Chapter 44

728 26 6
                                    

A/N: Bukas pa dapat ang update ko, pero dahil sa natapos ko agad. Ito na! Enjoy reading!

Naomi's POV

Nasa garden ako ng bahay namin ngayon at nakatulala lang. Wala akong magawa. Nakakainip. Wala kasing pasok. At kapag wala akong ginagawa, naiisip ko na naman ang ayoko sanang isipin, na ampon lang ako. Mula nang malaman ko iyon ay hindi ko pa nakakausap sina mom and dad tungkol doon, even si kuya kahit na pinapaalalahanan ako nina Aya lalong lalo na si Kento na kausapin sila. Parang hindi ko pa yata kaya, natatakot ako. Naisip ko nga na huwag na lang buksan ang issue na iyon sa kanila, pero minsan napapaisip din ako kung sino ba ang tunay kong magulang? Nasaan kaya sila? Mabuti pa si Aya kasama na ang tunay na pamilya niya.

"Nao, nandito ka lang pala." tawag sa akin ni kuya sabay upo sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya at binigyan ng bakit? anong kailangan mo look.

"Napapansin ko, parang lagi ka na lang tulala kapag mag-isa ka. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala naman."

"Napapansin ko din na medyo lumalayo na ang loob mo sa akin. Bakit?" parang nagtatampo siya sa tono ng pananalita niya. Umiling lang ako bilang sagot. Ayan na naman, naiiyak na naman ako. Nitong mga nakaraang linggo nga ay ilag ako sa kaniya, hindi lang naman sa kanya eh, pati kina mom and dad. Nandito pa din kasi 'yung feeling na, hindi nila ako tunay na pamilya. Naiisip ko na nga na sampid lang ako eh.

"Nao? Why are you crying? Ano ba talaga ang problema? You can tell me, I will listen." mahinahong wika niya. Sasabihin ko na ba?

"Nao?" tawag niya ulit. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Alam ko na." wika ko. Pinilit kong huwag ulit tumulo ang luha ko.

"Alam ang alin?" naguguluhang tanong niya.

"Na....na ampon lang ako." pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay hindi ko na naman napigilan ang luha ko. Napansin kong medyo nagulat siya sa sinabi ko. Magsasalita sana siya pero hindi niya itinuloy. Nanahimik lang siya. Ilang minuto siguro kaming tahimik bago siya nagsalita.

"Paano? Kailan?"

"Sa hospital noong naconfine sina tito Hide. Narinig ko sa mag-asawang kaibigan nina mom." paliwanag ko. Tumahan na din ako sa pag-iyak.

"Are you mad?" nag-aalalang tanong niya

"Wala akong karapatang magalit sa inyo. Masakit lang sa akin kasi all this time, hindi ko alam. Hindi niyo man lang sinabi sa akin."

"Binalak na namin sabihin sa'yo noon. Pero natakot si mommy na baka kapag sinabi namin sa'yo ay iwan mo kami at hanapin mo ang tunay mong mga magulang."

"Paano ako napunta sa inyo?"

"Dalawa or tatlong taon ka pa lang siguro ng mga panahong iyon. May kaibigan sina mom na naaksidente noon at naparalisa ang katawan. Siya ang nag-aruga sa iyo noon. Pero dahil hinang-hina na siya ay ibinilin ka niya sa mga magulang natin. Hindi na din naman daw magtatagal ang buhay niya."

"So patay na pala ang tunay kong magulang?"

"Hindi. Hindi namin alam. Hindi siya ang tunay mong ina. Apat na buwan pa lamang mula ng makita ka niya nang mangyari ang aksidente. Natagpuan ka daw niya noon sa gilid ng ilog. Inireport niya sa pulisya ang tungkol sa iyo, pero dahil sa wala pang naghahanap sa iyo noon ay siya muna ang nag-alaga sa iyo. Ibinilin ka niya kina mom dahil wala naman siyang ibang kaanak dito. Nag-iisa na lang kasi siya."

"Hinahanap kaya nila ako? Iyon ay kung buhay pa sila. Hindi kaya naaksidente din kami? Malas yata ako, nang mapunta ako sa babaeng tinutukoy mo ay naaksidente pa siya. Baka.. baka may mangyari din sa inyong --"

Second SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon