Saving the Fallen Constellati...

By red_miyaka

6K 171 162

Maxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she'... More

Disclaimer
Constellation
Panimula
Una.
Pangalawa.
Pangatlo.
Pang-apat.
Panlima.
Pang-anim.
Pang-pito.
Pang-walo.
Pang-siyam.
Pang-sampu.
Pang labing-isa.
Pang-labindalawa.
Pang labing-tatlo.
Pang labing-apat.
Pang labing-lima.
Pang labing-anim.
Pang labing-pito.
Pang labing-walo.
Pang labing-siyam.
Pang-dalawampu.
Pang dalawampu't-isa.
Pang dalawampu't-tatlo
Pang dalawampu't-apat
Pang dalawampu't-lima
Pang dalawampu't-anim
Pang dalawampu't-pito
Pang dalawampu't-walo
Pang dalawampu't-siyam
Pang-tatlumpu
Panghuli.
Playlist

Pang dalawampu't-dalawa.

84 4 0
By red_miyaka

Ika dalawampu't-dalawang Kabanata


YOLO






Tinaasan ko ng kilay si Off at hinampas ang braso niya. Medyo nailang ako sa titig niya at tanging ang pagkilos ko lamang ng malikot ang maipapakita ko para hindi niya mapaghalataang naiilang ako sa gano'n. Ilang beses na niya akong tinitigan gamit ang mapungay niyang mga mata at isa lang ang epekto nito sa akin; para akong nalulunod doon. Nahuhulog ako roon.

"Korni mo!" Angal ko at tinawanan na lang siya. Napangisi na lang siya at napasuklay sa buhok niya. Patapos na iyong kanta at nakaramdam na rin ako ng pagod dahil sa mga ginagawa kong pagtalon kanina. Para kaming nasa bar dahil sa ginagawa namin, idagdag pa iyong madilim na ilaw at init dito.

Bumagsak ako sa sopa at napapikit muna saglit. Nahilo ako bigla dahil sa ilaw at kaguluhan ng mga kasama ko.

"Uy, okay ka lang?" Tumabi si Off sa akin at napatango na lang ako, hinihilot ang noo ko.

"Hilo lang, normal lang 'to sa'kin." Ngumiti ako at dumilat. Ang bilugan niyang mga mata ang agad na bumungad sa akin. Nakatingin lang siya ng seryoso at deretso sa'kin at naka-akbay bilang suporta. Nakikita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya kaya napa-ayos ako ng upo dahil mukha akong nanghihina o kung ano. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa kalagayan ko. Bakit ba ang hina-hina ko?

Naramdaman ko ang paglubog ng sopa sa kaliwa ko kaya napalingon ako roon. Umupo si Jana sa tabi ko at sumunod naman doon sina Bianca, ang mga lalaki naman ay naupo na sa sahig. Si Eliott ay hawak na ulit ang isang mic at ang song book.

"Landi mo, On." Sabat ni Jana kaya sinamaan siya ng tingin ni Off na nasa tabi ko pa. Siksik nga lang siya roon sa dulo dahil lahat kaming babae ay nakaupo na rito. Naka-akbay pa rin siya sa'kin at bahagya akong nakasiksik sa kanya.

"Gagang 'to." Sabi ko at inayos ang pwesto ko paharap kay Jana. Tinapik ko ang braso ni Off na naka-akbay sa'kin at agad niya inalis iyon, umupo na rin siya sa lapag. Sumandal naman ako sa pader malapit sa pintuan at tinaas ang legs ko, niyayakap ito.

"Ano, ok ka lang?" Tanong ni Jana. Ngumiti naman ako.

"Ako pa ba?"

"Ewan ko sa'yo." Natawa siya kaya napailing na lang ako. Medyo hilo pa rin ako dahil sa ilaw pero kaya ko pa naman.

--_

Marami-rami pa ang mga kinanta namin pero puro duet na iyon. Nang maubusan ang laman ng card ay nagkayayaan na kaming umalis doon sa timezone at umuwi na, 5:00 na rin kasi. May curfew pa rin naman ang iba sa'min (tulad ko) kahit na malalaki na kami.

Napahikab ako pagpasok namin sa mrt, nakahawak sa poste roon. Inaantok na ako at gusto ko na lang matulog dito. May gigising naman siguro sa'kin, 'no?

Sumandal ako sa posteng hinahawakan ko at pinikit ko ang mga mata ko. May punwesto sa likod ko at nakihawak sa poste kung nasaan ako. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil ganito naman talaga sa mrt, lalo na't naabutan pa kami ng rush hour. Yakap-yakap ko naman iyong backpack ko at kaharap ko namang naka-upo si Jana, hindi naman siguro ako mananakawan o kung ano pa.

"Zil," Tawag ng isang malalim na boses sa'kin. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon kaya hindi na ako nag-abalang dumilat pa.

"Hmm?"

"Sandal ka na lang sa'kin." Ani Off at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa poste. Hindi na lang ako umangal dahil talagang wala na akong lakas pa. Sumandal ako sa braso niyang nakahawak pa rin doon at hindi na tinanggal ang kamay ko roon. Dadami pa ang mga tao mamaya at baka nga ma-paano pa ako kapag hindi ko siya sinunod, baka mauntog o mahulog o kung ano pa ang mangyari sa'kin. Buti na lang nandito siya. Lagi siyang nandito.

--_

"Ingat!" Kumaway kami ni Bianca, Max, Eliott, Leila, Mateo, Off at Amarie kina Jana na iba ang daan papauwi sa amin. Sa kabila ang daan nila samantalang kaming apat ay dito.

Magkatabi kaming dalawa ni Bianca na naglalakad habang si Maxine at Leila, Amarie at Eliott naman ang magkatabi. Si Off ay nasa likuran lang namin, sumisipol at ang kamay ay nasa magkabilang bulsa, tulad ng palagi niyang ginagawa.

"Musta kayo ni Germain?" Tanong ko kay Bianca habang pababa ng hagdan.

Bahagya siyang ngumiti sa'kin kaya sinindot ko ang bewang niya. Parang kailan lang ay nasasaktan siya dahil ginawa siyang rebound nito noong grade 9, pero ngayon ay masaya na siya dahil nililigawan na siya nito. Ang saya ko para sa kanya.

"Ayun, nanliligaw pa rin siya." Sabi niya kaya natawa kami pareho.

"Kailan mo sasagutin?"

"Pagkagraduate sana ng college, kung nandiyan pa siya." Nagkibit-balikat siya pagkaabot namin sa baba.

"Sana nga naman, 'no? Pero YOLO, ha." Sabi ko sa kanya. Kumunot naman noo niya.

"YOLO?"

"You only live once. Kung ako sa'yo, sagutin mo na siya hangga't maaga pa, hindi natin alam kung anong mangyayari sa kinabukasan." Tumigil ako sa pagsasalita para matignan siya ng mabuti. "Pero syempre, choice mo naman. Tiwala naman ako kay Germain kahit sinaktan ka niya noon." Humalakhak ako. Napa-iling na lamang siya.

Nandito na kami sa hintayan at sakayan ng jeep, nauna na si Eliott sumakay pagbaba namin ng hagdan at tricycle naman ang sinakyan ni Leila. Si Maxine ay nakasakay na rin agad, iba kasi ang sinasakyan niya dahil mas malapit siya roon sa binabaan no'n kaysa sa amin ni Bianca.

Nilingon ko si Off na pasipol-sipol pa rin at nakatingin lang kung saan nanggaling ang mga jeep. Ang alam ko'y mahirap makakuha ng jeep papunta sa kanila dahil bukod sa malayo ang bahay niya, siksikan pa palagi sa jeep doon.

Nagpara si Bianca ng jeep para sa'min at tumakbo papunta roon. Sumigaw siya ng ingat kay Off at tinapik ang balikat nito kaya sumunod ako sa kanya, hindi nga lang ako nakapag-paalam sa kanya.

Dinungaw ko agad ang bintana pagsakay namin at mabuti na lang na hindi pa umaandar ang jeep. "Salamat, Off! Ingat!" Sigaw ko habang nakadungaw dito. Napangiti naman siya sa'kin at bumulong ng ingat habang kumakaway.

Umayos ako ng upo at kumuha ng barya pambayad ng pamasahe sa wallet ko. Nilahad ko ang kamay ko kay Bianca para kunin ang bayad niya. Ganito kami palagi pauwi, sabay palagi pati ang pagbayad namin.

"Cute niyo ni On." Asar ni Bianca sa'kin. Inirapan ko na lang siya.

"Ako lang ang cute." Sabi ko kaya natawa siya.

"Pero seryoso, bagay kayo. Ang sweet niyong dalawa. Cute niyo magkasama, parang kumportableng-kumportable kayo sa isa't-isa." Dere-deretso niyang sabi kaya napailing ako. "Ayaw mo bang subukan buksan ang puso mo para sa kanya?" Tanong niya. Doon na ako napalingon sa kanya. "Sabi mo nga 'diba, YOLO. Hindi naman pwedeng buong buhay mo magdudusa ka kay Mikael. Pasayahin mo naman ang sarili mo, Zil." Seryosong sabi niya kaya napangiti ako.

"Masaya naman na ako sa inyo, Bianca. Hindi--" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko na sa malapit ang bahay ko. Pinara ko ang jeep at tumigil naman ito sa tapat mismo ng bahay namin.

"Bye, ingat." Sabi ko kay Bianca. Ganoon na rin ang sinagot niya bago ako bumaba ng jeep.

Pumasok ako ng gate namin at inilabas ang cellphone ko. Sa compound kami nakatira kaya may gate na malaki bago makaabot sa bahay mismo. Humarap ako sa apartment na tinitirhan namin noon pero agad ding tumalikod dito. Dito na pala kami nakatira sa kabila. Lumipat kasi kami nang magsimula ang taong ito at noong malaman namin na bakante na rito, kinuha na agad nina mama.

Kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan ni Carrie na nakasimangot pa. Si Miya naman ay naglalaro lang doon sa sofa table namin. Nilapitan ko siya at nagpakiss ako sa kanya. Parang kailan lang ang liit pa nito, ngayon limang taong gulang na siya.

Pagtapos ko roon sa baba ay agad akong umakyat sa kwarto para magpalit ng damit. Humiga muna ako sa kama nang matapos sa pagbihis at tumingala sa dingding. Naisip ko iyong sinabi ni Bianca kanina. Binalik niya sa'kin ang payo ko sa kanya.

YOLO. You only live once, make the best out of it. Sabi ko sa utak ko. Totoo naman kasi iyon, matagal ko na iyong pinaniniwalaan. Iyon nga ang dahilan kung bakit ko sinagot si Kael, eh. Hindi ko naman iyon pinagsisihan.

Kael na naman. Kael na lang lagi. Sabi ng isip ko. Kumunot naman ang noo ko at agad kong kinontra iyon. Kael naman talaga. Kael palagi. Hindi pa ako handang buksan ang puso ko kahit kanino. Pakiramdam ko ay nakakabit na iyon kay Kael, parang naisama na sa hukay niya. Palagi na lang Kael, oo, pero anong magagawa ko? Masisisi ko ba ang sarili ko sa pagmahal ng todo at totoo?

Umupo ako at inabot ang papel at ballpen na nasa drawer ko. Wala na naman akong garapon kaya iyong mga letra ko ay naroon lang sa pangalawang drawer nitong side-table ko. Maghahanap na lang siguro ako mamaya, baka mayroon ng ubos na palaman doon.

Dear Kael,

Kamusta na? Sorry, wala akong matanong. Ito na siguro 'yung pinakamahabang letrang isusulat ko para sa'yo dahil puros tungkol lang sa araw ko ang mga nakaraan kong sulat. Wala naman masyadong nangyayari sa buhay ko kaya kaunti lamang ang naisusulat ko roon. Ngayon, may sasabihin akong importante. Pasensya na kung gagawin ko ito, pakiramdam ko tuloy pinagtataksilan kita o kung ano. Alam mo naman sigurong mahal na mahal kita ano? Hanggang sa dulo ng walang hanggan, mamahalin kita. Kahit sino pa ang lalaking dumating, alam kong may puwang ka rito sa puso ko. Masyado pa tayong bata nang magmahalan, oo, alam ko iyon. Pero sino bang makapipigil sa atin? Hindi naman natin napreprediktahan kung kailan tayo magmamahal at kung sino ang mamahalin natin. Hindi ito 'infatuation' dahil kung ganoon, bakit hindi kita mabitawan? Isang taon mahigit na ang makalipas simula noong malaman ko ang sakit mo at ang nangyari sa'yo. Kung hindi kita minahal, malamang sa malamang ay wala na sa akin ang nangyari sa iyo. Hindi ko alam kung bakit napadpad ako sa usaping ganoon ngayon, siguro para ipagtanggol ang sarili ko sa mga nagsasabing hindi talaga tayo nagmahalan. Alam ko namang hindi nila ito mababasa, para makasigurado lang. Baka kasi may kumuha ng mga garapong ilalagay ko sa susunod na tao diyan sa puntod mo at basahin pa ang lahat ng ito.

Balik tayo sa gagawin ko. Kael, hindi ko na yata kaya. Hindi ko na yatang kaya magdusa araw-araw nang dahil sa'yo, nang dahil sa umaasa akong babalik ka isang araw at sasabihing biro lamang ang pagkawala mo. 'Wag ka mag-alala, mahal pa rin naman kita. Susulatan pa rin kita ng mga letra araw-araw at hindi ako magsasawa roon, tulad nga ng sinabi ko. Isa rin sa mga dahilan na gagawin ko ito ay ang pakiramdam ko na pinagtataksilan kita sa ginagawa ko na hindi ko alam kung ano. Pakiramdam ko nagtataksil ako dahil nagiging kumportable at sweet (ayoko man aminin) kami ng taong iyon, pinsan mo pa talaga. Minsan gusto ko na lang tamaan ang sarili ko sa ulo, baka matauhan sa ginagawa ko. Sa lahat ng pwede kong makasama palagi, sa lahat ng pwede kong makasamang lalaki kung saan kumportable ako, kung saan alam kong proprotektahan niya ako sa kahit ano, bakit pinsan mo pa? Mali, 'diba? Maling-mali. Hindi sa pinipili ko siya, pero kasi kung hindi, anong gagawin ko? Sa maikling panahon, bukod sa mga kaibigan ko, siya ang nakapagparamdam sa'kin kung paano sumaya at paano mamuhay ulit. Ayoko man aminin pero, ikaw ang nakikita ko sa kanya. Ikaw. At nilalamon na ako ng konsensya ko dahil alam kong masama iyon, masakit iyon. Alam kong alam niya na ganoon ang nakikita't nararamdaman ko sa kanya pero hinahayaan niya pa rin ako. Hindi naman ako ganoong tao, hindi naman ako mananakit. Hindi naman ako mapagsamantala.

Kael, pasensya ka na talaga. Mahal kita, sobra. Hindi ko alam kung kaya ko ba ito, pero kakayanin ko. Tama na, ayoko na umasa. Kailangan ko nang tanggapin ito para sa ikabubuti ko rin. Hindi ako mamumuhay ng maayos kung puro ikaw at ikaw na lang ang nasa isip ko at wala nang iba. Kung puro ang naiisip mo sa akin at sa mga ginagawa ko ang iisipin ko sa bawat aksyong ginagawa ko, pakiramdam ko kasi bawat isa ay binabantayan mo. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa iyo. Ayoko na rin manakit ng iba, Kael. Kawawa naman si Off. Ayoko man maging assumera o kung ano pero nararamdaman kong nasasaktan din siya kahit papaano. Alam ko ring nasasaktan at naaawa na ang mga kaibigan ko sa'kin, sa kalagayan ko sa'yo.

Pinapakawalan na kita, Mikael. Handa na akong pakawalan ka at tanggapin ang pagkawala mo. Ok lang naman siguro 'no? Magparamdam ka na lang sa'kin kapag ayaw mo. Joke lang, 'wag ka manakot. Hehe. Kung makasulat ako akala mo naman huling letra ko na ito para sa'yo, pero syempre hindi. May natanto lang talaga ako sa sinabi ni Bianca kanina. Maikli pero makahulugan. Alam mo ba kung anong sabi niya? 'YOLO, hindi naman pwedeng buong buhay mo ay nagdudusa ka kay Mikael.' Natanto ko na hindi lang sa'yo umiikot ang mundo ko at hindi ko dapat hayaan iyon dahil baka ako mismo ang masira. You only live once, make the best out if it. Iyon na ang gagawin ko ngayon, mag-eenjoy ako sa buhay ko at aayusin ko na ang buhay ko. Panatag na ang loob ko sa'yo dahil alam kong namatay kang masaya at ginagawa ang kung anong nagpapasaya sa'yo sa loob ng 16 na taong iyon.

Mahal kita, Kael pero kailangan na kitang pakawalan. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko nang wala ka na. Mahal na mahal kita, Kael.

Nagmamahal,
M.

Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. May mga patak na roon sa papel na sinusulatan ko kaya agad kong hinipan iyon para matuyo. Mamaya ay mapunit pa ito. Napangiti na lang ako sa ginagawa kong kabaliwan. Para tuloy akong ewan, natatawang umiiyak. Nababaliw na naman yata ako.

Tinago ko ang ballpen doon sa drawer at pinatong ko muna sa ibabaw ng side table iyong letra para matuyo. 'Saka ko na iyon irorolyo kapag natuyo na ng todo, iyong hindi na mapupunit.

Magaan ang loob ko habang paalis ng kwarto ko at pababa ng hagdan, hawak ang cellphone ko. Pakiramdam ko may naalis na sobrang bigat sa pagkatao ko. Ganoon nga siguro talaga 'no? Ang sarap pala sa pakiramdam.

Biglang pumatay ang ilaw pagdating ko sa baba kaya kinilabutan ako. "Kael?"

"Ate, brownout!" Sigaw ni Carrie na hindi ko na alam kung nasaan ngayon. Binuksan ko na lang ang flashlight sa cellphone ko. Akala ko naman dinadalaw na ako ni Kael dahil sa ginawa ko sa kanya.



Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
20.5K 445 54
Description: [Saudade] How I long wanted to be yours and for you to be mine. How I long wanted for the time to pass by so we don't have to wait. How...
29.5K 1.4K 51
Frank Matthew Fernandez is a vocalist in a famous band in their school. He's gay. Yes, he's in his last year in highschool when he realized that he's...
29.9K 865 40
GUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only d...