Chapter 13

1.4K 52 8
                                    

NAOMI'S POV

"Natapos din sa wakas. Tara magmall, nakakastress ang mga quizzes at recitations ngayong araw." yaya ko sa mga kasama ko pagkatapos ng klase namin.

"Sorry Naomi, kailangan naming umuwi kaagad ngayon. Darating kasi ang pinsan namin galing america eh." ani Jes na nasa tabi ni Aya -- wala sa sarili ang isang 'to."

"Ah.. ganoon ba. Sige okay lang guys. Ingat kayo ha"

"Sige, bye. Ingat din" si Marie

Pag-alis nilang dalawa ay hinarap ko si Aya.

"Oi! Tulala ka dyan"

"Ha? Hindi ah" parang wala sa sariling tangi niya.

"Asus.. don't me Aya. Don't me!"

"Tch"

"Haha, wag mong masyadong isipin. Magiging maayos din ang lahat." tinapik-tapik ko siya sa balikat at binigyan ng mapang-asar na ngiti. May problema siya.. problema daw sabi niya. Pero para sa akin ay hindi. dahil progress yun, haha.

Naikwento niya kasi sa akin ang pinag-usapan nila ni Haru pag-uwi namin ng araw na yun.

FLASHBACK

"Naomi... " ani Aya habang yakap ang unan niya, nandito kami ngayon sa kwarto niya.

"Bakit?"

"Niyaya ako ni Haru ng date"

"Kyaa!! Pumayag ka?", umayos ako ng pagkakaupo at lumapit pa sa kanya.

"Pumayag"

"Ayiie! Kilig ako haha"

"Niyaya niya ako na lumabas sa sabado. Sabi ko sa kanya, tatanungin ko muna kayo kung pwede kayo. Ang sabi niya kaming dalawa lang daw, gusto niya daw akong makasama.. ng kami lang.. makabonding at makilala pa" mahabang paliwanag niya.

"Oh tapos?" naeexcite ako sa kwento niya.

"Tinanong ko siya kung niyayaya niya ba ako ng date?"

"uh-uh,. tapos?"

"Oo daw. Tinanong ko kung bakit. Eh ang tagal sumagot, tapos parang nauutal pa. Kaya tinanong ko kung may gusto ba siya sa akin"

"Woah! Deretsong tanong? Straightforward ka masyado haha"

"Parang assumera yata ang dating ko dun?" aniya

"Eh ano bang sagot niya?"

"Oo daw. Matagal na."

"Kyaaaaa!!!!! Kinikilig ako Aya haha. Hindi niya yun iisipin kasi totoong may gusto siya sayo eh" tugon ko habang hinahampas-hampas ng unan ang hita niya.

"Oh? tapos? anong sabi mo?"

"Inisip ko muna kung papayag ako. Nagdalawang isip ako nung una, pero pumayag na din ako."

"Yiie, bakit ka pumayag? Gusto mo din?" pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi ko alam? Pero wala naman sigurong masama doon?"

"Oo, walang masama doon. Makabubuti yan hehe"

Tiningnan niya lang ako ng parang nagtataka.

"Bakit makabubuti?" takang tanong niya.

"Hmm, basta. Eh gusto ka naman niya. Tapos gusto mo siya."

Second SightWhere stories live. Discover now