kamay ko

Habang naglalakad papunta sa hindi ko o dapat ko yatang 

sabihin namin kung saan kami pupunta.

"Okay ka na ba, Jaki?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami ng sabay, pero may distansya sa pagitan naming dalawa. 

palubog na pala yung araw at kitang kita namin iyon.

nakapamulsa lang ako habang naglalakad.

nilingon ko siya dahil medyo ang tagal niya sumagot.

Mahal ko pa rin talaga. At ang ganda pa rin niya talaga.

“Medyo matagal na rin. Noong araw na nakasama mo sila Madc sa ospital.. buo na desisyon ko. Pero nung araw din na yun.. nakita ko na okay ka na sa kalagayan mo..” huminto siya kaya napatingin ako. Pero tuloy pa rin naman kami sa paglalakad, yung lakad na mabagal, yung walang iniitinding oras, yung parang kaming dalawa lang na may sariling mundo.

“Anong desisyon ba iyon?” Tanong ko dahil matagal ko na gusting marinig yung gusto niya mangyari.

“Desisyon na..bumalik. yung balikan ka, yung balikan yung taong minahal ko.” Minahal…

Past tense. Minahal, ang sakit marinig. Napatingin na lang ako sa malayo. So may iba na ba talaga?

“Bakit di natuloy?” tanong ko pa rin, para maliwanagan naman ako.

Karapatan ko naman siguro malaman kung bakit.

“Kasi, ayaw ko sirain yung pagiging maayos mo, natakot ako na baka okay ka na rin na walang ako sa buhay mo.” Naririnig ko yung panginginig sa boses nya,

Parehas kami. Kasi kapag nagsalita na ko tutulo na yung luha ko. Hinayaan ko na lang patas lang naman e, umiiyak na sya at iiyak na ko.

“Ang gago nga di ba? Sabi ko sa sarili ko, aayusin ko yung mga desisyon ko yung kakayanin ko magdecide para sa sarili ko.” Narinig kong humikbi pa siya sa mga pagitan ng salita niya.

At habang naririnig ko ‘yon, parang dinudurog yung nasa loob ng dibdib ko. Naririnig at nakikitang nasasaktan siya sa pinaguusapan namin at nasasaktan ako dahil bumabalik na naman ako sa mga nangyari sa amin.

“Yung hindi ako aasa palagi sa mga sinasabi mo, na dapat ako naman yung magdecide. Kahit alam kong para sa akin at para sa atin yung mga bagay na sinasabi mo.. Gustong gusto ko na bumalik sa’yo kasi hindi ko pala kaya na mawala ka ng tuluyan sa akin, yung kahit na wala kang Makita ako yung magiging mata mo, pero hindi ko nagawa yun kasi naduwag ako. At dahil nakita ko talaga na okay ka na.” Nakita ko na nagpunas siya ng luha gamit yung mga daliri niya.

Medyo nanlalabo na rin paningin ko kaya’t pinunasan ko rin yung mga mata kong kanina pa naglalabas ng luha.

“Tinanong mo ba ko kung okay ako? Di ba yun naman yung gusto mo? Yung maging okay tayo? Yung kayanin natin na hindi lang tayo yung nasa mundo? Kasi di ba sabi mo.. sabi mo babalik ka kapag kaya na natin yung okay tayo parehas na makikita natin yung halaga ng mga tao sa paligid natin bukod sa mga pamilya natin? Jaki nagawa ko naman..”

Derederetso kong sabi kahit umiiyak.

Nakakita ako ng isang open lawn. Bakanteng lote.

Pinili kong lumiko doon at naupo sa isang mahabang konkreto sumunod naman siya at hinarap ko siya.

“Jaki, ano pa bang kulang? Di mo naman ako tinanong kung okay na talaga ko di ba? Na doon ka lang nagbase sa nakita mo. Yung GUSTO mong makita sa akin.”

“Walang kulang. Pero sobra na. Ginawa mo lang ba yung sinabi kong sarili muna natin isipin natin noong panahon na ‘yon para bumalik ako?”

“Masama bang hilingin kong bumalik ka na noon?” sagot ko

“Oo noong una ginawa ko pero hindi ko kaya magpanggap, ginawa ko para lang bumalik ka. pero nung araw na nanaginip ako, kinausap ako ng kapatid ko, nung sinasamahan ako nila Madc sa ospital. Totoong naintindihan ko yung mga gusto mo mangyari, at mas naghintay ako sayo. Kahit wala na kong alam kung kumusta ka na, na pinagdarasal ko pa rin na sana bumalik ka na sa akin. Kasi mahal na mahal kita. Kahit na di ko alam kung may babalik pa ba." Alam kong pinapakinggan nya bawat salitang binanggit ko. Ramdam ko. Ganito kami mag-usap. Ganito siya makinig sa akin.

"Sorry kung di ko natuloy. Kasi nagduda rin ako na bakit ganun yung naramdaman ko nung nakita kitang okay ka. Nasaktan ako na okay ka kahit wala ako. Sobrang tanga ko para hindi tumuloy. I'm sorry." Sobrang umiiyak lang siya kagaya ko.

"So paano na?" Bigla ko na lang natanong.

Di ko na alam kung may patutunguhan pa ba yung paghihintay ko. O naghihintay na lang ba ko sa wala.

*flashback*

Jaki's POV

Ilang buwan na rin na wala siyang makita. Ilang buwan ko na rin pinagdarasal na sana paggising niya, maging okay na ulit yung paningin niya.

Nakaleave siya sa trabaho hanggang sa gumaling siya.

Ilang buwan na rin na pabalik balik ako dito para umalalay sa kanya. Di ko naman iniinda yung pagod. Kasi mahal ko 'tong taong 'to.

Sa mga buwan na yun. Mas lalo ko syang minamahal. Na pinapakita nya kahit di sya nakakakita na parehas kami ng nararamdaman.

"Love?" Biglang sabi niya kahit nakapikit lang. Tulog kasi siya nung dumating ako.

"Hmm?"  Inayos ko yung buhok nya.

"Kanina ka pa?" Tanong niya tsaka hinawakan yung kamay ko.

"Medyo lang. Why?"

"I love you."

"I love you too."

Hinalikan nya yung kamay kong hawak hawak niya.

"Kumain ka na? Ipagluluto kita."

Oo ganyan sya. Lagi syang si ipagluluto kita.

Pero ako taga assist kung nasaan ang mga kailangan nya hawakan. Ako taga lagay.

Sabi ko nga magpadeliver na lang kami pero okay na raw yun para tipid.

Wala naman akong magagawa. Tama naman din siya.

Sabi pa niya para na rin daw bonding naming dalawa at the same time maaari akong matuto magluto kahit sabi nya sya magluluto araw araw. Bago ko pa man din itanong nasagot na nya. Baka raw kasi mamaya di ako nagsasabing gutom na ko tapos natutulog pa sya.

Tama naman din.

Bakit ba kasi di ako nahilig magluto noon.

Napabuntong hininga naman ako.

"Lalim naman nun love. Nalunod ako."

"Tse! Sa pagmamahal ko lang ikaw dapat malunod." Kinurot ko pa pisngi nya kasi ang corny ng pick up line ko.


"Love.."

"Ow? Bakit po?"

"Pakasal na tayo." Natawa ko sa sinabi nyang iyon.

"Napakasweet mo naman magpropose?"

Natawa rin sya doon.

"Pakasal tayo pag ready ka na. I love you." Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko tsaka ako hinalikan.

Yung ramdam mong mahal ka talaga nya. Ganun sya.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung paano ko kapag naghiwalay kami.





May mga bagay talaga na naiisip ko na siya yung kumunsulta dapat.

May mga raket ako minsan na ayaw nyang puntahan ko pa.























"Love.. may raket kami sa Batangas."



"Kelan? Anong oras alis?"




"Bukas. Baka hapon." Di ko alam kung papayag 'to.


Last time na nagpaalam ako di pumayag ang layo raw. Tapos gabi na tsaka gagabihin pa ng uwi.

Magpahinga na lang daw ako kasi puro ot na ko nung week na yun.


Gusto ko pa naman sumama run.


"Sige. Hatid ko kayo padrive tayo kay Manong."


Yung ngiti ko umabot sa bumbunan.

Nayakap ko sya sa sobrang tuwa.

Not knowing na iyo na pala yung huling beses na makakaraket ako.


*end of flashback*

Jaki's POV

"So paano na?" Tanong nya.



"Pwede mo ba ko bigyan pa ng oras?" Tanong ko sa kanya.



Tumango naman siya.
Walang pagdadalawang isip.

Sa palagay ko naman dapat nya malaman yung iba ko pang rason. Dapat ako humingi ng tawad sa mga desisyon na sa palagay ko tama pero mali pa rin talaga.

"Sorry ha? Kung ang dali ko mainis noon. Yung kahit simpleng desisyon lang na hindi natin napagkakasunduan. Yung kahit pagkain ko dapat kung anong sabihin mo.. yung parang nadidiktahan na lang ako. Sorry kasi nasanay ka rin na ganun ako. Yung tinatanong ka kung anong bagay isuot kong damit. Na kahit yung iba yung gusto ko isuot. Sorry kung parang nasakal ako sa relasyon natin. Kung pakiramdam ko na hindi mo kinoconsider yung opinions ko." Doon na bumuhos lalo yung luha ko.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Na iyon na yung nararamdaman mo?" Halatang nafrustrate sya nung sabihin ko iyon.


"Kasi mahal kita. Ayaw kong maramdaman mong hindi ko pinapahalagahan yung mga desisyon mo or opinyon mo. Tapos dahil doon, sarili ko rin yung nasasaktan ko." Paliwanag ko.


"Sorry. Di ko sinasadya kung ganun yung naramdaman mo."

Nagkaroon ng katahimikan matapos nya magsorry.

Tanging iyak ko lang at ang pag-ihip ng hangin yung gumagawa ng tunog.

Ang sakit na ganun ko nasaktan yung taong minahal ko. Minamahal ko. At mamahalin ko pa.



"Sorry kasi di ko alam na ganun na pala yung nangyayari sa atin tapos hindi ko alam. Na baka nasanay akong nagbibigay palagi ng opinyon, na hindi kita tinatanong kung anong sa tingin mo. O kung ano yung gusto mo."


"I'm sorry, Jaki. Pwede ba natin ayusin 'to?"

"O huli na ba ko? Kayo ba ni tom?" Dagdag na tanong niya.


Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

Wala na yatang katapusan yung iyak ko.

"Tahan na. Hatid na kita pauwi."









******

Another lutang update. Hehehe.

Sorry na.

Sa typo and everything. 😁

Sorry kasi ewan ko nahihirapan ako mag-isip kapag naman nagkaroon ako ng ideas parang ang hirap iconnect.
Di ko dapat 'to ipupublish, pero eto na e.

Good night.

-Maddie


Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 670 21
🚧THIS STORY IS DISCONTINUED🚧 Seoul Sports University, a prestigious school in South Korea that focuses on students becoming potentially well-known...
2.5K 178 6
•This one is an OOC character •Gay, obviously Yuri here and your forever the star of the show, y/n. •The harem is still there, barely, because you're...
311K 6.9K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
56.8K 1.7K 21
© ᵐˡˡᵏᵇʳᵉᵃᵈ . ᵗʰᵒʳ ˣ ᶠᵉᵐ ʳᵉᵃᵈᵉʳ . ˡᵒʷᵉʳᶜᵃˢᵉ ᶦⁿᵗᵉⁿᵈᵉᵈ ❝𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈𝐅 𝐈 𝐒𝐍𝐀𝐏 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐎 𝐓𝐎𝐎 𝐅𝐀𝐑?❞ ----╾↠ 𝗜𝗡 𝗪...