Chapter 5

1.8K 75 0
                                    

AYA'S POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung sino yung lalaking nakita kong kasama ko sa park pati na din kung sino ang lalaking narinig ko sa isip ko na sinabing mag-ingat ako lagi. Hah! Nakakastress na mag-isip. Kung pwede lang na huwag ko na isipin kaso naiisip ko pa din.

"Ohayou!!", bati ni Naomi pagpasok niya sa bahay. Nasa sala na ako naghihintay sa kanya.

"Too bad tapos na kaming kumain." bungad ko sa kanya habang inaayos ko ang bag ko

"Ok lang, kumain naman na ako eh hehe,busog." sagot ni Naomi habang hinihimas-himas ang tiyan.

"Dad, we're going", paalam ko kay dad.

"Ok, take care you two."sagot ni dad sa akin.

"Aya ako magda-drive, hehe", baling ni Naomi sa akin ng makarating kami sa tapat ng kotse.

"Ako na, napanaginipan ko kagabi na ikaw yung nagdrive ng kotse tapos nakita ka ng mommy mo. Parehas tayong nalagot." Sagot ko sa kanya saka ako sumakay ng kotse.

"Ay ganun? Sige ikaw na hehe, nagbabakasakali lang naman." sagot niya sa akin.

Habang nasa biyahe kami ay napag usapan namin ang nangyari kahapon.

"Aya, sa tingin mo? Ano yung kahapon? Yung feeling talaga nung narinig ko yun , parang nasa loob ng utak ko yung boses, weird." nagtatakang sabi ni Naomi habang nakahawak sa baba niya.

"Saka, yung sinasabi niyang ingatan ko ? Feeling ko ikaw yun. Ikaw lang naman kasama ko eh?" dagdag niya pa.

"Telepathy, I think. Pero hindi ko alam kung sino yun. At yung sinabi mong sa tingin mong ako yung sinasabi niyang ingatan mo? I think you're right. May narinig din ako, ang sabi niya mag –iingat daw ako lagi." sagot ko sa kanya habang nasa daan ang tingin.

"Hmmm..telepathy. I think that's cool. Gusto kong malaman kung sino yun." ani Naomi.

"Kyaaaa!!!!", biglang sigaw ni Naomi habang nakataas pa ang mga kamay!

"What?!", gulat na tanong ko sa kanya at bigla kong naihinto ang kotse. Mabuti na lang at nasa gilid kami.

"Baka secret admirer mo yun Aya! Kyaaa!! Kinikilig ako." Sagot niya sa akin na halatang kinikilig. Ang taba talaga ng utak nito pagdating sa mga ganyang bagay.

"Kahit kailan ang landi mo mag-isip." Baling ko sa kanya saka pinaandar ulit ang sasakyan.

"Hehehe.. sorry na beshie. Eh kasi naman eh, ang cool kaya nun. Ikaw, alam naman natin yung ablity mo, tapos kung magkakaboyfriend ka na marunong ng telepathy? Ay ! What a cool couple!", sagot niya sa akin na may kasama pang palakpak. Baliw talaga.

Nang makarating kami sa school ay dederetso na sana kami sa class room ng biglang may magtext sa akin.

From: Jessica
Canteen.
Sent 9:05am

"Tara,canteen daw txt ni Jes", baling ko Naomi.

"Ohh..pumasok na ang bakla, hehe tara. Parang nagugutom na naman tuloy ako.", sagot ni Naomi.

"Lagi ka namang gutom" sagot ko sa kanya.

"Hehe.. maraming alaga sa tyan." ani Naomi.

Nang makarating kami sa canteen ay nakita namin agad si Jes kasama si Marie.

Si Jes ay kaibigan na namin ni Naomi mula pa noong high school, tunay na babae yan. Si Marie naman na Mario ang tunay pangalan ay pinsan ni Jes, na naging kaibigan na din namin ngayong college.

Second SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon