Second Sight

By dark_princess0224

74.5K 2.8K 237

Naranasan mo na bang makita ang nakaraan ng ibang tao? Mga nakaraan ng taong hindi mo kilala? Naranasan mo na... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue
Character Profile
Extra Chapter - 1
Extra Chapter - 2
Extra Chapter - 3
Announcement
Black and White

Chapter 55

604 25 4
By dark_princess0224

A/N: Sorry for suuupeeer slow update! Anyways, last chapter na this! Enjoy!


Third Person's POV

Present day...

"Please, wake up.. papa." wika ni Naomi habang nasa mga bisig niya ang kanyang tunay na ama na wala nang buhay. Napasuntok na lang sa sahig si Midori habang umiiyak at pinagmamasdan ang mukha ng kanilang ama. Nanghihina din na lumapit si Jirou sa kanila at saka lumuhod sa tabi nila habang tulalang nakatingin sa ama.

"Why? Why did he do that?" wala sa sariling tanong ni Haru na nasa tabi ni Aya na nakatingin din sa mag-aama. Pinagmamasdan lamang ni Aya ang matalik na kaibigan habang umiiyak ito.

Pinagmasdan naman ni Haru ang paligid, hindi niya alam kung ano ba buong kaganapan sa silid na kinaroroonan nila dahil nahulli sila ng dating nila ni Aoi. Naiwan sa unang palapag sina Rin, Ryu at ang kapatid niyang si Kazu. Nawala ang komunikasyon nila kanina kay Aki dahil kay Madeline.

Alam kong nalulungkot sila at nasasaktan dahil sa nangyari sa kaibigan nila. Nakikita ko sa mukha nila at sa mga mata. Alam kong kahit maraming nagawa si Eiji na masama sa kanila ay umaasa pa rin silang magkakaayos silang lahat ngunit wala na. Hindi na mangyayari 'yon dahil wala na si Ejji. aniya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ng kanyang ama.

Pinagmasdan din niya ang babaeng kalaban ni Hide at Aki pati narin ang lalaking kalaban ni Shiro at Aoi. Hindi pamilyar sa kanya ang babae ngunit sa isip niya ay parang nakita niya na ang lalaki. Kumunot ang noo niya nang maalala kung saan niya nakita ang lalaki na pinagmamasdan niya. Nakita niya na ito noong muntikan na siyang masagasaan ng truck, siya ang lalaki na nagpatawag ng ambulansya at sumilip sa driver ng truck noon.

Kalaban siya? Ibig sabihin una pa lang, minamanmanan na kami? Hindi kaya sila din ang may pakana non? Sino ba ang mga taong ito? aniya sa sarili.

"That guy is Luther." ani Aki na lumapit sa kanya at tinapik ito saka bumalik ulit kina Hide. Lumapit lang siya sa akin para tapikin ako? Anong trip nito? aniya sa sarili.

"The girl is Madeline, his cousin. She can control mind." dugtong pa nito gamit na ang telepathy.

"Can control mind?"

"Yeah. Nakontrol kami kanina. Ganoon din ang ginawa niya kay Eiji kaya niya kinalaban si Nao. Nalabanan siguro niya ang pagkontrol ni Madeline, para hindi niya masaktan si Nao, sinaksak niya ang sarili niya." singit ni Kento kaya napatango-tango siya. Patuloy namang pinagmasdan niya si Luther at Madeline.

Samantala, sina Hide naman ay kaharap si Madeline. Magkatabi ngayon si Madeline at Luther na nakangisi kina Hide.

"I never trusted you from the start." seryosong ani Hide ngunit tinawanan lamang siya ni Madeline.

"Ang sweet niyo naman, magkatulong kayong mag-ama na kakalaban sa amin," nakangising aniya na parang nang aasar ang tono ng pananalita.

"Akira, how does it feel? You're woman is in heaven now." pang-aasar naman ni Luther. Nakatingin lang ng seryoso sa kanya si Aki.

"You can't read my mind." ani Luther na iiling -iling pa.

"Don't listen to him." singit naman ni Aoi.

"Oh... I want to crush your heart little boy. That's Kumiko's heart right? Double kill eh?" ani Madeline saka tumawa na parang baliw.

"Enough with the non sense chat." wika ni Shiro saka muling sumugod kina Madeline kaya sumugod na din sina Hide. Habang kalaban nila ang magpinsan ay tawa lamang ng tawa ang mga ito na para bang inaasar talaga sila.

"Eiji is pathetic! Killing himself for the sake of that kid!" ani Madeline habang iniiwasan ang mga atake ng mag-amang Hide at Aki.

"He just did what a father must to, protect his child!" galit na wika ni Hide. Madalas ay kalmado lamang ito ngunit ngayon ay tila ba pinangungunahan siya ng galit na siyang ipinangamba ni Aki.

"Child?! I see, so she's still alive. I want to kill her." nanggigigil na aniya.

Sina Shiro at Aoi naman ay pinaglalaruan lamang ni Luther at inaasar.

"Is that what you've got? Haha, kinalawang na kayo! Top agent my ass!" sigaw nito habang nakikipagpalitan ng atake.

"Hindi ka ba nagagalit kay Hide? Kinuha niya ang anak mo, ikaw ang nagpalaki at nag-aruga sa batang iyon, pero kinuha niya pa rin sa iyo." ani Luther na tila ba gustong pag-awayin ang matalik na magkaibigan ngunit hindi siya sinasagot ni Shiro.

"Oh! I forgot to tell you something. I am the reason of Kaoru's miscarriage that time." nakangising ani Luther. Tila ba bumalik sa ala-ala ni Shiro ang mga nangyari noon. Hirap magbuntis ang asawa niyang si Kaoru kaya nang malaman nilang buntis ito ay tuwang-tuwa sila ngunit sa ikatlong buwan ng pagbubuntis nito ay aksidente itong nahulog sa hagdan at nakunan. Ang inakala nilang aksidente ay kagagawan ni Luther.

"Damn you!" galit na sigaw ni Shiro at saka mas binilisan ang atake sa kalaban.

"Calm down, tito!" pigil ni Aoi.

"Nii-san, they're provoking them to lose their focus and control!" ani Aoi sa kapatid gamit ang isipan.

Bigla na lamang napahinto sina Hide at Aki nang makitang parang nahihirapan huminga si Madeline at nakahawak ito sa kanyang leeg, para bang sinasakal siya. Biglang nilingon ni Aki si Naomi at nakita niya ito na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Madeline. Nakataas ang kanang kamay nito na para bang may sinasakal sa hangin nang bigla na lamang may bumaril sa balikat niya. Lumingon si Naomi sa pinanggalingan ng putok saka niya ikinumpas ang kaliwang kamay dahilan upang tumalsik ang lalaking bumaril sa kanya sa pader na kalaban ni Philip. Sa lakas ng pagtama niya sa pader ay nawalan ito ng malay at dumugo ang likurang bahagi ng ulo.

"Naomi! Stop it! Calm down!" pigil ni Midori sa kapatid ngunit hindi siya pinansin nito.

"Please Naomi, stop. Baka mapatay mo sila!" pigil naman ni Kento. Nilingon nito ang kasintahan na may mga nanlilisik na mga mata na siyang ikinagulat ni Kento.

"I. Will. Kill. Her." aniya saka ibinalik ang paningin kay Madeline. Nilapitan siya ni Kento at hinawakan sa balikat kaya nilingon siyang muli ni Naomi at sa isang iglap ay bigla na lamang siyang tumalsik. Bago pa man siya tumama sa pader ay bigla siyang huminto sa ere at dahan dahang lumapag sa lupa.

"Hindi niya na nakikilala ang mga nasa paligid niya" wika ni Ren na kalalapit lamang kina Aya.

"Woah! What was that?!" gulat na tanong ni Kento saka tumakbo pabalik sa tabi nina Aya.

"He just saved you." ani Aya sabay turo kay Ren. Tiningnan siya ni Kento na para bang tinatanong niya kung ano ang ginawa nito.

Nilingon siya ni Ren at saka tipid na sumagot.

"Telekinesis." aniya saka ibinalik ang tingin kay Aya.

"How can we stop her?" tanong naman ni Haru.

"Hindi ko alam. Ngayon lang siyang nagkaganyan." ani Aya na nag-aalalang nakatingin sa matalik na kaibigan.

"Nao! Stop it!" sigaw ni Hiro, kalaban niya pa ang isa sa mga kasamahan nina Madeline kaya hindi siya makalapit sa kapatid.

Namumula na ang mga mata ni Madeline at nakalabas na din ang dila nito. Maluha-luha na siyang nakahawak sa leeg niya nang bigla na lang siyang tumalsik sa pader. Sa lakas ng pagkakatama niya sa pader ay sumuka ito ng dugo at nawalan ng malay.

"She's losing control" bulong ni  Aki sa sarili habang nakatingin sa walang malay na si Madeline.

Sumunod naman na pinutirya ni Naomi ay si Luther. Ganoon din ang ginawa niya dito, sinakal niya ito saka inihagis sa pader. Matapos non ay nagsisigaw na lamang siya at unti unting yumanig sa loob ng silid at tila ba nagpupumilit umangat ang sahig kaya nataranta ang mga kaibigan niya.

"We gotta do something." seryoso at nag aalalang ani Hide na lumapit na kay Shiro.

"Yeah. Huwag natin hayaang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang ina." tugon naman ni Shiro sa kaibigan habang inaalala ang yumaong si Hikaru na ina ni Naomi. Nag-aalala siya na baka saktan din ni Naomi ang sarili gaya ng ginawa ng kanyang ina.



Aya's POV

Unti unting nabibiyak ang sahig at ang mga piraso nito ay naglutangan at kung saan saan tumatama. Pilit naman namin iniiwasan ang mga nagliliparang bitak ng sahig. Delikado ito, nasa underground pa naman kami.

"Guys! We need to stop her!" wika ko habang umiiwas at sinasalag ang mga bitak ng sahig.

Mabilis na tumakbo si Aki palapit kay Naomi ngunit bago pa man siya makalapit dito ay biglang tumingin sa kanya si Naomi dahilan upang bigla na lamang siyang tumalsik. Naagapan naman siya ni Ren gaya ng ginawa niya kay Kento.

"Hindi natin kakayanin ang basta bastang paglapit sa kanya. Isang tingin niya lang tatalsik tayo." ani Haru na nakatingin kay Naomi. Sina Aki kasama sina dad ay medyo may distansya sa amin.

"Wala ba sa mga kasamahan natin ang kayang i-negate ang ability niya?" tanong ni Akane na nasa tabi ko. Nag-uusap kami gamit ang 

"Wala." - Midori.

"Sino yung isang lalaki na nagbabantay kay Jerra?" tanong naman ni Akane. ang lalaking nakaitim na tinutukoy niya ay ang lalaking kasabay nilang dumating dito kanina.

"He's Jerry. Member of blacks." sagot naman ni Jirou.

"Kalaban?!" --kento.

"No. Napilitan lang siyang sumali. Kapatid siya ni Jerra." tugon ni Midori.

"Guys.. baka nakakalimutann niyong nagwawala pa ang kaibigan natin." putol ko sa kanila.

"Guys, what's the plan? Hindi tayo makalapit." tanong ni Yura na hindi ko namalayang nakalapit na sa amin. 

"Hindi niya kayang manipulahin kapag marami hindi ba? Sabay-sabay tayong umatake." suhestiyon ni Kento,

"Nakokontrol niya nga itong mga bitak ng sahig eh.," kontra naman ni Haru.

"Eh paano?"

"Aki.. kaya niyo ang mind control hindi ba? O kaya psychic torture? O kaya basahin niyo ang nasa isip niya para malaman niyo ang gagawin niya?" tanong ni Kento sa medyo malakas na boses. Nasa kabilang side kasi ni Naomi sina Aki at papa.

"Yes. Pero masyado siyang impulsive. Mahirap mapredict ang gagawin niya dahil sa ngayon ay hindi siya nag-iisip ng maayos." sagot naman ni Aki.

"Sigurado ka gusto mong matorture si Naomi? Sa kalagayan niyang 'yan gusto mo pang gawin 'yon sa kanya?" tanong ni haru.

"Kung walang ibang paraan eh. Baka saktan niya lang ang sarili niya."-- Kento

"Papa."

"No. I wont use psionic inundation to her." sagot niya sa akin.

"So what's the plan?" --Akane.

"Wait. Hiro can do it." putol ko sa pagtatalo nila nang maalala ko ang ability ni Hiro.

"Absorption?" tanong naman ni Jirou.

"Yes. Psychic energy absorption. Kailangan lang makalapit si Hiro sa kanya. Kailangan niyang mahawakan si Naomi." users of psychic energy absorption can negate telekinesis. Pwede din nilang gamitin ang naabsorb nila para mapalitan ang nawalang lakas nila, pwede din para maenhance ang sarili nila.

Inilibot ko ang paningin at hinanap si Hiro. Umiiwas din siya sa mga bitak ng sahig habang kalaban ang natitirang kasama nila Madeline. Iyong babae na lang ang natira. Nagawa niya itong patumbahin saka tumakbo palapit kay Naomi.

"Let's attack her all at once. Make an opening for Hiro." seryosong wika ni papa.

"Our goal is for Hiro to reach and touch her." wika naman ni dad.

"Okay. We just need to distract her."  wika naman ni Yura.

"Ren, you know what to do." baling ni Aki kay Ren na tinanguan naman siya. Sabay-sabay kaming umatake kay Naomi habang si Ren naman ay nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Sa bawat malalapit kay Naomi ay hinahagis niya palayo sa kanya na sinasalo naman ni Ren gamit ang ability niya na telekinesis din at saka tatakbo pabalik kay Naomi ang mga ito. Luckily, hindi niya pa ako naihahagis. Nagawang mahawakan ni Aki si Naomi pero bigla siyang tumalsik.

Sinalo siya ni Ren gaya ng ginawa niya kina Kento. Tumakbo ulit siya pabalik habang kami naman ay pilit na lumalapit sa kanyang ngunit mga bitak ng sahig ang sumasalubong sa amin.

"Ren. Hindi ba pwedeng gamitin mo ang ability mo kay Naomi para mapahinto siya?" tanong bi Haru gamit ang isipan under Aki's telepathic relay.

"I can. Kaya ko siyang pigilan sa pagkilos pero magagawa niya pa ring gamitin ang ability niya. Baka nakakakimutan niyong Mental power ang telekinesis." paliwanag naman ni Ren.

Huminto sa isang tabi sina Aki at si papa. Tila ba nagcoconcentrate silang dalawa. Lumapit naman sa kanila si Akane at Aoi. Okay I get it. They're trying to talk to Naomi or maybe their using some telepathic applications. Pinoprotektahan nila Aoi sina papa mula sa mga nagliliparang bitak ng sahig. Medyo mahirap na din kumilos dahil hindi na pantay ang tinatapakan namin.

Kami naman ay patuloy lang sa pagkuha ng atensyon ni Naomi. Mahirap lumapit sa kanya.

Nagulat na lang kami nang biglang huminto sa paggalaw ang mga bitak ng sahig. Nakalutang lamang ang mga ito habang si Naomi naman ay nakatingala lang at tulala sa itaas. Pumikit siya at saka na lamang biglang bumulosok palapit sa kanya ang mga bitak ng sahig!

NO!!!!!!

Bigla siyang napadilat ng mga mata at humawak sa kanyang ulo dahilan upang bumagsak ang mga bitak ng sahig at mahinto sa pagtama sa kanya.

"Aaaarrghh!" daing nito habang hawak ang kanyang ulo. Napaluhod na siya sa sakit.

"No!!!! No!!!!" sigaw niya saka itinaas ang mga kamay at bigla na lamang ulit naglutangan ang mga bitak ng sahig na bigla din namang bumagsak muli ilang segundo mula nang mahawakan siya ni Hiro sa balikat.

"Nao.." tanging nasambit ni Hiro sa kapatid na tila ba nanghihina na. Lumuhod din si Hiro at tiningnan ng diretso ang kapatid.

"papa..." humihikbing ani Naomi na para bang nagsusumbong sa kuya niya.

"You need to accept it. He's gone." malumanay na wika ni Hiro. Tuluyan naman na ulit tumulo ang mga luha ni Naomi kaya niyakap na siya ni Hiro at inalo.

Lumapit na sa kanila sina Kento at tinulungan si Hiro na pakalmahin si Naomi. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagkalat ang mga bitak ng sahig,  nakahilata na ang mga kasamahan nina Madeline maging sila ay wala na din malay. Buhay pa kaya ang mga 'yan? Baka napatay sila ni Naomi.

Nilapitan ko ang mga ito at pinulsuhan, buhay pa naman ang mga ito. Lumapit din si Aki at tiningnan sila.

"I think we're done here" aniya.

"Yeah."

***

Lumabas na kami ng mansion at naabutan namin ang mga parating na ambulansya at ilang mga kotse at van na kulay puti. May mga tao din na nakaputing pang itaas at may mga badges din gaya ng mga nakablack kanina na nakalaban namin.

Bitbit nina Jirou ang walang buhay na si Eiji. Ang ilan pang mga sugatan ay bitbit din ng iba. Ang mga naiwan naman sa loob na mga walang malay na miyembro ng blacks ay pinuntahan na ng mga taong nakaputi, naiwan din sa loob sina Madeline.

Karga naman ni Hiro si Naomi, kasama nila si Kento. Nanghina si Naomi dahil marami ang naabsorb ni Hiro sa kapatid para hindi na ito makalaban pa. May lumapit sa kanilang mga nakaputi at may dala itong stretcher. Pinahiga nila doon si Naomi at saka ipinasok sa ambulansya. Sumama na doon sina Kento.

"Henry." napalingon ako kay papa na may tinawag na Henry. Nakatingin siya sa lalaking kasama ng mga nakaputi. Nakaputi din siya at may badge na kulay blue. Siya yung lalaking nakita ko noon sa nakaraan nila dad, siya ang may-ari ng sword shop. Kasama niya din si Kaito. So siya ang tumawag sa kanila? But they're late.

"Guys!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Alex?!

"Alex? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Haru na nagulat din nang makita si Alex.

"Sumama ako kina tito nang malaman ko na pupuntahan nila kayo."

"Sinong tito?" tanong ko.

"Siya." turo niya sa lalaking tinawag ni papa na Henry kanina na kausap na nila ni dad ngayon.

"Kamusta kayo? Saka anong nangyari kay Naomi? Okay lang ba siya?" alalang tanong niya.

"She'll be fine" tugon ko.

"Teka lang, paano mo ba nalaman na pupunta dito ang tito mo ?" tanong ulit ni Haru. Sasagot na sana si Alex nang magtanong bigla si Aoi.

"Alam mo bang member ng Whites ang tito mo?"

"Huh? Whites?" takang tanong naman ng huli.

"Okay. That answers my question" ani Aoi. So, this guys are members of an organization? Whites huh? Ito kaya ang organization na kinabibilangan nina papa?

"Alex, by any chance, you saw what's happening here?" singit naman ni Aki.

"Oo, sa panaginip." sagot nito.

"Panaginip?" -- Haru

"No. It's astral projection." wika ko naman. Minsan nang nabanggit sa akin ni Naomi na astral projection user siya, unconsciously.

Nakita namin na palabas na ang mga taong may dala kina Madeline at Luther. Parehas silang nakastretcher at walang malay. Nang dumaan sa harap namin ang stretcher sakay si Madeline ay napansin kong biglang may sumilay na ngiti sa mga labi niya. And then I suddenly had a vision....

Two guys wearing white clothes pull out their gun and pointed it on me and on Akane and then BANG!

Sh*t! Awtomatiko akong tumakbo palapit kay Akane and there, nahagip ng mata ko ang lalaki na nakatutok na ang baril kay Akane, hindi ko alam kung napansin din ni Aoi ang kilos ng mga lalaking 'yon dahil tumakbo naman siya palapit sa akin. Humarang ako kay Akane at niyakap ko siya ng mahigpit habang nakapikit to protect her and then I heard so many gun shots and shouts.

"Aki!!!!!"

"Aoi!!!!"

Sigaw ng mga nasa paligid namin. Napadilat ako ng mga mata at napalingon sa likod ko. Nakita ko si Aoi na iniharang din ang sarili para protektahan ako habang pinoprotektahan ko si Akane. Nakahawak siya sa likod ng balikat niya at napansin ko ang umaagos na dugo, nakatingin siya sa akin na tila ba iniinspekyson kung tinamaan ba ako ng bala, ganun din ang ginawa niya kay Akane. Nang tingnan ko si Akane ay tulala siyang nakatingin sa kung saan at lumuluha.

Paglingon ko ay nakahiga na si Aki at may mga dugo sa sahig. Nakatingin na din sa kanya si Aoi ngayon. Ang mga lalaking bumaril naman kanina are pinned down by men in whites. 

Isa-isa kaming tiningnan ni Aki, na tila ba iniinspeksyon kami gaya ng ginawa ni Aoi sa amin. Sa akin huling dumapo ang paningin niya, tila ba nahihirapan siyang huminga. Ngumiti siya sa akin.

"I'm sorry." aniya gamit ang telepathy at saka unti-unting pumikit ang mga mata niya. HIndi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagmadaling lumapit sina Akane sa kanya, lumuhod sila sa tabi nito habang umiiyak. Si Aoi ay tulala lang na nakatingin kay Aki samantalang si Akane naman ay pilit siyang ginigising.

Lumingon sa akin si Aoi na tila ba sinasabing lumapit ako sa kanila. Nanghihina man ang mga tuhod ko ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Lumuhod ako sa tabi ni Aki gaya ng ginawa nila. Tinitigan ko lang siya, hindi siya gumagalaw, tila hindi din siya humihinga.

Hinihintay ko lang magising ako. Ganito naman lagi, makikita ko ang hinaharap na parang totoo ang lahat at pagkatapos ay babalik ako sa realidad kung saan mangyayari pa lang ang masamang pangyayari na nakita ko.

"Aya! Si kuya.. si kuya.. ayaw niyang gumising." umiiyak na ani Akane. Si Aoi naman ay tahimik lang na lumuluha.

"He's gone." wala sa sariling wika ni Aoi.

"This is not real. This is just a premonition. Magigising din ako. Let's just wait for a moment tapos kapag nagising na ako, pipigilan ko ang mangyayari sa kanya..." wala sa sariling wika ko habang nakatingin kay Aki.

"I can't sense his aura anymore." umiiyak na wika ni Aoi, tulala lang siya kay Aki.

"No...no..tell me you're joking. Tell me this isn't real." wala sa sariling wika ko.

"Aya.. this is real." wika ni Haru na nanginginig pa ang boses.

"No. This is not real. Gaya lang din ito ng nangyari kay Aoi. Magigising din ako, tapos ililigtas ko siya." nanginginig na ang boses ko at pakiramdam ko ay nanlalamig ang buong katawan ko at nanghihina.

"Aya.. he's gone." wika ni Aoi with a weak voice. Umiiyak pa rin siya.

"No! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi!" sigaw ko habang nakatingin kay Aoi. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak.

"Aya.. wala na siya.. wala na si kuya." humihikbing ani Akane habang hawak ang palapulsuhan ni Aki.

"No... no.. hindi pwede.. hindi siya pwedeng mamatay. Hindi niya tayo pwedeng iwan ng ganito."

Bigla kong naalala ang una naming pagkikita. Nakita ko na siya noon sa coffee shop na tinitingnan ang kwintas ko. Tapos kinausap niya pa ako sa isip noong nasa parking lot kami.

Pati na rin noong unang beses na nag usap kami sa lumang building. Yung unang beses na pinitik niya ang noo ko tapos ay nagalit pa ako sa kanya. Tapos ang biglang pag gulo niya ng buhok ko. Yung walang pahintulot na pagbabasa niya sa isip ko palagi. Yung pang aasar niya.

Naalala ko din lahat ng pangungulit niya. Kapag kumakain kami ng pizza palagi niya akong inaagawan. Minsan papasok na lang siya sa kwarto ko at sasabihin na tabi kami matulog, pinagtutulakan ko pa siya palabas ng kwarto ko kasi ayaw ko siya katabi. Ang panenermon niya sa akin kapag nilalagay ko ang sarili ko sa kapahamakan. Yung pag aalaga at pagprotekta niya sa aming magkakapatid. Pati na rin ang paulit ulit niyang pagsabi sakin na kuya dapat ang itawag ko sa kanya.

Hindi.. hindi siya pwedeng mamatay.

Hinawakan ko siya sa pisngi at tinapik tapik.

"Aki! Gumising ka! Huwag kang magbiro ng ganito hindi ako natutuwa!" umiiyak na wika ko.

"Aya..wala na siya." --Aoi.

"Hindi! Hindi ako papayag kailangan niyang gumising!"

"Aki please gumising ka. Please. Gumising ka na.. hindi na ako magagalit kapag gusto mong tumabi sakin sa pagtulog. Hindi na kita ipagtutulakan palabas. Kung gusto mo akong asarin, sige asarin mo lang ako. Hindi na ako mapipikon. Kung gusto mo mang-agaw ng pizza.. sige ibibigay ko na lang lahat sayo. Kung gusto mong guluhin ang buhok ko, sige guluhin mo lang ng guluhin. Hindi kita bibigyan ng nakamamatay na tingin. Kung gusto mong pitikin ang noo ko, kahit ilang beses pa. Hanggang sa mag sawa ka. Okay lang. Hindi kita gagantihan. Kung gusto mong minuminuto kitang tawaging kuya gagawin ko basta gumising ka lang. Please.. kuya gumising ka lang. Huwag naman ganito. Huwag mo kaming iwan ng ganito." humuhikbing wika ko. Parang nahihirapan na akong huminga.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. Si papa, umiiyak na din siya.

"Let's accept this. He's gone." aniya with a cracked voice.

May mga lumapit na sa amin at may dala silang stretcher. Pinulsuhan muna nila si Aki at saka tumingin kay papa at umiling iling. Inilagay nila si Aki sa stretcher at saka tinakpan ng puting kumot.

"No! Anong gagawin niyo? Hindi niyo pwedeng gawin yan!" pigil ko sa mga lalaki.

"No! Aoi! Pigilan niyo sila! Ano ba?!" sigaw ko habang pinipigilan ako nina papa dahil hinihila ko ang isang lalaking may hawak ng stretcher, inilalayo niya na sa amin si Aki.

"Aya... tama na. Please... wala na siya " awat sa akin ni Haru na umiiyak din. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid ko. Umiiyak silang lahat pero wala silang ginagawa para pigilan ang mga lalaking ito. Ako lang ba? Ako na lang ba ang hindi matanggap na wala na siya? Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo na lang sa sahig. Hindi ko na napigilang ilabas lahat ng sakit. Lahat ng luha. Umiyak ako ng umiyak.

Niyakap ako ni papa at inalo.

"Papa... pigilan mo sila.. baka magising pa si kuya.. sabi niya hindi niya kami iiwan... nangako siya sakin.. nangako siya."

"Aya... he won't wake up. He's gone." mahinahon na wika ni papa.

"Sabi niya hindi niya gagawin ang ginawa ni Airi kasi ayaw niyang maramdaman namin ang naramdaman niya noong nawala si Airi. Nangako siya sa akin! Nangako siya! Pero anong ginawa niya? Sinungaling ka! Sinungaling ka kuya! Sinungaling ka..ang daya mo.. bakit ka nang iwan.. sabi mo ikaw ang poprotekta sa amin. Paano mo gagawin 'yon? Wala ka na.. wala ka na..."

Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ako ni papa. Umaasang magigising ako sa bangungot na 'to. Umaasa na sa pag gising ko ay kaharap ko si kuya na nakangiti sa akin.



A/N: This is it! Next update... epilogue!

Continue Reading

You'll Also Like

131K 9.9K 74
A Paranormal-Love Story *** Sa mundong lahat ay posible. Harapin ang takot. Tuklasin ang natatagong lihim. Sa mga katanungan na hahanapan ng kasag...
629 27 26
A compilation of my one-shot stories, mostly with paranormal theme. Also published in my Facebook Page, Author Wiz.
132K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...