Chapter 10

1.5K 66 7
                                    

AYA'S POV

Nagmamadali kami ni Naomi papuntang parking lot ng makasalubong namin sina Aki at Alex sa lobby.

"Hey! Saan ang punta —" hindi ko na pinansin ang tanong ni Alex at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

"Emergency lang, sige bye!" rinig kong sigaw ni Naomi.

Nasa parking lot na kami ng ihagis ko kay Naomi ang susi ng kotse at nasalo niya naman ito.

"Ikaw magdrive"

Sumakay na agad ako ng kotse at sumunod naman siya.

"Saan ang punta natin.?" tanong niya.

"Sa taytay"

"Taytay? Saan dun?"

"Basta magdrive ka na lang papunta doon. Hindi ko din alam kung saan banda doon. Dalian natin"

Pinaandar na niya ang kotse, nang makalabas kami ng gate ng school ay pinaharurot niya na ito. Hindi naman kami ganun kalayo sa taytay.

"Ano bang nakita mo?" Tanong ni Naomi habang nakatuon ang tingin sa harapan.

"Si Mr. Cruz na tauhan ni dad ay nasa panganib ngayon. May isang lalaking gustong pumatay sa kanya. Kaya kailangan nating umabot."

Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Habang nasa biyahe ay may nakita akong humaharurot na motor. Isang pamilyar na plate number ang nakita ko. Hiro?

"Naomi sundan mo ang motor na yun! Dali!" tinuro ko sa kanya ang motor na nakita ko. Sigurado akong si Hiro yun. Siya pala ang pinapunta ni dad.

Mas naging mabilis ang pagmamaneho ni Naomi dahil mabilis ang motor na hinahabol namin.

Nagfocus ulit ako para makita kung ano ng nangyayari kay Mr. Cruz. Hindi naman ako nabigo. Mabuti na lang at nakokontrol ko na kahit papaano ang abilidad ko.

Nasa tapat ng pinto ng isang kwarto ang lalaking nakajacket. Nakangisi siya, sa tingin ko ay dahil iyon na kasi ang huling kwarto na hindi niya pa napupuntahan, nasa dulo ito.

Binaril niya ang door knob at saka dahan dahan itong binuksan. Biglang may mga bagay na lumipad papunta sa kanya. Pinagbabato siya ng mga bagay na mahawakan ni Mr. Cruz.

"Huwag kang lalapit! Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Mr. Cruz.

Tuloy tuloy pa din sa paglapit ang lalaki na may nakakatakot na ngisi. Huminto siya ilang hakbang bago pa makarating kay Mr. Cruz, itinutok niya dito ang baril.

Damn it! Mukhang hindi kami aabot ni Naomi.

Ipinutok ng lalaki ang baril! Bago pa matumba si Mr. Cruz ay nagawa niya pang ihagis ang picture frame na hawak niya kanina. Tinamaan ang lalaki sa ulo dahilan para mahulog ang cap na suot niya.

Huh?! Ang lalaking ito, siya yung lalaki sa panaginip ko na gustong manakit sa batang babae!

Nawala ako sa konsentrasyon ng biglang magpreno si Naomi.

Second SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon