Chapter 3

2K 75 2
                                    



HARU'S POV

Matapos ng nangyari kanina ay bumalik kami agad sa school kahit na late na kami sa last subject namin. Pinaliwanag lang namin sa prof namin kung ano ang nangyari, mabuti na lang daw at ok lang ako. Buti hindi nagalit si miss.

Mabilis natapos ang klase, nagpaalam na ako kina Kento na mauna ng umuwi. Hindi naman na nangulit si Kento dahil naiintindihan naman daw niya at kailangan ko na daw munang magpahinga.

Nang makauwi ako sa amin ay umakyat agad ako sa kwarto. Wala  sina mom and dad dahil nasa business trip sila. Si Kazu naman ay nasa bahay ng classmate niya para sa group project nila.

Pag-pasok ko ng kwarto ay dumeretso ako sa kama. Ahhh,,. Sarap mahiga. Naalala ko ang mga nangyari kanina sa coffee shop.

Flashback

"Oh girls, kayo nang bahala sa documentation ha, kaming boys na ang bahala sa application na gagawin natin." ani Kento sa mga babae naming groupmates.

"Sus, maka-kami naman to eh ako lang naman pagagawin niyo nyan, haha" baling ni Alex kay Kento.

"Bakit mo naman nasabi yan pre? Tutulungan ka namin ni Haru, magaling naman kaming magprogram hindi lang halata. Diba? Diba?" tatawa-tawang sagot ni Kento habang tinatapik tapik ako.

"Oo na, magaling naman kayo pero mas genius ako, hehehe" pagmamayabang ni Alex.

"Wag puro salita, gawin niyo na lang. Talaga 'tong mga boys na to. Buti pa si Haru hindi nagyayabang." ani  Carol, isa sa mga groupmate naming babae. Feeling ko talaga may gusto sakin to eh, anlagkit makatingin eh. Sorry Carol, pero may Aya na sa puso ko. Nginitian ko lang siya bilang tugon sa sinabi niya.

"Asus, mayabang din yan si Haru, bait baitan lang yan pag may mga girls." nakangusong sabi ni Kento.

"Oi! Hindi ako mayabang pre, saka hindi ako bait-baitan, mabait talaga ako" sagot ko kay Kento sabay ngiti ng malawak.

"Ewan ko sayo pre, oh sya tuloy ang meeting." ani Kento.Sus, kunwari seryoso, kaltukan ko kaya to?

Napansin kong nagriring ang phone ko, tumatawag si Kazu. Kaya kinuha ko ang earphone ko at sinaksak sa phone ko bago ko sagutin ang tawag. Mas malinaw kasi sa pandinig kapag naka-earphone sa pagsagot ng tawag.

"Oh Kazu, what's the matter? What? Wait. I'll go outside, mahina signal dito sa coffee shop" sagot ko kay Kazu.

"Guys excuse lang ha. Si Kazu."  paalam ko sa mga groupmate ko habang tinuturo ang phone ko.

Pagkalabas ko ng coffee shop, chineck ko kung ok na ba ang signal. Unfortunately hindi niya pa din ako maintindihan kaya naghanap ako ng pwesto kung saan malakas ang signal hanggang sa makarating ako sa tabing kalsada.

"Hello, Kazu, ayan ok na ba? Can you hear me clearly now?" tanong ko kay Kazu.

"Ok na nii-san, I can hear you clearly." Sagot niya.

"Ok, so bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

"Tumawag si mom, may business trip daw sila ngayon ni dad. Hindi ka daw niya macontact kaya ako na lang ang tinawagan niya. Three days daw silang nasa trip." ani Kazu.

"Ah ganun ba? So tayong dalawa lang pala sa bahay." bukod sa maids syempre,sagot ko sa kanya. Argh! Ba't ba ang init sa mundong ibabaw? Tagaktak na pawis ko.

Second SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon